Share

Kabanata 4

Author: A Potato-Loving Wolf
"Paliwanag? Bakit ako magpapaliwanag sa iyo? " Pagalit na sabi ni Harvey. “Una, asawa ko si Mandy. Layuan mo siya. Kung nais mong gumawa ng eksena, doon ka sa ibang lugar!”

"Pangalawa, kung ang aking asawa ay mahilig sa mga rosas, ako ang bibili nito para sa kanya! Napakaganda niya. Paano magiging angkop sa kanya ang payak at murang mga bagay? Ako mismo magpapadala sa kanya ang mga rosas mula sa Prague ngayong gabi!"

"P*tang *na! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba o sadyang tanga ka? Ang isang rosas mula sa Prague ay higit isang libong dolyar. Narinig kong humihiling ka ng sa isang scooter kay Senyor Zimmer kahapon. Isa ka lang namang walang kwentang tao. Kahit na ibenta mo ang iyong bato, hindi mo rin kayang bumili ng mga iyon. Bakit ka matapang, gumagawa ka ba ng palabas dito?"

Nanlamig si Don. Mayroon siyang marangyang katayuan sa York Enterprise. 'Paano nagagawa ng isang manugang na katulad niya ang kausapin ako nang ganito?’

Bukod pa rito, ang bagay na ikinagalit niya ng sobra ay ang insidente kung saan binato ni Harvey ang kanyang mga bulaklak at hinatak si Mandy sa elevator. 'Ano ba ang gusto ng b*stardong ito?'

Habang iniisip ang mga iyon, ngumiwi bigla si Don. Para bang sigurado siya sa sarili niya. "Mandy, hindi ka ba nangangailangan ng limang milyong dolyar para sa pondo ng iyong kumpanya? Baka matulungan kita. "

"Ano?" Natulala si Mandy.

Kalmadong sinabi ni Don, “Mandy, alam kong kailangan ng iyong kumpanya ng limang milyong dolyar. Fortunately, meron akong hawak na ganoong kalaking halaga, at pwede kong gamitin bilang investment. Kung papayag kang kumain tayo ngayong hapon, mapapasa-iyo ito."

"Seryoso ka?" Hindi namalayan ni Mandy na binitawan niya ang kamay ni Harvey. Tunay ngang kailangan ng kanyang kumpanya ang ganoong halaga ng pera..

"Palagi akong tumutupad sa mga pangako ko." Nagkaroon ng kumpyansa si Don.

"Sige." Matapos itong isaalang-alang nang ilang sandali, nagsalita na siya. Kung hindi siya nakakuha ng ganoong halaga, maaaring malugi ang kanyang kumpanya.

"Tara na, Mandy. Maaari nating pag-usapan ang proyekto at kung saan tayo mag-tanghalian mamaya…” Magalang na sinabi ni Don.

“Mahal! Huwag kang sumama sa kanya! " Bago pa makapagsalita si Mandy, galit na tinitigan ni Harvey si Don. Lalong lumala ang ekspresyon ng mukha niya. "Don, binabalaan kita. Lumayo ka sa asawa ko! ”

Naumisi si Don. "Paano makakapagpasya ang isang walang kwentang manugang tungkol dito? Bakit? Natatakot ka na baka lokohin ka niya?" Bahagyang ngumiti si Don sa sandaling iyon.

"Ikaw ay isang hampaslupa. Sa palagay mo mababago mo ang iyong kapalaran? "

"Ako…" nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Harvey, at nais niyang sabihin pa.

Ngunit sa sandaling iyon, si Mandy ay lumabas ng elevator at sinabi, "Harvey, huwag kang maging walang katwiran."

"Hindi ba ako makatuwiran?" Natigilan si Harvey.

"Alam mo ba kung gaano kahalaga sa akin investment na ito?" Tumingin si Mandy kay Harvey na ma. 'Kung mas may kakayahan siya, hindi ako magiging ganito.'

