Zach's POV
"Where are you?" Bliz asked me. Nasa kabilang linya siya at hindi ko rin alam kung bakit niya ba ako tinawagan. Gusto niya raw makipagkita sa akin at may sasabihin daw siya.
"Pumunta ka na lang dito sa bahay," ani ko pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya pero interisado akong malaman 'yon.
Palakad-lakad lang ako at kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Hindi ako mapakali, hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit ko nararamdaman ito. Hindi ako makapaniwalang mararamdaman ko muli ito.
Wala akong ideya kung anong nangyayari sa akin pero mukhang nagtagumpay sila sa plano nila.
Ilang minuto pa ay nakarating na rin si Bliz dito sa bahay. Pagkapasok niya pa lang ay uminit na ang dugo ko. Noon ay masaya ako kapag nandito siya dahil pumupunta rito sina mama at papa, pero ngayon, nang malaman ko na kaya lang pa
PARANG pinagbagsakan ng langit at lupa si Zach nang makita niyang kasama ng babaeng minamahal niya ang itinuturing niyang matalik na kaibigan. Pagkatapos ng isang masayang araw na kasama si Zayra ay napalitan ito ng hindi kaaya-ayang wakas. Wala siyang maramdaman kundi galit at pagkamuhi sa dalawa. Kasabay ng malakas na ulan ay ang pag-amin din ni Zayra na planado ang lahat ng nangyari. Ni wala na siyang maramdaman nang marinig niya ang lahat ng iyon sa bibig ng taong pinagkatiwalaan niya — sa bibig ng taong unti-unti niya nang nagugustuhan. Hindi niya alam na siya pala ang napaglaruan dahil ang akala ni Zach ay siya ang nasa itaas ng laro ngunit mali siya.
“WHENwill you love me?” I asked her nang tuluyan na siyang makapasok sa loob ng bahay. Tumingin lamang siya sa akin at nginitian ako nang may halong paglalambing. Napairap ako sa kawalan nang makita ko ang damit niyang wala na sa ayos at para bang nanggaling siya sa isang malakas na bagyo, napakagulo ng itsura niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin at nang marating niya na ang puwesto ko'y niyakap niya ako nang mahigpit pagkatapos ay dinampian niya ako ng halik sa pisngi. Kapag alam niyang nagdududa na naman ako'y ganito palagi ang kaniyang ginagawa. Alam ko na may iba sa kaniya, alam kong may iba siya, pero bakit tila nagiging bulag ako sa katotohanan? Bakit tila hindi ko na maaninag ang totoo sa kasinungaling
PAGKAMULAT na pagkamulat ng aking mata'y hinanap ko kaagad ang aking cellphone. Kinapa ko ang ilalim ng aking unan at nakahinga ako nang maluwag nang makuha ko na ito. Tiningnan ko ito at gulat na gulat ako sa napakaraming missed calls ni Bliz. Napaisip ako kung tungkol saan ang sasabihin niya kaya tinawagan ko siya pabalik, pagkatawag na pagkatawag ko pa lang ay agad niya na 'yong sinagot. “Where have you been?! Anong oras na! Nandito na ako kanina pa!” Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula kay Bliz. Agad akong nataranta nang maalala ko ang napag-usapan namin. Tumayo ako sa higaan, hindi ko alam kung ano ang gagawin, kung ma
MAY naramdaman akong mainit na katawan na yumakap sa akin na naging dahilan ng aking paggising. “Baby, I'm sorry. Gising na.” Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Mageline. Nakita ko na naman ang napakaganda niyang mukha. “Baby.” I hugged her. Miss na miss ko na siya nang sobra. Napangiti ako dahil tila napakaganda ng umaga lalo't ang mukha ni Mageline ang bumungad sa akin. “Puwedeng makahingi ng kaunting pera? Kasi kailangan na ni mama ng gamot, hindi pa kasi ako sumisuweldo,” pagpapaliwanag niya. Tiningnan ko siya sa mga mata at nginitian. Ayos lang sa akin kahit na gaano pa kalaking halaga ang hingiin niya
NAKAHIGA lang ako buong maghapon. Tinatawagan ako ni Bliz pero hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, nakailang missed calls na siya pero kahit isa ro'n ay hindi ko nagawang sagutin. Alam ko naman ang sasabihin at itatanong niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang tinanggihan ako ni Mageline. Ibibigay ko naman ang lahat sa kaniya basta pakasalan niya lang ako, kahit lokohin niya pa ako, okay lang sa akin basta nasa tabi ko siya. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Mageline pero walang sumasagot. Inulit ko 'yon nang ilang beses at natuwa ako dahil may sumagot na. “Mageline, let's talk. Please,” bungad ko sa kaniya. May narinig akong bumuntong hininga.&nbs
PINAPUNTA ako ni Zayra sa lugar na 'to. Hindi ko alam pero ang weird dahil puro bungo ang nakikita ko at may mga sapot ng gagamba. Piling ko tuloy halloween na. “What's your order, sir?” tanong sa akin ng waiter na itim na itim sa suot niya. Tiningnan ko ang menu at kakaiba ang mga pangalan ng pagkain nila rito. “Vampire blood, please.” 'Yon na lang ang na-order ko dahil hindi ko rin alam kung masarap ba ang mga pagkain dito. Umalis na 'yong waiter at maya-maya pa ay dumating na 'yong order ko. Kulay pulang juice. Ang cool dahil pulang-pula ito, nagmimistulang parang dugo talaga. Sinubukan ko itong tikman at namangha ako sa taglay na sarap ng lasa nito.&
DALA-DALA ko ang itim na bulaklak na ito habang nakatayo pa rin ako hanggang ngayon sa harapan ng bahay nina Mageline. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at halos isang oras na akong nakatayo rito pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Sinubukan ko na rin na tawagan ang number niya pero walang sumasagot. “Mageline! Mageline, please may ibibigay lang ako. Mageline,” paulit-ulit na tawag at sigaw ko sa kaniya. Naghintay pa ako ng ilang oras at tinatawagan din ako ni Bliz pero hindi ko 'yon sinasagot. Isinantabi ko si Bliz dahil mas mahalaga si Mageline. Mayamaya pa ay may nagbukas na ng pinto nila at sa wakas hindi na ako maghihintay nang ilang oras pa rito. Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay nakita
“YO te quiero con todo mi corazon.” Nagsasanay kami ngayon ni Zayra dahil ang sabi niya sa akin ang gusto raw ni Mageline ay ang mga lalaking marunong magsalita ng Spanish. “Iyan! Tama! Ang galing mo!” Pumalakpak siya at pinaghahampas niya ako. “Tumigil ka nga! Mamaya pinag-tri-trip-an mo na naman ako,” saad ko sa kaniya kaya nag-iba bigla ang ekpresyon ng kaniyang mukha. “Sure ako.” Tumalikod siya at lumakad palayo sa akin. Maya-maya pa'y bumalik na siya. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang libro. “Oh, 'yan, mag-aral ka.” Hinagis niya sa akin ang libro at agad ko 'yong sinalo.