Share

Kabanata 5

Author: A Potato-Loving Wolf
"Sir, sasabihin ko to agad sa chief…"

"Huwag niyo na subukang makipagtawaran sakin. Kapag ginawa niyo yun, sisirain ko yung buong York Enterprise!"

Bago pa makapagsalita yung kausap niya sa phone, ibinaba na agad ni Harvey ang tawag.

...

Sa lugar ng Gold Coast Villa, ang bawat villa ay dinesenyo mismo ng isang sikat na international designer. Mula sa klase ng mga ceramic tile hanggang sa klase ng mga puno sa lugar, ang lahat ng ito ay piniling maigi ng designer. Isa itong lugar na hindi kayang bilhin ng sinoman kahit na mayaman pa sila.

Sa sandaling iyon, nakaupo si Harvey sa sofa na nasa balkonahe. Kaharap niya ang kasalukuyang chief ng mga York, si Yonathan York. Siya ang tiyuhin ni Harvey, at siya yung nag-utos sa driver niya na sunduin si Harvey at dalhin siya sa villa.

Habang tinitingnan niya ang masayahing si Harvey, ngumiti si Yonathan at sinabing, "Harv, ilang taon tayong hindi nagkita. Mukhang mas gwapo at mas masayahin ka ngayon…"

"Huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa, Tito. Sabibin mo na yung sasabihin mo. Anong gusto mong gawin ko para sa mga York? Anong gusto mong gawin ko para kontrolin ang sitwasyon?" Nagtanong ng mahinahon si Harvey, at hindi man lang tumingin kay Yonathan.

Ngumisi si Yonathan. "Harv, napaka pranka mo talaga. Kung ganun, dederetsuhin na kita…" Sa sandaling yun, walang magawa si Yonathan. Isa siyang maimpluwensya at makapangyarihang tao sa Niumhi. Malaki ang nagiging epekto ng mga ginagawa niya sa buong siyudad. Ngunit ngayon, wala siyang magawa kundi maging mapagpakumbaba at maging masunurin sa harap ni Harvey, lalo na't may hinihingi siyang pabor dito.

"Sumunod sa uso ang pamilya natin at ininvest ang pera sa stock market ng oil futures. Dahil dito, malaki ang nawala samin. Ngayon ang pondo ng pamilya namin ay…"

"Deretsuhin mo na! Magkano bang kailangan mo?"

"Hindi naman kalakihan, nasa one billion dollars lang…"

'P*uta ka!' Tumaas ang mga kilay ni Harvey. 'One billion dollars? Bakit di ka na lang mangholdap ng bangko?'

"Tungkol diyan, may iba pa akong kailangang asikasuhin, Chief York. Mauna na akong umalis…" Agad na tumayo si Harvey at nagtangkang umalis.

"Harv!" Namroblema si Yonathan sa mga sandaling yun. Agad niyang sinabi, "Kailangan talaga namin ng ganun kalaking pera. Kapag di kami nakakuha ng ganung halaga, mawawalan kami ng pondo, at masisira ang mga kumpanya namin. Isa pa, magagawa ko yung mga hinihingi mong pabor!"

Tiningnang maigi ni Harvey ang mga mata ni Yonathan at sinabing, "Nakita kong nagsasabi ka ng totoo. Pero saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga?"

"Harv, gusto mo ba talagang makitang tuluyang masira ang pamilya natin? Meron kang halos one trillion dollars sa offshore account mo. Maliligtas mo ang mga York kung bibigyan mo kami ng kahit konti mula sa account mo!" Kinabahan nang husto si Yonathan at namula ang kanyang mga mata. "Huwag mong kalimutan ang pinagmulan mo!"

Noong una, nakangiti pa si Harvey. Ngunit noong marinig niya ang sinabi ni Yonathan, agad na sumama ang ekspresyon ng mukha niya. "Sa pagkakatanda ko, Tito, inisip ng buong York family na hindi ako pwedeng maging heir ng mga York noon."

"Nasa halos ilang daang miyembro tayo sa York family. Kwinestyon at inayawan mo ako ng husto. Dati akong isa sa pinakamaraming naging kontribusyon sa pamilya natin, pero pinalayas niyo ako. Tapos ngayon sinasabi mo na alalahanin ko yung pinagmulan ko. Hindi ba parang kalokohan to?"

"Bakit hindi niyo inisip kung gaano kalaki ang naitulong ko sa pamilya natin nung mga panahong yun? Nagpakasasa kayo sa perang kinita ko, tapos itinakwil niyo lang din naman ako."