Bumuntong hininga siya at sinundan si Don palabas ng lobby ng kumpanya. Pagakatapos, sumakay siya sa BMW.

"Mahal!" Agad na sinundan ni Harvey si Mandy noong makita niyang sumakay ito sa sasakyan ni Don. "Mahal, huwag kang sumama sa kanya! Nasakin na yung pera. Bibigyan kita ng five million dollars!" Ang sigaw ni Harvey.

"Harvey, bakit di ka na lang maghanap ng trabaho? Huwag ka nang mangarap diyan." Bumuntong hininga si Mandy.

"Pero…" May binabalak nanamang sabihin si Harvey.

Lumapit sa kanya si Don. Tinapik niya ang balikat ni Harvey at mahinahong sinabi na, "Anong problema? Naghahanap ka ba ng trabaho kahit na wala ka namang kwenta? Gusto mo bang bigyan kita ng trabaho? Maswerte ka at nangangailangan ng janitor ang kumpanya ko."

"Gusto mo bang subukan? Nasa two hundred dollars ang sasahurin mo kada buwan. Bibigyan pa kita ng dagdag na fifty dollars para kay Mandy. Ayos ba?" ang seryosong sinabi ni Don. "Pagmamay-ari ng mga York ang York Enterprise. Hindi madali ang makapasok sa isang ganun kalaking kumpanya. Huwag mong palampasin ang pagkakataon na to. Pag-isipan mo tong maigi!"

Tinabig ni Harvey ang kamay ni Don at sinabing, "Hindi ko kailangan yan!"

"Oh, napakawalang utang na loob!“ Umiling si Don at hindi na nagpaabala pa kay Harvey. Binuksan ni Don ang pinto ng kanyang BMW at agad na sumakay sa sasakyan.

"Mahal, huwag kang sumama sa kanya. Matutulungan kita sa five million dollars na kailangan mo!" Hindi sumuko si Harvey, tumingin siya kay Mandy sa pag-asang magbabago pa ang isip niya.

Subalit, hindi pinakinggan ni Mandy ang pakiusap ni Harvey.

"Huwag ka nang sumigaw, Harvey. Huwag ka nang mangarap lalo na't napakahirap mo…"

"Paano mo tutulungan si Mandy? May five million dollars ka ba? Kilala mo ba ang CEO ng York Enterprise?"

"Mag-isip ka na kung saan ka mamamalimos ng pera kapag pinalayas ka ng mga Zimmer…" Humalakhak ng malakas si Don.

Ibinaba ni Don ang bintana ng kanyang sasakyan at nang-iinsultong ngumisi kay Harvey.

Sumigaw si Harvey, "Don! Huwag kang magmayabang dahil lang mayaman ka!"

"Excuse me. Masayang maging mayaman. Madali kong mapapasama ang asawa mo dahil kaya ko…"

"Kung gusto kong sumakay siya sa sasakyan ko, wala siyang magagawa kundi sundin ako."

"Kapag sinabi kong hiwalayan ka niya, hihiwalayan ka niya agad."

Humalakhak ng malakas si Don.

Pagkaalis ni Don, sakay ng kanyang kotse. Nanlulumong nakatayo si Harvey sa entrance ng kumpanya.

"Kayang pasakayin ng isang project manager ng York Enterprise ang asawa ko sa sasakyan niya. Magagawa pa niyang utusan ang asawa ko na hiwalayan ako."

"Isa lang namang kumpanya na hawak ng mga York yung York Enterprise. Bwisit!"

Habang nagsasalita siya, nilabas niya ang luma niyang phone at tinawagan ang contact number na tumawag sa kanya kahapon.

"Si Harvey to. Matutulungan ko ang mga York, pero may dalawa akong kundisyon!"

"Una, simula sa araw na to ako na ang may-ari ng York Enterprise!"

