Memories of Erie
Memories of Erie
Author: AndyThoughts
Prologue

"Will you say yes to him?"

I ask as I look straight into her eyes. She just give me a plain smile as an answer.

She came closer to me and we sat down under the tree. We're here in our favorite place in this school... our safe haven.

I'm still waiting for her answer but she just lean on the tree and she close her eyes.

"Alam mo Benji drain na drain na ako sa mga projects and special activities na ginagawa ko."

"Yes obviously. Ang laki na nga ng eyebags mo, mukha ka ng panda," I laugh evilly but she just smirk. Oh that smirk of hers... so lovely.

"Atleast cute," she proudly said.

Yeah it's cute but you're cuter than panda. "Ah hindi ka pala mukang panda, para kang si Smeagol hahaha!" I said instead, yeah I'm too coward to tell her what I really want to say. It's just a simple word but I can't voice it out.

"Ha ha ha nakakatawa." She open her eyes and glared on me, "ikaw nga ang bantot ng pangalan mo. Benjamin. Private Benjamin. 'Wag na magpatumpik-tumpik pa! Boom kara-karaka!"

She teased me with matching sayaw at kanta pa talaga. And her face? Iyan na naman siya sa seryoso niyang mukha pero nang-aasar 'yan.

Here we go again, sa lahat ng pwede niyang iasar sa akin eh iyon pa talaga, hindi ko alam kung die hard fan siya ni Vice Ganda o trip niya lang talaga akong asarin no'n? Pero okay lang 'di naman ako naaasar. I even enjoying it everytime she teases me, mas nagiging cute kasi siya sa paningin ko kapag sinasayaw niya 'yan.

She continued teasing me while here I am, stunned again by her beauty. Bakit ba ang ganda-ganda nito kahit pinagmumukha niyang abnormal ang sarili niya?

As I adore her in my mind, I suddenly feel that there's someone is hugging me. Bigla akong bumalik sa katinoan ng marealize ko na siya pala ang yumayakap sa 'kin. Nang dahil lang sa yakap niya ay nabato ako sa kinauupuan ko.

Why am I acted this way everytime she hugs me? Ang tagal na namin magkakilala bakit ganito pa rin ako sa tuwing ang lapit niya sa 'kin? Bakit natatameme ako? But, yeah I'm satisfied and it feels good to hug by her. I really love it though.

Kahit na hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa gulat ay pinilit ko pa rin na yakapin siya pabalik at lihim akong napakagat labi dahil pinipigilan ko ngumiti, kinikilig kasi ako. And yes, natutuwa ako sa position naming dalawa. Para kaming mag-couple. Sana totoo na lang iyon.

Naramdaman ko na mas humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin, kaya hinigpitan ko rin ang yakap ko. We're still on this position when she uttered something.

"Depende."

"Depende ang ano?"

"Depende kung sasagutin ko siya." Ah... mukhang sinagot niya iyong tanong ko kanina.

Huwag mo na lang siya sagutin. Nandito naman ako. Ako na lang... pero hindi ko iyan masabi-sabi dahil natotorpe ako at natatakot. Takot ako na baka busted ako agad sa kaniya at baka ma-friendship over kami bigla. Ayoko mangyari 'yon.

"He's your crush, right? Kaya bakit depende?"

"Hmm kasi," pinutol niya ang sasabihin at tumingin sa akin habang magkayakap pa rin kaming dalawa, "kasi crush ko lang naman siya, eh. Hindi ko talaga siya type!" pagpapatuloy niya sa sinasabi sabay hagalpak ng tawa.

Nakitawa na rin ako kasi natuwa rin ako sa narinig ko. That guy is not her man of her dreams. Ha! Does it mean that I have the oppurtunity to court her?

But her laughter suddenly change into a stern. "May hinihintay din kasi ako na manligaw sa 'kin, Benji." So it means may iba pala siyang gusto?

My smile slowly fades... And my fantasy of becoming his man also disappears. All of a sudden I feel pain in my chest. Hindi ba dapat matuwa ako at hindi makaramdam ng sakit dahil hindi ang hambog na iyon ang gusto niya kundi iba? Why am I hurting? Is it because all this time she likes someone else and she never told me about it? Or am I hurt because all this time she just noticed me just a friend... and I will never be her lover.

"Really? So, who's this unlucky guy?" Kahit na pakiramdam ko ay anomang oras ay papatak na ang luha sa mata ko ay pinilit ko pa rin siyang asarin sa tanong ko.

"Anong unlucky? No Benji, no. Siya na ang pinakamaswerteng lalaki sa balat ng lupa dahil nagustuhan siya ng isang Aerielle Magpantay!"

Yeah, she's right. He's the luckiest man alive because I know that she will love him, she will treasure him... and for sure she will take care of him, more than she took care of me.

"Tss, masyado kang confident ah? But s-sino nga?" Bakit ko pa ba gustong alamin kung sino? Gusto ko talaga saktan ng husto ang sarili ko. Hindi pa ba sapat na nasaktan na ako sa fact na may iba na siyang natitipuhan?

She look at me intently and gave me an annoying look. "Kilala mo siya."

Kilala ko? Sino naman? "S-sino?" Matagal niya muna akong tinitigan sa mga mata, at ang mga titig niya sa akin ay para bang pinagiisipan niya kung sasagutin niya kung sino nga ba o hindi.

 

Pero hindi nagtagal ay nginitian niya ako. I don't know but I suddenly felt nervous when she smiled. I don't know why? Maybe because I'm still hoping that she will say my name? Urgh! I hate this. But before she answers me, the school bell rings. It is a signal that lunch time is over.

Nauna na siyang tumayo at inalalayan akong tumayo. Nag-unat muna siya ng braso at nagsimula ng maglakad, pero agad din siyang tumigil at nilingon ako.

"Makikilala mo rin siya, Benji. Huwag ka mag-alala, ipapakilala ko siya sa 'yo. Not now, but soon," she said while giggling and ran away.

                                 -AndyThoughts-

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status