Share

Kabanata 1

The Beginning of an End

"Nakikiramay ako, Faith."

Hindi na ako nag-angat ng tingin sa babaeng nagsabi niyon. Masyado na akong pagod para igalaw pa ang aking ulo. Wala na rin akong pakialam kung sabihin nilang bastos ako. Pagod na ako. Pagod na akong mag-isip, pagod na rin akong mabuhay. Pagod na ako sa lahat bagay.

"Nakikiramay kami sa iyo, Lexcel Faith."

Mapakla akong napangiti dahil sa narinig. Ayan na naman. Ilang beses ko na bang narinig ang salitang iyan ngayong gabi ngunit pakiramdam ko ay wala akong karamay sa sakit na nararamdaman ko.

Si Lola Kristel lang ang kinikilala kong pamilya. Namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin habang ang tatay ko naman ay nag pakamatay dahil hindi nakayanan ang depresyon.

Palaging sinasabi ni lola na isa akong regalo ng Panginoon sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pinaniniwalaan. Hindi ako bulag, at sa lahat nang nakikita ko ay hindi ko na alam kong saan doon ang totoo. Sana ang kamatayan ni lola ay kasama sa mga bagay na hindi totoo.

Sana.

"Nakikiramay ako, Faith."

Naihilamos ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Kung sana lang ay kayang maibsan ang sakit na nararamdaman ko gamit ang mga salitang iyan.

Lahat sila ay hindi ko magawang tingnan. Kung sabagay ay hindi ko naman sila kilala maliban sa ilang ka-klase kong narito. Siguro ay maraming naging kaibigan si lola dahil na rin sa angking kabaitan at pagkamatulungin nito.

Aside from being a psychologist, Lola Kristel has psychic ability. She can see and do things that normal people cannot. Hindi siya baliw, sadyang may mga bagay lamang na hindi kayang intindihin ng mga normal na tao at kasama na ako sa mga normal na iyon.

"So what's your plan now, Faith?" 

Nag dalawang isip pa ako kung lilingunin ko ba si Gabby o hindi. Sa huli ay pagod ko siyang nitingnan. Namumula at namamaga na rin ang kanyang mga mata sanhi ng kakulangan sa tulog.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko pa alam sa ngayon, Gab."

"Gusto mo sa bahay ka nalang muna tumira habang naghahanap ng magiging legal guardian mo? Or maybe, sina Mommy nalang ang gawin mong guardian, siguradong matutuwa ang mga iyon."

Tanging hingang malalim lamang ang naitugon ko. Tatlong buwan pa bago ang aking kaarawan at habang hindi pa dumarating iyon ay kailangan ko ng legal guardian.

"I never thought that Sandrex would do it," saad ni Gabby. Kasunod 'non ay isang malalim na paghinga.

Naikuyom ko ang aking kamao. Ang animal na iyon! ang kapal ng mukha niya para hilinging pumunta sa lamay ni lola matapos ang ginawa niya kahapon. Wala sa mukha niya ang pagiging mamamatay tao pero hindi mawala sa isip ko ang dinatnan ko kahapon sa opisina ni lola. Noon pa man ay masama na ang kutob ko sa lalaking iyon.

Si Sandrex ay naging kliyente ni lola sa loob ng anim na buwan at sa loob ng mga panahong iyon ay hindi ko maipaliwanang ang kakaibang kaba at pagkamuhing nararamdaman ko sa kanya. Wala naman siyang ginagawa sa akin pero nakikita ko pa lamang ang kanyang sasakyan buhat sa malayo ay nanginginig na ang aking kalamnan. Hindi ko lang matukoy noon kung para saan iyon ngunit kahapon ay alam ko na. Sa kabila ng kabutihan ni lola sa kanya ay nagawa pa rin niya iyong patayin.

"Wala ka ba talagang naaalala sa nangyari kahapon, Faith?" Kunot-noo akong napatitig kay Gabby. Umiling-iling siya, siguro ay nagsisisi sa kanyang naging tanong. "I'm sorry," pabulong niyang dagdag.

"Hindi ko na maalala ang detalye, Gab. Hindi ko alam, siguro ay natakot ako o ano… hindi ko alam. Basta pagdating ko doon, kalong-kalong niya si lola habang..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sa lalaking literal na nanginginig hindi kalayuan sa inuupuan ko. Nakikita ko pa ang pagtaas-baba ng kanyang balikat dahil sa bilis ng paghinga nito.

Mas lalo siyang tinakasan ng dugo sa mukha nang tumayo ako at sinubukang maglakad papunta sa kanya ngunit sa aking paghakbang ay mabilis siyang umatras at kumaripas ng takbo.

"Kilala mo ba iyon?" tanong ko sabay turo sa daang tinahak noong lalaki.

"Iyon yata ang bagong lipat sa subdivision natin, Faith. He's weird, though," medyo natawa pa siya ng bahagya.

Tumango ako at tinapunan ng tingin ang mga nandoon hanggang sa dumapo ang paningin ko sa bagong dating na nakaposas kasama ang dalawang alagad ng batas— si Sandrex.

Nararamdaman ko na naman ang pamilyar na pag baliktad ng aking sikmura, wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na tibok ng aking puso. Hindi ko maigalaw ang aking katawan at maging pag sigaw ay hindi ko magawa. Mas lalo pang lumalim at bumilis ang aking paghinga hanggang sa kusang humakbang ang aking mga paa papunta sa taong lubos kong kinamumuhian.

XxXCGTXxX

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status