Share

Kabanata 9

Kupido.

***

Dahil hindi naman natutulog ang demonyo sinikap kong hanapin ang dapat hanapin... syempre hindi iyon world peace noh! demonyo ko tapos ihahangad ko world peace? ano bobo lang?

"Pambihira naman! andito ka lang palang peste kapinagod mo pa ako sa

kakahanap!" Reklamo ko habang nakapameywang

"Calshifew!!" sigaw niya

"Taragis naman kasi sabi nang CAL.CI.FER! FEEEEEEEEER!!"

"Galit nanaman

siya hmm~ bakit kaya lagi siyang galit kapag nakikita ako?" tanong ni bulinggit kay San pedro na nakaupo sa litso at si bulinggit na naka indian sit sa katabing litso

"Nasa lahi nila yan" sabi ni san pedro

Tinignan ko lang yung dalawa ng masama at umupo na din sa katapat nilang litso

"Calshifew~"

"Pwede ba kausapin mo ko kapag hindi ka na marunong mambwisit?"

"Nasaan si james?" biglang tanong ni san pedro saakin

"Sinong James? James Bond? James Reid? James na hindi ko kilala?"

"Alam kong tinatago mo siya, ibigay mo na siya

saakin huwag mo na ako pahirapan pa"

"Sige hahanapin ko yang James mo basta sabihin ng pesteng tabachoy na bulinggit na yan kung paano tanggalin itong sumpang ito!"

tinignan ni san pedro si bulinggit kaya tinignan ko na din yung panget na anghel baka sabihin niya na

"Ewan ko~" sabi niya sabay kibit balikat

"Ewan mo? Seryoso ka?"

"Oo"

"Pambihira kang--" sa isang iglap nasa pwesto na ako ng panget na bulinggit na iyon pero mas mabilis siya saakin

"Calshifew~" tawag niya saakin kaya napatingala ako

"Uhhh

namumula yung mata mo may sore eyes ka

ata? hihihi~"

"Bumaba ka

dito at papatayin kita! tatanggalin ko yang pakpak mo gamit ang dalawa kong kamay ng maramdaman mo yung sakit kapag ginagalit ako!"

"Daming sinasabi bakit hindi na lang ikaw ang umakyat dito at habulin ako? ayy teka nga pala wala ka

nga palang pakpak hihihi~"

sa sobrang galit ko yung ugat sa kamao ko parang bubulwak na

"Ginagalit mo talaga

akong peste ka!"

"Magkapakpak

ka muna ayun lang ang paraan para matalo mo ako hihihuhuhu~" panghahamon niya saakin

"Tanginaka talagang tabachoy ka! bumaba ka

ditoduwaaaag!"

"Gusto mo ba ng premonition calshifew?" alok saakin ng pesteng anghel na to

Nakakainis na nga siya tapos magpapadagdag pa sa inis mo yung hindi mo alam yung meaning ng premonition!  Nakakapang gigil talaga!

hindi na lang ako nagsalita kasi may kasabihan na don't talk when your mouth is full... pero hindi ko alam kung anong sense non dito

"May papalit, may mawawala~~"

"Huuuuh??"

"Isang babala yan sa

buhay mo" sabi ni San Pedro

"Oohhh takot ako grabe~" sarcastic kong pagkakasabi

"Kung hinahanap mo ang magpapawalang

bisa jan sa sumpa mo... si kupido ang hanapin mo" sabi ni San pedro

"Teka... si kupido?"

"Duuuhhh calshifew~ akin ba yung pana? huh?"

"Letse

ka! ikaw yung pumana

saakin malay ko bang hindi mo alam!"

"Hindi mo kasi ako tinanong calshifew~"

"Letse! eh tuwing february fourteen ko lang nakikita yung hinayupak na yon eh!"

Nagkibit balikat na lamang si San Pedro

"Saan ko makikita si kupido?"