"Naging son-in-law ako ng Zimmer family sa mga nagdaang taon. Naging miserable ang buhay ko. Hindi niyo nga ako binisita o tinulungan man lang."

"Kung wala kayong malaking problema, maaalala niyo kaya ako?" Madiing sinabi ni Harvey ang bawat salitang binitawan niya.

Bahagyang kumibot ang mukha ni Yonathan. Agad niyang sinabi, "Harv, nagkamali kami. Hayaan mo kaming makabawi sayo. Hihingi kami ng tawad sayo… Pero kailangan namin ang tulong mo na ayusin ang problemang to. Pwede akong magdesisyon ngayon. Mula ngayon, ikaw na ang CEO ng York Enterprise!"

Kahit na ang York Enterprise ay hindi ang pinakamalaking kumpanya na hawak ng mga York, ito ang may pinakamalaking potensyal. Nakatuon ito sa mga angel investment. Bukod dito, hawak nito ang mga shares ng karamihan sa mga kumpanya sa buong Niumhi, kasama dito ang mga bagong produkto at plano na ilalabas pa lang.

Sa kasalukuyan, ang York Enterprise ay hawak ng anak ni Yonathan na si Belle York. Siya ay pinsan ni Harvey. Sa di inaasahan, nakahanda si Yonathan na ibigay kay Harvey ang York Enterprise.

"Sige na, tutulungan ko na kayo." Pinag-isipan itong maigi ni Harvey. Noong una, nagdadalawang-isip siyang makipag-ugnayan muli sa mga York. Ngunit natatandaan pa rin niya ang nangyari kaninang umaga. Kapag hindi niya kinuha ang enterprise, madali siyang maaapi at itatakwil ng kahit sino.

"Huwag kang mag-alala. Aasikasuhin ko to agad. Kailangan mo lang pumunta sa enterprise at pirmahan ang dokumento bukas. Bukod dun, aasikasuhin ko din yung mga rosas mula sa Prague…" Nakahinga ng maluwag si Yonathan. Kung hindi pumayag si Harvey na tulungan sila, siguradong malaki ang mawawala sa mga York kahit na hindi sila mabankrupt.

Ayaw nang magpaabala pa ni Harvey kay Yonathan. Kung hindi niya kayang gawin ang maliit na bagay na gaya nun, hindi niya magagawang tumagal sa business field.

"Oo nga pala, pahiram ako ng damit." Aalis na sana si Harvey. Pero nagningning ang mga mata niya nung makita niya ang bagong suit na nasa sofa.

Pupunta siya sa isang pagtitipon kasama ang mga kaklase niya noong nasa kolehiyo pa siya, at hindi pa rin siya mapakali dahil wala pa rin siyang susuotin. Huli na para bumili pa siya, kaya naisip na lang niyang humiram kay Yonathan.

"Wala yun. Kung gusto mo yan, kunin mo na. Regalo yan mula sa Armani, at nakakabit pa ang price tag niyan." Pumayag agad si Yonathan. Kahit na mamahalin ang suit na yun, maliit na halaga iyon kumpara sa isang bilyong dolyar. Bakit naman mababahala ang chief ng mga York sa ganun kaliit na bagay?

Hindi na ito inisip pa ni Harvey. Agad siyang nagbihis sa changing room. Pagkatapos, tiningnan niya ang sapatos niya at tumingin nang masama sa lagayan ng mga sapatos ni Yonathan.

Medyo mabaho ang paa ni Yonathan. 'Hinding hindi ko susuotin ang sapatos niya. Yung tsinelas ko na lang ang susuotin ko.'

Narinig niya na dadalo ang lahat ng kaklase niya sa pagtitipon na yun. Mukhang dadalo din ang pinakamaganda sa kolehiyo nila, si Wendy Sorrel. Bahagyang nasabik si Harvey.

Pagkaalis ni Harvey sa villa, pumito siya at sumakay sa electric bike niya papunta sa Platinum Hotel. Doon gaganapin ang pagtitipon, at nag-aalala siya na baka mahuli siya kung masyado siyang mabagal.

Sa hindi inaasahan, narinig niya ang maingay na busina ng isang sasakyan. Huminto ang isang Porsche sa tabi mismo ni Harvey, at dahan-dahang bumukas ang bintana nito.

Nakita niyang hinubad ng mother-in-law niya ang sunglasses nito at tumingin nang masama sa kanya. Kinabahan si Harvey dahil dito.

Kahit na mother-in-law ni Harvey si Lilian Yates, mukha lang siyang tatlumpung taong gulang dahil maalaga siya sa kanyang itsura at kalusugan. Elegante siyang tingnan, at mapapansin agad ng sinuman ang pagkakahawig nila ni Mandy lalo na't napakaganda nila pareho.

