Share

NMKIMB 5

JACK'S POV:

"What are you tryin' to say? May nagawa ba kami kaya naisipan mong pag-usapan ngayon ang tungkol sa organisasyon ko?" Komento ko sa naging tanong niya.

Umiling naman siya sabay labas ng buntong-hininga. Hinawakan niya pa ang kaniyang tuxedo at may kinapkap sa loob nito. Pinagmamasdan ko lang ang bawat kilos niya–ang bagay na nasa kamay niya. Anong meron doon?

'An envelope?'

"Saktong ikaw pala ang namamahala sa Black Rose, pinabibigay ng isang kalaban. Noong una nakakapagtaka na dinala sa akin ang sulat. I thought I don't have any relation with Black Rose Organization. Pero ngayon nasagutan na." Hindi makapaniwala niyang sabi.

Napatango-tango na lang ako at kinuha sa kamay niyang nakalahad na sa akin ang envelope. Muli ko pa siyang pinasadahan ng tingin at maging si Tita na nakatitig din sa akin.

"Haist...ano bang meron sa envelope na ito at nagawa pang ibigay sa iyo kaysa ilapit na sa amin. Tsk!" Walang emosyon kong komentaryo at tuluyan na ngang nakuha ang isang papel na may nakalagay na sulat.

Pinasadahan ko muna ang bawat sulok ng papel bago ilapag ang envelope sa lamesa. Naramdaman ko rin ang pagdating ng mga inorder namin pero hindi ko na iyon pinansin pa.

What's this? Pinagloloko ba ako ng mga ito? Anong sinasabi nilang...wait! What?

"Are you sure na galing sa kalaban talaga ito?" Paninigurado ko pa sa daddy ko na nagtataka rin sa naging asal ko.

" Oo anong tingin mo sa akin manloloko?"

"Tsk. Who ever they are...hindi talaga ako nakikipagbiruan sa kanila." May halong pagbabanta kong saad sa aking sarili at kinuyom na lang ang aking kamao–kung saan nandoon ang papel na kakabasa ko pa lang.

"What do you mean? Ano bang nasa loob ng sulat?"

"The Mafia King in Black Rose is gay. Because of our organization name. Kung sino man ang tinutukoy mong 'kalaban' siguraduhin niya lang na lalaki siya. Kung nagkataon na siya pa pala ang bakla, mapapatay ko siya ng wala sa tamang oras." Matapos kong sambitin iyon ay napag-isip-isip kong tumayo na sa aking pagkakaupo. Nagtataka pa ang dalawa sa aking naging kilos.

"Saan ka pupunta? Nandito na—"

"Sa 'yo na lang 'yan, Dad. May dapat pa akong gawin."

" H-huwag mong sasabihin na hahanapin mo na sila?"

" Ano ako tanga? Mag-isip ka nga sa dami ng kalaban ko matutukoy ko agad ba sila? May importante lang akong gagawin. Diyan na kayo." Walang galang na aniko at naglakad na para lang lumabas ng restaurant na ito.

"JACK KREAN MILLER! BUMALIK KA RITO! WALANG KAKAIN NG LASAGNA MONG HANEP KA!"

Narinig ko pa ang sigaw ni Dad sa buong pangalan ko at maging sa lasagna na in-order ko. Ako pa ang may problema? Kung ayaw niya, e di bigay niya sa nangangailangan. Hindi ko naman talaga gustong umu-order nu'n.

"Ma'am please...h-huwag naman pong ganito...ka-kahit ano gagawin ko basta huwag lang ninyo akong paalisin." Dinig kong pagmamakaawa ng isang babae matapos kong makarating sa counter.

Parang pamilyar din ang boses nito ngunit hindi ko na matukoy kung sino. Saka kahit na gusto ko pang lingunin ang babae ay hindi ko na nagawa. Kailangan ko pang pumunta sa bookstore bago sa organization ko.

Hindi ko papalampasin ang ginawa sa akin ng kalaban na iyon. Kung sino man siya, humanda lang siya sa gagawin kong pag-turtore sa kaniya o sa myembro niya. Hindi ko sila mapapatawad.

"Hindi! Kung ganiyan ka lang din naman. Ano pang aasahan ko sa iyo? Kung gusto mo talagang may disenteng trabaho, magtino ka!"

"Tsk!" Napapailing na lang ako sa huling narinig ko mula sa manager 'ata' bago tuluyang makalabas ng restaurant.

Palingon-lingon pa ako sa buong paligid ko kung saan ko ba pinark ang kotse ko. Ordinary car lang ang ginamit ko ngayon kaya nakakapagtaka kung alin ba sa mga ito ang kotse ko.

Naghakbang pa ako papunta sa kaliwang daan at tuluyan ko na ngang nakita ang palatandaan ko sa kotse ko. May mga bt21 na nakalapag sa unahan ng kotse.

Papalapit na rin sana ako roon para makaalis na agad ako ng restaurant nang may dumaan sa harapan ko. Natamaan pa ako sa aking balikat kaya napakaliwa ang posisyon ko, buti na lang hindi ganon kalakas ang impact ng babae kung hindi lagapak kami sa sahig.

Akala ko nga ay titigil siya sa akin para mag-sorry pero halata rito na nagmamadali siya. Saka napansin ko rin na may salamin ito sa mata. Parang nakikilala ko na siya.