"Pangalawa, ikuha niyo ako ng pinakamagandang mga rosas mula sa Prague at ipadala niyo sa Zimmer Advertising Company sa paraan na siguradong magugustuhan ng mga babae!"
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5452

    Bam!Isang malakas na tunog ang narinig.Ang kamay ni Cameron ay naharang ni Harvey."Ano ang ibig sabihin nito, Young Master Cameron?" Tanong ni Harvey, na nakatingin ng matalim kay Cameron.Sumimangot si Kairi. "Nagpapasalamat ako na nandito ka para tumulong... Pero si Harvey ay isang bisita dito. Magagalit ang pamilya Patel kung magdesisyon kang kumilos laban sa kanya.”Malinaw na medyo hindi masaya si Cameron pagkatapos marinig ang mga salita ni Kairi."Wala akong balak gawin sa kanya. Gusto ko lang makita kung anong klaseng talento meron si Sir York para galitin ang mga Islander."Mukhang medyo may kakayahan siya, kahit papaano. Ayos lang sana kung nagpapakita lang siya ng galing sa harap ng mga ordinaryong tao, pero… Baka nagbibiro siya kung lalaban siya sa isang sword saint tulad ni Yuri!"Hindi ko alam kung paano siya nakaligtas sa sitwasyon noong nakaraan… Pero sa aking mga taon ng karanasan, masasabi kong kaya kong talunin si Harvey sa isang galaw lang kung talagang g

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5451

    Hindi nag-abala si Cameron na itago ang kanyang mga pagnanasa.Gayunpaman, kung ikukumpara sa isang walang hiya na tulad ni Westley…Si Cameron ay isang walang kwentang tao lang sa pinakamasama. Sa huli, ayaw niyang pilitin ang sarili sa iba. Mas gusto niyang ipakita ang kabaitan at gawing kusang tumalon sa kanyang mga bisig ang kanyang iniibig.Ang mga mata ni Korbin ay kumibot nang labis; nagsimula siyang magsisi sa pagpapapunta kay Cameron dito. Gayunpaman, wala siyang ibang pagpipilian kundi sumunod na lang dahil nagdesisyon na siya.Umirap siya bago dalhin si Cameron kay Kairi."Ms. Kairi, Sir. York, ito si Cameron Lloyd. Siya ay kabilang sa isang kilalang pamilya ng mga martial artist.“Si Cameron ang aking sworn brother! Isa siyang tunay na dalubhasang martial artist! Pumunta siya rito para tumulong."Siya ang ginang ng pamilyang Patel. Dapat kilalanin niyo ang isa’t isa."Siya si Harvey York. Siya ay isang mabuting kaibigan ni Ms. Kairi.”Hindi inihayag ni Korbin ang i

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5450

    Sa gitna ng katahimikan, huminto ang isang kotse sa isang villa sa suburb ng lungsod.Ito marahil ang tahanan ni Kairi.Gusto ni Korbin na bumalik si Kairi sa ancestral house ng pamilya Patel, pero tumanggi siya. Alam niyang muling aatake si Yuri matapos makita ang kanyang kawalang-awa at kawalan ng moral.Masasaktan niya ang pamilya kung mananatili siya sa ancestral house.Ang pagwasak sa ilan sa mga pangunahing puwersa ng pamilya sa tulong ng mga Isla ay isang magandang bagay para kay Blaine din. Kalilimutan na ang pigilan si Yuri, hihikayatin pa niya ang lalaki.Sa ilalim ng mga ganitong kalagayan, mas ligtas na manirahan sa ibang lugar at magplano nang maaga.Pagdating sa villa, gumawa si Korbin ng ilang tawag upang palakasin ang seguridad.Samantala, si Harvey ay humanap ng lugar para magtsaa at makipag-usap kay Kairi.Naniniwala siya na ang karaniwang seguridad ay hindi mahalaga sa isang tunay na Diyos ng Digmaan tulad ni Yuri. Gayunpaman, kapopootan siya nang walang dahi

