Share

Chapter 15 : Battle of Emotions

Third person's POV

Sugatan ang Island Beast matapos matamaan ng mahika ni Luna. Maya maya ay naglalaho ito, at naging crsytal orb.

Lumapad ang ngiti ni Luna at nagwika, "Susunod ka sa lahat ng aking iuutos" Umilaw lang ito habang sinasabi nya iyon.

"Gray dito ka na sa balikat ko. Aalis na tayo." hawak lang ni Luna ang orb ng Island Beast.

Bumalik sila sa dinaanan nila, pabalik sa kanilang lugar sa Raven Domain.

"Magpagaling ka Sheena." bulong ni Luna sa sarili. Kahit ganon pa man sya ay marunong din pala syang mag alala sa kaniyang mga tauhan.

Pagkabalik nila sa Raven domain ay naihanda na ng mga Colossians ang mga gagamitin sa muling pagsalakay sa Charm City.

"Oras na maisagawa ng tama ang mga plano, mapapasakamay natin ang Leviathan."

"Magiging makapangyarihan tayo." sigaw ni Luna at humalakhak ng napakalakas.

Sa kabilang dako naman, sa Charm City abala ang lahat sa pag aayos ng nasirang syudad. Hindi mapigilan ni Frea na matitigan si Dane, mas humanga sya rito; katabi ni Dane si Hikaru na nag anyong agila.

Maya maya pa'y nagising ang binata.

Napalingon si Dane kay Frea at ngumiti ito. Kumabog bigla ang dibdib ni Frea.

Tinabihan ni Headmaster Regina si Frea at may ibinulong sya. Lungkot ang nakita sa kanyang mukha. Umalis sila sa lugar na iyon at tumulong sa pag aayos ng syudad.

Maya maya ay tumayo si Dane sa pinagkakaupuan nya, nilapatan nya ng golden barrier ang lugar. Ikinabigla iyon ng lahat, lalo na si Timmy.

Napansin iyon ng ilan, "Timmy, bakit tila yata natakot ka sa barrier." wika ni Miss Grethel.

"Sa mga naabasa kong libro sinasabi na ang golden barrier ang pinakamalakas sa lahat ng barrier. Sa tagal kong nabuhay ay ngayon lang ako nakakita nyan. Mas delikado pag taga labas ang makakahawak nyan o sumubok tanggalin."

Natulala  si Grethel sa sinabi ni Timmy, hindi na nya ito inusisa pa. Pakiramdam nya ay mas ligtas sila sa barrier na iyon.

Sa Raven domain naman ay halos magpiyesta ang mga mamamayan doon, nasa kamay na nila ang Island Beast na si Dante. Umiilaw ng mahina ang crystal orb na hawak pa rin ni Luna.

Ilang oras din ang lumipas nang dumating ang isang lalaki na matipuno at makisig. Yumuko ito para magbigay galang kay Luna.

"Kumusta ka na, Luna. Nakahanda na ang grupo ko para sumalakay. Signal mo lang ang aming hinihintay."

Ngumiti si Luna, "Sige Harris. Bumalik ka rito ng may magandang balita."

Umalis na sila.

                               ***

Pagkalapat ng barrier ay biglang napaluhod na lang si Dane.

Mabilis na lumapit si Frea kay Dane at inalalayan sya papunta sa isang upuan.

Nakita nya na umiilaw si Hikaru, "H’wag Hikaru. Magiging maayos lang ako." sabi ni Dane habang nakangiti.

"Ano bang iniisip mo Dane? Magpapakamatay ka ba?" Galit na tanong ni Frea habang nakapamewang at nakatingin kay Dane, bakas sa mukha nya ang pagkainis.

Hindi sumagot ang binatilyo bagkus, isang ngiti lang ang tinugon nya dito.

Halata na nawalan ng lakas ang binata sa ginawang barrier.

"Hindi naman din ako magtatagal, Frea. Alam kong ako ang pakay nila." Hinawakan ni Dane ang pisngi ni Frea, "Hindi ko hahayaang masaktan kayo. Lalo ka na."

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ni Frea, sobrang pula ng mga pisngi ni dalaga, ramdam nya ang init ng mga ito.

Unti unting nilapit ni Dane ang kaniyang mukha sa dalaga.

Naglapat ang kanilang mga labi. Natulala ang diwata at may naalalang babala.

Tinulak nya ang binata at nasampal iyon. Mabilis lumisan si Frea, palayo kay Dane...

Tumakbo sya ng tumakbo,nakita iyon nina Rhei.

"Bakit? Bakit sa dami pa ng pwedeng babala ay iyon pa?" humagulgol na lamang si Frea. Ipinatong nya ang kanyang ulo sa mga tuhod habang yakap nya ang kaniyang mga binti.

"May mga bagay talaga tayo na hindi natin inaasahan."

Nanatili lamang si Frea sa kanyang posisyon, lumayo ang nagsalita palayo sa kanya nang mapansin ang kakaibang usok na lumalabas sa kaniyang katawan.

"Frea... Huwag mo sanang kamuhian ang pagiging diwata."

Sa pagkakataong ito ay iniangat na nya ang kanyang ulo para tignan kung sino ang kanyang kasama.

"Bakit naman si Ina? Nagmahal din sya. Tayo ang naging bunga no'n. Bakit hindi ako pwede magmahal? Sagutin mo ko, Lucent!"

Lalong kumawala ang nangngangalit nyang aura. Namatay ang mga halaman, puno at bulaklak sa paligid nila.

"Kumalma ka , Frea."


Kinumpas ni Frea ang kanyang kamay a ay itim na kulay, hindi iyon naiwasan ni Lucent. Abot langit ang galit nya sa nangyayari sa kanya.

Hawak ni Lucent ang kanyang braso na ngayon ay tila nalapatan ng sumpa.

"Kaya kitang tulungan, Frea" Pagsusumamo nya sa kapatid habang hawak pa rin ang kanyang braso na nangingitim na.

Ngumiti lang si Lucent sa kapatid nya.

Sa di kalayuan ay nakita sila ni Rhei, "Lucent! Anong nangyayari dito?"

"Tawagin mo si Regina ,Rhei... Kailangan nyang ipaliwanag kay Frea ang babala na sinabi sa kanya" tugon ni Lucent habang nanghihina.

Lumisan agad si Rhei , nanatili lamang sina Lucent sa ganoong posisyon. Masama ang pagkakatitig ni Frea sa kanya.

Nangingilid ang luha ni Frea, nalilito na sya. Hindi na nya alam kung ano ang dapat nyang gawin.

Nahihirapan na syang pigilin ang kaniyang damdanin para kay Dane.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status