"Alam ko.... naka vacation leave siya

ngayon~" sabi ng panget na anghel

"Vacation leave!? Pambihira naman buhay yan! papana

ka lang tapos may vacation leave ka na?"

"Ano ka ba calshifew~ araw araw siyang nagtatrabaho kasi araw araw may nagmamahalan! everywhere, anywhere there's love~"

"Gago! saan kanto siya

nakabakasyon

ngayon?"

"Alam ko sa Hawaii? tama ba ako san-san~?" tanong niya kay san pedro

"Tama ka nasa Hawaii nga

siya"

"HAWAII!!??? PUTA"

Tiningala ko si panget

"Wala ka bang kontak sakanya?" tanong ko

"Meron pero kailangan mo muna maging isang katulad namin hihihi~"

Peste talaga tong isang to

"Calshifew minsan gamitin mo din utak mo advice ko lang ah? hihihihi~" pagkasabi niya non bigla na lang siyang nawala sa liwanag

"Pesteng panget na bulinggit na iyon

gigilitan ko na leeg talaga yon! San pedro mayroon ka bang-- huuuh?" paglingon ko sa pwesto ni San pedro wala na din pala siya

Isa pa yong San Pedro na yon! napaka attitude! Bwiset! hindi siguro love ng mama niya yon dati

***

Alas nuwebe ng umaga... nagising akong gwapo.

At yung Fact na ang chance na makita ko si kupido ay sa susunod na Valentine's day pa... yippee shit

"Sawa na ko sa luto mo!" sigaw ko kay Mary

"Ano nanaman bang nirereklamo mo jan calci boi~?"

"Itlog nanaman ang ulam? Umaga, Tanghali, Gabi.. Itlog! Ilang itlog ba gusto mong tumubo

saakin!?"

"Bakit g na g ka

nanaman ba calci boi?"

"Is it that time of the month bro?" sabi ni Machete na nakaupo malapit sa pwesto ko

"Gago saksakin kita ng tinidor jan eh ano ako babae!?"

"Bro~ are you... trans?"

"Taragis ka hindi ka titigil" masasaksak ko na siya ng tinidor kung hindi lang ako pinipigilan ni Mary eh

"Calci boi kumalma ka

nga muna! mygoooosh~"

huminga ako ng malalim at inayos ang upo ko

"Ngayon sabihin mo saakin

calci boi... ano bang problema mo ha? nag away ba kayo ni Essay?"

"Paano naman kami mag aaway non eh kitang sinumpa ako na mahalin siya! nababadtrip na ko! dagdag pa yung pesteng bible study na yon! Bakit hindi ako bumubutibakit lalo akong

sumasamasumasama yung loob ko!"

"Awit calci boi~ nasa lahi niyo talaga yan"

"Gusto ko na lang mamatay ngayon!" sigaw ko

"Oh" abot saakin ni Mary ng matalas na kutsilyo na agad ko namang kinuha at hiniwa ang aking pulsuhan

Tinitignan lang ako ni Mary at Machete sa ginagawa kong paghihiwa na kahit gaano kalalim ang paghiwa ko ay para bang walang nangyayari

"Kita mo na calci boi? kahit anong gawin mo hindi ka mamatay kaya tigilan mo na pagdadrama jan! madaming tao ang ayaw mamatay"

"Kasi tao sila! eh hindi nga ako tao!"

"Kalahating tao ka at kalahating anghel!" sigaw ni Mary saakin

"Anghel!? Demonyo ako!"

"Dating anghel tatay mo calci boi!"

"Pambihira naman Mary huwag ka na ngang magmarunong!"

"Hindi ako nagmamarunong sinasabi ko lang sayo calci boi~"

"Bahala ka na nga

sa

buhay mo!"

