Share

Across the great barrier
Across the great barrier
Author: MaryMae Panes

Prologue

Prologue

"Amber! Bilisan mo aba, kanina pa tayo hinihintay ng Tita Janine mo! Huwag mong kalimutan yung gamit mo ha!" Paalala ni Mama.

Kanina pa ako dito sa kwarto at inaayos ko ang gamit ko sa isang itim na maleta. Luluwas na kasi ako ng maynila at doon magpapatuloy ng pag-aaral. Sabi ni Mama mayroon siyang kaibigan na willing magpaaral saakin, kaya hindi na ako nagdalawang isip at um-oo na sa kaniya.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Mama na inaayos ang kandado ng pintuan. Single Mom si Mama, Simula pagkabata ko mag isa lang niya akong pinalaki. Kaya sinisiguro niya ang seguridad namin palagi. Sabi niya iniwan na daw siya ng mga kapatid niya dahil May sari-sarili na silang pamilya, minsan ko narin siyang tinanong sa tatay ko pero nananahimik lang siya. 

Siguro heavy ang story nila kaya hinahayaan ko nalang, respeto nalang din sa nararamdaman niya. 

Lumabas na kami at may naka abang saamin na black suv, tiningnan ko si Mama dahil sa pagtataka. Hindi naman kami mayaman kaya paano siya nakapag arkila ng suv. mukhang naintindihan naman niya kaya sumagot na siya kaagad.

"Nanggaling 'yan kay Tita Janine mo, pinapasundo tayo" Sabi niya habang naka-ngiti. 

I just nodded, masyadong mabait si Tita Janine. May nag-eexist pa palang ganyan kabait? 

Sumakay na kami sa suv patungo sa maynila, hindi ko mapigilang mamangha sya matataas na building na mayroon ang maynila. Mayroon din namang building sa lugar namin pero hindi ganito katataas. 

On the second thought, wala paring papantay sa ganda ng lugar namin. Nakarating na kami sa malaking village ng hindi ko namamalayan, pumasok ang sasakyan sa isang malaking gate ng mansyon na sya tingin ko ay pagmamay ari ni Tita Janine. 

Pumasok kami sa mansyon at ang mga katulong na ang nagdala ng mga bagahe ko, nakita ko ang isang magandang amerikana na feeling ko ay mga nasa 30's at sa tingin ko sya si Tita Janine. 

"Irene!" Lumapit siya kay Mama at yinakap ito, hindi ko matatanggi na maganda sya. Maputi, makinis ang balat kaya mukha siyang artista! Lumapit siya sakin. 

"Amber?" Lumapit siya saakin at napansin kong namumuo ang luha sa kaniyang mata. "You really look like your dad" 

Napatingin ako kay Mama dahil sa sinabi niya, ni minsan hindi niya inoopen ang topic patungkol sa Papa ko. At ngayon pakiramdam ko makikilala ko na siya. 

Mama laughed dahil sa sinabi ni tita, "ikaw talaga Janine, hayaan na muna natin si Amber magpahinga" tumingin siya sakin at nginitian ako. 

"Of course" Tumingin saakin si Tita at sinenyasan akong sumunod sa kaniya.

Dumiretso kami sa second floor at tumambad saakin ang magandang kwarto. Mukhang kwarto talaga ito ng dalaga, mula sa malaking kama hanggang sa pintura ng kwarto parang ginawa talaga siya para saakin. 

I feel like... home...

Nagpaalam na sila Mama at Tita para makapag pahinga na ako dahil pasukan na agad bukas. Grabe.. Nakakapagtaka naman, hindi naman kami magkamag anak ni Tita pero kung ituring niya ako, higit pa sa anak niya. Speaking of anak, May anak kaya si tita? Kung mayroon man, napakasuwerte niya.

Nag shower lang ako saglit at humiga sa malaking kama. Magsisimula na ang buhay ko bukas, hindi ko alam kung saan 'to patungo pero sana maging mabuti ang lahat. 

—-

Nagising ako sa tunog ng alarm clock sa tabi ko, dumiretso na ako sa cr para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ko ay bumaba na ako, naabutan ko si Tita na nakaupo. 

"Goodmorning tita" binati ko siya, sinenyasan naman niya akong maupo kaya sumunod ako.

"Amber, This is your first day. I know you're a good student but this school is different from your past schools, I hope you'll do your best." Sabi niya at tiningnan ako ng seryoso. 

Tumango ako, "Yes tita, I'll do my best and I'll make you proud." binigyan ko siya ng ngiti para malaman niyang hindi ako gagawa ng kahit na anong kalokohan. 

