Ilang segundo akong nakapikit. Tahimik na ang paligid at tanging ang ihip ng mahinahong hangin ang aking naririnig. Dahan-dahan kong pinahid ang butil ng luha sa aking pisngi. Hinugot ko ang aking hininga saka lumingon.
Wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Hindi ko naramdaman ang kanyang pag-alis. Iniisip ko pa lang pero hindi ko kayang tuluyan na niya akong sukuan. Pilit kong iwinaksi sa isipan ang nangyari. Kailangan ko nang umuwi. Mabigat ang mga hakbang ko habang tinatahak ang daan pauwi sa amin.
Dire-diretso akong naglakad nang may masalubong akong lalaking tumatakbo. Hindi ko agad napaghandaan iyon kaya nagkabanggan kaming dalawa.
"Ahh!" Naibulalas ko dahil sa pagkabigla. Napangiwi ako sa sakit nang pareho kaming natumba. Gumulong kaming parehas at ramdam ko agad ang hapdi ng aking siko at paa.
Iniinda ko pa ang sakit nang bumangon siya at pupungas-pungas na tumingin sa pinanggalingan niya kaya napatingin ako roon.
Ikinagulat ko ang bigla niyang pagtakbo.
"hoy.." sigaw ko. Sa halip na tulungan ako ay tinakbuhan ako. "Nakakainis!" Kung minamalas ka nga naman talaga. Hindi man lang nag-sorry ang ungas. "Ha! Ang kapal ng mukhang hingian ako ng number tapos tatalikuran lang ako ng ganito? Grabe napakagentleman mo!" Nilakasan ko pa ang huling sinabi. Para akong tanga na nagrereklamo sa aking sarili. Kanina ay nakita ko pa siya sa canteen tapos ngayon tumatakbo siya sa gubat. May lahi yatang engkanto ang lalaking 'yon.
Hindi niya kaya ako natandaan? Akma akong tatayo nang makita ko siyang pabalik sa aking pwesto. Napaangat ako nang tingin at nagtatakang pinanuod ang kanyang paghakbang palapit sa akin. Akala ko kung anong gagawin niya ngunit hinila niya ako patayo.
"Hoy, ano..ahh--" hindi ko mabuo ang mga salita ko nang hinila niya ako patakbo.
"San mo 'ko dadalhin?" Pinilit kong bumitaw sa kanya kaya't napatigil ito at bumaling sa akin.
"H'wag ka nang magreklamo, sumama ka na lang." Muli niya akong hinatak at tumakbo.
Hindi ako makapagreklamo dahil lubak at medyo madilim na rin ang dinadaanan namin. Hindi ko alam pero sa halip na matakot at mangamba ay hindi ako nakakaramdam ng panganib habang hila niya ako patakbo.
Dinala niya ako sa masukal na gubat at doon nagtago. Naalala ko na naman ang ginawa naming pagtago ni Sander noong isang araw. Mabuti na lamang at hindi siya ganun kalapit sa akin at baka mamaya may maramdaman na naman akong matigas.
Hinarap ko siya para sana magtanong ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko kaya't napalapit siya sa akin. Ngayon ay naramdaman ko na ang matigas na bagay sa aking puson.
"Pota, saan na ba yun?"
"Nandito lang yang hayop na yan,"
Bigla akong nakaramdam ng kaba nang may marinig na mga lalaking nag-uusap malapit lang sa aming pwesto. Hindi ko man tanungin ay alam kong siya ang hinahanap ng mga lalaki. Halos ilang minuto yata ang lumipas na tulala ako dahil sa kaba kaya't hindi ko namalayang nakangisi siyang nakatingin sa akin. Bumalik ako sa aking kamalayan kaya't bigla ko siyang itinulak.
Mukhang nakaalis na ang mga lalaki dahil hindi ko na narinig ang mga boses nila.
"Natatandaan mo ba ako miss?" Nanlaki pa ang mata ko sa tanong niya. Natandaan niya siguro ako kaya't binalikan niya ako kanina.
"Natandaan? Saan?" tanong ko. Kunwari ay hindi ko siya naalala.
"Ang bilis mo namang makalimot, ako yung lalaking nagrequest ng kanta at isinayaw ka noong fiesta," paliwanag niya.
Nagkunwari akong may iniisip "Ahh, yung mayabang na walang modo?"
"Ouch!" Bulalas niya at humawak pa sa kanyang puso. "Hindi ako mayabang, gwapo lang."
Napatingin ako sa kabuuan niya. Medyo singkit ang mata na parang kumikislap tuwing ngumingiti siya. Kita ko rin ang maputi at maganda niyang ngipin at hindi rin mabaho ang kanyang hininga. Matangos din ang ilong at medyo makapal ang buhok niyang magulo na basa pa sa pawis. Siya ang tipo nang tao na magugustuhan ng lahat, pwera na ako. Tall, dark, and.. basta hindi siya gwapo sa aking paningin.
"So ano? Nakita mo na ba ang ebidensiya sa aking kagwapuhan?" Nakangisi pang pang-aasar niya.
Napairap na lang ako dahil sa kahanginan niya. Ang kapal na nga ng kalyo sa mukha hindi pa gwapo.
"Alam mo ang yabang mo," asik ko sa kanya.
"Okay lang, gwapo naman." Natatawa pang sabi niya.
Nag-eenjoy si gago. Feeling close amp* sarap hambalusin ng tsinelas.
"So ano, break na ba kayo ng jowa mo?" Tiningnan ko lang siya nang masama at lumabas na sa pinagtataguan namin.
Bakit ba ako nakikipag-usap sa mahanging estranghero na ito? Hindi ko siya pinansin at dumiretso na sa paglalakad pero dahil ipinanganak siyang makapal ang mukha ay sinundan niya pa rin ako.
"Wag ka ngang sumunod sa akin hindi naman kita kilala. Para kang aso," inis kong baling sa kanya.
"Ihahatid nga kita, mamaya kasi makasalubong mo yung humahabol sa akin," napatda ako sa kinatatayuan ko at biglang nakaramdam ng kaba.
Tinatakot ba ako ng lalaking 'to?
Ayokong makialam at magtanong sa kanya kung bakit siya hinahabol ng mga iyon dahil hindi ko naman siya kilala.
"Bakit ka ba kasi hinahabol ng mga yun?" Hindi ko na napigil ang tanong.
"May utang ako eh, wala akong pambayad kaya tumakbo ako." Nagkibit-balikat siya at lumapit sa akin saka siya umakbay.
"Hoy ano ba?" Napayuko ako nang bahagya at humiwalay sa kanya.
"Wag ka ngang mareklamo diyan, ako na nga tong nagmamalasakit sayo."
Wow, as in wow! Kasama pala sa pagmamalasakit ang pag-akbay mula sa taong hindi ko kilala?
Dumiretso ako sa paglalakad at hindi na siya pinansin kahit pa kinakausap niya ako. Madilim na talaga at siguradong galit na si nanay at tatay sa akin.
"Diyan ka lang." Dinuro ko pa siya ng aking daliri para pigilan siya nang malapit na kami sa bahay ni tiya Marta.
Lumingon-lingon pa ako sa kanya para siguraduhing hindi siya nakasunod.
Nagmasid pa muna ako sa paligid bago diretsong pumasok sa bakuran. Agad akong inatake nang kaba nang makita si nanay na naghihintay sa bungad ng balkonahe at mariing nakatingin sa akin.
"Gabi ka na naman ah?" Nakapameywang pa siya habang minamata ako.
"Sorry nay, may practice lang kami sa JS prom," pagdadahilan ko pa.
Lumagpas lang ang tingin ni nanay sa aking likuran. Kinakabahan akong lumingon at napasinghap nang makita kong nakatayo sa aking likuran ang lalaki.
"Pasensiya na po nay, muntik na po kasi siyang mapahamak kanina kaya't hinatid ko na lang pauwi."
Napapikit na lang ako dahil sa kanyang sinabi. Nanlilisik ang mga mata ni nanay nang lumingon sa akin. Umiling pa ako para depensahan ang aking sarili.
