ANG MAPANGANIB SA TRONO

   Nung araw din mismo pagkatapos ng pagpupulong sa unang bulwagan ay nagkaroon naman ng lihim na pag-uusap ang punong ministro at ang prinsipeng si Hagan.

Nakaupo nuon sa tabureteng yari sa tabla ang prinsipe habang tangan ang pilak na kopa sa kanan niyang kamay atsaka nag lalango sa mamahaling alak na nuoy kinalakal pa sa ibang lalawigan. Samantala, nakatayo naman ang punong ministro nuon sa tapat ng tarangkahan ng silid habang pinagmamasdan ang ginagawa ng prinsipe.

"Isang malaking dagok para sa akin ang mga ibinatong salita ng Hari, tila ba may nalalaman sya sa mga nangyayari".

Nag-aalalang wika ng Prinsipe, habang ginagapos ng kanyang mga kamay ang pag kakahawak sa kopa na nuoy nag mamarka ang namumula niyang mga daliri dahil sa higpit ng kanyang hawak dito, na kung saan ay makikita sa kanyang mukha ang labis na paninibughong kanyang nararamdaman sa pamangking si shattu. Labis ang kanyang pag kainis sa sarili sapagkat ni kahit minsan ay hindi niya naisip na ito pa ang magiging kalaban niya sa trono, dahil pag katapos niyang ipapatay ang kanyang kapatid na si Na-il ay lubos nyang inakala na wala ng sinupaman ang magiging balakid para sa kanyang pagiging susunod na Hari ng Virgania.

"Kamahalan, huminahon lamang po kayo dahil natitiyak kong wala syang nalalaman na kahit na anu,patungkol sa pagkamatay ng inyong kapatid."

Ang tugon naman ng punong ministro habang pilit siyang ipinapahinahon, sapagkat nakikita niyang umaalab na sa galit ang prinsipe, dahil kahit siya ay batid nya kung gaanu kalaki ang isinakripisyo nito para sa trono. Kaya naman batid ng ministro ang nararamdaman ng prinsipe. Gayunpaman, kahit pa naisin niyang tulungan ang prinsipe ay wala siyang magawa para rito, sapagkat hanggat nasa trono ang Haring si Ahara ay wala siyang maitutulong sa prinsipe dahil kapag kinalaban nila ang pasya ng Hari ay mag kakaroon ng pag aaklas sa angkan ng sagrado at tapat na angkan na syang magiging dahilan ng kudita sa buong kaharian, at batid niyang hindi pa handa ang kanilang panig para dito, dahil mahina pa ang kanilang puwersa. Kaya naman, sa ngayon ay wala siyang ibang maitulong sa prinsipe kundi ang suportahan at sundin ang lahat ng ipag uutos nito, sapagkat para sa kanya ay tanging ang prinsipe lamang ang may kakayahang mag pabago sa angkang kinabibilangan niya. Kaya naman kahit taliwas ay pinili nya paring pumanig dito kahit batid niyang maaari silang mabigo. Gayunpaman, ang malasakit na ito ay dahil lamang sa utang na loob.

"Hindi tayo nakakasiguro dyan punong ministro!!!kung bakit ba kasi ang prinsipeng si shattu pa ang itinakda ng Hari? Mahihirapan na tayo ngayong bawiin ito."

wika naman ng Prinsipe habang lumalagok ng alak,subalit dahil nga sa sobrang galit sa kanyang dibdib na tila apoy na lumalagablab ay napaikot siya sa kanyang gilid atsaka ibinato ng malakas ang kopa na nuoy kanyang hawak-hawak, kaya naman tumaginting ito ng malakas nuong tumama sa pader niyang yari sa kawayan at bumagsak sa kanyang tabla na sahig. 

Sa kabilang banda ay nag-alala naman ang mga tagapag bantay sa labas ng silid, kaya nga pumasok sila sa loob upang tiyakin ang kalagayan ng kanilang prinsipe, subalit dahil nga sa hindi ninais ng ministro na masaksihan nila ang nangyayari sa prinsipe ay daglian sila nitong pinalabas sa silid. At sa halip ay nag patawag nalamang siya ng mga taga pag lingkod upang mapa bihisan ng bagong kasuotan ang prinsipe at upang malinisan narin ang silid nito. Maya-maya pa pagkatapos ay muli na niyang pinalabas ang mga tagapag lingkod.

"Kamahalan Kung nanaisin nyong mawala sa landas nyo ang itinakda kahit sa anung uri ng paraan ay magagawa nyo yon."

Ang sulsol nyang sabi sa prinsipe habang nuoy lasing na lasing na. Batid nang punong ministro kung gaano kahalaga para sa prinsipe ang trono, at isa pay makikinabang rin dito ang kanyang angkan kaya naman naisip niyang ipanukala ang bagay na pag paslang. Sapagkat, batid niyang kung gugustuhin nga ng prinsipe ay walang imposible dito dahil iniisip nito na, nagawa nya nga ito sa kanyang sariling kapatid, sa prinsipeng si shattu pa kaya na pamangkin nya lang naman.

Sa kabilang banda matapos iyong ipanukala ng ministro ay napatawa si prinsipe hagan atsaka ito napatayo habang nag pa gewang gewang dahil sa kalasingan.

"Punong mi-nistro ang Ibig mo bang sabihin, ay gawin ko rin sa itinakda ang ginawa ko nuon sa aking kapatid ganun ba?Huh!!?

Tugon nito habang bakas ang mag kahalong tawa at inis sa kanyang mukha, dahil kahit na lasing siya ay matino nya paring nauunawan ang mga sinasabi ng ministro, at hindi siya sumasang-ayon dito

"Pinatatawa mo ba ako ministro mengue!? O sadyang hindi mo lang talaga batid kung paano gamitin yang utak mo?

Padiin niyang sabi kasabay ng tuwirang pag tingin sa ministro. Sapagkat, hindi nito inisip na labis na pinag kakatiwalaan ng Hari si prinsipe shattu, dahil sa angkin nitong husay sa lahat ng bagay. Kaya naman natatawa siya at naiinis sa panukala ng ministro na para bang hindi nito pinagiisipan ang kanyang mga sinasabi.

"Si shattu mapag masid siya at matalinong prinsipe, kaya nga siya gustong gusto ng mga tao hindi ba? At isa pa pinuno sya ng sandatahan sa palasyo, kaya sa tingin mo ba sing hina sya ng kapatid ko huh!!? Sandali nga, paano ka naging isang ministro ng konseho kung ganyan ka mag-isip. Alamo, lasing lang ako pero hindi ako sing hina mo! Kung sabagay kundi naman dahil sa tulong ng pamilya ko, baka hanggang ngayon ay taga walis ka parin ng mga kalat sa palasyo. Hindi ba!!?

Ang nakakalokong tugon ng prinsipe kasabay ng mapang lait nitong mga salita. Kaya naman nung mga sandaling iyon ay natahimik at nawalan na nang kakayahang mag salita pa ang ministro, at sa halip ay napa lunok nalamang siya ng kanyang laway kasabay ng bahagyang pag yuko dahil sa katotohan na sinambit ng prinsipe na naging isang malaking tinik sa kanyang angkan dahil nuoy umaani na ng karangyaan dahil sa angkan ng prinsipe, Ang totooy iniisip nyang ginagamit lang sya ng prinsipe para sa pamilya nito. Subalit, wala siyang magawa para ipag tanggol ang sarili kapag minamaliit siya ng prinsipe.Sapagkat, ang lahat ng sinasabi nito ay totoo kaya wala siyang kakayahang maipag tanggol ang kanyang angkan at ang kanyang sarili.

"Makinig ka punong ministro, Ang nais ko ay patatagin ang mga kapanalig natin upang sa takdang araw ay maisagawa natin ang ating mga balak. Kaya naman ibigay lahat ng kailangan nila at siguraduhin mong wala ni isa sa kanila ang lilipat sa kahit na kaninong angkan sa palasyo at kung sakali mang may mag tangka, nais kong supilin mo agad ang mga ito. 

Walang halong awa o anumang reaksyong utos ng prinsipe, kaya naman ang punong ministro ay wala nang nagawa kundi ang tumango nalamang upang pag tugon at pag sang-ayon sa prinsipe. Sapagkat, bukod sa pag sunod ay wala na siyang kayang gawin pa.

Matapos naman ang araw na yon ay isinagawa nga ng punong ministro ang pinag uutos sa kanya ng kanyang kamahalan. Pumunta siya sa tahanan ng mga kapanalig at duon nag bigay ng isang kabang ginto, mamahaling tela at alak pati na ang mga bagong trigo't bigas na kanilang nakukumpiska sa mga mag sasaka tuwing anihan.

Sa kabilang banda naman, ay labis labis parin ang panibughong nararamdaman ng prinsipe, gayunpaman, huminahon na lamang siya upang patuloy na makalapit sa itinakdang prinsipe. Sapagkat naisip niya na kung sakali mang mag tiwala ang itinakda sa kanya, ay magagawa nya itong linlangin para makamit ang trono.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status