"TEKA. Anong ginagawa natin dito?""This is the perfect place to build up your courage.""What?!" bulalas ni Hardhie na hindi makapaniwala na iyon ang magiging ideya ni Yeonna."As you can see, this place is gravely quiet...""At sinong mag-iingay sa ganitong lugar na lahat ay nakahimlay sa mga nitso nila, ha?""Oh," maiksing sambit ni Yeonna.Kasalukuyan ngang nasa harapan ng isang abandonang pampublikong sementeryo ang magkaibigan. Wala kabuhay-buhay roon na kahit ang mga damong-ligaw ay tila nakikibagay sa lugar."Pero, bro -""Umalis na tayo rito.""No," pagkontra ni Yeonna na hinila sa braso si Hardhie na akto nang aalis."Alam mong ito ang pinakatatakutan ko na lugar!""I know.""Alam mo pala, pero bakit dito mo ako dinala?""Dahil nandito si Amira."Nanlaki ang mga mata niya. "Nakalibing?""Haist!" Hinampas nito ang kaibigan. "Nega talaga ang isip mo!""Anong gagawin niya rito? Mamamasyal?"Sumeryoso si Yeonna. "Isipin mo na lang na nasa dulo ng lugar na ito si Amira na nalilig
NARIRINIG man ni Hardhie ang mga katok sa labas ng pinto ay binalewala niya lang iyon. Wala siya sa mood na mag-entertain ng bisita. Wala nga siya halos lakas upang bumangon sa kanyang higaan."Sino ba ang nambubulabog na iyon? Ang aga-aga!"Nang lumakas ang ingay ay pinili niyang tumagilid at takpan ng unan ang tainga. Pero mas lalo lang iyong nanuot na para bang anumang oras ay may b○mba na sasabog."Haist!" Inis siyang bumangon. "Istorbo!"Hindi na sumilip sa peephole si Hardhie at dere-deretso na niyang binuksan ang pinto. At isang malakas na hampas sa noo ang agad na sumalubong sa kanya."Bakit pinalitan mo nang passcode ang pinto?" asik na tanong ni Yeonna nang nakapameywang."Obviously, ayoko nang istorbo."Sinundan nito ang pagtalikod ni Hardhie matapos maisara ang pinto. "Ano bang nangyari?""It's not something happy.""At least, tell me. Ayaw ring magsalita ni Amira. Kahit si Lola Tasing ay tikom ang bibig.""Then, don't ask me. Ayoko ring magkuwento.""Beshy -" Naputol ang
MABUTI na lamang at may ventilation sa magkabilaang side ng malaking kabinet na pinagtataguan nina Hardhie at Amira kaya nakakahinga pa sila nang maayos.Pareho nga lang silang pinagpapawisan. Hindi dahil sa mainit na atmospera kundi sa pagkakadikit ng kanilang tagiliran sa isa't isa.Maya't maya ring nagkakasulyapan ang dalawa, ngunit agad ding umiiwas nang tingin."Plano niyo na naman ba ito ni Lola?""H-Ha?" Pinakalma ni Hardhie ang sarili. Hindi sila maaaring mabuking dahil baka masira niyon ang kanilang plano. "Anong ibig mong sabihin? Wala nga akong alam na nandito ka pala?""Sana noong nakita mo ako, umiwas ka na?""Bakit ako iiwas?""Dahil iyon naman ang ginagawa mo lagi sa akin, 'di ba?""Hindi kita iniiwasan."Masikip man ang posisyon ay nagawa nitong iharap ang sarili mula sa tagilid na pagkakaupo. At bigla namang naibaliko ni Hardhie ang sarili palayo. "See?""Ano ba kasing gagawin mo?""Bakit? Akala mo ba hahalikan kita?"Napalunok si Hardhie nang mapatitig sa labi ni Ami
"NO way!""Kaya dapat na manalo ka. Dahil alam na alam mo ang magiging buhay mo roon."Kumalma si Amira. "Hindi papayag sina Mama at Papa na mahiwalay ulit ako sa kanila.""Kaya isasama ko rin sila. At alam mong hindi sila makakatanggi, 'di ba?"Muling nanlaki ang mga mata ni Amira. Ilang buwan pa lang mula nang makilala niya ang tunay na pamilya. And base sa obserbasyon niya ay walang isa man sa mga ito ang sumusuway sa bawat utos at salita ng kanyang abuwela. Batas ito sa kanilang bahay."Haist!" bulalas na pagkadismaya ng dalaga. "Lola, sinasamantala mo ang kahinaan namin!""Pagmamahal ang tawag doon. At mahal kita. Gusto kong lagi kayong nakikita."Umismid si Amira."Sige na. Magtago ka na.""Akala ko ba gusto mo akong laging nakikita? Bakit pinapatago mo ako?""Bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Sige na!"Nakaingos na tumalikod ang dalaga at tinahak ang paakyat sa second floor ng tinutuluyan nilang bahay. "Lola -""Ssshhhh," maagap na saway ni Lola Tasing sa paglapit ni Hardhie
"ANO bang pinagbubulungan ninyo riyan?"Mabilis na naghiwalay sina Hardhie at Lola Tasing nang dumating si Amira na may tangan na tray ng apat na tasa ng kape. Kasunod nito si Kenji na may dala namang cake.Katatapos lang nilang maghapunan. At kasalukuyan silang nasa veranda upang hintayin ang paglubog ng araw. Tatlong oras pa iyon. Pero may iba kasing plano ang matanda."Wala," tugon ni Lola Tasing. "Ganito lang talaga kami ka-close."Inirapan ni Amira si Hardhie nang magtama ang kanilang mga mata. Inilapag nito ang tray at saka naupo sa kabilang bakanteng silya, tinabihan naman ito ni Kenji."How do you find this place, Lola? Maganda ba ritong pagdausan ng kasalan?"Nabaling ang tingin ng lahat kay Kenji. "Sinong ikakasal?" tanong ng matanda."Well, may plano rin naman po akong bumuo ng pamilya. At gusto kong sa lugar na ito gaganapin ang magiging sumpaan namin ng future wife ko."Nakita ni Hardhie ang pagtingin at pagngiti ni Kenji kay Amira. "Lola...""Hmm?""Ayoko ng beach weddin
"SA tingin ko, marunong talaga siyang lumangoy..."Mula sa maya't mayang pagsulyap kay Amira na nakaupo sa kanyang tabi sa pampang ay natuon ang tingin niya sa unahan. Abala si Kenji sa pagtuturo kay Lola Tasing sa paglangoy."Bakit mo naman nasabi 'yon?""Para kasing may nakita akong mga old photos niya sa isang swimming class."Napatikhim si Hardhie. "Uhm, baka naman hindi siya iyon.""Pero bakit kay Kenji siya nagpapaturo?" Binalingan nito ang binata, "Hindi sa iyo?"Mabilis siyang umiwas ng tingin nang magsalubong ang kanilang mga mata. "Hindi kasi ako marunong.""Hindi ka marunong lumangoy?""Tabo lang ang gamit ko at hanggang pampang lang ako."".Sure ka sa sagot mo?"Ibinalik niya ang tingin kay Amira. "Ha?""Paano kung malunod ako? Hindi mo pala ako masasagip.""Kaya huwag kang lalangoy sa malayo at malalim."Tumayo si Amira nang nakaguhit sa labi ang pilyang ngiti.At naalarma si Hardhie. "Saan ka pupunta?" "Lalangoy ako sa malayo at malalim.""Hey!" Napatayo siya nang tumak