DAY 26"ALAM niyo na ba ang tsismis?"Palabas na sana si Yeonna sa cubicle ng women's room nang bumukas ang pinto na sinundan ng mga papasok na yabag."Ano?""Kumpirmado.""Ang alin?""Hindi talaga bakla si CEO Khal."Pigil ni Yeonna ang pagtawa."Mabuti naman. Sayang din ang magiging lahi niya.""Mas nakakapanghinayang kung ang katulad ni Miss Jacquin ang hindi niya makakatuluyan.""Oo nga. Mas bagay sila kaysa kay Yeonna.""She's rich, famous, and elegant in many ways." Paarteng inulit ni Yeonna sa sarili ang narinig na kumento. Kilala niya ang tinig nito. Isa itong staff ng HR Department na minsan na siyang natarayan noong bago pa lang siya sa trabaho. Napagtanungan niya ito nang hinahanap niya ang CR."Gosh! Ano naman kaya ang nagustuhan sa kanya ni CEO Khal? She's too naive!"Napakuyom ng kamao si Yeonna sa idinagdag pang panlalait sa kanya ni Jozelle."Hindi kaya ginamitan siya ng gayuma? Imposible kasing magkagusto siya sa babaing iyon na walang karakter ng pagiging isang drea
DAY 28“KAPITAN!"Tinanguan lang ni Yeonna ang pagbati ng mga kaibigan."Hindi ka namin halos nakilala. Akala namin ay may naligaw ritong artista. Puwedeng magpa-autogrqph?”Binatukan muna niya ang nang-aasar na si Macoy bago siya naupo sa inireserbang upuan ng mga kasamahan.Tinawagan niya ang mga kaibigan para damayan siya na kahit panandalian ay makalimutan niya ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan na halos hindi siya nilulubayan mula paggising hanggang sa pagtulog. "Gusto ko lang uminom kasama kayo."“Anong okasyon?” tanong ni Dante nang pasadahan ng tingin ang dalaga mula sa bagong hair style, seksing kasuotan at 5’ inches na pulang stiletto. "May dinaluhan ka bang party?""Para namang hindi niyo siya kilala," wika ni Melan. "Hindi siya ang taong mahilig sa mga party-party."“Mukhang may pinuntahan na patay,” panunudyo ni Aldrich kahit taliwas sa sinabi nito ang kasuotan ng dalaga na elegante at makulay.Deretsong tinungga ni Yeonna ang alak mula sa isa sa mga boteng nasa
"ALAM mo ba na tuwing nakikita kita at nakadikit ka sa akin nang ganito, laging abnormal na lang ang tibok ng puso ko?"Bumaba naman ang tingin ni Khal. Wala na nga kahit munting espasyo sa pagitan nilang dalawa.He can feel the softness of her pressing against him. At hindi niya maikakaila na may hatid iyong init sa kanyang katawan."Do you want me to stay away from you?"Umiling si Yeonna, "No. Huwag mong gagawin iyan. Dahil aalisan mo ako ng kaligayahan. Just stay close to me.""Really close?" Hinapit niya si Yeonna sa beywang at lalong idiniin sa kanya ang pagkakadikit nito, "Like this?"Sandaling nagkatitigan ang dalawa. Hindi lamang ang mata nila ang nangungusap kundi maging ang kanilang mga puso na tumitibok sa parehong ritmo."Kiss me, My Prince."Maagap na naitulak ng hintuturong daliri ni Khal ang noo ni Yeonna nang tumulis ang nguso nito. "Not that fast, lady. I'm not the person who will take advantage of the situation.""I am commanding you, My Prince..." Pinatigas pa nito
DAY 30 BINALEWALA na lang ni Khal ang narinig na malakas na sigaw dahil nakasanayan na niya iyon tuwing nagigising si Yeonna mula sa kalasingan. "Manyakis! Manyakis!" Naiiling ang binata habang abala sa harap ng kalan. "After love confession, she'll accuse and curse me. Hindi ba ako ang dapat na magalit? Tsk! That woman!" Maaga siyang gumising hindi dahil sa pagluluto ng almusal. Hindi siya halos nakatulog dahil sa disappointment. He was upset. Dahil kung kailan handa na siyang humalik ay saka siya binitin. He even had a nightmare nang dilat ang mga mata because he's expecting an intimate romance after a passionate kiss. Ganoon ang mga napapanood niya sa mga teleserye at pelikula. "Darn! Should I stop watching romantic dramas? Jeez! Paasa sila na puwedeng mangyari iyon sa totoong buhay," sabay iling ni Khal. "Manyakis!" Hindi man lang nag-angat ng tingin ang binata nang lumabas ng silid si Yeonna na umuusok sa galit habang nakabalot ng kumot ang kahubaran ng katawan. "Anong gi
