Share

Kabanata 13

Penulis: A Potato-Loving Wolf
“Huh?” Napahinto si Harvey ng sandali at nakalimutang lunukin ang steak sa kanyang bibig. Bakit hindi niya alam kung ano ang mangyayari?

Si Xynthia ay mas nandiri ng makita niya na kumakain ng malakas si Harvey. Mayabang niyang sinabi, “Hindi ako takot na sabihin sayo. Si Brother Don ay opisyal na nagpropose ng pagpapakasal sa Zimmer family. Magpapadala siya ng dowries ngayong gabi. Kung may isip ka, wala kang gagawin. Kung wala naman...”

Inirapan siya ni Xynthia ng sinabi niya ito. Kahit na ang Zimmer family ay nagpapatakbo ng legal na negosyo, mayroon pa din silang ilang mga bodyguard. Kung ang taong ito ay gustong gumawa ng gulo, siguradong patutumbahin nila siya.

“Kung gayon, lahat kayo, manatili kayong tahimik. May sasabihin si Senior!”

Nasa pinakamataas na posisyon, si Senior Zimmer ay inunat ang kanyang kamay at kumatok sa lamesa. Inaasahan niya at sinabi, “Narinig niyo na siguro ang balita, tama? Hindi ako sigurado kung bakit, ngunit ang presidente ng York Enterprise ay biglang nagbago. Ang bagong presidente ay tinigil lahat ng mga investment nito dati. Karagdagan limang bilyong dollars ang naidagdag para mag-invest...”

“Hindi ko alam kung gaano ka misteryoso ang bagong presidente, ngunit ang kanyang paglitaw ay malaking oportunidad para sa Zimmer family!”

“Madaming pamilya at negosyo sa Niumhi ay naapektuhan. Ang sabi-sabi ay magkakaroon ng malaking pagbabago sa Niumhi...”

“Ang Zimmer family ay kinukunsidera bilang mayamang pamilya sa Niumhi ng ilang taon na. Ngunit tanungin natin ang ating sarili, tayo ay second-class na pamilya...”

“Kung gusto nating magkaroon ng mas malaking impluensya sa Niumhi at gusto na mas umunlad pa, kulang pa kung ano ang meron tayo ngayon...”

“Kung tayo—ang Zimmer family ay gusto maging first-class na pamilya, at maging top-class na pamilya na may impluwensya sa South Light sa hinaharap, kung gayon hindi dapat nating palagpasin ang oportunidad na ito!”

“Hanggat magagawa nating makipagtulungan sa York Enterprise, hanggat magagawa nating makasundo ang presidente, hanggang makaparte tayo sa limang bilyong dollars! Kung gayon, magagawa natin kung ano ang gusto natin sa Niumhi!”

Ang mga miyembro ng Zimmer family ay nagkatinginan sa isa’t isa sa katahimikan matapos na magasalita ni Senior Zimmer.

Pakikipagtulungan sa York Enterprise? Makasundo ang bagong presidente?

Alam ng lahat na isa itong pagkakataon, paano na lang ang Zimmer family. Sino sa buong Niumhi ang ayaw makipagtulungan sa York Enterprise? Sino ang ayaw makilala ang bagong presidente?

Subalit, ang York Enterprise ay sinusuportahan ng mga York sa South Light. Siguradong titignan nila pababa ang isang second-class na pamilya tulad ng Zimmer family.

Ang Zimmer family ay gustong kuhanin ang pagkakataon na ito para umunlad. Subalit, mukhang nangangarap lang sila dahil ang posibilidad na ito ay masyadong mababa.

Ang mukha ni Senior Zimmer ay nandilim ng nakita niyang walang tumutugon. Nalulungkot niyang sinabi. “Bakit? Sobrang ingay niyong lahat ng kinukuha niyo ang bonus niyo. Ngayon na kailangan niyong kumilos, lahat kayo’y umaatras na parang mga duwag! Mga talunan!”

Ang pinakamatandang lalaki sa Zimmer family, tito ni Mandy—si Sean Zimmer ay kumatok sa lames at sinabi, “Father, ang sinabi mo ay maganda. Ngunit ang problem ay hindi pa tayo nagtagumpay na makuha ang mga investment ng York Enterprise ng madaming taon. Dagdag pa dito, nagbago na sila ng presidente ngayon. Paano na lang magiging madali ang bagay na ito?”

Tinignan siya ni Senior Zimmer at mayabang na sinabi, “Kung madali lang ang mga bagay, nilutas ko na ito ng walang isang tawag. Kailangan ko pa ba kayong kausapin lahat?”

Ang mga mata ni Zack ay biglang kuminang. Tumayo siya at sinabi, “Lolo, baka alam ni Don kung sino ang bagong presidente tutal nagtatrabaho siya doon. Siguradong makakatulong siya na makuha natin ang investment na ito.”

Hindi ba’t nagpropose siya ng kasal kay Mandy? Magiging pamilya tayo hanggat pakakasalan siya ni Mandy. Gayunpaman hindi natin makukuha ng buo ang limang milyong dollars, maari pa din tayong makakuha ng ilang daang milyon. Kung makukuha natin ito, hindi ba’t uunlad tayo?

