Minsang may mga bagay talagang kahit gusto mong ikwento ay kailangan mong sarilinin. Ang dahilan marahil ay hindi mo pa kaya o hindi pa ang tamang oras.
Narinig ko ang pagtawag ni Andra.
"Grabe naman kasi 'yang nanay mo, hindi naman kasi masama ang ginagawa mo," komento nito nang makahabol sa akin.
Siguro nga para sa amin ay wala kaming ginagawang masama. Pero sa isang magulang na naghahangad lamang ng kabutihan para sa kanyang mga anak ay maling mali lalo na at ipinagbabawal pa nila ang pagboboyfriend naming magkakapatid.
"Yang nanay mo kung makapaghigpit akala mo hindi nakaranas maglandi noong panahon niya." Nabigla ako sa tinuran ni Rita kaya't taka akong napatingin sa kanya.
Naninibago akong makarinig ng ganitong komento galing sa kanya, nasanay akong lagi niyang naiintindihan ang opinyon ng iba at hindi siya nagkokomento ng hindi maganda.
"Anong gusto niyo? Libre ko na kayo," tanong sa amin ni Andra pagkarating namin sa maliit na canteen ng school.
Hindi ako sumagot kay Andra dahil nasa isip ko ang sinabi ni Rita. Ang ibig kung sabihin ay normal lang naman sa tao na magkomento pero nang marinig ko ang mga salita galing kay Andra ay parang kakaiba. Para bang may pinanggalingan ang mga salita o sadyang nasanay lang talaga ako na hindi siya ang tipo ng tao na mapanghusga.
"Kahit ano na basta galing sa puso mo," tamad na sagot ni Rita. Nasa kanya pa rin ang atensiyon ko at patuloy siyang inoobserbahan
"Ano nga?" ulit pa nito. "Walang kwenta naman 'to pag tinanong." Inirapan ni Andra si Rita bago bumaling sa akin.
Nilibot ko ang aking pananaw sa ibang mga tinda na naroon hanggang sa dumako ang paningin ko sa isang lalaking nakaupo sa kabilang stall kasama niya ang lalaking anak ng tindera rin dito sa canteen. Nakatingin siya sa pwesto namin pero hindi ako sigurado kung sa akin ba siya nakatingin.
Agad ko itong nakilala. Sa maikling sandaling isinayaw niya ako ay hindi ko nakalimutan ang mapaglaro niyang mga ngiti at ang nakakaakit niyang mga mata.
Ano kayang ginagawa niya dito? Magkakilala ba sila ni Archie?
"Halina kayo," kagyat na iniabot sa amin ni Andra ang kanyang pinamili.
Palabas na kami ng canteen nang tawagin ni Archie si Andra.
"Mauna na kayo," bilin niya saka kami iniwan. Sinundan ko siya nang tingin habang patungo siya roon sa kinaroroonan ng dalawa.
Hindi ko na sila nasundan ng tingin dahil hinila na ako ni Rita pabalik sa ground.
"Anong meron?" kuryusong tanong ko kay Rita na nakatingin din kay Andra. Umaasa akong may makukuhang sagot pero nagkibit balikat lang ito.
Hindi ko na rin natanong si Andra tungkol doon dahil nagpatuloy na rin kami sa pag practice. Habang nagpa-practice kami ay nahuhuli ko si Sander na panay ang tingin sa akin kaya't ilang na ilang ako.
"Okay guys, see you again tomorrow."
Pagkatapos magpaalam ang leader namin ay kinuha ko na ang mga gamit namin na nakatambak lang sa gilid.
Nagpasalamat ako nang matapos ang practice dahil malapit na namang dumilim. Paniguradong galit na naman ang isasalubong ni nanay sa akin kapag ginabi na naman ako ng uwi. Wala kaming gaanong ginawa sa buong araw kundi mag-pratice pero nakakapagod.
"Cha, ihahatid ka raw ni Sander." Natigil ako sa ginagawa at napatingin kay Arnold. Mag-isa lang siya kaya't iginala ko ang paningin ko at natagpuan kong nag-aabang ito malapit sa gate.
"Waiting po kami sa comeback," panunukso ni Andra na agad kong pinanlakihan ng mata.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig, muling pagbigyan ang pusong nagmamahal.." Siniko ko si Rita dahil sa kanyang pagkanta.
"Tumigil nga kayo," saway ko pero ssa halip na tumigil ay nagbulungan pa ang dalawa na animo'y kinikilig.
"Kunwari hindi kinikilig," bulong ni Andra kay Rita, sinadya niya talang iparinig sa akin para dagdagan ang panunukso.
Hindi ko na sila pinansin at nauna nang maglakad. Inatake ako lalo ng kaba nang sinalubong ako ni Sander. Hindi ko siya pinansin at pinatuloy ang paglalakad na parang hindi ko siya nakita. Hinayaan niya lang naman ako hanggang sa makarating kami sa labas ng gate.
"Bye guys.. waiting sa comeback," sigaw pa ni Andra habang hinihila si Rita patakbo. Hanggang sa mawala sa paningin ko ang dalawang kaibigan ay tahimik pa ring nakasunod si Sander sa akin. Magkaiba kami nang daan at nakumpirma kong susundan niya talaga ako pauwi. Nilingon ko siya. Matamlay itong tumigil sa paglalakad mula sa sampung metrong distansiya mula sa akin.
"Huwag mo na nga akong ihatid," inis kong sabi sa kanya.
"Sige na diretso ka lang sa paglalakad 'wag mo na lang akong kausapin,"
"Hindi ka ba nakakaintindi? Kahit ilang beses mo pa akong ihatid hindi na tayo pwede." Halos tumaas ang aking kilay sa pagpipigil kong masinghalan siya.