Parang siya 'yung waitress kanina. Yeah! She is! Per–teka...bakit umalis na agad siya sa trabaho niya, 'e kaaga-aga pa naman?

Siya ba ang pinapagalitan kanina ng manager? Pero bakit naman? Saka bakit ko ba inaalala ang babae na 'yon, dapat nga ay magalit ako rito dahil hindi siya marunong humingi ng tawad.

"Haist! What's wrong with you, Jack?" Naiiling na singhal ko sa aking sarili at napasapok na lang sa aking noo. Napangiwi ako dahil sa lanit nito.

'Napakatanga mo naman talaga kahit kailan. Tsk!'

Dumiretso na lang ako sa kotse ko. Kung ano pa ang magawa ko sa sarili ko dahil lang sa babaeng 'yon. Hindi ko nga kilala, pero ang lakas ng impact ng presensya nito.

"Haist!"

***

"What are you doing, Ms. Samantha?" Galit na singhal ko matapos makita si Samantha na nakikipaglandian sa mga kalalakihan na nasa counter.

Habang ang mga kababaihan naman ay naiinip na sa kabagalan nito sa serbisyo niya.

Ang iba ay napapamura na lang sa inis. Samantalang ang iilan ay naglalakad na lang para umalis.

May narinig pa ako sa isang customer na masamang tingin sa aking bookstore matapos niyang makalayo sa aking direksyon.

'I've knew it! Hindi talaga ako nagkakamali sa mga konklusyon ko.'

Halata naman sa librarian ang pagkagulat. Napatayo at mabilis na yumuko sa aking harapan. Na akala mo ay sa gano'ng paraan ay mapapatawad ko siya.

'Tsk!'

Ngunit hindi  ko pinansin iyon. I walk towards the direction of librarian/sales lady. Basta kahit ano na lang ang itatawag ko sa kaniya.

"This is not hour of flirting. Hindi kita sinuswelduhan ng malaki para makipaglandian ka lang. But, if you really like to flirt and seduce some guys. Then, bakit hindi natin lubos-lubusin pa. Hmm?" ismirks on my librarian whose name is Samantha. Halata naman sa babaeng ito ang pagkagulat at panlulumo.

Ang mga lalaki rin ay napalayo na dahil ramdam nila ang masamang presensya ko. Ngunit ni isa rito ay walang umalis sa bookstore ko.

"S-Sir...I-I'm sorry...I-I will never do...i-it...a-again...j-just please...s-spare my life." Umiiyak na anito bago nagmamakaawa  sa akin. Hahawakan na sana nito ang kamay ko upang mas lalong maging makatotohanan ang kaniyang pagmamakaawa, nang mahigpit na hinawakan ko ang noo nito.

Wala akong pakealam kung babae pa ba siya o hindi. Kapag tungkol sa pag-aari ko, hindi ko papalampasin ang mga taong walang kwenta katulad ng babaeng ito.

"Oh, sweetie I'm not going to kill you. But, I'll help you to seduce guys, you want?" Mabilis na umiling nang umiling ang babae.

Halata rito ang kaba sa maaari kong gawin.

"N-no...no...si-sir please...no!" But she can't stop me. She can't stop her boss who ripping her uniform.

Nang matapos na ako na punitin ang pang-itaas at pang-ibaba nitong uniform ay ngumisi pa ako nang demonyo.

'Perfect!'

"You're welcome sweetie, don't cry. I'm just helping." Pero hindi pinansin ni Samantha ang sinabi ko. Nagmadali itong tumakbo palayo habang hawak-hawak ang maselang katawan nito dahil sa pagkakapunit ko ng kaniyang uniform.

Pangiti-ngiti pa akong lumingon sa mga madla saka yumuko sa kanilang lahat.

"I'm sorry for what my librarian's did. Kung tinatanong ninyo ako kung bakit ko iyon ginawa? Because she deserved it. Hindi dapat pinaghihintay ang mga customer... lalo na ang mga babae dahil lang sa mga LALAKING MALANDI." Walang emosyon ko pang tiningnan ang anim na kalalakihan na napaayos nang tayo, ang iba naman ay napalayo sa aking direksyon dahil sa talim kong makatingin sa kanila.

"Okay! I'm done. May bibili pa ba o aalis na rin kayo katulad ng babaeng tumakbo?" Tanong ko na lang sa lahat at dumiretso sa may counter.

Wala rin naman ang gagawa nito kundi ako lang. Saka kaya iisa lang ang nandito, imbis na marami dapat dahil malaki ang bookstore. Walang sinuman ang nangangahas na sumabak para kunin ang opurtunidad na nasa harapan nila dahil sa ugali ko 'raw'.

"Me!"

"Ako po, pogi!"

"Kuya!"

"Deserve niya 'yun kuya! Ang landi kasi!"

Gayon na lang ang pagkagulat ko sa naging sagot ng mga kababaihan. Akala ko ay pati customer ko ay mawawala.

Mapapatay ko talaga ng maaga ang Samantha na iyon kapag nangyari.

"Okay... pila lang hindi kayo mawawalan. Lahat ng mga hindi umalis ay may discount na 70% sa kinuha nila. At kung sino ang babalik ay may tyansang makuha ang matagal na nilang hinahanap na libro. Isulat lang sa bond paper na ito. Kung sino ang swerte, 'e di congratulations!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status