“Don Xander...” Medyo Napaisip si Senior Zimmer at natuwa siya ng tuluyan kay Don.

Tumingin si kay Mandy at sinabi sa hindi matatngihang tono. “Mandy, si Don ay matagal ng nagmamahal sayo. Dagdag pa dito, kami—ang Zimmer family ay kailangan ang tulong mo. Pakasalan mo siya.”

Si Mandy ay nabigla at hindi alam kung ano ang sasabihin. Kung gayon, pinipilit niya ba siyang makipag divorce? Ngunit…

Ang iba pang miyembro ng Zimmer family ay nakapagsalita bago pa may masabi si Mandy.

“Mandy, kailangan namin ang investment na ito.”

“Oo, kung wala ang investment na ito, baka malugi tayo!”

“Magandang pagkakataon ito para itapon na ang iyong walang kwentang asawa. Kailangan mong sunggaban ito!”

“Makakapagpasok ito ng investment sa ating Zimmer family. Magkakaroon ka din ng mayaman at gwapong asawa.”

Walang masabi si Mandy.

Sa sandaling ito, ang mga miyembro ng Zimmer family ay tumayo isa-isa, sinusubukang hikayatin si Mandy. Sa kanilang opinyon, ito ang pinakamagandang paraan para makakuha ng investment.

Narinig nila na si Don ay medyo kilala sa York Enterprise.

Kung siya ay handang makipagtulungan sa Zimmer family, magiging perpekto na ito.

Gamit ang perang ito, ang buong Zimmer family ay magagawang umangat sa susunod na lebel!

Tumayo si Lilian at sinabi, “Father, anong pagkakataon nga naman. Tinawagan ako ni Don kahapon at sinabi niya na gusto niyang pumunta at may gusto siya ianunsyo. Inimbitahan ko siya ngayon sa dinner na ito.”

“Talaga?” Si Senior Zimmer ay tumayo sa katuwaan. “Dalhin mo siya dito!”

Si Lilian ay natuwa na makita ang ekspresyon ni Senior Zimmer. Mukhang wala siyang nagawang mali. Ang kanyang anak ay sa wakas maiiwan na ang walang kwenta nitong asawa. Matatamasa na din niya ang karangalan at yaman. Salamat sa diyos!

Biglaan, nagdilim ang mga ilaw sa hall. Ang ilaw malapit sa pintuan ay sumindi at isang makisig na tao ang pumasok.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5792

    Pagkakita sa tanawin at pagkarinig sa mga salita ni Aliza Howell, hindi maiwasan ni Whitley Cobb na malungkot.Akala niya, may magandang ibinigay si Harvey York dahil napakalakas niyang tao…Pero hindi niya inakala na mabubunyag siya sa harap ng mga propesyonal na tulad noon.Natawa si Harlan Higgs. Sinubukan niyang mamagitan sa sitwasyon.“Estudyante lang naman si Harvey.“Ang mahalaga ay ang intensyon. Hindi mahalaga kung mahal o hindi ang mga regalo.”Natawa si Aliza nang malamig. Hindi niya basta-bastang palulusutin si Harvey.“Oo, maaari mong sabihin iyan…“Pero talagang kasuklam-suklam siya dahil niloloko niya ang iba gamit ang ilang basura mula sa isang tindahan sa tabi ng kalsada!"Talagang dapat mo nang paalisin dito ang lalaking ito, Tito Harlan!“Pinarurumi niya ang hangin habang lumilipas ang bawat minuto!”Sumimangot si Harlan.Sinubukan niyang mamagitan sa sitwasyon, pero nakialam si Aliza at sinira ang lahat.Sa sandaling sasabihin na sana ni Harlan ang isan

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5791

    Sa puntong ito, kailangan na lang talagang suriin ang halaga ng mga kuwintas.Nais din ni Whitley Cobb na alamin ang yaman at pagkakakilanlan ni Harvey York. Sinamahan niya si Harvey at ang iba sa pag-aaral sa ikalawang palapag nang nakangiti.Huminto si Harlan Higgs pagkakita kay Harvey at sa iba sa loob.“Nandito ka na, Harvey!" sigaw niya.“Hahanapin pa lang sana kita!“Ito si Ms. Zimmer. Siya ay isang antique dealer mula sa Mordu.“Marami-rami na rin tayong pinagdaanan nitong mga nakaraang araw.“Kayong dalawa ay galing sa malalaking lungsod! Dapat kilalanin niyo ang isa’t isa!”Agad na tumingin si Harvey bago siya napahinto.‘Mandy…?’Nasa labas na siya ng bayan nang matagal-tagal na. Pinadala pa niya ang mga Dutch para hanapin ang kinaroroonan ni Mandy.At gayunpaman, nabangga niya siya rito, sa lahat ng lugar.Malinaw na natigilan din si Mandy. Hindi niya maiproseso ang kanyang mga iniisip nang makita niya si Harvey.Bago pa man makapagsalita si Mandy, ngumiti si Ha

