“HELLO, brat,” nakangiting isinungaw ni Johnny ang ulo sa pinto ng hospital room ni Riri kung saan ay mananatili pa ito hanggang bukas.
Ayon sa doktor ay pupuwede na naman daw itong ilabas ngayong araw ding ito at kung magkakaroon ulit ng concussion ay saka na lamang ibalik sa ospital which the doctor very much doubted base sa mga obserbasyong ginawa nito. Subalit ayaw maniwala ni Aunt Shebbah, mas gusto nitong doon muna tumigil si Riri sa ospital for as long as matiyak na nito sa sariling ayos ang anak.
Minsan ay naiisip niyang overprotective na ang kaibigan ng ina niya kay Riri porket bunsong anak nito si Riri. Pero sa pagkakataong iyon ay sang-ayon siya na dapat nga na doon muna sa ospital si Riri para masiguro talagang wala nang masamang epekto rito ang pagkakabunggo ng motorsiklo niya rito. Kahit pa siya mismo ang magbantay dito magdamag, walang kaso sa kanya.
Kinawayan siya ni Aunt Shebbah na nakaupo sa tabi ng kama ni Riri. Minwestra nito na tumuloy siya sa pagpasok sa kwarto. Abala ito sa pagbabalat ng grapes na pinapapak ni Riri. Ayaw na ayaw ni Riri na nakakain ang balat ng kahit anong prutas. Natuklasan niya iyon noong Pasko lang nang ipahawak nito sa kanya ang mga balat ng mansanas na nginatngat lang nito ang laman.
“Still mad at me?” usisa niya. Hindi pa man nabubuo ang simangot sa mukha nito ay alam na niya ang isasagot nito.
Pinuntahan na niya ito kanina pero dahil sa gamot na ininom nito ay nakatulog ito kaya ipinasya niyang bumili muna ng pang-uuto rito bago humarap muli dito.
“Yes! Akala mo ‘di ko nakita si Celeste na angkas mo bago mo ko sinagasaan?!” simangot na halukipkip nito, looking so adorable in the middle of her bed with her dark brown curls framing her lovely face.
“Oh, c’mon, sweetheart, you know she’s just my friend. Ipagpapalit ko ba naman ang pinakamagandang girlfriend ko sa isang Celeste lang?” nang-aalo ang tonong aniya.
“Basta! I’m mad at you!” ismid nito.
Nagkatinginan sila ni Aunt Shebbah. Umiiling na ngumiti lang ito as if saying he’s entirely on his own with this one. She won’t back him up as she sometimes do pag ganitong galit si Riri sa kanya.
“Does that mean…”
Inilabas niya mula sa likod ang paper bag na naglalaman ng complete lip gloss set ng paborito nitong social media influencer na si Lovah Lucky.
“…you won’t accept my little gifts for you?”
Favorite rin ni Riri ang cartoon character na Minions at halos lahat ng gamit nito ay may tatak ng sikat na mga dilaw na mukhang talking saging. Saglit siyang lumabas para kunin mula sa gilid ng pinto ang malaking Minion stuffed toy na may hawak na teddy bear.
“And this. Ayaw mo rin nito?” pigil ang ngiti sa nakikitang katuwaan sa mga mata nito na kunwari ay malungkot na untag niya, keeping both his presents out of her reach.
Natatawang tumango-tango si Aunt Shebbah.
“Very clever, Johnny,” she muttered.
“Sige na nga, bati na tayo,” kunwari ay napipilitang pahayag ni Riri na pinasinungalingan naman ng eagerness sa mga mata nitong nakatuon sa stuffed toy.
Napahalakhak na lumapit siya rito, hugging her small body tightly, relieved that she is safe and apparently back to her old, bratty self.
“You little scheming brat! You’ll lead some poor fool a merry chase one day!” he exclaimed affectionately.
“Hoping it won’t be you, Johnny?” nakangiting arko ng kilay sa kanya ni Aunt Shebbah.
Ngumiti at umiling lang siya. It was one thing to humor a fourteen-year-old’s puppy love on him, quite another to encourage everyone that it would someday turn into something more serious. Sure, he is fond of Riri. She is like the little sister he never had. She is a delight, an imp after his own heart but she is too willful, spoiled, stubborn and bratty for him to hope that she will one day become a lady who could lay claim to his heart and soul.
----------------------------------------------------------------------------------------------------
FOUR YEARS LATER...
