Share

Chapter 9: Into the woods

Dane’s PoV

Bumabalik lahat ng alaala ko nang tumapak muli ako sa Forest of Levi. 

Mas lamang ang numero ng masasayang bata na naglalaro, mga matatanda na tahimik na namumuhay. 

Wala silang kaalam alam sa mangyayaring wipeout.

“Psst! Dane.”

Lumingon lingon ako sa paligid.

“Psst! Dane.”


“Sino ang nandyan? Ipakita mo ang sarili mo.” hindi ko man lang nadala ang mga dagger ko, patuloy lamang ang pagtawag sa akin ng tinig na iyon.

Maingat akong naglakad papasok sa gubat, nang may biglang lumitaw na fairy sa harap ko,

“Ano ang pakay mo sa Gubat ni Levi?” alam kong si Timber iyon dahil sa pananamit nya na mukha syang wood cutter.

Ngumiti ako, “Nakalimutan mo na yata ang mga itsura ng Leviathan, Timber.” napagitla sya sa sinabi ko.

“Gusto kong humingi ng tulong sayo, ayokong mangyari sa mga charmers ang nangyari sa lahi ko.” nagliwanag ng mahina ang braso ko, may kumorteng dragon doon habang lumiliwanag.

Sa di ko alam na kadahilanan ay yumuko ito, “ Masusunod po, kaisar.”

Tinawag nya akong kaisar, “Sino po ang ibig nyong tumulong sa inyo?”

“Gusto ko sanang mahingi ang tulong nina Yajima at Lucent.”

“Napaisip sya bigla, Sana ay tama ang desisyon mong pagsamahin sila.”

Bigla syang naglaho. Ilang minuto pa lang ang lumipas ng may nabaling tuyong sanga. Humangin bigla.

“Dane, si Timmy ito. Nilapatan muli ni ina ng mas malakas na barrier ang academy. Itinulak ng barrier nya palayo ang mga kalaban. Mag ingat ka sa gubat ni Levi. Masama ang pakiramdam ko sa lakas na nandyan.” sabi ni Timmy. Nag uusap sila gamit ang telepathy.

Biglang may nabaling sanga muli, sa pagkakataong ito ay may batang lumabas.

Matingkad ang kulay berdeng damit na suot nya, lime green ang kulay ng buhok nya at mistulang pakpak naman ang mga dahon sa sanga na nasa likuran nya. Kitang kita ko ang hazel eyes nya na napako sa lugar ko. Nasa tabi niya si Timber. 

Yumuko ako. Bago pa man sila dumating ay gumawa na ako ng invisible barrier sa katawan ko. 

“Sigurado ka ba sa plano mo anak? Mahirap pagsamahin sina Lucent at Yajima.”

Tumitig ako ng diretso sa kanyang mata at tumugon, “Kailangan namin ng tulong nila, lahat ay gagawin ko.”

“Lahat?” Tila interesado nyang tanong, habang may ngiti ito sa kanyang labi.

Tumango ako.

Bumuntong hininga muna syabago tumugon, “Buhay mo ang kapalit sa oras na makuha mo ang loob nila.” seryoso nyang tugon sa akin.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. 

“Hindi naman siguro patas iyon, hindi ka pa ba nakakakita ng Kaisar, Levi?” Isang fairy ang lumabas sa kung saan, nakaupo sya at mukhang kanina pa nakikinig.

Pumitik sya ng isa, parang babala iyon sa pandinig ni Levi.

Sumigaw ang fairy, “Lucida!” Nagliwanag ang buong kagubatan.

Nakita ko ang tahanan ng mga fairies at karamihan sa kanila ay kanina pa nakikinig, nagpalingon lingon ako. 

Tumugon ang kapangyarihan ko sa liwanag na iyon, ngumiti si Levi.

