Kabanata 2.2

“Ok lang naman atleast siya ang pumirma sa amount ng cost.” Pinaalis na ako Mrs. Santos at bumalik naman ako sa office ni Sir. Pagdating ko dun hindi ko na siya naabutan baka pumunta na para sa lunch nila.

--

Mabilis na lumipas ang oras at bumalik din agad si Sir ng 12:30 sa office niya. Ginawa ko na lang ang mga pinapagawa niya sa akin pero natigil ito ng may kumatok sa pintuan niya. Mabilis kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan kung sino man yung kumakatok.

“Good afternoon po Sir, nandito na po pala yung record of the transactions this month.” Masiglang sambit nung babae. Lumapit siya sa table ni Sir at bumalik naman na ako sa upuan ko. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko ng magulat ako dahil sa hampas ni Sir sa lamesa niya.

“Sino may gawa nito?!” malamig niyang sigaw sa babaeng nagbigay sa kaniya ng mga records. Ang babaeng masiglang pumasok dito ay para ng kuhol na pinukpok dahil nakayuko na ito at pansin ko na ang panginginig ng katawan niya.

“A-ako po S-sir.” Nanginginig niyang sambit. Napaatras ang babae at napatayo na lang ako sa kinauupuan ko ng ihagis niya sa mukha ng babae ang mga papel.

“Nag-aaral ka ba? Paanong mas malaki pa ang cost kesa income? Ano yun? Lugi tayo?!!” kahit na ako na nakikinig lang ay napapikit na lang sa sigaw ni Sir Kyler. Pero hindi ko kayang makinig at manuod lang. Lumapit ako sa babae at hinarap si Sir.

“Kumalma ka Sir natatakot mo na siya.” Tiningnan ako ni Sir ng mga matatalim niyang tingin.

“And who do you think you are?! Para mangialam dito!” sigaw niya rin sa akin. Itinago ko sa likod ko ang babaeng umiiyak na ngayon dahil sa galit niya.

“Tao rin naman siya para magkamali. Walang perpektong tao at kahit na ikaw ay nagkakamali. Estudyante pa lang siya at naassign na mag-OJT sa kompanya mo! Imbis na turuan mo sa pagkakamali niya hindi at pinagalitan mo!” sigaw ko rin sa kaniya. Alam kong secretary lang ako at walang karapatang pagsalitaan siya pero estudyante pa lang yung tao at nag-OOJT. Kita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa mga sinabi ko.

“OJT? At sinong nagsabi sayo na nag-OOJT pa lang siya?!” humakbang ako ng isang beses patagilid para ipakita ang babaeng nakayuko sa likuran ko.

“Hindi mo ba nakikita ang napakalaki niyang ID at nakalagay na OJT?” hinawakan ko ang nakasabit niyang ID sa leeg niya at ipinakita kay Sir ang OJT na nakalagay dun.

“Bullshit! Sinong nag-utos sayo para pakialamanan ang records of transaction this month?!” kung kanina ay galit siya ngayon ay mas galit na galit na.

“Bring me that person kung sino nagbigay sayo ng task na yan!” mabilis na tumakbo ang babae palabas ng office ni Sir. Tumalikod si Sir at humarap sa bintana niya ng nakapamulsa. Mabilis ko namang pinulot isa isa ang mga papel na nagkalat sa floor. Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan ni Sir at binuksan ko ito.

“Sir p-pinapatawag nyo daw p-po ak-ko?” tanong ng isang ginang na nanginginig na rin ang boses. Parang lahat sila takot sa galit ni Sir Kyler.

“Bakit mo iniasa sa iba ang trabaho mo! At sa estudyante pa?!” nanggagalaiti niyang sabi sa ginang. May kaedaran na rin ito at sa tingin ko nasa mid 40s na siya.

“P-pasensya na S-sir may ginagawa po k-kasi ako, accounting po kasi kinukuha niya k-kaya itiniwala k-ko po.” Sagot niya kay Sir Kyler.

“Ilang taon ka ng nagtatrabaho dito Mrs. Cruz tapos hindi mo pa rin inaayos trabaho mo. Gusto mong mawalan ng trabaho?!”

“Naku Sir pasensya na po. Aayusin ko na lang po huwag niyo lang akong tanggalan ng trabaho.”