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5790

    ”Bumili ka ng villa dito kung talagang may kakayahan ka!“Aaminin ko na hindi ka isang palamunin pagkatapos nun!”Nagpakita ng pagmamalaking ekspresyon si Aliza Howell nang makahanap siya ng pagkakataong muling mabawi ang kanyang dangal.Tumatawa ang magagandang babae sa likod niya pagkarinig sa mga salitang iyon.“Hindi mo dapat patuloy na pinapahirapan ang mga bagay para sa kanya, Aliza.”“Alam mo ba kung magkano ang halaga ng isang villa dito?”"Bawat ari-arian dito ay nagkakahalaga ng labinlimang milyong dolyar sa karaniwan!”“Ang No. 1 villa ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa ilang daang milyon!”“Hindi makakabili ng ganoong bagay ang isang mahirap na tulad niya!”“Hindi niya kailanman makukuha ang pera kahit nagtrabaho siya ng walong magkakaibang habang buhay!”Gusto ni Judith Pedler na magsalita pagkatapos marinig ang lahat ng insulto, pero itinaas ni Harvey York ang kamay niya para pigilan siya.Hindi niya alam kung bakit ganito kalaki ang pagkamuhi sa kanya ni Aliz

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5789

    Agad na binuksan ni Billie Higgs ang kanyang kahon bago pa makita ang isa pang basag na madilim na asul na bead.Mukhang magkapareho ito sa kay Judith Pedler. Pareho itong luma at gamit na gamit na.Bago pa man magsalita si Billie, nagsalita na naman si Aliza Howell.“Itapon mo ang basurang ‘yan palabas dito, Billie!“Paano niya nagawang gamitin ang isang bagay na gaya nito para galitin ka?“Napakasama niya!“Hindi lang niya sinusubukang mapalapit sayo, nililigawan din niya si Judith!“Nababaliw na siya!”Ang lahat ay nagsimulang tumingin kay Harvey nang may paghamak."Paalisin mo ang lalaking ito dito, Ms. Billie!" sabi ng ilan sa mga manliligaw ni Billie at Judith.“Tama! Ito ay pagtitipon ng mga upperclassmen! Pinabababa ng lalaking ito ang pamantayan ng lahat dito! Nakakahiya!”"Gusto ko ang kahit anong ibigay sa akin ni Harvey," sagot ni Judith.Mabilis na namagitan si Billie sa sitwasyon na may awkward na ngiti."Maliit na gathering lang naman ito. Hindi naman na kai

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5788

    ”Harvey! Sa wakas nandito ka na!“Kanina pa kita hinihintay!”Mabilis na itinulak ni Whitley Cobb si Billie Higgs nang makita niya ang pagdating ni Harvey York.Pinilit ni Billie na ngumiti habang naglalakad siya palapit.Nakasuot siya ng itim na Givenchy na maikling palda kasama ang isang pares ng itim na stockings, na nagpapakita ng kanyang maputi at makinis na mga binti.Si Judith Pedler, Aliza Howell, at ang iba pang kababaihan ay mayroon din silang espesyalidad, ngunit lubos na nalampasan ni Billie ang mga ito.Pagkakita sa magandang babae sa harap, tumango si Harvey.“Hey, Billie.”Ang mga salitang iyon ay lumabas na napaka-awkward.“Mas ayos na ang lahat ngayong nandito ka na!Desperado si Billie na mag-isip ng sasabihin niya habang nakangiti.“Akala ko hindi ka pupunta!”Hindi alam ni Harvey kung bakit hindi kumalat ang tungkol sa nangyari sa Mandrake Residence.Pero pagkatapos malaman ang tunay na kakayahan ni Harvey, alam nina Whitley at Billie na hindi siya ordi

  • Nagkakamali kayo ng Inapi   Kabanata 5787

    Tumawa si Harvey York.“Hindi mo na kailangan ng tulong ko para ituro sa iyo 'yan, 'di ba?“Si Mr. Lennon ay napakaraming taon nang nasa outskirts. Sigurado akong may sarili siyang plano..."Nagkatinginan sina Aria at Ernie Surrey bago humiling na umalis, sinasabing kailangan nilang ipaalam kaagad kay Lennon Surrey.Gayunpaman, nag-iwan sila ng dalawang kahon ng regalo bago umalis.Hindi rin hiniling ni Harvey sa dalawa na manatili. Dahil malapit nang magkaroon ng malaking problema sa outskirts, pinag-isipan din niyang pumunta sa Surrey family para "protektahan" ang mga bead.Sa huli, hindi niya hahayaang gawin ni Stefan Augustus ang gusto niya.Voom!Biglang tumunog ang kanyang telepono habang malalim siyang nag-iisip.Biglang tumunog ang kanyang telepono habang malalim siyang nag-iisip.Naging abala si Harlan sa kanyang negosyo. Nalaman lang niya na lumipat si Harvey sa kanyang villa nang araw na iyon.Dahil nanatiling tahimik sina Billie Higgs at Whitley Cobb tungkol sa n

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status