Share

Kabanata 13: Pangitain

Lero POV,

Wala na akong maisip na paraan ng mahuli kami ng Gold Queen kundi ang isuko muli ang prinsesa. Wala ring kaalam-alam ang Queen na wala na ako sa ilalim ng kanyang kapangyarihan. 

"Lero, maghanda ka dahil darating ang aking mga kampon." marahan sinabi niya sa akin.

Nasa tapat siya ng bintana ng mga sandaling yun at nasa likuran niya ako. 

"Masusunod po kamahalan." At napayuko ako.

"Kailangan ito malaman ng Prinsesa pero paano at nakabantay ang Gold Queen." Nasaisip-isip ko.

"Ang aking nais ay nagaganap na, at wala ng makakapigil pa sa aking mga plano. Natutuwang sambit ng Queen sabay tawa ng malakas.

"Paano po ang Prinsesa? Anong balak mo po gawin sa kanya.? "Tanong ko.

Lumingon siya sa akin at biglang siyang napatigil tsaka nagsalita.

"Gusto ko... na makita niya ang pagwasak ng sanlibutan at ang kanyang kaharian." At tumawa ito ng napakalakas.

Nilamon na ng galit at paghihiganti ang puso ng Queen. Tela wala na itong pinakikinggan pa. Nakulong ang queen sa ilalim ng kapangyarihan ng gintong baston. Sa mga oras na yun ay pinagmasdan ko siya at binabantayan kung ano pa ang mga balak niya gawin.

"Ngunit saan nagtungo ang prinsesa?" Bigla kong natanong sa aking isipan.

Nilibot ko ang aking paningin ngunit hindi ko siya nakita.

"Baka pumunta siya sa silid kung saan ko siya kinulong." Saad ko.

Naglakad ang Queen patungo sa kanyang truno at inaantay ang parating na mga kampon ng dilim. Magsisimula na naman maghasik ng lagim ang Queen at hindi pa siya nakuntento dahil lahat ay sisirain niya at walang ititira. Tiningnan ko lamang ang Gold Queen hanggang sa makarating siya sa kanyang truno. Sumunod na rin ako upang magpaalam.

"Kamahalan aalis muna ako." Paalam ko sa kanya.

"Sige na, makakaalis ka na." Mahinahon niyang sinabi.

Umalis na ako sa kinaroroonan ng Gold Queen. Hinanap ko ang Prinsesa sa lahat ng sulok ng palasyo. Ngunit ni bakas ay wala akong makita.

Callea POV,

Papasok na kami ng lagusan ng biglang pinigilan ako ni Lila.

"Prinsesa sandali. Diba nagbitaw ng salita ang bruha na kapag sinubukan mong makaalis ay magiging ginto ka." Biglang naisip ni Lila ang sinabi ng Gold Queen.

" Oo pero....Lila kailangan kong makita kung ano talaga ang nangyari sa mundo ng mga tao. Baka hinahanap din ako ng kinikilala kong magulang at mga friends ko." Naluluha ako habang nagsasalita.

Nalungkot ako ng mga sandaling yun ngunit naglakas loob ako. Sinuway ko ang bilin ng Queen.

Nakatawid na ako sa kabilang lagusan at sumunod sa akin si Lila. 

Nakita ko ang mga bagay na naging ginto. Mga tao na naging ginto at makikita ang ilan sa kanila na sinubukan tumakas. Di pa ako nakaalis sa kinatatayuan ko ng biglang may napansin si Lila sa mga kamay ko.

" Ang mga kamay mo Prinsesa." Nagulat si Lila sa kanyang nakita.

"Lila, Nagiging ginto ang aking mga kamay." Natakot ako at nagulantang.

"Bumalik na tayo kamahalan sa palasyo." Mabilis niya sabi sa akin.

Wala na akong magawa kundi ang bumalik sa palasyo. Pumasok ulit kami sa lagusan pabalik sa palasyo. Sinamantala namin ang pagkakataon habang di pa tuluyan naging ginto ang buo kung katawan at di pa nagsasara ang lagusan. Nakabalik na kami sa silid kung saan kami nanggaling.

" Nawawala na ang mga ginto sa kamay ko." Natutuwa akong di tuluyan naging ginto ang aking katawan.

"Paano na yan Prinsesa di ka na makakaalis." Pag aalala ni Lila.

" Don't worry sigurado akong may paraan pa." Nakatingin ako sa kanya. Napahiga na lang kami dalawa sa kama.

"Ganito na lang Lila, ikaw na lang ang pumunta sa mundo ng mga tao. Puntahan mo mga kinikilala kong magulang at mga kaibigan ko. Ikaw na bahala magpaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari sa akin." Napatayo ako sa pagkakahiga.

"Masusunod mahal na Prinsesa." At lumipad siya malapit sa mukha ko.

"Baka matulungan tayo ni Lero mahal na Prinsesa." Lumipad siya papunta sa pinto at bumalik muli sa harap ko.

" Pero di ko alam kung ano nasa isip ni Lero at baka mabigo lang tayo." Malungkot kong sinabi sa kanya.

Natigilan kami ng biglang nagbukas ang pinto. 

" Le..Lero," Nanlaki ang mga mata ko ng napatingin siya kay Lila.

Mabilis niyang sinara ang pinto at kinandado. Di siya nagulat nung napansin niya ang fairy at sa halip ay natuwa pa ito. Di ko lubos maisip kung bakit ganon ang reaksyon niya. Tiningnan ko si Lila at naluluha ito.

" What's wrong Lila?" Pagtataka kong tanong ng makita naluluha siya.

"Ah wala naman, napuwing lang kamahalan." Sabay punas niya sa kanyang mga mata.

Lumapit si Lero sa amin. Tinuturo niya si Lila at napamangha pa ito ng makita ang fairy.

