International bestselling author Keaton Alcaraz is a global phenomenon, his image plastered everywhere, yet his face remains a mystery. Wala pang nakakakita sa mukha niya maliban sa pamilya, iilang kamag-anak at manager niya. His only desire is to write and create a masterpiece despite being a billionaire, however, his anxiety stems from the unwanted attention from his work. Ngunit ano nga ba ang totoong pagkatao niya at tila may pinagtataguan ito? Samantala, maagang naulila si Maricar Godezano at dumanas ng matinding pagpapahirap sa piling ng kanyang tiyahin. Nang muntik na siyang gahasîn sa kamay ng asawa ng tiya, palihim itong tumakas sa kanila. Dahil sa pangangailangan, kung saan-saan siya namasukan na trabaho, ngunit sa kasipagan nito ay madalas siyang pinag-iinitan ng mga nakakasama niya, kaya't napipilitan siyang lumipat-lipat ng trabaho. Nang pasuko na siya sa paghahanap ng trabaho, halos lumundag sa tuwa si Maricar nang alukin siya ng isang matandang babae bilang kasambahay. Sa desperasyon at pag-asang mabuhay, tinanggap niya ito nang walang pag-aatubili. Ngunit habang patagal nang patagal ang pagsasama nila ng kanyang amo, pakiramdam ni Mari palaging nakamasid sa kanya ang lalaki at nahuhuling nakatingin sa kanya hanggang sa isang umaga, nagising na lang siyang katabi ang binata, walang saplôt sa katawan at naka-ibabaw sa kanya. Paano kung magbunga ang nangyari sa kanila? Paninindigan kaya siya ng binata o iiwan?
View MoreWARNING: This story contains mature theme and strong language that are not suitable for young readers. Read at your own risk.
Halos masuyod na ni Mari ang buong bayan ng Monaclaro pero wala pa rin siyang nahahanap na trabaho. Napilitan siyang umalis sa dating pinagtatrabauhan dahil sa paninira ng mga kasamahan niya, hindi lang 'yon, muntik pa siyang gahásin ng kasama nilang lalaki kaya kahit anong gawin niyang paglimot sa nakaraan—ang traumang gusto na niyang ibaon sa limot ay bumabalik. Pakiramdam niya hindi na niya kaya. Sukong-suko na siya pero sa tuwing naiisip niya ang mukha ng tiyahin niyang dragon at manyak nitong asawa ay hindi niya maatim. Nabubuhayan siya ng loob at pinipili pa ring maghanap ng mapapasukang trabaho para lang hindi bumalik sa abusadong pamilya na tinakasan niya. Kahit hirap at nawawalan ng pag-asa, isinasaip niyang hamon lang ito sa kanya na hindi niya dapat sukuan. Sa pagod, nagpahinga muna siya sa maliit na tindahan habang pinapaypayan ang sarili. Gustuhin man niyang uminom upang maibsan ang pagka-uhaw ay wala na siyang pera pambili. "Ineng?" tawag sa kanya ng tindera. "Mag tubig ka. Mukhang pagod na pagod ka kakahanap ng trabaho. Kanina ko pa kasi napapansin na pabalik-balik ka rito. Alam mo sa panahon ngayon, kailangan may diploma o natapos ka para tanggapin ka sa trabaho." "M-Masipag naman po ako," si Mari at tinanggap ang malamig na mineral water na inabot sa kanya ng babae. "Salamat ho dito." "Masipag? Ipagpalagay natin na masipag ka nga pero hindi ba nagtatanong sila ng resumé? Hindi ba tinanong ka nila kung may natapos ka? Saka nakita ko no'ng nagdaang araw na nagtatrabaho ka sa karinderya ni Lucita. Anong nangyari? Pinaalis ka ba?" Uminom muna ng tubig si Mari bago sagutin ang babae. "Umalis po ako eh." "At bakit?" intrigang tanong ng ginang. "Nakikita ko namang ginagawa mo ng maayos ang trabaho mo. Bakit ka umalis?" "Sinisiraan po ako ng mga kasama ko," malungkot na sagot ni Mari. "Palagi naman po kaya palipat-lipat po ako ng trabaho." Natahimik ang babae. "Gano'n ba?" "Opo." Napayuko si Mari nang maalala na naman niya ang ginawa sa kanya ng lalaki nilang kasama. Kung hindi pa dumating si Lucita sa oras na 'yon ay baka nagahasá na siya. Pinagtulungan siya ng dalawa niyang kasamang babae na ikulong sa isang kwarto