"MA'AM, okay ka lang po ba?"Napapitlag si Yeonna mula sa sandaling pagkatulala dahil sa presensiya ng isang babae na ngayon lang niya nakita mula nang okupahin niya ang penthouse."Hindi po yata maganda ang gising niyo."Marahan namang naiangat ni Yeonna ang kamay at sinapo ang mukha. Hindi na siya nakapagsalamin o nakahilamos man lang bago lumabas ng silid. Marami na kasing naglilipana sa isip niya tungkol sa nagdaang magdamag."Si Manang Hilda nga pala," pagpakilala ni Khal sa ginang. "Housekeeper siya rito. At halos isang buwan siyang nasa bakasyon kaya baka nagtataka ka. Every Thursday and Saturday ang trabaho niya. So, don't be surprised if you'll be seeing her often."Nagpalitan lang ng ngiti ang dalawang babae."Si Yeonna," pakilala naman ni Khal sa dalaga. "Girlfriend ko. And don't think anything malicious between us. We're both liberated," paliwanag nito sa ginang."Walang problema po, sir. Naiintindihan ko.""Thanks."Bumaling ang ginang kay Yeonna na tila istatwa pa rin sa
MULA pa lamang kanina sa penthouse hanggang makarating ng Golden Royals ay palaisipan na kay Yeonna ang sinabi ni Khal sa kanya.Hindi na niya inulit ang pagtatanong ulit dahil binibitin din naman nito ang sagot.Gusto niyang kabahan. Pero mas nananaig sa kanya ang hangaring malaman agad ang katotohanan."We're not in a hurry..."Bumagal naman ang paghakbang ni Yeonna na bahagyang napahiya. Naramdaman yata ni Khal ang paghila niya mula sa pagkakaangkla niya sa braso nito."You seem excited. Hayaan muna natin silang maghintay. We are the star of the day."Pumasok na ang dalawa sa nagbukas na elevator. Napansin nila ang tinginan ng ilang empleyado nang magsara ang pinto niyon."Mukhang excited din sila sa kalalabasan ng resulta ng paghaharap-harap natin.""Correction. Hindi ako excited. Gusto ko lang matapos agad ang araw na ito.""Are you still upset dahil hindi ka nakahalik sa akin kagabi?"Mahinang hampas ang pinakawalan ni Yeonna sa nanunuksong binata. "Huwag mo ngang binabanggit sa
NAPATINGIN muna si Khal sa kamay na pumigil sa braso nito bago binalingan si Yeonna.Sandaling nagkatitigan ang dalawa at nangusap ang kanilang mga mata. At naintindihan na nila ang sitwasyon na kailangan nilang kontrolin upang hindi iyon pumanig sa mga kalaban.“Huwag mong ipantay ang sarili mo sa isang mamamatay-tao.”“Hey!” tawag-pansin ni Felix sa dalaga na sinabayan din nito ng hampas sa ibabaw ng mesa. “Don’t you dare speak like that ever again to my son! Alam na alam mo na puwede kitang sampahan ng kaso.”“Oh. I almost forgot, Mr. Cardoval.” She gave him a disgusting frown, “Magaling ka nga pala sa pagpapaikot ng batas at pakikipaglaro sa hustisya. You once did that to my sister.”“Stop accusing us dahil hindi talaga ako magdadalawang-isip na kasuhan ka.”Binalewala ni Yeonna ang narinig na pagbabanta mula sa ginoo. “Palaisipan tuloy sa akin kung ano ba ang espesyal niyong relasyon ni Anthony para takpan mo ang mga ginagawa niyang kasalanan aside sa pagiging huwarang ama sa ana