Subalit, tinitingnan niya si Harvey sa mga sandaling iyon. Pagkatapos, nagsalita siya, "Saan mo nakuha yang suot mo?"

Sa tatlong taon na nakasama ni Harvey ang mga Zimmer, ang pinaka kinakatakutan niya ay si Lilian. Agad siyang nagsalita noong marinig niya ang tanong ni Lilian. "Hiniram ko to sa kaibigan ko, Ma…"

"Oh? May mga kaibigan ka ba?" Ngumiti si Lilian at sinabing, "May nagsabi sakin ng nangyari sa kumpanya kanina. Tutal wala ka namang magawang tama, umuwi ka na at mag-empake ka na. Pirmahan mo ang divorce agreement bukas. Huwag kang mag-alala, babayaran kita."

Kinilabutan si Harvey. "Pero… ma… Mahal ko talaga si Mandy. Hindi ko kakayaning mabuhay ng wala siya…"

Natawa si Lilian sa kanyang narinig. "Huwag mo kong tawaging 'ma'. Hindi ko deserve yun. Kung magiging nanay mo nga ako, baka pati mga ninuno ko magalit dahil dun…"

"Bukod dun, sinasabi mong mahal mo ang anak ko? Paano? Paano mo siya mamahalin kung napakawalang kwenta mo? Ano pa bang alam mong gawin maliban sa mga gawaing bahay? Alam mo bang sinira mo ang buhay ng anak sa nagdaang tatlong taon?"

"Kani-kanina lang, tinawagan ako ni Don. Sinabi niya na nakahanda siyang magbayad ng one million dollars na wedding gift basta ibigay ko ang blessing ko sa kanya at payagan siyang pakasalan si Mandy. Alam mo ba kung magkano yun? Sa tingin ko, hindi mo rin alam yun."
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Almujim Jumli
ang aking kaibigan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5736

    Bam!Bago pa man matapos magsalita ang lalaki, sinipa na siya ni Romina Klein sa lupa na may inis na ekspresyon.“Tigilan mo na ang pagdadaldal!”Ang karamihan ay nagpapakita ng mga matuwid na tingin, handang maghiganti.Hinugot ni Romina ang kanyang baril bago niya pinindot ang gatilyo sa kisame.Bang!Mabilis na umatras ang mga tao, takot na mawalan ng buhay.Iba ang tumayo para sa kapakanan ng kanilang grupo, pero iba naman ang mawalan ng buhay sa daan.“Paano mo nagawa 'yan?!“Ano sa tingin mo ang lugar na ito?!”Nang malapit nang kunin ni Harvey York at ng iba si Asher Klein, isang galit ngunit marangal na sigaw ang narinig mula sa likuran.Agad na tumingin sina Harvey at Romina bago nila nakita ang isang guwapong lalaki na nakasuot ng off-white na balabal na lumalabas kasama ang isang dosenang iba pa sa likod niya.Walang iba kundi si Aryan Augustus, na nakilala ni Harvey sa tahanan ng pamilyang Surrey.Isang kaakit-akit na babae ang sumunod sa kanya.Si Miley Surre

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5735

    ”Sa tingin mo, dapat ko na lang ba itong palampasin lahat?”Ito ay talagang isang sagradong lugar...Pero eksaktong iyan ang dapat kong gawin, alisin ang mga kahayupang tulad niya sa lugar na ito!Nandito lang ako dahil malinis ang aking konsensya!Maaari kong sabihin sa inyong lahat nang walang pag-aalinlangan na ito ay personal.Kung manonood ka lang habang inilalabas ko si Asher dito, hindi ka masasaktan.Upang maipakita ang aking paghingi ng paumanhin, ako ang magbabayad ng lahat dito ngayon.Isaalang-alang mo itong kabayaran para sa iyong pagkawala sa katinuan.Gayunpaman, huwag ninyo akong sisihin sa susunod na mangyayari kung magpasiya kayong labanan ako.Malamig na tumingin si Harvey.“Anuman ang mangyari, walang makakapigil sa akin na ilabas si Asher dito.“Kahit kayong dalawa.”Sinulyapan ni Harvey sina Billie Higgs at Whitley Cobb.Nanginig ang dalawa. Natahimik sila.Naramdaman nila ang panghihinayang. Kung alam lang nila na ganoon kahanga-hanga si Harvey, hin

