Share

Chapter 6: Throne

Flowers blooms and fades, feelings are fogs lingering for a while. Leave you like a sunset on the horizon. Holding on to the rays, yet filling you the hopes that never come. But I saw this light in the darkness. I see you.

Hindi ko mabitawan ang libro na 'to. Parang nasasaktan ako para sa author na sumulat nito, parang naririnig ko siyang umiiyak. Tumingin ako sa relos na nakasabit sa pader.

“Damn! Oras na pala!” bulalas ko.

Tumingin muna ko sa salamin at binubusisi ko kung may mali pa sa mukha ko.

“Okay, maayos na lahat.”

Nakangiti kong sabi. Iniwan ako ni mama sa loob dahil gusto niya raw na makita ako pagbukas na pagbukas ng pintuan.

"Mama talaga."

Lumabas na ako at bababa na patungo sa bulwagan. My heart yearns for calmness, pero mabilis itong tumitibok. Huminga ako nang malalim, palinga-linga lang sa paligid. At ilan sandali pa ay nasa likod na ‘ko ng pintuan.

Maraming dumalo sa party, mga royals and witches too, perhaps. Nasa likod na 'ko ng pinto nang narinig ko na ang boses ng butler.

"Representing!" 

Anunsyo ng Head Butler―paano niya nalaman na nandito na 'ko sa likod? Baka warlock ang butler namin? 'Di na ako magtataka.

“Amaliah Green Ford! Princess of Ashville!”

Napahawak ako sa aking dibdib nang marinig ko ang aking pangalan. Unti-unting bumubukas ang antigong pinto, mataas ito at malapad.

Napalunok ako nang sumilip ang liwanag na nagmumula sa labas. Pagkabukas na pagkabukas ay tumambad sa akin ang makukulay na liwanag at umalingawngaw ang palakpakan ng mga tao.

Hahakbang ko na sana ang aking mga paa nang makita ko si Miss Tara na papalapit sa ‘kin. Yumuko siya at nagsalita ng pormal ngunit puno ng respeto.

“Maligayang kaarawan, Mahal na Prinsesa.”

Pumunta siya sa likod ko. Nasa bukana na ‘ko ng pintuan nang nakalapit ito sa akin.

“Humakbang ka, Mahal na Prinsesa.”

Sambit niya. Sumunod naman ako sa sinabi niya. Lilingon na sana ako nang bumulong siya na umupo ako. Laking pagtataka ko nang makita ko ang malaking upunan na punong-puno ng mga bulaklak at ginto sa paligid nito. Wala akong nagawa at naupo na ako. Ilan sandali pa ay narinig kong nagsalita si Miss Tara.

“By the power vested upon me, I now declare, Amaliah Green Ford, as the First Princess of Verona!”

Kasabay na pagkasabi no’n ay ang paglapag ng korona sa ulo ko. At nakita ko si mama na naglalakad papunta sa akin. Hawak niya ang box na naglalaman ng wand. Ang puso ng Verona na pinakita niya kanina. Katulad ni Miss Tara ay yumuko si mama na kinagulat ko.

“Maligayang kaarawan, mahal kong anak.”

Saad nito, habang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Ngumiti ito at sabay na inabot ang kahon ng wand. Inangat ko naman ang aking mga kamay para tanggapin ang pamana ni mama. Kasabay ng pagdapo ng kahon sa mga palad ko ay siyang paglaho ng kahon at tumambad sa akin ang kumikinang na kahoy.

“Salamat, anak.”

Saad ni mama. Niyakap niya ako at tumalikod para bumaba, naiwan naman ako sa taas ng hagdan at nang tumingin ako sa mga kamay ko ay wala na ang puso ng Verona.

“Saan na ‘yon napunta?” takang tanong ko. Parang hinigop ito ng sistema ko.

Nagtataka ako kasi parang segundo lang ang pagitan ng nangyari. Kay bilis pero halos sampung minuto ang pagpasa ng trono sa akin. Dahil katatapos lang humupa ang palakpakan. Na parang huminto ang oras at sa isang kisapmata ay ganap na akong mangkukulam.