“Yung pinapagawa ko sayong isa tapos mo na?!” umiling naman ang ginang at galit na ginulo ni Sir Kyler ang buhok niya dahil sa frustration.

“You’re fired!” mga salitang dumagundong sa apat na sulok ng kwartong ito. Lumuhod naman ang ginang dahil dun. Wala man lang bang galang sa nakatatanda ang lalaking ito.

“Naku ma’am tumayo po kayo diyan.” Pilit kong pinapatayo ang ginang na umiiyak na ngayon pero patuloy pa rin siyang nagmamakaawa kay Sir Kyler. Demonyo ka talaga Kyler. Wala na akong pakialam matanggal man ako o maalis hindi ko kayang tingnan ang mga nangyayari.

“Alam mo ikaw?!” dinuduro duro ko na siya dahil sa galit ko.

“Wala ka man lang kagalang galang sa matanda. Eh parang nanay mo na yan eh!” pinigilan niya ang kamay kong nagduduro duro sa dibdib niya.

“Huwag kang mangialam dito.” Galit niyang sabi sakin. Paano ako hindi mangingialam eh lumuhod na sa kaniya yung tao nagmakaawa na tapos tatanggalan niya pa ng trabaho.

“Hindi sila Diyos para mapabilis ang trabaho nila at lalong hindi ka Diyos para luhuran ka! Ang dami dami mong pinapagawa tapos gusto mo matapos nila agad. Nagkamali lang sila tatanggalin mo na!”

“Para malaman nila ang mali nila, kompanya ko ito at sabay sabay kaming babagsak kung pinagpatuloy nila ang katangahan at kabobohan nila.”

“Eh gago ka pala eh!” malakas kong sigaw sa kaniya na nakapagpalaki ng mga mata niya.

“Alam mo kung bakit hindi nila natatapos ang mga trabaho nila ng maayos dahil galit mo na lang lagi nilang iniisip. Minamadali na nila lahat dahil nagmamadali ka! Ikaw nga number 1 company sa pilipinas pero sa dami ng award na nakuha mo may nakuha ka bang best in Human Resource?! Diba wala? Nakita ko lahat ng awards ng company mo pero ni isa sa Human Resource ay hindi ka nakakuha ng best! Subukan mo kayang magpakabait sa mga empleyado mo baka sakaling best with the best company ka pa! Prenepressure mo sila! Hindi na sila nakakapagtrabaho dahil sa gusto nila. Nagtatrabaho na lang sila dahil sa gusto mo!” mahaba kong paliwanag at sigaw sa kaniya. Hinila ako ni Mrs. Santos na nakapasok na pala sa office ni Sir Kyler pero inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“Hayaan mo ako Mrs. Santos!”

“Sa ginagawa mong yan maaalis ka sa trabaho mo.”

“Wala akong pakialam.” Sigaw ko sa kaniya at hindi ko na siya pinansin at ibinalik ang atensyon kay Kyler.

“Sana naman magfocus ang kompanya mo sa passion dahil kung masaya sila sa trabaho nila mas mapapaunlad pa nila ang kompanya mo dahil nakakapagtrabaho sila ng maayos. Ayusin mo sa hiring processes at sa employee benefit at sa marami pa. Number 1 company huh? Pero hindi naging best in human resource.” Napangisi ako dahil sa mga sinabi ko. Pansin ko ang katahimikan niya kaya kinuha kong timing para sabihin lahat ng gusto ko.

“Sana alam mo yung employer-employee relationship. Gandahan mo naman ang relasyon mo sa mga empleyado mo.” Tinalikuran ko siya at pinatayo ang ginang.

“Siya nga pala hindi mo na ako kailangang tanggalin sa trabaho ko because I quit!” inihagis ko sa kaniya ang ID ko at mabilis na kinuha ang bag ko.

“You’re not going to leave this company.” Kalmado niya ng sabi pero hindi ko siya pinansin at lumabas na kami ng office niya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko habang akay akay ko si Mrs. Cruz.

“I said You’re not leaving! Baka nakakalimutan mong dalawang taon ang kontrata mo!” rinig kong sigaw mula sa likuran ko naging agaw atensyon ang sigaw niyang iyun sa mga empleyado niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Antonio Gallos
its really good
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status