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5734

    ”Kung ako ikaw, lilingon ako at magpapakumbaba sa harap ng pasukan bilang paghingi ng paumanhin habang may oras pa!" sigaw ni Asher Klein pagkatapos tumawa nang malamig.“Kung hindi, mamamatay ka ng kakila-kilabot na kamatayan!"At least alamin mo ang iyong mga limitasyon bago ka pumunta rito!“May mga bagay na hindi mo dapat gawin nang walang sapat na lakas!“Makinig ka sa akin, o magbabayad ka ng malaki!”Lumabas si Billie Higgs matapos siyang tulakan ni Whitley Cobb.“Huwag kang maging padalos-dalos, Harvey!"May kasunduan kami ni Mom at ni Asher! Tatalakayin natin ang iyong sitwasyon pagkatapos nito!“Huwag kang mag-alala! Tiyakin naming malilinis ang iyong pangalan kapag natuklasan na namin ang katotohanan!”Hindi inaasahan ni Harvey na narito si Billie. Sinulyapan niya ang mapagmalasakit na tingin ni Whitley bago niya agad napagtanto kung ano ang sinusubukan niyang gawin.Masama ang tingnan kung magtatanim ng sama ng loob sa isang taong humingi na ng paumanhin.“Salama

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5733

    Ang mga naroroon ay nagpapakita ng kakaibang tingin.‘Hindi ba alam ng mga taong ito kung ano ang lugar na ito?'‘Bukod pa rito, ito ang pangunahing entablado ni Aryan Augustus! Siya ay isang kahanga-hangang monghe ng henerasyon ngayon!'Hindi lang sila sobrang bastos, pero hinahanap na lang nila ang kamatayan nila sa puntong ito! '‘Bago pa man matapos magsalita ang karamihan, ikinaway ni Romina Klein ang kanyang kamay bago lumapit ang kanyang mga sundalong isasakripisyo.’Itinaas ng mga sundalo ang kanilang mga baril bago itinutok sa karamihan, ganap na binabalewala ang okasyon kung saan sila naroroon.Itinaas ng mga sundalo ang kanilang mga baril bago itinutok sa karamihan, ganap na binabalewala ang okasyon kung saan sila naroroon.Gaano man kalmado at mahinahon ang mga mayayaman, sumigaw pa rin sila sa takot habang paatras na nagkakamali-mali.Mukha silang k

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5732

    Mabilis na nagbago ang ekspresyon ng security guard sa unahan.“Hindi ko alam kung sino ang hinahanap niyo!“Pero hinding-hindi kami magsasalita…”Crack!Sumulong si Romina Klein bago agad pinutol ang binti ng security guard.Nanginginig sa sakit ang security guard nang sa wakas ay nagsalita siya.“Nasa pangunahing bulwagan sila!“Nagsisipagdasal silang lahat sa pangunahing bulwagan…”Pagkatapos, sinulyapan ni Romina si Harvey York.Ang pangunahing bulwagan ng Mandrake Residence ay isang dambana. Natatakot ako..."Mahinahong naglakad si Harvey pasulong na nakapamulsa.Wala siyang pakialam kung kalabanin niya ang Diyos.Lalo pa't hindi naman ako magkakagulo sa isang simpleng dambana…-Sa loob ng pangunahing bulwagan.Isang mahinang amoy ang lumutang sa buong maulap na lugar, na agad nagbigay-lakas sa mga taong nasa loob.Bawat sulok ay pinalamutian ng mga bagay na maliwanag na dilaw.Daan-daang futon ang inilagay sa loob ng dambana.Pero muli, wala pang nagdarasal noo

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5731

    Nagpakita ng aroganteng ekspresyon si Whitley Cobb.Mali ang pagkakakilala niya sa pagkatao ni Harvey York noon...Gayunpaman, malaking pabor ang ginawa sa kanya ng pamilya Higgs. Ang kasal na inayos sa pagitan niya at ni Billie Higgs ay lehitimo rin.Dahil ganoon ang sitwasyon, ano naman kung ipinaglaban niya ang pagkakataon?Kakapit na lang ba siya kay Harlan Higgs habangbuhay?Sa paningin ni Whitley, kung si Harvey nga talaga ang young master ng York family na nagbalik...Ibibigay pa nga niya ang sarili niyang katawan para sa kanya, lalo pa kaya ang kanyang anak!Sa huli, kailangan naman talagang magtulungan ang pamilya!“Kahit ang Wolven Tribe at ang four great tribes ay humahanga sa sinaunang pamilya!”“Ang tatlong dakilang templo ay wala ring pagpipilian kundi magbigay-galang!“Oh, Billie! Hangga't makumpirma natin ang pagkakakilanlan ni Harvey...“Magiging nangungunang mga personalidad tayo sa mga liblib na lugar sa malapit na hinaharap!”Sa sandaling ito, ibinuhos n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status