“Totoo nga ang sinabi niya, na ikaw ang magiging pinuno namin” lumuhod iyon at sumunod ang ibang fairies. Nang tumayo iyon ay tumingin sya sa akin, “Mag iingat ka, kaisar.”

Ang pagliwanag ng dragon sa braso ko ay ang palatandaan na isa akong kaisar.

“Lucent, Yajima, Zele. Samahan nyo ang kaisar sa kanyang mithiin. Zele ikaw ang makakakutob ng masamang hangarin ng kaisar. Kung mangyari iyon, alam mo na ang dapat mong gawin” utos ni Levi.

Tahimik lang ako at di makapaniwala na ipinagkatiwala sa akin ni Levi ang tatlong fairies.

“Kaisar, may hihilingin sana ako.”

“Ano iyon, Levi?”

“Maaari mo ba kaming palibutan ng barrier, ang buong kagubatan at ang dati mong bayan?”

“Walang problema” ngumiti ako sa kanya, pinagdikit ko ang aking mga palad at ramdam ko ang buong kapangyarihan ko na dumadaloy sa mga kamay ko, itinaas ko ng magkahiwalay ang mga palad ko at nilagyan ang kalupaan ng norte ng barrier.

Kulay rosas ang bumalot na barrier doon.

“Salamat, kaisar” sabi ni Levi at unti unti silang naglaho.

Isa isang lumapit sa akin ang tatlo at tinulungan akong bawiin ang ilang lakas ko.

“Timmy, naririnig mo ba ako. Timmy?”

Ilang beses ko rin syang tinatawag pero walang tugon. 

“Pumunta na tayo sa Charm city.” Malumanay kong sabi, magsisimula na sana akong maglakad nang sinamaan ako ng tingin ni Zele.

“Hindi mo kaya magteleport? O kaya ay magsummon ng beast?”

Hindi ang naisagot ko sa kanya, napasampal naman sya sa noo nya at napailing ang dalawa.

“Petalum!” Sigaw ni Zele at may ibang lakas akong naramdaman.

May isang tattoo ang umukit sa balat ko, halos bumabaon iyon sa kalamnan ko, napasigaw ako sa sobrang sakit nito. Kita ko rin na may pangalan na umukit sa braso ko, mahina kong binasa iyon, Gryphus

Biglang nagkaroon ng summoning circle sa paanan ko, nakakasilaw iyon, halos takpan ko na ang mga mata ko, pagdilat ko ay nakasakay na ako sa isang beast. 

“Tawagin mo lang kami at darating kami.” sabi ni Lucent.

“Sabihin mo lang Ascend pag gusto mo ng lumipad ito, at descend pagbababa na, bigyan mo rin sya ng pangalan, hindi sya susunod sa kahit sino kahit gamitan sya ng kahit anong kapangyarihan.” sabi ni Yajima habang unti unti silang naglalaho.


“Kaya ring makipagsabayan ng beast sa pakikipaglaban.” ani ni Zele.

Tumingin ako sa gryphus, nag iisip ako ng pangalan na pwedeng ibigay sa kanya. Segundo pa ang tinagal at nakapagdesisyon na ako.

“Hikaru,  ascend.”

Lumipad na si Hikaru at ginabayan sya patungo sa Charm City, kita ang pinsala na ginawa ng grupo ni Luna. Nasa labas sila ng Charm City. Binigyan ko ng protection si Hikaru, para may laya syang maglabas masok sa Charm City.

“Hikaru, descend.”

Lumapag kami sa roof deck ng academy. Nagsipagtago ang mga tao na naroon. Nakita ko si Frea sa tabi ng kapatid nya.

“Dane!” Sigaw nito at yumakap sa akin maluha luha sya sa mga nangyari sa akin.

“Dane, s -si Esther...” nanginginig ang boses nya habang umiiyak.

Lumapit si Hikaru sa amin. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Frea , “Anong nangyari kay Esther!?”

Napahagulgol sya at mahigpit na yumakap sa akin.




Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status