Kinaumagahan, naramdaman kong may nakadagan sa baywang ko at parang may insektong bumubulong nang malakas sa tainga ko. Nakakairita dahil sa tunog nitong parang bubuyog. Pagmulat ko nakita ko si Elle, sarap na sarap sa pagkakahiga sa kama ko. Nakaharap siya mismo sa mukha ko.
“Aish! Babaeng ‘to,” saad ko.
Inangat ko ang kanyang mahabang biyas para makalaya ang katawan ko. Nakanganga ang baliw kong kaibigan at ang lakas pang humilik. Nang tumingin ako sa orasan ay nagulat ako kasi tanghali na pala.
“Elle, gising! Gising!” niyugyog ko siya pero tulog mantika ito. Naisipan kong maligo muna.
Excited na akong pumasok sa secret campus. Sabi ni mama do'n daw nagtra-traning ang mga bagong witch. Nakakapanibago ang buhay ko ngayon, at kailangan kong masanay.
“Augh! Aray!” bigla kong d***g.
Pumasok ang bula ng sabon sa mata ko. Agad ko naman itong binuhusan ng tubig at tinapos ko na ang paliligo ko at lumabas na. Napansin kong wala na si Elle sa kama.
“Nasaan na ang baliw na ‘yon?”
Nagbihis na ‘ko at bumaba na sa lanai. Nakita ko silang nag-uusap ni mama, aba nauna na pala siya.
“Oh, bruha kong kaibigan, nandito ka pala,” saad ng kaibigan kong baliw.
“Gising ka na pala, baliw!” ganti ko.
Napailing na lang si mama sa tawagan namin ni Elle. Uupo na nasa ako nang makadama ako ng hindi maganda. Napatingin ako kay mama at nakuha niya agad ang ibig kong sabihin.
“Mga lobo, Ma?” tanong ko kay mama.
“Oo, Liah.”
“Anong nangyayari, Mahal na Reyna?” tanong ni Elle.
“May mga lobo sa timog ng kagubatan ng kaharian,” sagot ni mama.
“Sino sila, Ma at bakit nasa kagubatan natin sila?”
“Ang mga De Arcons. Bahagi sila ng kaharian natin at bahagi tayo ng kaharain nila.”
“Sila ba ang sinasabi mong isa pang kaharian na parti ng Verona?”
“Oo, anak.”
“Pwede ba silang puntahan, Ma?”
“Hindi!” agad na sabi ni mama.
“Bakit, Ma?” nagulat ako sa reaction ni mama.
“Hindi maari, Liah. Basta wag kang magtankang pumunta sa timog ng Verona.”
“Delikado ba sila, Mahal na reyna?” tanong ni Elle.
“Hindi naman pero bawal ang pumasok sa kanilang teritoryo.”
“Okay,” saad ko.
Hindi na namin pinilit si mama na magkwento. Nag-iba ‘yong mood niya nang maramdaman namin ang presensya ng mga lobo. Nang matapos ang almusal namin ay agad na kaming pumasok ni Elle sa paaralan.
“Oh? Ingat ka, bruha,” ani ni Elle. Maghihiwalay na kasi kami ng campus.
“Ikaw rin, baliw!” tugon ko.
Pumasok na si Elle sa main room namin habang ako ay nasa park ng school at hinihintay si Miss Tara. Ilang sandali pa ay may napansin akong babaeng nakapula nakatingin sa akin nang masama. Nakatayo lamang ito sa footwalk at nakamasid lang. Nag-iwas ito ng tingin nang mapansin na nakita ko siya.
Maganda ito at mataas, nakalugay ang malaon nitong buhok. Pero ang pinagtataka ko bakit masama at tingin niya sa akin. Nawala ang attensyion ko sa kanya nang may tumawag sa akin.
“Liah!” napalingon ako sa narinig kong boses.
“Miss Tara!” bulalas ko, lumapit ito sa akin.
“Handa ka na bang pumasok sa UTC?"
Masiglang tanong ni Miss Tara sa 'kin. Mukhang excited din itong turuan ako.
"Opo," nakangiti kong sagot sa kanya.
"Well, then come with me," anyaya niya.
Bago ko ihakbang ang aking mga paa para sundan si Miss Tara, ay lumingon ako sa pwesto ng babae, pero wala ito do’n. Hindi ko naman binigyan ng pansin kasi mararamdaman ko o ni Miss Tara, na masama ito. Pero sa reaksyon ng guro ko parang wala itong nasagap na masamang enerhiya.
Sinundan namin ang trail na nasa likod ng campus namin. Ilan sandaling paglalakad ay nakita ko ang malaking puno. Hitik ito sa bulaklak at berdeng-berde ang mga dahon nito.