“RIRI!” malakas at galit na sigaw ni Johnny nang sa paghawak niya sa doorknob ng bathroom sa loob ng silid niya ay biglang gumapang ang kuryente sa kamay niya. Bagamat mahina ay dinig na dinig niya ang papalayong hagikhik ng dalagitang inilagay yata sa mundo para padaliin ang buhay niya.
“Buksan mo ito, Dorinda Marie Navarre! I swear, sasakalin kita pagkalabas ko rito! Riri!!!” gigil na banta niya habang hinahampas ang pintong ikinandado nito mula sa labas.
Hahawakan sana ulit niya ang knob pero ‘di na niya itinuloy nang maaalalang nakakabit pa doon ang joy buzzer na naglalabas ng mild electric shock na paboritong laruan nito ngayon matapos pagsawaan ang disappearing ink na minsan nitong ini-squirt sa suot niyang polo noon.
Ang tanga kasi niya. Dapat kaninang bago pa siya pumasok ng bathroom ay ini-lock na niya ang pinto ng kwarto niya para hindi ito nakapasok. On second thought, useless din pala iyon dahil marunong itong mag-pick ng locks, thanks to her new friend Syn na dati yatang akyat-bahay gang o ‘di kaya’y delinquent na takas sa dami ng alam na tricks na ‘useful para sa isang criminal.
But that was impossible dahil tulad ng ina ni Riri, kaibigan rin ng ina niya ang ina ni Syn na si Aunt Salve. She and her husband, Edison, bought a house not far from theirs kaya nagkakilala sina Syn at Riri much to his utter annoyance. Kaya naman imposibleng may lahing kriminal si Syn sa kabila ng kung ano-anong tricks na alam nito. Mga doktor ang mga magulang nito, hindi sindikato.
Kung noon ay si Riri lang ang madalas na nambibiwisit sa kanya, ngayon kakampi pa nito si Syn. Hate at first sight ang nangyari dito at sa binata since parehong maloko at hobby ng mga itong gumawa ng practical jokes sa ibang tao, naging rivals ito sa kung sino ang may mas imaginataive tricks.
Ayos sana sa kanya iyon noong umpisa dahil for a while ay kay Syn na-focus ang kapilyahan ni Riri. Pero nang magpasya ang mga itong mag-join forces at siya ang pestehin, seryoso niyang napag-isipang mag-migrate sa ibang bansa and to hell with the family business that he is now starting to learn how to manage.
“Johnny?” nag-aalala ang tinig na iyon ni Nanay Pinty, ang yaya niyang hanggang ngayon ay nakapisan pa rin sa kanila, mula sa mismong tapat ng bathroom door. Iniwan yata ni Riri na nakabukas ang pinto kaya marahil narinig nito ang pagtutungayaw niya.
“Nanay! Buksan ninyo ang pinto! Ini-lock ako ni Riri dito---”
Pabiglang bumukas ang pinto sa pagkagulat niya.
“Ano’ng ini-lock eh bukas naman?” kunot-noong turan nito.
“Salot talaga ang babae na ‘yon!” gigil na aniya habang ini-inspeksyon ang knob. “Hihiwain ko siya ng pinong-pino bago ipakain sa mga arwana ko!” pagbubusa niya bago nagmartsa palabas ngunit sinawata siya ni Nanay Pinty.
“At ba’t ka paparada sa labas ng ganyan ang hitsura?! Sino ka sa akala mo?! Pornstar king ka ba?!” ang naeeskandalong bulyaw sa kanya ni Nanay Pinty.
Noon lang naalala ni Johnny na twalya lang pala ang suot niya sa baywang. Pumihit agad siya sa walk-in closet at dali-daling nagbihis. Duda siyang maaabutan pa niya si Riri o kung maabutan man niya, tiyak nakahingi na ito ng back-up mula sa Mom niyang isa rin sa mga punong taga-spoil at taga-kunsinti ng mga kalokohan nito. He wouldn’t be able to teach her a much deserved lesson with his mother around to defend her.
NO one has ever accused Riri of being stupid kaya pagtakbo niya pababa galing sa kwarto ni Johnny, dumiretso agad siya sa pool area kung saan nagbabasa ng magazine si Ninang Dita habang nakaupo sa lounging chairs doon. Johnny wouldn’t dare touch her with his mother around. Naupo siya sa katabing silya ni Ninang Dita but immediately decided na masyadong obvious kung doon siya pupwesto kaya umalis siya doon at naupo sa gilid ng pentagon-shaped pool. “What was it this time, Riri, my girl?”
“HELLO, Johnny!” Ginulat si Johnny ng masiglang tinig ni Riri mula sa likuran niya habang kinukumpuni niya ang lumang bike niya. Nasa dating garahe siya nila na ipinasara na ng ama niya at ginawa na lang bodega dahil sa paniniwalang hindi siya makikita ng makulit na bubwit na ito doon pero bigo pa rin pala siyang mataguan ito. “Paano mo nalaman na nandito ako?” “Sinabi ni Ninang Dita syempre.”&n
PALIHIM na pinagmamasdan ni Riri si Johnny habang papasok sila sa sinehan. He seemed pleased kaninang makita muli si Karla. At nabuhay na naman ang panibugho niya sa dalagang alam niyang unang naging crush ng binata. She was playing in Johnny’s room noon nang makita niya sa ilalim ng pillows nito ang picture ni Karla. He was eleven or twelve maybe at nang tanungin niya ito kung bakit may picture ito ni Karla ay saka nito sinabing crush daw nito si Karla. By that time ay hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng crush kaya’t kinulit niya itong ipaliwanag sa kanya.&n
“YOU know what?!” tulad ng inaasahan ni Johnny, hindi na napigilan ni Riri na basagin ang katahimikang namamayani sa backseat habang pauwi na sila galing sa shop ng Tita Teree nito. Sa halip na sumagot ay ihinilig lang niya ang ulo sa sandalan at pumikit. Nababakas sa tinig nito ang pagkairita dahil mula pa kanina sa shop ng sikat na designer ay puros monosyllables ang itinugon niya sa bawat tanong nito. He didn’t even show a flicker of interest when she asked his opinions about her gown.&
“GOOD morning, Ma’am Riri!” masiglang bati kay Riri ng guard sa building ng main office ng WinFoods Food Manufacturing Company na pag-aari ng pamilya ni Johnny. Ilang beses na siyang nakapunta rito noon. Kaya kilala siya ng halos lahat ng mga empleyado doon magmula sa janitor hanggang sa mga iba’t ibang general managers. And everytime she goes there ay hindi pupuwedeng hindi niya babatiin ang lahat ng naging kaibigan at kakilala doon. Sabi nga ni Ninong David, daig niya pa ang popularity nito sa loob ng kompanya nito dahil dulo pa lang ng anino niya’y kilala na
Nakikita ni Riri mula sa sulok ng mga mata niya ang pagsenyas sa kanya ni Johnny pero pinili niyang ignorahin ito. “Let’s go the conference room, Karla.” “That’s good! We can eat this cake there too. I mean after your interview of course,” tango niya na tumayo at sumunod rin sa dalawa. Dinig niya ang kaakibat na exasperation sa pagbuntung-hininga ni Johnny pero hindi na siya nito kinontra. Pormal ang tinig nito as he started to interview Karla while Riri kept herself busy by scrolling throug
“GUESS who?!” tanong ni Riri kasabay ng pagtatakip ng mga kamay sa mga mata ni Johnny. Nakadungaw sa pasimano ng balcony sa loob ng silid nito ang binata habang naninigarilyo. Pero nang maramdaman nito ang pagpasok niya sa silid ay dali-dali nitong pinatay ang sigarilyo. “Thanos?! Maleficent?! Plankton?!” “Kainis ka naman! Puros kontrabida yun eh!” simangot niya. Natatawang inakbayan siya nito. “What brings you here, sweetheart?” “Yayayain sana kitang mag-picnic.” “Wow! Niyayaya mo na ako ngayon? Dati basta mo na lang ako, inuutusan ah,” kunway gulat na anito.&nbs
NASA gitna ng meeting si Johnny when his phone rang. Kunot-noong nag-excuse siya sa mga kausap at nagtungo sa gawing pinto as he answered the phone. It was a meeting that his mom was supposed to attend but she sent him instead. Mas dinadagdagan na nito ang mga duties at responsibilities niya. Hindi kaila sa kanya na matagal na nitong gustong mag-retire at maging house wife ulit tulad noong bata pa siya. At gusto nito na sa kanya ipasa ang mga responsibilidad nito sa kompanya nila. But it won’t be for a long time yet. Hindi pa siya handa. Marami pa siyang kailangan matutunan.