"Magandang gabi ho nay!" Maang kong pinanuod ang kanyang paglapit sa aking ina at nagmano. "Huwag ho kayong magalit nay, kaibigan po ako ni Charlotte. Bantay sarado po 'yan sa akin sa eskwela, binabantayan ko po sa boypren niya."
Napapikit na lang ako sa kanyang mga pinagsasabi. Ang lakas pa ng loob niyang tawaging nanay ang aking ina.
Paano niya nalaman na Charlotte ang pangalan ko?
Hindi ko alam pero sa halip na singhal ang abutin ko kay nanay ay parang lumiwanag ang kanyang mukha.
"E, bakit hindi mo naman sinabing kaibigan mo ang anak ko?" Tanong nito na lalo kong ikinagulat.
Naiwan akong tulala sa labas habang inaakay niya ang lalaki papasok sa bahay ni tiya Marta. Biglang sumakit ang aking ulo. Patuloy ang kanilang pag-uusap na para bang maalas nilang ginagawa iyon. Magkakilala ba sila?
Tulala akong naghahakot ng mga gamit namin papunta sa bahay namin. Mahigit isang buwan din kaming namalagi sa bahay ni tiya Marta. Mabuti na lang at naagapan na ni tatay na ayusin ang bahay namin kaya't ngayon ay babalik na ulit kami roon. Habang naglalakad ay hindi ko napansin ang malaking bato na nakaharang sa aking daanan kaya't napatid ako at nabitawan ko ang dala-dala kong karton. "Ang tanga mo talaga!" Napangiwi na lang ako sa paghila ni nanay sa aking buhok. Napatid na nga dinagdagan pa ang sakit. Tiningnan ko ang kuko kung natamaan buti na lamang at hindi natanggal. Kung hindi dahil sa lalaking iyon kahapon ay hindi sana ako ganitong tulala. Hindi k
Nang dumating ang gabi ay bumaba kami para kumain. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang tingin ng nanay ni Rita sa akin kaya't naiilang ako. "Mommy, okay lang bang papahiramin ko si Charlotte ng gown? Para po sana may maisuot siya sa prom." Nabitin sa ere ang aking pagsubo at napatingin kay Rita. Wala sa usapan namin ang ganito. "Meron ka pala e, hindi mo naman sinasabi," sabat ni Andra. "Pahiramin ko na lang siya. Kawawa naman kasi si Charlotte," Napayuko ako at uminit ang sulok ng aking mata. Hindi ko alam kung emosyonal lang ba talaga ako ngayon at napaka sensitive ko ngayong araw pero naiinsulto ako sa sinabi ni Rita. Gusto kong isipin na epekto lang ito ng mga nangyayari sa akin pero nitong mga nakaraang araw ay may napansin akong kakaiba kay Rita. "Balita ko
Halos hindi ko na makita ang aking daanan dahil sa mga luhang nag-uunahan. Hindi ko inalintana ang dilim ng paligid at ang malakas na pagbuhos ng ulan. Mas gugustuhin ko pang may bigla na lang hahablot sa akin at patayin ako kaysa bumalik pa sa lugar na iyon.Pumalahaw ako nang iyak nang gumulong ako pababa. Naramdaman ko ang hapdi ng mga kahoy at mga maliliit na sangang nahagip ng aking paggulong. Sana ay may ahas na bigla na lang tutuklaw sa akin para hindi ko na masaksihan ang mapait na sinag ng araw.Matatanggap ko pa siguro kung ipagtabuyan ako ni nanay kaysa tratuhin ako na parang hindi niya ako anak. Walang mahalaga sa kanya kundi ang paborito niyang anak na si Celestine at ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang kanyang magandang mukha. Ako ang anak na naging bunga lamang ng kanilang pagnanasa sa isa't isa ngunit
Pagkatapos naming mag-usap ay nagpalipas muna kami ng oras habang nakaupo sa may malaking bato. Wala na akong pakialam ngayon kay nanay kung makita man nila akong kasama ko si Sander. "Bakit kasama mo ang lalaking 'yon?" Natigilan ako sa tanong niya. "Nagkasalubong lang kami," maikli kong tugon. Hindi ko gustong magsinungaling sa kanya pero kailangan. Isa pa ayokong malaman niya na binalak kong magpakamatay. Tumahimik na siya kaya't tumayo na ako. "Hali ka." Hinila ko siya patayo. Isiniksik ko ang maliit kong daliri sa kanyang mga daliri saka ito itinaas sa ere. Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang mga daliri ko sa kanya na para bang sa kanya lang maaring humawak sa aking kamay.
