Into The Other Side: The Last Vessel
Into The Other Side: The Last Vessel
Author: CG Tomodachi
Simula

R- 13

Hindi ko maramdaman ang aking mga paa ngunit alam kong gumagalaw ito ng kusa. Katulad ng dati, buong lakas kong kinuyom ang aking kamao ngunit maging ang aking mga kamay ay hindi ko na maramdaman.

Nag simula kumalabog ang dibdib ko.

Pilit kong pinigilan ang aking mga paa sa paghakbang dahil alam ko kapag nag tagal pa ito ay magigising na naman ako sa kung saan.

Noong huli ay nagising nalang ako sa kwarto ni Lola Kristel na may hawak na patalim, hinihingal siya habang takot na nakatitig sa akin kaya sinusumpa kong ayaw ko nang maulit pa iyon.

Bawat hakbang na nagagawa ko'y nawawalan ako ng lakas, ramdam ko na rin ang malamig na pawis sa aking noo. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang pag-ikot ng aking sikmura. Hinahalungkat maging ang pinakamaliit na kalamnan sa loob habang unti-unting nilalamon ang natitira kong ulirat.

Pamilyar na ako sa ganitong pakiramdam at natatakot ako kapag tuluyan na akong masakop ng kadilimang ito.

Ngunit pilitin ko man ay kulang na kulang ang lakas ko, kailangan ko si Lola Kristel para gisingin ako sa bangungot na ito bago pa mahuli ang lahat.

Buong lakas akong sumigaw, buong lakas na pakiramdam ko'y pati ang nawawala kong kaluluwa ay makakarinig ngunit sa huli ang nilamon pa rin ako ng kadiliman.

XxXCGTXxX

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status