Dahan-dahan akong humakbang pababa nang makarinig ako ng bulung-bulungan. Nakapagtataka dahil ang layo ng distansiya pero rinig na rinig ko ang usapan nila. Hindi ko makita ang bakas ng pagtataka dahil parang hindi nila nakita ang pagpasa sa akin ng trono bilang Reyna ng Mangkukulam at Unang Prinsesa ng Verona.

"She looks like her mother, ganda," narinig kong sabi ng babaeng nakadilaw ang dress. At parang namamangha ito sa nakikita ng mata niya.

"Simple yet so beautiful."

Sabi naman ng nakaasul na babaeng medyo may edad na, pero halata ang ganda nito. Witch din kaya ito? Mahina kong tanong at rinig na rinig ko ang usapan ng mga babaeng nasa likod ko lang.

Naka-suot ako ng simi-ball gown, mint green at suot ko ang kwintas na bigay ni papa. Simple yet dashing. Naka-bun din ang buhok ko at syempre may korona ako made by witch. Kulay green din tapos maraming bato na kumikinang. Hindi ko alam kung visible ito sa mga bisita.

Naglalakad ako habang nakangiti, pumalakpak naman sila. Nagsimula na akong makipag-usap, matapos akong nagsalita sa gitna ng bulwagan, bilang opening speech ko.

"Hi Liah," tawag pansin ni Prince Rico. Prinsipe ng Deninsia, na hindi sakop ng Verona.

"Hello Prince Rico, have a nice time here enjoy!"

Sabi ko sa kanya para maputol na agad ang usapan. Hinahanap ko na kasi si Elle. Aalis na sana ako pero bigla niya akong pinigilan.

"Wait!" habol niya.

"Yes?" bumaling ako sa kanya habang ngumingiti nang pilit.

"Can you be my princess forever… beautiful lady of Ashville?"

Seryosong tanong niya sa 'kin. Nagulat naman ako kasi ang bilis naman yata nito. Ngumiti ako nang pilit at tinugon ang kanyang tanong.

“Feeling gwapo nito, ah!?” sambit ko sa isip.

“Paumanhin, Mahal na Prinsipe, pero ako’y nakatakda ng magpakasal sa iba,”palusot ko.

“Gano’n ba?” malungkot na tugon nito.

“Mag-enjoy ka sa party ko,” nakangiti kong saad sabay talikod.

Nakipagkamay ako sa ibang bisita at nagpalinga-linga ako. Baka sakaling mahagip ng paningin ko si Elle. Pero wala― walang Elle na sasagip sa akin sa sitwasyon na ito. Nahihilo na ako at pilit na ngumingiti sa mga bisita. Nang biglang napadako ang tingin ko sa boses na tumawag sa akin.

"Hi Liah," bati ng plastic kong mga classmates. Anak ng mga Duke at mga Heneral. Iba sa kanila ay anak ng matataas ang posisyon sa lipunan. 

"Hi there!"

Ganting bati ko. Pinipilit kong ngumiti nang normal at chill lang. Para hindi mahalata na― ayoko silang kausapin.

"Nag-eenjoy ba kayo?" tanong ko sa balingkinitang babae.

"Yeah. Sobrang simple ng debut party mo, pero okay na rin," maarting sabi nito.

"Gusto ko kasi simple lang."

"Yeah sure― it's good."

"Sige alis muna ako, mag-enjoy lang kayo ha?"

Paalam ko sa kanila, habang pilit ang ngiti ko. Na alibadbaran ako sa presyensiya nila. 

“Not my league,” sambit ng nisip ko.

"Sure!" sabay nilang tugon.

H*****k sila at yumakap pa sa 'kin. Hindi ako komportableng makipaplastikan sa mga ito. Ang hirap magpanggap.

Umikot ako at bumati sa ibang bisita ang saya ng mga mukha nila. Maliban sa iba, hindi ko naman kilala. Sa kabilang banda, nakita ko sina mama at papa, nag-uusap.

"Mama! Papa!" mahinang sigaw ko.