"Fairy....." Nakangiti siya. 

"Akala ko wala ng natirang fairy na nakaligtas sa ilalim kapangyarihan ng Queen." Pagpatuloy niya.

"Ah Lero, siya si Lila. Siya ang aking tagabantay mula nung bata pa ako. Kailan ko lang din siya nakita at nakilala sapagkat hindi siya nagpapakita sa akin noon." kwento ko.

"Ah kaya pala..parang napapansin ko lately na parang may kausap ka dito sa tuwing bubuksan ko ang pinto at tsaka yung kahapon may tinitingnan ka sa ilalim ng kama. Yung fairy pala ang tinitingnan mo. Tama ba ako?" Nagagalak siyang makita ang fairy.

"Yes Lero, Siya nga yun." Sagot ko sa kanya.

Nagkatitigan kami ni Lila saglit. Bumalik kay Lero ang paningin ko. Tiningnan din niya ako ngunit parang may gusto iting sabihin.

"Prinsesa maghanda kayo dahil ngayon darating mga kampon ng dilim. Tuluyan ng nasakop ng kadiliman ang buong mundo dahil sa kagagawan ng Queen." Nakatitig siya sa mga mata ko.

Lalo ako napapamangha sa kakisigan at tapang ni Lero. Ngunit hindi ako pwedeng umibig sa kanya simula ng nalaman kong isa akong Prinsesa sa kahariang ito.

"Handa na ako sa kung ano man ang magaganap ngayong gabi o kung ano man ang binabalak gawin ng bruha." Mahinahon lamang ako at kalmado.

Di ko alam kung bakit baliwala sa akin ang takot. Sadyang katapangan ang nangingibabaw sa aking pagkatao.

"Prinsesa ano ng balak mo?" Tanong ni Lila bigla. Dumapo siya sa balikat ko.

"Puntahan mo mga kaibigan  ko at ang mga magulang ko sa mundo ng mga tao Lila." Sabay lingon ko kay Lero.

"Lero, Kaya mo bang kunin ang gintong baston sa bruha?"

" Mahirap gawin yun dahil laging nasa tabi niya ang gintong baston pero susubukan ko mahal na prinsesa." Hinawakan niya ako sa mga braso.

"Wag ka mag alala Callea matatapos din ang paghahari ng kasamaan. Matatalo din natin ang Gold Queen. Basta nandito lang ako at poprotekta sayo kahit ano mangyari." Mga katagang binitawan niya na nagbigay tuwa sa puso ko.

Di ko maitanggi na nahuloga ang loob ko sa kanya at yun din ang unang beses na binanggit niya ang aking pangalan. 

"Ah kanina pala di ko kayo nakita ng fairy kanina. Saan kayo nagpunta?" Bigla na niyang inalis ang mga kamay niya na nakahawak sa braso ko.

"Wag mo na itanong Lero sapagkat nakakagulat din ang nangyari kanina." Napayuko na lang ako.

Tahimik lang na nakikinig ang fairy sa tabi namin.

"Ok, sige at di ko na itatanong pa kung ano talaga nangyari sa inyo ng fairy kanina." Tumalikod na siya at naglakad patungo sa pintuan.

"Aalis na ako, kailangan kong balikan ang Queen." Pagpapaalam ni Lero.

Bago pa siya makalabas ng silid ay hinabol ko siya at niyakap. Di ko na napigilan ang aking sarili na yakapin siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. Nakatalikod siya ng mga oras na yun ng hinabol ko ng yakap. Maya-maya ay bumitaw na rin ako. Lumingon siya sa akin at niyakap ako ng harapan. Di ko lang mapigilan ang nararamdaman ko ngunit bawal umibig ang isang Prinsesa lalo na at paghaharian nito ang buong kaharian, sa labas man o sa loob ng gardenya. Di namin mapigilan ni Lero yakapin ang isa't-isa. 

"Prinsesa......" Sigaw ni Lila sa akin. Di naman kalakasan ang kanyang sigaw. Natigilan kai ni Lero at nagpaalam na sa isa't-isa.

Takipasilim na at kailangan na muna namin bumawi ng lakas. Nagpahinga muna kami hanggang sa makatulog na ako. Napagod na rin ako sa lahat ng mga naganap ngayong araw. 

"Callea......." Pamilyar ang boses galing sa aking likuran.

Lumingon kung saan nanggagaling ang boses na yun at nakita ko ang mga kinilala kong magulang ay unti-unti nabalot ng ginto ang kanilang mga katawan.

"Ina..., Ama....,!" Sigaw ko ng malakas. Di ko na naramdaman na pumapatak na pala ang mga luha ko.

Nilapitan ko sila ngunit biglang lumitaw sa aking harapan ang bruha at tumatawa ito ng malakas. 

"Ano tong mga nakikita ko, bakit ganito?" Bulong ko ng mga sandaling yun.

Biglang naglaho ang mga magulang ko at nakita ko muli ang mga tao na sumisigaw at humihingi ng tulong. Lahat sila ay isa-isa nagiging ginto. Tanging ang boses lamang ng Gold Queen ang nagbibigay ingay sa paligid ng ginawa niya ginto ang lahat. Dumating pa ang kampon ng kadiliman. Mga halimaw na kinatatakutan ng mga tao. Meron din  lumilipad na halimaw at kung ano-ano pang mga nilalang. Tela papunta sila sa Gold Queen kung saan nandun din ako. Pinagmasdan ko sila habang papalapit sa aming kinaroroonan. 

"Ano na mangyayari sa mundo." Napaluha na lang ako. Nagising ako bigla sa masamang panaginip na yun.

Habol ko ang aking paghinga at pakiramdam ko di na ako makakaalis sa bangongot na yun.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status