"That's my girl" nginitian naman niya ako. 

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako para magbihis. Tiningnan ko ang damit na susuotin ko, This is not a uniform. Ito 'yong mga nakikita ko sa mga pelikula na sinusuot ng mga college students. 

Tita Janine said na walang required na uniform ang mga College students sa papasukan ko, which is good but at the same time, not.

I sighed, hindi ako sanay pero wala akong choice. I'm wearing a simple gray longsleeve partnered with white jeans and black sneakers. Naka-half tuck in ang long sleeve to ass some fashion on it and sinuot ko na agad ang shoes dahil wala akong choice, sabay ko naman sinabit sa balikat ko ang mamahaling bag na may tatak ng sikat na brand. 

Goodness! Mukhang mas mahal pa 'yung mga suot ko kaysa sa buhay ko! 

Bumaba na ako at dumiretso sa sasakyan na maghahatid saamin, kasabay ko si Tita. Medyo mabilis lang ang byahe dahil wala namang traffic sa dinaanan namin. 

"Amber, have fun okay?" Sabi ni Tita habang hawak ang kamay ko. I nodded para sabihin sa kaniyang magiging okay ako. 

Binaba nila ako sa gate ng school at nilapag ko ang id ko sa scanner. Grabe, iba talaga dito. Scan scan pa daming alam. Pagpasok ko, mga sosyaling tao ang bumungad saakin. Buti nalang talaga sinuot ko yung binigay ni Tita kung hindi, mukha akong basura dito. 

I started searching for my classroom, nagtanong ako sa registrar at sinabi niyang 3rd floor sa main building. buti nalang medyo mabait ang mga staff dito, nagpasalamat naman ako bago umalis. Business administration ang course ko and this is my first year in college, I'm looking forward to own a company in the near future. I really like handling a business and I really hope maging maayos ako dito. 

I saw my room dahil may maliit na room number sa taas ng pintuan, siguro mahihirapan ang mga pandak at malalabo ang mata na makita 'yong number. pumasok na ako agad, tahimik akong umupo at nagbukas ng librong binili ni Tita. Nagbabasa lang ako ng biglang nagkagulo ang mga babae sa labas ng classroom. 

'Grabe! Mas lalo siyang gumwapo!'

'True! Last year he's hot but now he's like o my god!'

'Anakan moko papaaaa!'

'I can't breathe like hindi makahinga!'

Lumingon ako saglit dahil alam kong gwapong sikat ang pinag uusapan nila, halos matulala ako nung nakita ko siya. Ang amo ng mukha niya. His hair cut made him look neat and clean, his perfect brows, pointed nose and oh-pinkish lips— He's indeed a god—Wait no! Wala kang pakialam sa boys okay?! 

Naputol ang pag iisip ko ng may tumabi saking babae.

"Hi! I'm Charity, you can call me Cha." She offer her hand at tinanggap ko naman agad. 

She's the first one who approach me here in FAW, So I need to act cool para magkaroon na ako ng kaibigan dito. 

"Amber," I smiled, tingnan ko siya ay doon ko nalaman na sobrang ganda nya mukha siyang artista. grabe hindi yata ako bagay dito! 

"You're new here? You're not familiar eh" she asked me, mabait naman siya baka siya na ang unang friend ko. Balita ko sobrang exclusive din ng University na 'to, mga anak ng businessman or rich families lang ang nakakapasok dito, kung mayroon mang hindi, definetely scholar. Like me.

"Yeah, uh I'm from rizal. I study here for personal reason." She nodded, naintindihan siguro niya. Agad napako ang tingin niya sa lalaking nakatayo malapit saamin. 

"What do you want?" She asked, tiningnan ko din kung sino and sya yung guy na pinagkakaguluhan kanina. Mas gwapo siya sa malapitan—siguro kung kasing karat ko lang ang mga babae kanina, malamang naglaway na ako sa harap niya. 

He raised his eyebrow and seriously look at me, "New student?" he smirked, "Care to introduce yourself?" Pinaglalaruan ako ng lalaking 'to. Gwapo pero mukhang tanga. 

"A-amber.." what the fuck? Bakit ka nauutal? 

"Clyde, she's not going to be your new toy okay? Go away!" Pang aawat ni cha, siguro close sila. Kasi kung hindi baka naglalampusay na si Cha dito dahil sikat yung kausap namin.

He just smirked and winked at me bago siya umalis, baliw amputa. 

"Hey! I'm sorry about that."