Nawawalan ako ng gana kumain ng almusal eh puta

"Ahemm~~" pagsesegway ni machete

"Bakit? gusto mo rin bang makasigawan ako?" sabi ko sakanya ng naiirita

"Huwag mo na lang pansinin yan baby ko kulang lang ata

sa pansin ni essay yan~" pang bubwisit ni Mary

"Do I know that little boy kid next door?" biglang tanong ni Machete saamin ni Mary

"Huuuh? may bata ba sa kapitbahay?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay, agad naman akong nilapitan ni Mary at bumulong saakin

"Ayon yung bunsong kapatid niya... mga six years old ganon" sabi niya saakin

"Nakita siya?" Nagkibit balikat na lamang si Mary

"Oy Machete... paano ka nakita nung bata?"

"I was just looking at the window and that kid just starts waving at me and smiling and i guess he's saying something to me but I can't hear it... i dunno bro~"

"Taragis naman mary diba sabi ko sayo bantayan mo siya?"

"Alam mo naman na hindi ko kayang magtagal sa anyong ito at saka may party kasi yung mga tropa kong kaluluwa eh~ sorry na calci boi~"

Hinilot ko na lamang ang sintido ko kasi naman kailangan ko kumalma... gusto ko uminom ng redhorse kaso liquor ban pa rin... magnakaw na lang kaya ako ng alak?

At sa isang iglap ay nasa loob na ako ng isang supermarket sa station ng mga wine at agad kumuha ng dalawa at mabilis na bumalik sa bahay kung saan ako nakapwesto

"Ano yan?" tanong ni Mary

"Wine! ubos na stock natin jan"

"Calci boi ano bang problema mo? sabihin mo na saakin... I'm your best friend!" pagdadrama ni Mary

"Wala akong kaibigan na tanga at dugyot! atsaka

nabwibwisit ako dahil

bakit nasa hawaii si kupido siya lang makakaalis ng sumpang ito saakin eh"

"Bakit hindi mo siya puntahan sa hawaii? gamitin mo yung teleportation kemerut mo?"

"Wow~ alam mo ang talino mo don sa part na yon mary~ sa sobrang talino mo sa tingin mo ba hindi ko yan naisip nung una pa lang?!"

"Chill calci boi~"

"Masyadong malayo! hindi ko pa kaya yung ganong kalayong distance"

"Bakit hindi ka

magpaturo kay lucifer? alam niya kung paano..."

"Asa! hinding hindi ako hihingi ng tulong don!"

"Sa tingin mo ba hindi alam ni lucifer ang tungkol kay essay?"

"Hindi siguro... si lilith ang mata non saakin at hindi ko pa nasesense

si lilith sa paligid ko"

Isa pa pala iyon sa mga poproblemahin ko. Bukod sa malaman ni lucifer ang relasyon ko sa isang makadiyos at ang pagbabible study ko... isa iyong advantage para kay lilith para makuha ang kaharian sa baba

"Sa tingin ko calci boi~ sa

pag ibig ka mamamatay"

"Sa tingin ko din pero napaka panget naman ata ng rason kung ang pagkamatay mo ay dahil lang sa pagmamahal... napaka walang kwenta!"

"Kaya nga may kasabihan na Loving can hurt, loving can hurt sometimes~"

"Loving can hurt loving can hurt kita jan eh! Ang panget sa

isang demonyo na mamatay ka lang ng dahil

sa pesteng pag ibig!"

"kaya nga love is the most powerful weapon eh~"

"Tahiin ko yang bibig mo ng hindi ka na magngangangawa jan eh!" pagbabanta ko kay mary kaya nanahimik na lang siya at muling napukaw ang tingin ko sa ulam namin...

Pauwiin ko na kaya si Aling Flor?

***

Andito ako mag isa sa sala ngayon... nakaupo sa sofa nanonood ng When Marnie Was There at isang metro ang layo ng cellphone ko saakin

Kailangan kong hindi kausapin si Essay o kaya hindi makita baka sakaling tumigil ang sumpa saakin

Sa totoo lang namiss ko na nga pumatay ng tao eh badtrip kasi tong Covid na ito! Mang aagaw pa ng hobby!