Salamat at nakita ko sila ang hirap mag-entertain ng mga guests, kapagod magsalita.

"Are you enjoying your party, my princess?" Tanong ni papa.

"Opo, Pa."

Habang pilit ang ngiti ko dahil sa kakasalita siguro.

"Mabuti naman kung gano’n," sabi ni mama.

"Liah!" Sigaw ni Elle. For sure kanina pa ito naghahanap sa 'kin.

"Goodness! Elle, you're my savior."

"Hi! You’re highnesses!" bati niya sa mga magulang ko sabay yukod.

"Hi ija" sabay na sabi nina mama at papa.

"Alis na po kami, Ma, Pa."

Dali-dali kong paalam para makatakas na kami sa mga bisita.

"Sige, mag-enjoy kayo," sabi ni mama.

Agad naman kaming umalis. She's Elle, my one and only bestfriend. Pero hindi s’ya isang royal. Ang school ni lolo ay may scholarship para sa mga simpleng tao. At ang kaharian ng Verona ay may mga sangang kaharian;

Avalon, ang kaharian ni Lolo kung saan naninirahan si Lola, ngayon. Ashville, ang pinamumunuan ni papa, kung saan kami nakatira. Aramiah, kasalukuyang pinamumunuan ng pinsan ng nawawalang reyna. Adolfiah, isang kaharian na medyo malayo sa Verona ito ang lugar ni Miss Tara.

May isang kaharian na hindi ko pa napupuntahan, pinagbabawal daw. Nasa loob lang ito ng kagubatan. Hindi naman nabanggit ni mama kung bakit bawal. Kaya hindi ko na pinilit na alamin.

“Hoi! Liah, tulala ka na naman.”

“Wala ‘to, Elle.”

Saad ko, sabay hila sa kanya papunta sa hardin. Kabilang sa simpleng tao si Elle, pero ang utak niya ay parang, high tech built-in-app sa computer. G****e brain tawag ko do'n. Nakatira sila noon sa Corintho, labas na ng kaharian. Pero lumaki ito sa Verona.

"Kanina pa kita hinihintay at hinahanap dito sa baba, wala akong kausap, ‘no!"

Reklamo ni Elle sa 'kin. Ito lang kaya ang nag-iisang tao na hindi ako tinuturing na prinsesa at gusto ko 'yon.

"Sorry ang dami kong dinaanan," paliwanag ko naman. Matampuhin kasi 'to. 

"Yeah I know."

Minsan, naiingit ako kay Elle, simpleng buhay at wala masyadong responsibilidad. May kalayaan pumunta kahit saan.

"Liah?" nagsimula na naman itong magsalita.

"Hmm, bakit?"tugon ko, habang nakangiti sa kanya.

"Lahat ba ng royals ay invited?" interesadong tanong niya.

"Hindi lahat… mga allied kingdoms lang. Gusto ko kasi kunti lang ang makakakita sa mukha ko," sagot ko sabay tawa nang mahina.

"Sabagay, you're such a private."

Hawak ko pa rin ang kamay niya papunta sa hardin.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Sa hardin.”

"Sige! Masaya at tahimik do'n walang ingay. Hindi ako sanay dito, kung ‘di lang dahil sa 'yo e, hindi ako pupunta."

"Hay na ‘ko, Elle."

Ilang lakad pa ay nasa bungad na kami ng hardin. Puno ito ng ilaw at mga bulaklak. Pero agaw pansin ang nag-iisang malaking carnation na kulay ginto, nasa gitna ito.

"Grabe, Liah ang ganda ng full moon!" bulalas niya.

"Oo nga!" sang-ayon ko sa kanya. Tahimik, mahangin at malamig ang simoy ng hangin, nakakagaan ito sa pakiramdam.

"Ang babango pa ng mga bulaklak."

Inaamoy-amoy niya ang mga Juliet Rose. Nakakatawa talaga ang babaeng 'to. Bigla na lang nag-iba ang pakiramdam ko, parang may ibang tao sa paligid.

Hindi invited.

***

-Witch in the Palace

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status