Share

Kabanata 9: Mahiwagang Pinto at Pagkawala ng Prinsesa

"Ano itong nakakasilaw na liwanag?" Ang tanong ko habang papasok sa lagusan.

Pagpasok ko ng lagusan ay tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Nagpatuloy ako sa paglalakad papalapit sa maliwanag na bagay na yun. Nang makalapit na ako ay unti-unting nawala ang liwanag. Nakita ko ang isang mahiwagang pinto. 

"Ano kaya meron sa likod ng mahiwagang pinto na ito? Tanong ko sa aking isipan." 

Ngunit hindi ko ito mabuksan. Tela kailangan ng susi para mabuksan ito. Naalala ko ang kwentas na kinuha ng aking ina. Maliit lang ang pinto na nagliliwang na kulay ginto at sa paligid nito ay wala kang makikita kundi kaputian ng paligid. Sadyang mahiwaga ang lugar na iyon. 

Callea....Callea.... 

Tawag sa akin ng mga friends ko. Lumabas na ako sa lagusan na pinasukan ko. 

"Cal, saan ka naman nagpunta?" Tanong sa akin ni Robert ng makita nila ako. 

"Pinag aalala mo kaya kami tsaka kanina ka pa namin hinahanap nohhh.." Sabi naman ni Leila na nag aalala.

Sila Robert at Tin ay magkatabi na nakatingin sa akin bakas din ang pag aalala.

"Sorry guys, may napansin kasi ako kanina sa bahaging ito." Sabi ko sa kanila.

"Ano naman yun?" Tanong ni Robert sa akin ng nakaakbay pa kay Tin ngunit biglang tinanggal naman ni Tin ang nakaakbay na kamay nito.

"Isang lagusan." Sabi ko sa kanila.

Tinuro ko ito sa kanila kung nasaan ko nakita ang lagusan ngunit di nila ito nakikita. 

"Saan Cal?" Nagtatakang tanong ni Liela.

"Wala naman ehh.." Pagpatuloy niya.

Tiningnan nila yung tinuturo kong lagusan sa bandang bahagi ng aking likuran. Ako lang nakakakita ng lagusan samantalang ang mga kaibigan ko ay di nila ito makita. 

"Di nyo ba nakikita yung lagusan na sinasabi ko?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi...." Sagot nilang lahat sa akin na may pagtataka.

Lumapit ako sa lagusan  ng bigla akong hinigop nito. 

Calle.........Calle.........

Sigaw ng mga friends ko na narinig ko ng bigla ako hinigop ng lagusan na yun. Tela nililinlang ako ng aking mga nakikita. Naalala ko ang sinabi ng munting fairy na may mahika ang mga di pangkaraniwang nangyayari. 

"Saan ako? Tanong ko." Nakadapa ako at sinubukan tumayo. Nahihilo pa ako sa paghigop sa akin ng lagusan.

Ang liwanag ng paligid. Napapaligiran ako ng mga ginto. Lahat ng mga nakikita ko sa paligid ay balot ng ginto. Meron pang mga hugis tao. Mga bulaklak at halaman ay nababalot rin ng ginto.

"Ano meron sa lugar na ito." Tanong ko ulit. 

Inikot ko at nilibot ang paligid hanggang sa napansin kong nasa loob ako ng isang malaking palasyo. Pagdating ko sa truno ng Hari at Reyna, may napansin akong nakaupo dun. Lalapitan ko sana para alamin kung sino yun ngunit di ako tumuloy ng makarinig ako ng ingay na galing sa lobo mula sa aking likuran. Nakatayo lang ako at nagkatitigan kami ng lobo. Maya-maya ay nag bagong anyo ito, pamilyar ang kanayang mukha.

"Lero..." Sigaw ko. 

Nagising ako sa kinahihigaan ko.

"Haysstt.. panaginip lang pala yun, kala ko totoo na." Sabi ko.

Habol ko ang aking paghinga. Mga dahon na nagkukumpolan ang nagsilbing higaan ko ng nawalan ako ng malay. Naalala ko bigla na hinigop ako ng isang lagusan. Nang makatayo na ako ay bigla kong nakita sa kanang bahagi ko si Lero na nakaupo. Tela ba inaantay niya ako magising.

"Mabuti naman at nagising ka na?" Sabi niya sa akin ng seryoso at nakatitig sa mga mata ko.

Nakaupo siya sa mga oras na yun at agad din siyag tumayo sa kinauupuan. Hinawakan niya ang mga kamay ko at inaalalayan ako sa pagtayo. May napansin ako sa kilos niya. Parang kakaiba ang kinikilos niya ngayon kumpara nung huling pagkikita namin at kung paano siya magsalita.