"KHAL is mine!""I'm not yours."Napatingin si Jacquin kay Khal na may diin pa sa tono ng pagsasalita nito."I belong only to the woman na balak kong dalhin sa harap ng altar. And it's her," tukoy ng binata kay Yeonna."Khal, please. Stop this act. Bistado na kayo. Why keep pushing yourself? You're just embarrassing your family nang dahil sa babaing iyan!"Tinaasan lang ng kilay ni Yeonna ang muling pagduro sa kanya ni Jacquin."Ano pa bang pruweba ang kailangan mo o ninyo para matanggap ninyo ang totoo tungkol sa relasyon namin? Wait. We are not even obliged to prove it. So, why I am explaining?""Khal -"Mabilis na binawi ng binata ang kamay na hinawakan ni Jacquin. "Selosa ang girlfriend ko. So, refrain from touching me.""Ginayuma ka ba niya?"Natawa si Yeonna. "What?""Kilala ko si Khal. Hindi siya ang klase ng taong magiging sunud-sunuran sa isang babae. May ginawa ka sa kanya. I knew it. Lahat gagawin mo para maangkin siya at gamitin sa paghihiganti mo."Nakangising tumayo si Y
"KANINA pa kita hinahanap at tinatawagan."Sinulyapan lang ni Amira si Hardhie. Saka niya tinungga ang alak sa hawak na kopita. They're in her favourite bar. Maaga pa, pero gusto niya na lunurin ang sarili sa pag-inom. She wanted to be drunk 'til she forgot about the pain she's into. No. It is not simply just pain. She is scared. Frightened. Ayaw niyang mawala sa kanya ang kapatid, katulad ni Yeonna ay hindi rin siya mabubuhay na wala ito."Bakit umiinom ka na naman?""Sorry if I broke our agreement." Itinaas niya ang bote ng alak. "But this helps me.""Hindi ka niyan matutulungan!""Oh, c'mon!" asik ni Amira nang hablutin ni Hardhie ang bote ng alak. "I need it.""Wala rito ang solusyon sa mga problema natin.""Alam ko. Pero gusto ko lang naman na kahit ilang saglit ay makalimutan ko ang lahat nang nagpapahirap sa akin.""At pagkatapos mong mahimasmasan sa kalasingan, ano na? Balik ulit sa dati?""At least I didn't feel the pain for a while," sabay hablot niya sa bote at deretso nang
"DAPA!"Narinig ni Khal ang malakas na sigaw na iyon ni Chief Bragaise, pero mas inuna nitong protektahan ang asawa."Noooo!" Nanlaki ang mga mata niya matapos pakawalan ang malakas ding sigaw nang bigla na lamang iharang ni Khal ang katawan sa kanyang harapan, "No! No!""I protected you this time.""I'm your bodyguard," sigaw ni Yeonna sa sinabing iyon ni Khal na sinamahan pa nito ng ngiti kahit napaigtad ito sa pagtama ng mga bala sa likuran nito. "Trabaho ko iyon!""No. You're my wife. And you will always be."Yeonna wished it was just a nightmare. But she can feel Khal's warmth touch at her back silently telling her that it will be fine. "I love you..."Hindi na nakasagot pa si Yeonna nang dambahin sila ni Chief Bragaise dahil sa muling pagpunterya ng mga gunman sa direksiyon nila.Nabuwal ang tatlo. Pero pareho nang sugatan ang dalawang lalaki."Khal? Khal!" sigaw na pagtawag ni Yeonna sa nakayakap na asawa. "No. Please, huwag mo akong takutin nang ganito!" Hindi na ito gumagala
"WE will never stop loving you kahit wala na kami sa tabi mo. Be strong, anak. Be brave. But don't ever stain your hands with blood..."Hindi napigilang mapaluha ni Khal sa pagkakarinig muli sa tinig ng ina. He missed her so much. Nadagdagan pa iyon ng pangungulila sa pagkakaalam nang katauhan ng tunay niyang ama."You were too precious to us. Especially to your real father. Melvin. He's so happy to know about you."Lalong naging emosyonal si Khal sa bahaging iyon. Punong-puno siya ng panghihinayang dahil hindi na sila nito nagkakilala.Kung buhay lang sana ang kanyang tunay na ama, he will definitely look forward to their first ever reunion. At siguradong masaya silang tatlo bilang isang buong pamilya."Anak, whatever happened to us, don't let your anger and hatred consume you. Just live a happy and peaceful life. Find a woman to love and look after you. She must be someone like me."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna. And they had that gaze saying na natagpuan na nila ang isa't isa.