Ilang sandali lang ay nagawan din ng paraan na maayos ang zipper ng aking suot sa likuran. Nakangiti akong humarap sa bakla matapos niyang maayos ang aking likuran. Ngumiti lang din siya sa akin at hinaplos ang dulo ng aking buhok papunta sa harapan ko.Lumapit din si Sander sa akin at pinaikot ako patalikod sa kanya. "Ayos na na." Akala ko ay tiningnan niya lang kung ayos na ba ang ginawa ng bakla sa akin pero natigilan ako nang maramdaman ang isang malamig na bagay sa aking leeg.Tulala ako nang muli niya akong iharap sa kanya "Tandaan mo ikaw lang ang pinakamaganda sa aking paningin kahit ano pa man ang isuot mo."Uminit ang aking pisngi lalo na nang dumampi ang kanyang labi sa aking noo.Gusto kong maiy
Akala ko ng gabing 'yon ay magiging payapa akong nakatanaw sa ulap. Hiniling ko ng araw na iyon na bigyan ako kahit saglit lang na panahaon para makapag-isip at iiyak lahat ng sakit."Balak mo bang matulog dito sa gitna ng daan?" Agad akong napatayo nang may magsalita.Agad na bumungad sa akin si Knee Yoz at katulad ng dati ay may dala siyang flashlight at nakatutok sa aking mukha. Nasilaw ako dahil sa liwanag kaya't naudlot ang aking pag-iyak."Ilayo mo nga yang flashlight mo." Iritadong utos ko sa kanya na agad niya rin namang sinunod.Umupo ako sa lupa at inunat ang aking dalawang binti, walang pakialam kung madumihan man ang puti kong suot. Ginaya niya rin ako sa pag-upo. Kumunot ang noo ko nang mapansi
Pagkatapos ng aming first period ay ibinalik ko na kay Rita ang gown na pinahiram niya sa akin."Salamat pala! Nilabhan ko na yan, pasensiya na rin at nasira ang zipper sa likod," eryoso kong saad at nauna nang lumabas.Hindi ko alam kung may ideya ba siyang nakita ko sila nang gabing iyon at kung ano ang kanyang iniisip pero ayoko talaga siyang kausapin sa ngayon at baka mabulyawan ko siya. Ayoko nang sumunod siya sa nangyari sa amin ni Tintin."Wala ka talagang gana kanina pa," puna ulit ni Andra sa akin.Sumapit ang lunch at nauna na rin ako sa kubong kinakainan namin. Wala pa sina Rita at Andra dahil bumili pa sila ng ulam samantalang ako ay nag-umpisa nang kumain. Sinadya kong bilisan ang pagkain dahil ayoko na silang sabayan pa at para mauna na ako sa room namin mamaya. Buti na lang at may baon akong hotdog.M
"Heyy.. gising"Nakaramdam ako nang pagyugyog sa aking braso akala ko ay nananaginip ako ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay nakatunghay si Knee Yoz sa akin."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Umayos ako nang upo at umiwas ng tingin."Anong oras na?"Tumingin ako sa paligid at mababa na rin ang araw. Nakatulog na ako sa paghihintay sa kanya."Mag-aalas cuatro na," sagot niya at umupo sa aking tabi. "Birthday ng kapatid mo bakit ka nandito sa bundok?"Kailangan ko bang sagutin ang tanong niya? Umalis ako roon dahil naiinggit ako