pagkatapos ay pinapasok ang lalaking palaging mainit ang mata sa kanya—sa madaling salita, pinagnanasaan siya. No'ng oras na 'yon, kahit pinipilit siya ni Lucita na manatili ay pinili pa rin niyang umalis sa kadahilanang hindi magawang paalisin ng may-ari ang tatlo niyang kasama dahil kamaganak nito ang mga 'yon. Hindi na niya rin matiis ang paninira ng dalawang babae at pagiging abusado na halos lahat ng trabaho ay siya ang gumagawa. Natakasan man niya ang pagpapahirap sa kanya ng tiyahin at asawa nito, pero doble naman ang pasakit na naranasan niya sa mga nakakasama niya sa trabaho. Nang makapagpahinga at manumbalik ang lakas ni Mari, napagpasyahan niyang maghanap ulit ng trabaho kahit tirik na tirik ang araw. "Salamat ho sa patubig," baling niya sa tindera at ngumiti. "Tutuloy na po—" "Tatanggapin mo ba kahit anong trabaho?" biglang tanong ng matandang babae. Hindi agad nakasagot si Mari at tila nag-aalinlangan pa sa isasagot niya kung marangal bang trabaho ang sinasabi nito. "Gusto mo bang maging kasambahay? Iyon lang ang alam kong pwedeng i-alok sa'yo," wika ng babae at halos lumundag sa tuwa si Mari sa narinig. "Marunong ka naman siguro sa gawaing bahay? Magluto? Maglaba? Lahat?" "Opo!" sabik na tugon ni Mari rito. "Kahit anong gawaing bahay, marunong po ako." "Mabuti naman. Wala na pala akong problema. Hindi na kailangan turuan," bumubulong na sabi ng ginang. "Pero gusto kong ipaalam sa'yo na remote area 'yon na tanging mansyon lang ang nakatayo ro'n na kailangan mong pangalagaan." Kumunot ang noo ni Mari. "W-Wala pong tao?" "Nasa ibang bansa pa pero babalik sa susunod na linggo." "Gano'n po ba? Okay lang po. Mabait naman po siguro ang amo ko." Pampalubag loob ni Mari sa sarili. Mas pipiliin niyang sumugal at sumubok kahit hindi niya kilala ang amo, kaysa naman sa maging palaboy siya, na walang matinong pagkain at matitirahan. "Depende, hija. Sundin mo lang ang gusto niya, wala kang magiging problema. Pero nasisiguro kong hindi abusado at hindi ka pahihirapan." At sa sinabi ng babae, nakahinga siya ng maluwag at naging panatag ang loob. "Tatanggapin ko po," malugod niyang sabi habang nakangiti ng malapad. "Maraming salamat po." "Dito ka na magpalipas ng gabi nang makabiyahe tayo sa madaling araw," anang babae na may maliit na ngiti sa labi. "Tingin ko magkakasundo naman kayo." "Sana nga po," si Mari na hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi at gusto nang yakapin ang ginang. "Gagawin ko po lahat para magustuhan niya ako nang magkasundo po kami." "Mabuti naman kung gano'n. Hali ka sa loob nang makapagpahinga ka pa." Alok nito at agad na pumasok sa maliit na tindahan ng babae. Hindi naman siya nakaramdam ng kung ano sa ginang, maging ang pag-alok niya rito kaya sa araw na 'yon, masaya siyang nakipagkwentuhan dito at tila nakahanap pa siya ng nanay-nanayan niya dahil sa sobrang bait nito. Habang nagkkwentuhan, nagbigay ng maliit na impormasyon si Aling Lolita tungkol sa magiging amo niya kaya para kay Mari sapat na 'yon para makapag-adjust siya. Pagsapit ng madaling araw, bumiyahe na sila patungo sa sinasabing lugar ni Aling Lolita at halos malula si Mari sa laki ng mansyon pagkababa nila ng kotse. "Ito na po 'yon?" windang na tanong ni Mari, hindi makapaniwala. "Ang laki naman po nito." The mansion was built in a gothic style. Halatang matagal nang walang tao dahil sa kalat at tuyong dahon na bumabalot sa bakuran. "Oo, hija. Kaya mo bang linisin? Kasi kung ako ang tatanungin, aatras na ako." Natatawang saad ni Aling Lolita. "Kaya ko naman po," kampanteng sagot ni Mari kahit mukhang aabutin siya ng dalawang araw kakalinis sa bakuran dahil sa kalat. "Sanay naman po ako." "Sigurado ka ba, hija?" "Oo naman po," nakangiting tugon ni Mari rito. "Papasok na po