"Hindi... hindi kita papansinin bahala ka jan" sabi ko habang seryosong nakatingin sa tv at naka crossed arms

"Hindi... Nope! hindi mo ako mapipilit"

"No no no..."

at mayamaya ay nagring ang cellphone ko at alam ko naman kung sino ang tumatawag na iyon dahil isang tao lang naman ang laman ng contacts non

Unti unting umaangat ang kanang kamay kong patungo sa cellphone

"Nooooo" pagsuway ko habang pinipigilan ito gamit ang kaliwa kong kamay

Nakaka ilang ring na yung tawag

"Hindi mo sasagutin Calcifer! magkaroon ka naman ng konting dignidad

sa sarili mo! Babae lang yan!"

At syempre palagi naman akong binibigo ng sarili ko kaya wag na natin lokohin ang sarili natin. pucha

"Cal?" sabi ni Essay sa kabilang linya

"Bakit?"

"Wala lang di mo kasi ako tinawagan akala ko may sakit ka"

Nagkunwari akong inuubo ng malala "Sa tingin ko nga may sakit ako... malala" sabi ko sakanya habang patuloy sa pag acting na may sakit

"Ubo?"

"Hindi... mas malala pa jan"

"Huwag mong sabihing...covid?"

GAGO Wala bang nakasulat sa libro niya na hindi nagkakasakit ang isang demonyo?

"Malalang sakit ata ang pagkamiss ko sayo"

"Hahahaha Baliw"

Yung mga tawa niya medyo nasasanay na ako sa tunog... kumbaga music to my ears~ 

"Bible study tayo..."

At bigla na lang nagiba ang buhay ko sa pagkakarinig ko niyan

"May tanong muna ako sayo..." seryoso kong sambit sakanya habang nakatitig sa pinapanood ko

"Ano iyon?"

"Naniniwala ka ba na may masasamang tao?"

ilang minutong katahimikan muna bago siya sumagot

"Oo pero wala naman talagang taong pinanganak na masama...mga tao lang tayo na gumagawa ng masama~"

Huuuuuh? May taong lumaki ng masama at ako yon! kahit hindi ako sure kung sa lahing tao ba ako o sa lahing demonyo

"Bakit mo naman natanong yan?" tanong ni essay saakin

"Wala lang... last question! naniniwala ka ba na masama ang mga demonyo?"

"Oo naman!"

AWIT! AWWW SABAY SAKIT.

"Ahhhhhhhhhh"

"Bible study na tayo?"

"Anong pag-aaralan naman natin ngayon?"

"Hmmm sinasabi rin ng Bibliya na nilalang tayo ng Diyos ayon sa

larawan niya ibig sabihin binigyan niya tayo ng magagandang

katangiang gaya ng sa kaniya kaya kapag naaawa ka

sa

mga

inosenteng tao na nagdurusa mas matindi pa diyan ang nararamdaman ng Diyos... kaya alam ko kung bakit mo natanong yung sa

masasamang tao"

Pambihirang yan wala bang topic na hindi nakasulat sa pesteng bibliya na yan? hayss

"Asaan na pala yung bible na binigay ko sayo?" tanong ni Essay saakin

"Nasa kwarto ko?"

Actually hindi ko alam kung nasaan na yun eh... nawala ko ata? kaninang tanghali ko lang napansin na nawawala na pala yung bible na yon... Hayyss Good sign

"Ahhh okay anyway pray na tayo para magsimula na tayo cal?"

PINAKA AYOKO SA LAHAAAAAT! ANO NAMAN IPEPRAY KO? EH HINDI NGA KAMI CLOSE NG LOLO KO KAYA SURE AKONG WALA SIYANG GAGAWIN KAPAG NAGDASAL AKO SAKANYA! PAMBIHIRA

"Ge"

Hayynako buhay na ito masyadong marahas para saakin...

***

TBC.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Maria.
Next na! Waiting ako dito mamang! Lol
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status