"Saan tayo at anong lugar to?" Tanong ko sa kanya.

Ngunit di siya sumagot at nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nauna siya sa akin sa paglalakad at nakasunod naman ako sa kanya. May matataas na puno ang aming nadaanan at nalalagas ang mga dahon nito. Pakiramdam ko may di magandang mangyayari. 

"Lero...sandali lang.." Sigaw ko sa kanya habol ko ang aking paghinga dahil ang bilis niya maglakad kaya napapatakbo ako. Di niya ako nilingon o pinansin. Tela may nagbago sa kanya. 

"Gawa din kaya ito ng itim na mahika? Sino ang nasa likod ng lahat ng mga di magandang nangyayaring ito." Bulong ko sa aking sarili habang nakasunod kay Lero.

Nagpatuloy ang aming paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking puno. May maliit na pinto  na nagliliwanag na makikita. 

"Ito yung pinto sa aking panaginip." Bulong ko ulit ng makalapit na kami sa mahiwagang pinto.

May kinuha siya sa kanyang bulsa. Nakita ko yung hawak niya. Hawak niya ang mahiwagang kwentas na kinuha ng aking ina.

"Paano napunta sayo yan?" Pagtataka kong tanong.

Hindi pa rin siya nakaimik at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Binuksan na niya ang mahiwagang pinto. Tumambad sa amin ang mga nakakasilaw na mga bagay na nababalot ng ginto. Mga halaman, hayop, at iba pa ay nabalot ng ginto.

"Lero, bakit naging ginto ang mga to? Tanong ko. 

Nagulat ako sa aking nakita. Buong paligid ay nabalot ng ginto.

Tiningnan lang ako ni Lero. Walang emosyon na makikita sa mga mata niya. Ramdam ko na may di magandang mangyayari sa akin. Di ko alam kong saan ako dadalhin ni Lero pero pilit ko siyang sinundan hanggang sa makapasok na kami sa malaking palasyo.

"Anong nangyari dito, bakit nabalot ng ginto ang paligid.?" Tanong ko ulit sa kanya ngunit di ako pinansin na tela wala siya sa kanyang sarili.

Dinala niya ako sa isang silid ng palasyo. Pagbukas ng pinto ay agad akong pumasok. Bigla kong narinig ang pagsara ng pintuan. Sinubukan ko itong buksan ngunit nakakandado ito. Tiningnan ko muli ang paligid ng silid kung saan ako naroon. Malaki ang silid na yun kumpara sa aking silid. May malaking higaan sa gitna na na nabalot ng puting tela. Meron ding malaking upuan sa kaliwang bahagi ng kama. Ang silid na yun ay di nabalotan ng ginto. May mga larawan ng hari at reyna  at isa sa mga larawan ang nakaagaw pansin sa akin. Nakita ko na may hawak na sanggol ang reyna. 

"Parang pamilyar sa akin ang sanggol." Banggit ko habang nakatingin sa larawan ng hari at reyna.

Paglingon ko sa bintana ay may napansin akong maliit na liwanag na lumilipad sa di kalayuan. Papalapit ang bagay na yun sa bintana kung saan ako nakasilip.

Lero POV,

Hatinggabi na ng pumunta ako sa bahay ng prinsesa. Tulog na ang lahat kaya sinamantala ko ang pagkakataon. Iniutos sa akin ng Gold Queen na kunin ang mahigang kwentas upang madala ko at maipasok sa gardenya ang prinsesa. Nakita ko ang ina ang kanyang ina sa bintana. Nasa Gitnanag bahagi ng bahay ang silid nito. Inakyat ko ang bahay at nagtungo sa silid ng kanyang ina. Tinago nito ang mahiwagang kwentas sa isang kahon na nilagay niya sa mesa. Malapit lang ang mesa sa bintana. Napansin kong hindi nakakandado ito at tsaka ko kinuha ang kahon na naglalaman ng isang mahiwagang kwentas. Bumalik na ako kung saan naroroon ang Gold Queen.

"Kamahalan nakuha ko na ang mahiwagang kwentas." Sigaw ko.

Nakaupo siya sa truno at hawak hawak nito ang mahiwagang baston na kulay ginto.

" Mabuti at magagamit mo yan para dalhin sa akin ang prinsesa ng walang kahirap hirap." Sabi niya sa akin. Tumayo ito ng lumapit sa akin. Bigla niya itinapat sa akin ang mahiwagang baston. 

" Sa mga oras na ito ay aalisin ko sa iyo ang emosyon na nagbibigay sayo ng kahinaan." Bahagyang sigaw ng Gold Queen.

Yun ang huli kong marinig at di ko na alam ang sumunod na nangyari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status