"What's this, Miss Tara?" takang tanong ko sa kanya.
“It’s a tree.”
"I know but where’s the campus?" sunod kong tanong.
Nasa masukal na parte na kami ng paaralan, ni isang building wala akong makita. Puno at mga ligaw na mga halaman ang nasa paligid.
“This tree is a portal, a door to the secret campus," sagot ni Miss Tara.
“Cool! Parang enchanted tree," I stated in amazement.
“Anong puno ‘to, miss?” dagdag kong tanong.
“Puno ng acacia, galing pa sa Pilipinas ang mga buto nito.”
“Wow!”
“Hindi pangkaraniwang buto ‘yon, Liah,” saad nito. Ngumiti ako sabay haplos sa puno.
Umusal si Miss Tara ng salamangka at biglang umangat ang kanyang mga paa. Inabot niya ang isang sanga at binali ito.
Namangha ako sa aking nakita, nang biglang nahati ang puno na parang pinto at tumambad sa akin ang isang hallway. Isa lamang itong normal na hallway, tulad sa school. Pumasok kami at napansin ko na may mga locker pa at mga rooms.
Pero walang mga estudyante, at sa dulo ng nito ay may isang bakurbang pintuan na kulay ginto o gawa talaga ito sa ginto.
Ang akala ko papasok ako sa isa sa mga rooms pero hinawakan ni Miss Tara, ang aking kanang kamay at dumeretso kami sa gintong pintuan.
Nang makalapit sa pintuan ay napansin kong hugis bulaklak ito. Teka? Parang carnation ang hugis nito ah? Naalala ko ang nag-iisang gintong carnation sa hardin namin.
“Ah, Miss Tara?”
“Yes, princess?”
“Carnation ba ‘yan?” sabay turo sa pintuan.
“Yes,” tugon nito. Kasabay ng paglapit namin ay siyang pagbukas ng pinto.
Tumambad sa aking harapan ang isang maugat na tulay na punong-puno ng magagandang ligaw na bulaklak, iba-iba rin ang kulay ng mga ito. Isang tulay na gawa mga baging at matitibay na sanga ng puno.
At sa bawat gilid nito ay mga nakahilerang mga puno, na ang mga sanga nito ay nagtatagpo sa gitna na parang nagsisilbing bubong ng tulay. Parang nasa hardin na kagubatan ako, ang ganda ng tanawing nakikita ko.
Humakbang kami at tumawid, nang biglang naglagasan ang mga dahon ng mga puno. Napatingala ako at inangat ang dalawang kamay para saluhin ang mga ito. Pula, dilaw at maliliit na mga dahon.
Nang dumapo ang iilang dahon sa mga palad ko ay naging gintong polbora ang mga ito.
“Teka? Miss Tara, anong nangyayari sa mga dahon?” manghang tanong ko.
“Regalo ng mga diwata sa ‘yo, Mahal na Prinsesa.”
Nagpalinga-linga ako at hinanap ko kung may diwata ba sa paligid.
“Hindi mo sila makikita, Mahal na prinsesa.”
Napahinga na lamang ako nang malalim. May dinukot na telang itim ang guro ko at inabot sa akin.
“Ilagay mo rito ang polborang ginto at magagamit mo ‘yan pagdating ng tamang panahon.”
Namangha naman ako sa mga nasisilayan at nangyayari sa akin. Nang makalagpas kami ng tulay at mga puno. Tumambad naman sa akin ang isang malawak na hardin.
“Wow!” bulalas ko.
Isang paraiso ang nakikita ko, hindi lang ito tulad ng hardin namin sa palasyo. Punong-puno ng mga bulaklak at matataas na puno. May naririnig din akong pag-agos ng tubig.
Luminga-linga ako. Nang sa wakas ay nakita ko ang isang mataas na puno sa dulo ng ilog. At ang nakakamangha, kulay pula ang tubig na patungo sa isang talon.
“Napansin mo ba ang mataas at mapulang puno na nasa gitna ng kagubatan ng Verona, Mahal na Prinsesa?”
“Oo, Miss Tara, kita iyon sa labas ng balkonahe ko.”
“Ito ‘yon.”
“Kaya naman pala natatangi ito sa ibang puno, nakatanim pala ‘to sa isang hiwagang paraiso.”
Magsasalita pa sana si Miss Tara nang may biglang nagsalita.
“Welcome to UTC!” ani ng isang boses lalaki.
Napatulala ako nang lumigon ako sa gawi niya. Mahaba at puti ang buhok nito, nakasuot ito ng pang-duke na damit na kulay puti at ginto. ‘Yong tainga niya ay mahaba at patulis, parang mataas na elf. Yumuko ito sa harap ko habang nilalagay ang dalang ispada sa dibdib.
“Maligayang pagdating, Mahal na Prinsesa,” saad nito, sabay balik sa pagkakatayo nang matuwid.
Ngumiti ako at tinugon ang pagbati niya.
“Salamat―” napatigil ako sa sasabihin dahil hindi ko alam pangalan niya.
“Leo, Duke of Adolfiah, brother of Tamara,” pakilala nito sa kanyang sarili.
Nang tumingin ako kay Miss Tara, ay nagulat ako sa kabuuan nito parang naging diwata ito. Naging katulad siya ng kapatid niya.
“A-anong n-nangyayari M-miss Tara?” utal kong sambit.
“Ang Underground Training Center ay bahagi ng kaharian ng Adolfiah, nasa mababang bahagi ito ng Verona. At kapag nasa kaharian ako ay bumabalik ang tunay kong anyo.”
“Ang galing!” sambit ko. Ang ganda ni Miss Tara.
Ilang sandali pa ay nagtungo kami sa isa pang masukal na kakahuyan. Sa dulo nito ay may isang simpleng kubo na pinalilibutan ng mga gulay at mga maliliit na mga halaman.
“Pasok ka sa bahay namin, Mahal na Prinsesa,” saad ni Miss Tara.
“Ito po ang bahay niyo?” takang tanong ko.
Pero ngiti lang ang sagot si Miss Tara. Isa lang itong typical na kubo, nagtataka lang ako bakit sa kubo sila nakatira. Pagpasok namin ay parang na malikmata ako, sa isang kisap mata ay tumambad sa akin ang isang malaki at malawak na bulwagan.
At sa bandang unahan ay makikita ang isang mahaba at mataas na hagdan na gawa sa purong ginto. Nasa palasyo ako! Lumabas ako para makita kung nasa kubo pa rin ba ako. Paglabas ko ay kubo pa rin ang nakikita ko, sumilip ako sa loob at natanaw ko ang isang magandang bulwagan.
“Anong hiwaga ito?!” bulalas ko.
Napatingin ako sa dalawa kong kasama at nakita kong patawa-tawa si Leo. Takte! Para akong tanga sa harap nila.
-Witch in the Palace
data-p-id=9947c3f0af76c470ed98febbfcf078b8,style=text-align:left;,Kasalukuyan naglalakad sina Zek at Liah sa malaki at malawak na gubat ng Verona. Napagpasyahan nilang manatili muna sa Venora hanggang sa ipanganak ang anak nila. data-p-id=cce39fd6cdeaf50ecd31cb9bb3260011,” “Mahal, may pangalan ka na bang naiisip?” tanong ni Liah sa kaniyang kabiyak, habang namamasyal sila sa gubat, sariwa ang hangin kaya hindi nila napansin na napapalayo na sila sa kanilang teritoryo. ~~ data-p-id=1dec03f429b502669881f6472c170218,~~*~***~ -Flash back- data-p-id=3cc935aa2090d65dc573dcc81fc4454b, “Mahal na Reyna, wala na ba tayong magagawa para mabuhay si Zek?” tanong ni Tara, sa mahal na reyna na malalim ang iniisip. data-p-id=1e9bfeeeeeb0554818f75cd4fd490b6c,” “Tama, Tara!” bulalas ng reyna. “Mabubuhay ang namatay ―kapag namatay ito dahil sa salamangka o pinatay siya gamit ang salamangka. Pero dapat namatay siya sa pagsasakrapisyo para sa minamahal. Pero kapag ang tao pinatay ng D
Chapter 66 Nanghina nang husto si Zek nang makita ang pagdanak ng dugo, na halos hindi na makita ang lupa sa sobrang pag-apaw ng pulang likido. Kaunti na rin ang nakikita niyang nakatayong sundalo niya. Nawawalan na siya ng pag-asa na mailigtas ang kaniyang kaharian. Habang si Liah ay nakikita niyang lumalapit sa kaniya. Bigla naman kumulo ang kaniyang dugo sa galit, nakita niyang tila nag-iba ang anyo ng mukha nito. Naging maamo at nakikita na niya ang dating ganda ng mga mata nito, at ang inosenteng katauhan nito. Pero hindi niya maipagkakaila ang galit at poot na nararamdaman niya para dito. Nais niya itong patayin at pugutan ng ulo. Pero tila isang hangin na nawala lahat ng galit niya nang marinig nito ang boses ng babaeng mahal niya. Ito ang tunog ng boses niya nang una niyang marinig. “E-ezekiel, M-mahal ko,” saad ng dalaga. Naantig naman ang puso ng binata. “U-umalis ka na, Mahal ko. Pakiusap, umalis ka na,” nagsusumamong wika ng dalaga. Hindi malaman ni Zek kung maniniwala s