ba..." sabay silang napatingin sa paparating na sasakyan at napatitig nang pumarada 'yon sa tabi nila. It was a limousine. Sa tanang buhay ni Mari, ngayon lang siya nakakita ng gano'ng sasakyan sa personal, mahaba at mukhang mamahalin. Bahagya siyang napaatras nang bumukas ang pintuan ng driver's seat at lumabas ang lalaking nakaitim na tuxedo at pumaikot, at binuksan ang gitnang pintuan ng kotse. Walang kurap na pinakatitigan ni Mari ang lalaking lumabas doon at kahit nakasuot ito ng mask, na-intimidate siya sa awra nito at napasabi na lang sa isip na, "gwapo 'to, sigurado." "S-Sir! N-Nakabalik na po pala kayo." Nagkanda-utal na wika ni Aling Lolita na tila hindi inasahan ang pagdating ng amo. Habang si Mari, nanatili siyang nakatitig sa lalaki at napalunok nang magtama ang tingin nila. "And who are you?" biglang tanong ng lalaki. Pakiramdam tuloy ni Mari bumaliktad ang sikmura niya sa lamig at lalim ng boses ng amo niya. "I don't remember you having a daughter, Aling Lolita. An outsider?" "Uh, Sir, kasambahay po," sagot ng ginang. "Hindi po ba nagpapahanap kayo ng kasambahay, eh ito na po siya." Nanliit si Mari nang pasadahan siya ng tingin ng lalaki. Maayos naman ang suot niya at hindi naman siya pangit pero bakit parang hindi satisfied ang amo nito? "Magaling ka ba?" Napanganga si Mari sa tanong nito. "S-Saan po?" "Just answer my question, whoever you are. Magaling ka ba?" Mariing napalunok si Mari. "Opo, m-magaling po." "You're hired."Tahimik akong pumasok sa kotse, ramdam ang panlalamig ng batok ko at bilis ng tibôk ng puso ko. Nang tuluyan na akong makaupo, sinara ko ang pinto at bahagyang napatingin sa salamin at agad na nagbawi nang tingin nang magtama ang mata namin ni Keaton. Hindi ko maiwasang mapamurá sa aking isipan. Ang lamig ng mga mata niya, parang galit o baka ako lang 'tong nag-aassume? Kinalma ko ang sarili at yumuko nanh hindi na magtama ang tingin namin. Kung kanina sa bahay, nakikipagbangayan ako sa kanya, ngayon parang... hindi ko na magawa. Hindi naman sa natatakot ako sa kanya, kinakabahan lang. Eh kasi sabi ba naman na hintayin ko sila pero ako itong pasaway, tumakas. Muntik pa akong abutan no'ng mga lalaki sa daan. Mas nakakatakot 'yon at tingin ko 'yon ang ikinagagalit niya. Humugot ako ng malalim na paghinga at pinagdaop ang palad. Kalma lang, Mari. Hindi siya mangangain. Tingin lang 'yan, hindi nakakamatay. Pero hindi eh, tumatagos, katulad ngayon. Hindi ko alam kung sa daan ba si
"Oh, kamusta kayong dalawa dyan? Baka magbangayan na naman kayo, ah." Si Aling Lolita nang mapansing naiinis na naman ako kay Keaton. "Siya kasi 'Nay! Ilang beses ko nang tinuruan tapos pinaglalaruan lang niya! Tuloy naanod 'yong isang tabo," sumbong ko at binaling ulit ang tingin kay K. "May pa-volunteer pa siyang nalalaman. Di naman marunong. Palitan mo 'yon!" Natawa siya, iyong tipong tawang nang iinis. "Anong nakakatawa? Lunurin kita dyan, eh," inis kong sabi at winisikan siya ng tubig. "Maligo ka na nga!" "Ilang tabo ba ang gusto mo? Nadulas nga sa kamay ko. Anong gagawin ko? Hindi ako marunong lumangoy. Dapat ikaw na lang humabol," natatawa pa niyang sagot. "Sorry na." Umismid ako. "Tuwang-tuwa ka pa talaga? At bakit ako ang hahabol? Ako ba ang may kagagawan kaya naanod?" Nahagip ng mata kong ngumuso siya. "Hindi ko naman sinasadya. Nagso-sorry na nga rin," parinig niya. Tinapunan ko siya ng tingin at pinanliitan ng mata. "May sinasabi ka?" "Sabi ko sorry na." "Tss. Pa-
Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin kong titig na titig siya sa akin. "A-Anong sabay ka dyan! Mauna ka na. Mamaya na ako. Magsasampay pa ako sa labas," dahilan ko pero naalala ko, halos naipasok ko pala kagabi ang mga nilabhan."May pasok ka pa 'di ba? Ihahatid na rin kita." Napalunok ako sa sinabi niya."Oo nga naman, Mari. Dadaanan yata namin 'yong training center na pinapasukan mo," segunda naman ni Khalil. "Sama ka na sa amin. Hindi ka naman bago sa amin."Mahina akong umiling. "H-Hindi na. Baka hindi rin ako pumasok ngayon. Walang kasama si Shaun.""Ano pala ako anak? Hayop?" singit ni Aling Lolita dahilan upang matawa ang dalawa."Aling Lolita naman, eh!" tawang-tawang wika ni Khalil, rinig na rinig sa buong bahay. "Sorry, sorry! May natutulog pala.""Joker ka pala, Aling Lolita," si Keaton na naramdaman kong lumapit sa akin.Pakiramdam ko nagtayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa presensya niya sa likod ko."Hayaan mong magpahinga siya rito kasama si Aling Lolita." Sunod-sun
"Shaun?" Nginitian niya ako pero halatang napilitan lang lalo na no'ng makita niya kung sino ang nasa likuran ko. "May nangyari ba?" Nilapitan ko siya. Mukhang pagod, eh. Maski ang mga mata. Parang pasan ang buong mundo. "Bakit ganyan ang itsura mo—" napasinghap ako nang salubungin niya ako ng yakap. Naantala ang kamay ko sa ere bago siya niyakap pabalik at hinagod ang kanyang likod. "Hindi ako nakatulog ng maayos," mahinang sagot niya. "Nanaginip na naman ako. Paggising ko, basang-basa ako ng pawis. I was screaming your name, pero naalala ko, wala ka na pala doon." Sumbong niya at hinigpitan lalo ang pagkakayap sa akin. Kaya pala napasugod siya rito. Napabuntong hininga ako. Ito 'yong dahilan bakit hindi ako makaalis-alis noon sa condo niya. Lagi siyang nananaginip ng masama. May time na natutulog ako sa lapag para lang samahan siya pero hanggang doon lang. He respects me as a woman. Never niya akong pinagtangkaan. "Gusto mo bang matulog ako doon ngayon?" tanong ko. "No!" bos
"Anong nangyayari rito?" Mabilis akong napatingin kay Aling Lolita na may dalang dustpan at walis tingting. Mukhang katatapos lang niyang magwalis sa labas, sa may likod ng bahay. "Siya po!" Tinuro ko si Keaton at sinamaan ng tingin. "Tingnan niyo po ang itsura niya. Akala mo maganda ang katawan." Pero ang totoo, maganda talaga ang katawan niya. Iyong tipong sakto tapos may balahibo pababa doon sa pinakatatago niya. "Hindi ba? Halos maglaway ka nga, eh." Natatawang sabat niya. Malaki-laki ang mga mata kong pumihit paharap sa kanya. "Kapal din ng mukha mo 'no? Ako maglalaway dyan? Payat mo nga, eh." Sinamaan ko siya ng tingin at humalukipkip na bumaling kay Nay Lolita. "Pagsabihan niyo nga po 'yan. Akala mo nasa pamamahay kung makapagsuot ng boxer." "May abs naman ako. May maipagmamalaki rin. Kahit kilatisin mo pa. Bakit hindi mo tingnan at suriin?" Panghahamon niya at bahagyang napaatras nang ilapit niya ang sarili sa akin hawak ang sandok. "Oh, ano?" Nagsalubong ang kilay ko
“Patunayan mo.” Yun lang ang nasabi ko bago muling pumasok sa loob ng bahay dala ang ibang natuyong sinampay. Wala si Khalil at mukhang sa likod dumaan. Saan kaya 'yon pumunta? Bumuntong-hininga ako at sinimulang tipunin ang mga tuyong sinampay na hindi ko pa natutupi kanina. Paulit-ulit sa isip ko ang mga nangyari, lalo na ang mga salitang binitawan niya, na parang ang dali-daling sabihin, pero ako, ilang taon ko pa ring dinadala ang bigat no’n. Chance? Madaling magbigay pero mahirap paniwalaan kung minsan. Sa puntong 'to, 'di na ako naniniwala sa salita lang. Gusto kong makita na nagbago talaga siya. Narinig kong lumangitngit ang pinto kaya nilingon ko agad. Si Khalil kasunod si Keaton na tahimik lang na pumasok. “Dito na lang tayo matulog sa sala?" tanong ni Khalil at napakamot ng buhok. "Hindi tayo kasya sa kwarto saka okay lang. Hindi naman kami maarte." Sabay tawa ng mahina. Tumango lang ako. "Kung ayos lang sa inyo, walang problema sa akin. Ako, sanay naman ako sa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments