Share

Chapter 8 : The First Attack

Maraming nagkalat na fairies sa Rimiera, pero bihira ang pinagkakatiwalaan nito.

Malaking tulong ang pagkakaroon ng fairies, pero pahirapan ang pagkakaroon.

Sa kalagayan ko ay iba, si Dhirma na isang pious fairy ay may kakayahang magpagaling ng mga sugat, ang bilis ng paggaling ay depende sa natamong pinsala. 

Si Sheena naman ang rarest fairy. Kaya nyang baguhin ang itsura ng isang ordinaryong bagay at lagyan ito ng ability gaya ng ginawa nya sa bulaklak na nakita lang nya sa Valiant Forest , kaya nya ring bawiin ang mahikang iyon kapag hindi nagamit.

Si Timber na taga-pangalaga ng mga gubat sa buong Rimiera, si Yajima ang isang fairy na kayang sumuporta tuwing combat, kaya nyang magtransform sa iba't ibang weapons sambitin lang ng summoner. 

“Dane maaari kang maglabas masok sa Charm City, pero ang mga charmers hindi. Kaya ni Timmy na makipag usap sayo gamit ang telepathy. Kaya piliin mo ang mga iisipin mo sa oras na nagkonekta na kayo.”

Marami ang itinuro ni Miss Esther, at bago pa man kami umalis ay nagtanong ako na maaari na kaya nyang sagutin.

“Miss Esther, paano po pala ang revival ng Leviathan tribe? May kakayahan po ba ako na buhayin sila muli? Lalo na si Faye?”

“Malalaman mo ang mga kasagutan sa tanong mo sa oras na hinarap mo si Luna. Subukan mo ring hanapin si Lucent, nasa kagubatan sya ni Levi, ang iyon bayan.”

Tumango lang ako, kailangan ko ng harapin si Luna. Kakayanin kaya namin?

Tinahak na namin ang daan pabalik sa academy.

***

Third Person's POV

“Matagal na nating hinintay ang panahong ito. Naging mababait ang mga Charmers, hindi nila alam na nag aalaga sila na sisira sa kanila. Ngayong gabi ay aatake tayo sa palibot ng syudad.” Sabi ng isang babae na may lila na mata, naghahalong itim at pula ang buhok nya. Matingkad na kulay rosas ang kanyang mahabang robe.

“Ihanda ang lahat ng kasapi.” sabi ng isang lalaki na animo'y nasa ilalim ng matinding mahika.

“Handa na ang mga spellcasters, Luna.”

“Magaling, maaari ka ng umalis.”

Ilang minuto lang ang lumipas at nagsimula na silang pumunta sa kanluran.

Habang papalapit sila doon ay nagsimula ng mag - concentrate ang mga spellcasters. Sabay sabay nilang pinatamaan ang gate ng Charm City na hinaharangan ng barrier ni Regina.

Naramdaman ni Regina ang nangyayari kaya kahit kakarating lang nina Dane ay pinapunta nya ang mga iyon sa gate ng syudad.

Nanghihina ang headmaster sa bawat pag atake sa barrier. Inagapan iyon ni Dane. Naglagay sya ng isang matinding barrier sa loob ng syudad. 

“Dhirma puntahan mo muna si Headmaster, Sheena makakagawa ka ba ng isang bagay na magpoprotekta kay headmaster?”

Umalis agad si Dhirma, alam na nito ang pinapasuyo ni Dane. Si Sheena ay umiling lamang, “Buhay ko ang magiging kapalit sa oras na ginawa ko iyon.”

Walang maisip na maayos si Dane, si Miss Grethel naman ay biglang nakita ang isang spellcaster at sinubukan nya iyong kontrolin.

Hinawakan ni Dane ang kamay ni Miss Grethel, “Sasabayan ko ang body manipulation mo, para mas malawak ang makontrol mo, sana ay gumana ito.”

Mainit ang mga palad ni Dane, may liwanag na lumalabas dito habang hawak nya ang isang palad ni Grethel. 

Ginawa na nila ang plano, si Travis ay tahimik sa tabi nila at tilamay plano ito.

“Puntahan natin si Regina, Sheena samahan mo sila rito. Babalik kami ni Rhei agad.” Walang pasabi ay bigla silang naglaho. 

Tinignan ni Sheena ang dalawa, mula sa hangin ay ipinaikot ni Sheena ang kamay at may isa syang staff na hawak. 

Kumalas sa pagkakahawak si Grethel , nasalo sya ni Dane at walang malay. 

Nakita ni Dane si Sheena. Nakita nyang inatake ni Sheena si Miss Grethel.

“Salamat, Kaisar” kakaiba ang ngiti nito, at unti unti iyong naglaho.

Nagngitngit siya sa galit “Traydor ka, Sheena.”

Sa isang iglap ay nabasag ang barrier na ginawa ni Dane at nakapasok na ang mga Colossians.

Sa opisina ni Regina ay naroon sina Dhirma, na binalutan nya ng isang barrier. Sina Travis ay inihanda na ang mga estudyante at ilang mga charmers. 

Alam na ni Travis na mangyayari ang pagsalakay ng mga ito. Dahil nasa charmers ang Kaisar, ang huling Leviathan, ang susunod na mamumuno sa Rimiera.

Nagising si Dane na hawak pa rin si Grethel. Gaya ng nangyari sa kanya noong tumakas sya, invisible sya pati si Grethel.

Nakita nya na nakamulat na ang mga mata ni Grethel, mukhang kanino pa ito gising at kinokontrol nito ang kapangyarihan ng binata.

Dahan dahan silang tumayo at ang una nilang nakita ay ang mga Colossians at ilang Ceruleans na sinisira ang mga bahay bahay. Ang ilan ay patuloy sa pagsalakay sa barrier ng academy.

Ikinumpas ni Dane ang kanyang kamay, pumikit at bumulong, “BARRIER!” Halos maubos ang lakas nya sa ginawa nya.

Napatulala si Grethel ng makita si Sheena na nasa tabi ng isang Colossian.

May kasama rin itong isang fairy, sa pagkakaalam nya ay ito ang kapatid ni Dhirma. Si Gray, isang dark fairy. Bilang lamang ang mga gaya ni Gray. Ang mga dark fairies ay may sariling lugar sa Levi’s forest.

Tumayo at tinungo nila ang ilang civilians na tumatakbo palayo sa mga umaatake. Bumukas ang academy at isa isang tumulong sa pagligtas ng bayan ang mga charmers.

Nakita ni Dane si Luna. Kahit hindi makatayo ng maayos ay nagpupumilit syang pumunta dun.

“Kailangan nating sabihin sa headmaster ang nangyayari dito, kailangang malaman ni Rhei ang ginawa ni Sheena.”Sambit ni Grethel

May isang lagusan silang pinuntahan at mabilis silang nakapunta sa opisina. 

Pagkalabas nila sa lagusan ay bigla silang sinalubong ng itim na apoy ni Rhei. “MAG-INGAT KA NAMAN” bulyaw ni Grethel, kung wala silang barrier ay malamang patay na silang dalawa ni Dane. 

Nakita ni Dhirma ang kalagayan ni Dane, halos nag aagaw buhay na ito.

“Bakit mo sinasagad ang sarili mo Dane?”

Tinignan ni Travis si Grethel, “Sabihin mo na ang alam mo, Grethel.” Utos nito, ngayon lamang nya nakita ang seryosong mukha ni Travis.

Sinabi nya ang nangyayari sa bayan, ang tungkol sa mga mamamayan at sa fairy ni Rhei. Halos nanlumo si Rhei sa narinig.

“May kilala ako na kayang pumigil kay Sheena. Nasa gubat sya ng Levi, si Lucent.” sabi ni Travis.

“Paano natin mahahanap si Lucent sa ganito ka-kritikal na kaganapan?” Tanong ni Rhei habang pinipigila ang luha. Halos nangimginig ang mga kamay niya habang patuloy ang iba’t ibang emosyon na kanyang nararamdaman.

“Mapapahamak ang mga tao rito pag umalis tayo.” sabat ni Grethel.

Nanghihina pa man ay umupo ng maayos si Dane habang pinapagaling ni Dhirma ang ilan nitong sugat, “Dhirma, magpahinga ka na, ayos lang ako.” ngumiti sya sa kanya habang hinarang ang kamay sa fairy. 

Tumigil si Dhirma at tinabihan ang nakahigang si Regina.

Nakasandal si Dane sa lamesa at unti unting tumayo. “Dane, magpahinga ka muna.” natarantang sabi ni Grethel nang malingon nya ito

Sabay sabay nilang nilingon ang binata habamg nakasandal sa lamesa, nakasandal sya rito habang unti unting tumindig.

“Ako ang pupunta sa gubat ni Levi, mas kabisado ko ang lugar doon.” sabi ni Dane, tumayo sya ng diretso.

“Travis, pagkaalis ko dito sa academy kuhanin mo sina Timmy , sabihin mo sa kanya na papasukin lahat ng charmers at mamamayan sa loob. Hindi makakapasok ang sino man na napasailalim ng body manipulation ni Luna, at kahit si Sheena. May maliit na bintana akong gagawin para makapasok ka. Isasarado ko na at sisirain ang barrier na ginawa ni Regina, para walang makapasok na iba maliban sa mga Charmers.” Paliwanag ni Dane.

Biglang lumindol ang kalupaan at alam na nilang sinasalakay  na ang barrier ng academy.

“Ngayon na Travis.”

“Malaki ang tiwala ko sa plano mo, Dane.”

Mapait na ngiti ang ibinigay ni Dane. “Hindi ko hahayaang gawin ni Luna sa inyo ang ginawa nya sa amin.”

Hinawakan ni Travis ang likuran ni Dane at mabilis silang tumungo sa bungad ng Forest of Levi.

“Magmadali kang hanapin sina Timmy, ilalagay ko na ang barrier sa academy.”

Patalikod na si Travis nang ilagay ni Dane ang crest nya sa bulsa ni Travis. “Mag ingat ka Dane”sabi ni Travis at naglaho na ito.

Alam ni Dane na poproteksyonan ng crest si Travis. May inilagay syang binding spell sa crest na magagamit din ng mga charmers.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status