"Mukhang tanga." Bulong ko habang matalim parin ang tingin sa lalaking umupo sa pinakalikurang upuan. 

Nakarinig naman ako ng mga demonyong bumubulong sa tabi-tabi...

'How dare you say that to my husband?!'

'Girl chill, hindi ka nga tinitingnan tapos asawa agad?!'

'Shut up!'

Cha laughed at me, "That's new, 'yong mga bagong students namamangha sa itsura niya but you? You just said mukhang tanga." alam kong inaasar niya ako, marunong pala mag tagalog 'to?

"Ano ka ba! Hindi naman ako mahilig sa gwapo, tsaka isa pa hindi ko siya type" pagtatanggi ko, hello! I admit sobrang gwapo niya pero kung ganyan naman kabaliw at mukhang tanga. Nako! 'Wag nalang, mamatay nalang akong virgin! 

"Hindi ka ba curious kung sino siya?" Tiningnan ko siya sa sinabi niya and I immediately raised my eyebrow. 

"Why would I?" I asked her innocently.

"Well, he's popular and walang kumakalaban. You know, baka lang curious ka" naputol naman ang pag uusap namin ng biglang dumating ang Professor. 

Who the hell is he? 

Natapos ang first subject at hindi naman siya nag lesson, nagbigay lang ng dapat basahin. Well, dapat na akong masanay, I'm now studying at the University. Gan'yan na ang mga Professor.

"That's Clyde Lucas Smith, he's half Filipino and half Australian. Their family owned a business all over the world but since grade school dito na siya nag-aaral. Kahit dito na siya halos lumaki sa Philippines, he's really fluent in English kaya 'yong mga nagkakacrush sya kaniya nag aaral ng English para makausap siya. He's the heirs of Smith corporations and He's also a Son ng partner ng may ari ng school na 'to sa business. Wala naman kasing anak ang may-ari ng University na 'to. So, he's the king of this University. He ruled this school, kahit teacher at guidance counsellor hindi siya kayang pigilan sa gusto niyang gawin. And He's a bully, madalas ang target niya ay 'yong mahihina at scholar. but I'll protect you from him, since bago ka sa school na 'to." Pag kukwento ni Cha na para bang nagkukwento siya ng isang fairytale. 

In short, sobrang yaman naman pala nitong Clyde na 'to. Parang sinasampal ka ng katotohanang maski buong pagkatao ko kaya niyang bilhin. But I won't let that happen, hindi ako mag papaapi sa kaniya. 

"Ang dami mo namang alam sa kaniya." I asked out of my curiosity, Malay mo ex niya 'to. Hindi naman malabong mangyari dahil maganda naman siya at mayaman. 

"Well, we're bestfriend since grade school." Nagulat ako sa sinabi niya, sobrang layo ng ugali nila sa isa't isa. 

That Clyde? He's a demon based on her story and this Charity, She's kind! Bakit sila naging close nang hindi man lang nahahawaan ng kabaitan 'yang Clyde na 'yan?

The bell rang, hudyat na next subject na but someone came inside saying na free cut na daw ng buong class. Hindi ko alam kung san ako pupunta, baka sa library nalang kasi ayoko naman mag cafeteria ng walang kasama. 

Palabas na ako ng room ng makarinig ako ng hagikhikan, tiningnan ko silang nagkukumpulan sa labas ng classroom. 

Pagkalabas ko ng room, makikichismis sana ako sa nangyayari ng—

"What the fvck?!" Hindi ko napigilang sumigaw sa galit. May hinayupak lang naman na naghagis ng toyo sa damit ko, Tiningnan ko ang may gawa sa'kin nito ay hindi na ako nagulat. I saw him smirked while holding na bottle of soy sauce. 

"Oppss, welcome, my new toy!" He shouted as if may ipinapakilala siyang bisita sa lahat. He and his friends laughed, hindi ko na kayang magtiis sa punyetang 'to. 

I walked hanggang sa makarating ako sa tapat niya, hindi na ako nagdalawang isip and I kicked his private part. 

Uh-huh, look, mukhang may hindi magkaka-anak! 

"Fvck!" I took the opportunity na namimilipit siya sa sakit and I punched his—oh so handsome— face. 

"Oppss— my bad" I mocked him using his tone and walked away.

I won't let anyone hurt me, not even you Clyde Lucas Smith. 

Kahit 'yang kayamanan at karangyaan mo pa ang malaking pagitan sa'tin, hindi kita aatrasan at tingnan natin kung sino ang magiging laruan sa dulo.

——-

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alexis Porter
LOL I love the Main Character! ??
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

DMCA.com Protection Status