Arranged Marriage With Hot Nerdy Guy (Eyes Series #1)
Arranged Marriage With Hot Nerdy Guy (Eyes Series #1)
Author: Maickeyyy_
Arranged Marriage With Hot Nerdy Guy

This work of fiction names, characters, businesses, places, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious of manner. To any resemblance of the actual person, living or death, or actual events are purely coincidental.

This story is unedited so expect typographical errors, wrong spelling and grammatical errors.

I'm young and still learning how to write properly so please bear with me. And if you're looking for a perfect and heavy story don't continue reading this. Thanks!

-----

Isang dalaga na puno ng kompyansa sa sarili.

Dalaga na tinitingala ng lahat.

Dalaga na iniidolo ng karamihan.

Dalaga na kilala bilang isang matapang na babae.

At dalaga na ma-a-arranged sa isang kasalan na minsan ay hindi nito naisip na mangyayari.

"Too bad at first, but too good in the end"

Expect the unexpected love.

----

PROLOGUE

"Anjan na Siya"

"Pababa na"

"Witwiw"

"I'm excited to see my inspiration every day"

"How to be his boyfriend? I want to apply"

Binti pa lang ang kita sa babaeng pababa mula sa pulang sasakyan, pero puno na ng bulungan ang nasa paligid nito at alam na rin nila agad kung sino itong pababa mula sa pulang sasakyan. Sikat na sikat siya, paano nga bang hindi makikilala?

"She's so hot"

"May boyfriend na ba siya?"

"I want to be her husband someday"

"She's so gorgeous"

Sunod lamang ang tingin sa dalaga ng mga estudyanteng nasa paligid niya nang makababa ang dalaga sa kotseng sinasakyan nito kanina.

Parang model itong naglalakad sa hallway na diretso lamang ang tingin.

"I want to be like her"

"How to be pretty as her?"

"She looks like a barbie"

"She's pretty as always"

Hindi lang puro kalalakihan ang humahanga rito, pati na rin ang mga kababaihan. Artista at Prinsesa ang tingin sa kanya ng mga estudyanteng nakakasama nito sa campus dahil bukod sa mala artistahin nitong mukha at pangangatawan, matalino at talented rin ito. Marami mang humahanga sa kanya, hindi pa rin mawawala ang mga naiingget sa kanya.

Siya si JADE MADISON AUSTRELE mula sa mayamang pamilya. May mala artistahing kutis at pangangatawan, minsan pa ay napagkakamalan itong may lahi dahil sa kulay asul nitong mata. Queen yan ang tawag sa kaniya ng karamihan sa mga estudyanteng nasa pinapasukan nitong eskwelahan. Isa siyang spoiled brat princess ng kanilang pamilya at yan ang pagkakaalam ng mga estudyante doon. Sa Campus nila ay maraming takot sa kaniya, walang nakakahawak sa kaniya (maliban sa mga kaibigan nito) dahil sa angking nitong taray at pagiging matapang, wala itong kinatatakutan dahil siya ang kinatatakutan. Pero sa kabila nang ganyan niyang ugali, may mabuti rin naman itong puso.

At dahil sa business ng kaniyang pamilya ma-a-arrange siya sa isang kasalan na minsan ay hindi niya ginusto at hindi niya lubos na maisip na mangyayari. At ang masaklap pa, sa nerd siya maikakasal. 

Ano na lang kaya ang sasabihin ng iba kung malaman nila iyon? Na ang isang sikat at hinahangaan ng lahat ay maikakasal sa isang nerd a si EFRAIM CARTER.

----

Keep reading po! Don't forget to comment your thoughts! 

-----

If you want to find me on my social medias account, you can find me on;

I*******m: vnx.astxrism

Twitter: bxbbly_blaiir 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status