"WE are one step ahead to our enemies..."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna na nasa backseat habang nakaupo naman sa front seat si Chief Bragaise. Kasama nito ang isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan na nagmamaneho ng kotse na sinasakyan nila."I just hope that it won't alarm them.""Unless there's a mole," kumento ni Khal."Mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ni Chief," wika ni Yeonna nang sulyapan ng asawa ang driver. "Isa na roon si Bart.""Maaasahan niyo ako."Tinanguan ni Khal ang driver nang magtama ang mata nila sa rearview mirror. "No offence. Sa dami ng mga taong nagtraydor sa akin, mahirap na para sa akin ang magtiwala.""We understand." Ginagap ni Yeonna ang isang kamay ng asawa at marahan iyon na pinisil. "But I can tell you na puwede kang magtiwala sa amin.""Of course, I trust you."Ngumiti si Yeonna. "And I trust them," tukoy niya kina Chief Bragaise at Bart.Tumango-tango lang si Khal."Malapit na tayo," anunsiyo ni Chief Bragaise nang matanaw ang isa sa pinakamataas na
MULING napapikit si Yeonna nang sumalubong sa pagdilat niya ang nakakasilaw na liwanag."You're finally up."Idinilat niya ang isang mata. Nakita niya si Khal sa kanyang tabi na nakatagilid ng higa paharap sa kanya. "Hhmmm," maikli niyang tugon saka bumaling ng tingin sa direksiyon ng mga bintana. Nakahawi na roon ang mga kurtina kaya pumapasok na ang sikat ng araw sa loob. "Ano na bang oras?""Oras na para bumawi ka."Sinulyapan muna ni Yeonna ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas onse na. Saka niya ibinalik ang tingin sa asawa nang inis itong bumangon."Clearly, wala ka na namang maalala."Napasapo siya sa ulo. Ramdam niya ang pananakit niyon. "Anong nangyari? May ginawa ba ko?""Pinaghintay mo lang naman ako.""Pinaghintay? Bakit? Saan?"Itinuro nito ang kama, "Right here.""At nasaan ako?""Right there..."Sinundan naman ng tingin ni Yeonna ang pagturo ni Khal sa direksiyon ng banyo. "Anong ginagawa ko roon?""What do you think?""Uhm, naligo? Alam mong matagal akong ma
DALAWANG beses nang nagpalit ng ice sa bucket si Khal. Pinatay at sinindihan niya na rin ng ilang ulit ang mga scented candles. Inayos ang mga ikinalat niyang petals ng mga red roses sa sahit at kama. Naiinip na siya. Nawawala na ang init ng kanyang katawan na nasasabik na para sa haplos at dantay ng asawa.Muling napasulyap si Khal sa direksiyon ng pinto ng banyo. At saka siya tumingin sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Halos kalahating oras na sa loob si Yeonna. Naririnig naman niya ang lagaslas ng tubig sa dutsa."Women!" wika niya nang naiiling.Alam ni Khal na matagal mag-ayos ng sarili si Yeonna lalo na kapag mayroon silang mahalagang lakad. Ganoon din naman si Amira. Madalas iyong ipaalala sa kanya ng dalawa sa tuwing bagot na bagot na siya sa paghihintay."Haist! What took her so long?" Tumayo siya at saka maingat niyang idinikit ang tainga sa nakasarang pinto. Pinakinggan niya ang komosyon sa loob. "Sweetie?"Walang tugon na narinig si Khal maliban lang
"MY Prince!""Jeez!" Maagap na nahawakan at nasalo ni Khal ang paika-ikang asawa na muntik nang mawalan ng balanse. "Alam na alam mo ang bahay ko kahit lasing ka."Yumakap si Yeonna kay Khal. "Of course. My heart says that my prince is just right here." Nakangiti itong tumingala. "Honey, did I keep you waiting? But, don't worry, sweetie. I'll compensate it with a kiss..."Iniharang niya ang palad sa tumulis na labi ng asawa. "Hindi kita hinintay.""Haist! You're hurting my feelings. Sa susunod, magsinungaling ka naman. Alam mo ba na habang nasa taxi ako, iniisip ko na ang senaryong ito?""About what?"Namilipit ito sa kilig. "About our intimate kiss.""I'm not in the mood to kiss someone or anyone tonight.""Don't lie. For sure, nagpapakipot ka lang."Muli niyang iniharang ang palad sa harap ng tumulis na naman na bibig ng asawa. "I don't lie.""Hindi nga?"Nakita ni Khal na napaisip si Yeonna sa kanyang sinabi. Marahil ay sumagi rito ang ginawa nilang pagpapanggap para sa isang peken
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n