Chapter 65Habang patuloy silang naglalakbay, natanaw ng isang sundalo ni Zek na malapit na sila sa kabundukan ng Zeon, nang biglang may nakita silang mga anino sa ‘di kalayuan. Nagsenyas naman siya na tumigil sa paglalakad at sumigaw ito na humanda dahil may paparating. Agad naman na tinignan ng kasama niyang pantas kung ano o sino ang sumasalubong sa kanila. Gano’n na lang ang kaniyang gulat nang napagtanto niya na aswang ang mga ito. Agad na sumigaw ang pantas na ihanda ang mga pana.Kumuha naman ng teleskopyo si Zek para tignan ang nasa unahan. Gano’n na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang mga nilalang kasama ang iba’t-ibang mangkukulam at mas lalong siyang nagulat nang makita ang isang pamilyar na babae, ito ang nangunguna sa lahat. Ito ang nag-uutos sa mga kasama na sumugod sa kanilang gawi. Nanlulumo naman niyang binitawan ang gamit niya, hindi niya alam ang gagawin kung kakalabanin niya ba ang babaeng mahal na mahal niya o haharapin ng buong tapang. Pero mas umaapaw ang
Chapter 64Hinanap ni Zek ang dalaga sa buong paligid pero ni anino ni Liah ay hindi niya nakita. Napa-isip siya tuloy kung panaginip lang ba ang nangyari kahapon? Sa sobrang lungkot, dismaya, pagod, pag-aalala at sobrang pangungulila niya sa dalaga ay naisip niyang ilusyon lang ba ang lahat? Napahilamos siya ng kaniyang mukha sa sobrang pagkabalisa. Gano’n pa man ay patuloy pa rin ang paghahanap niya sa buong palasyo. Kung sino-sino na ang kaniyang tinanong pero ni isa ay walang nakakita sa dalaga. Halos mabaliw na siya sa paghahanap.“Siguro ay ilusyon lang lahat ang nangyari,” aniya sa kaniyang sarili. Hindi na niya pinilit pa na makita ang dalaga, kailangan na nilang lumikas bago sumalakay muli ang mga masasamang nilalang. Bilang susunod na hari ay kailangan niyang patatagin ang sarili at malampasan ang lahat ng pagsubok. Tungkulin niyang pangalagaan ang mga tao.~**~
Chapter 63 “Huminahon ka, Atlas. May mga bisita tayo,” awat ng babae sa kaniyang asawa. Natauhan naman ang Alpha at agad na kumalma. Huminga ito nang malamin at kinuyom na lamang mga kamao. Napalunok naman ng laway si Tara, dahil pakiramdam niya ay siya ang may dahilan bakit nalaman ng pinuno ang nangyari sa anak nito. “Pumasok na muna sa iyong silid, Cyenthia,” ani ng ina nito. “Opo, Ina.” Agad siyang humakbang nang nakayuko at tumalikod, bakas ang sakit at hiya sa kaniyang buong mukha. “Humihingi po ako ng kapatawaran sa aking kalapastangan, Mahal na Pinuno,” ani naman ni Tara na hindi mapigilan ang kaba, nakayuko itong humihingi ng tawad sa mag-asawa. “Hindi mo kasalanan ang nangyari, Pantas. Sapagkat ay ikaw ang naging daan para malaman namin ang kaniyang kondisyon, hindi man lang namin na amoy na nagdadalang-tao pala siya
Verona Nasa bukana na sila ng teritoryo ng mga De Arcon, ngunit hindipa rinmapigilan ni Airah ang kabahan. Hinihintay nilang bumalik si Tara, ilan sandali pa ay humihingal na bumalik ang pantas,na pinagtaka ng dalawa, pawis na pawis ito at balisang-balisa. “Tara? Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka pawis at nababalisa?” “Hindi ko nakita si Liah, Kamahalan. Pero sa tingin ko may hindi tama sa mga nangyayari.” “Anong ibig mong sabihin, Tamara?” alalang tanong ni Airah. “Sa ngayon hindi ko pa masasagot pero may hinala akong may gumagamit sa katawan ng prinsesa.” “Ano?!” bulalas ng dalawa. “Kailangan na natin humungi ng tulong sa mga De Arcon, dahil hindi ako maaring magkamali, may digmaan na darating.”