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5449

    "Mahusay ka, bata. Maswerte ka rin.”Tumawa si Yuri nang hindi tumama ang kanyang galaw kay Harvey. "Sabi nga, ito ay panimula pa lang.""Ganoon ba?" Humalakhak si Harvey. "Bakit hindi mo ipakita sa akin ang iba pa, kung gayon? Ipakita mo sa akin ang tunay mong talento bilang isa sa mga sword saint.”Si Yuri ay malapit nang magsalita, nang marinig ang malalakas na tunog ng mga makina sa labas.Nagpakita si Korbin at ilang tao mula sa pamilya Patel na may dalang baril, mukhang mabangis. Malinaw na dumating lang sila pagkatapos ipaalam ni Kairi ang sitwasyon."Tinawag mo ang mga tao dito?" Si Yuri ay tumawa nang may paghamak. "Sa tingin mo ba kayang gawin ng mga taong ito ang kahit ano laban sa akin, di ba?""Mababasag pa rin kita kahit wala sila. Pero dahil nandiyan sila, baka hindi rin masama na punuin ka ng mga butas. Wala ka rin namang karapatan na dungisan ang mga kamay ko.”"Heh! Hangal!”Tumalim ang mga mata ni Yuri habang sinusuri si Harvey."Ngayon na sinira mo ang akin

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5448

    Nakakatakot ang bilis ni Yuri!Noong hihiwain na niya si Harvey, bigla siyang nalito kung alin ang pupuntiryahin niya dahil nakalantad ang buong katawan ni Harvey.Huminto sa ere ang kanyang katawan, at pagkatapos ay umatras siya sa hindi malamang dahilan.Kinumpas niya ang kanyang kamay, at lumipad ang kanyang short sword mula sa kanyang baywang papunta kay Harvey. Ang espada ay kasing bilis ng isang bala.Kumunot ang noo ni Harvey nang mapagtanto niyang ang maikling espada ay diretso kay Kairi, hindi sa kanya.‘Diyos siya ng Digmaan… At sa kabila nito, ganito siya ka walang hiya?!’Wala nang ibang pagpipilian si Harvey kundi lumipat.Humakbang siya paatras, at niyakap ang manipis na baywang ni Kairi. Ang kanyang balat ay kasing lambot ng mantikilya.Gayunpaman, wala siyang oras upang mag-enjoy sa sensasyon. Mabilis niyang itinulak ang kanyang kamay pasulong, at napilitang umatras sila sa isang sulok. Binala niya nang walang pakialam ang isang malaking mesa sa kainan upang ipa

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5447

    ”Oh? Kilala mo kung sino ako?" Tumingin si Yuri kay Kairi, pagkatapos ay instinctively niyang dinilaan ang kanyang labi."Paano kung ganito? Maaari kong isaalang-alang na iwan kang buhay kung makikipag-enjoy ka sa akin ng ilang araw. Ano sa tingin mo?”"Napakasama," malamig na sinabi ni Kairi."Wala akong interes sa isang matandang aso tulad mo. Hindi ka man lang dalawang-katlo na mas mataas sa akin; abot na lang sa puntong ito. Akala mo ba na pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo dahil isa ka sa mga sword saints?"Si Yuri ay ngumiti nang may kalungkutan."Magaling! Hindi ko akalain na makikita ko ang ganitong katinding babae habang ginagawa ang utos ng aking amo…"Nakapagdesisyon na ako! Papanatilihin kitang buhay at ikukulong kita!”“Makikipaglaro ako sayo kapag maganda ang mood ko, at papalaruin ko ang aso ko sa iyo kapag hindi! Hahaha!”Nagpakita si Yuri ng isang hindi mapigil na ekspresyon; hindi siya mukhang isang sword saint."Ikaw..." nagngangalit na sabi ni Kairi.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status