Malungkot na siya kanina pero mas lalo yatang lumungkot ang mukha niya ngayon.
"Hindi mo ba ako mahal?" Lumambot ang aking puso sa tanong niya.
Hindi ko naman talaga gustong gawin ito sa kanya, kaya lang kailangan. Isa pa, ito ang nakikita kong dahilan para kahit paano ay mawala ang galit ng pamilya ko sa akin.
"Anong klaseng tanong yan?" Bigla ay nakaramdam ako ng guilt sa sarili. Ganito ba ako kasama? Oo. Mahal na mahal ako ng taong 'to kaya't hindi ko siya kayang panuorin sa ganitong kalagayan. Kaonti na lang at bibigay na ako.
"Sagutin mo ako, kung totoong mahal mo ako kahit ano pang sabihin ng nanay at tatay mo hindi mo pipiliing hiwalayan ako ng ganito.."
Hindi ko alam pero naiinis ako dahil pakiramdam ko ay pinipilit na niya ako. Alam kong mahal niya ako pero hindi pa rin tama ang ganito. Kung mahal namin ang isa't isa makakapaghintay siya sa tamang oras. O, baka mali lang ako ng pagkaunawa sa klase ng pagmamahal niya sa akin?
"Kung talagang mahal mo ako maiintindihan mo ang sitwasyon ko." Pinilit ko pa ring manindigan sa desisyon ko. Hindi ako maaring bumigay. Hinding hindi!
Pinilit niyang ngumiti sa akin at umupo sa batong naroon. May parte sa akin na ayokong pilitin niya ako pero ayoko ring sumuko siya sa akin.
"Pasensiya ka na, gusto ko lang makasigurong safe kang makakauwi!" Yumuko siya at pinagmasdan ang lupa na para bang iyon ang kausap niya.
"Lagi naman akong safe na nakakauwi noong wala pa tayo. Huwag kang mag-alala wala namang multo dito." Pinilit kong pasiglahin ang aking boses.
Matagal siyang tahimik na tumingin sa akin bago tumango. Akala ko ay naintindihan niya na ako pero tumayo siya at lumapit sa akin. Ikinagulat ko ang ginawa niyang pagyakap sa akin.
Sa oras na yakap niya ako ay ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan. Kinilabutan ako ngunit gusto ko na lang yakapin niya ako nang ganito.
"Sabihin mo lang na mahal mo ako gagawin ko ang lahat para mailayo ka sa mga magulang mo!"
Naramdaman ko ang buga ng kanyang hininga na lalong nagpasidhi sa nararamdaman ko.
"Ano bang sinasabi mo?" Itinulak ko siya, kunwa'y naiinis. "Hindi nga ako sasama sa'yo. Ilang beses ko bang sabihin sa'yo 'to para maintindihan mo ako?"
Nang oras na iyon ay lalong gumuho ang mundo ko. Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha sa kanyang mata. Napalunok ako at umiwas ng tingin.
Wala na siyang nagawa nang tinalikuran ko siya. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako na kailangan kong magpanggap na hindi ko na siya mahal. Naiinis akong hindi pa rin siya tumitigil sa akin. Mahal na mahal ko siya pero ayokong umabot sa puntong gagawa na naman ako ng isa pang mali. Kung sakaling balikan ko siya ay gusto kong gawin 'yon sa tamang paraan na hindi ko kailangang suwayin ang aking mga magulang.
Bakit ba kasi ang daming bawal? Ang daming kailangang isakripisyo para lang patunayan ang sarili ko.
"Maghihintay ako Cha! Maghihintay ako hanggang sa pwede na ulit tayo.."
Tumulo ang luha ko sa kanyang sinabi. Gusto ko nang iiyak ang lahat. Tumigil ako sa paglalakad at kinalma ang sarili. Huwag kang magpatalo sa emosyon mo Cha, kapag sumuko ka ay ikaw ang talo sa huli.
Pinanuod ko kung paano pinaghalo nina Roberto at Edward ang inumin. Nangibabaw pa rin ang ingay ng kanilang mga baso at hiyawan sa kabila ng malakas na tugtog. Umangat ang aking paningin nang lumapit si Roberto at inabutan ako ng alak sa baso. Tatanggapin ko na sana iyon nang mapansin ko si Knee Yoz na nakatingin sa akin. “Sige na, birthday naman ni boss.” Nararamdaman ko pa rin ang kanyang tingin pero inabot ko na ang baso. “Cheers!” Itinaas ni Roberto at Edward ang kanilang mga baso sa gitna. Sumunod ang ibang lalaki pati si Denise kaya’t gumaya na rin ako. Natahimik ang lahat at napatingin kay Knee Yoz, nakatingin lang siya sa akin kaya’t napakurap ako ng ilang beses. Kung hindi ko pa siya kinunutan ng noo at senyasan ay hindi pa niya itinaas ang kanyang baso. Muli ay nabuhay ang kanilang hiyawan. Hanggang sa aking paglunok ay nakatitig yata siya sa akin pero pilit akong umiiwas para hindi ko mahuli ang kanyang mga tingin. Nagpatuloy lang sila sa k
Kabanata 28Ang sabi nila kapag nasalo mo ang bulaklak na inihagis ng bride ay ikaw ang susunod na ikakasal. Noong una ay hindi ako naniwala ngunit pinaniwala ako ni Knee Yoz. Sariwa pa sa aking isipan ang nakaraan na para bang kahapon lamang iyon nangyari.Dahil sa pagkasunog ng dati kong tinitirhan ay hinayaan niya akong tumira sa kanyang bahay. Sa kabila ng mga kamalasan ko sa buhay ay naisip kong itinadhana yata siyang maging life savior ko.Abala ako nang araw na iyon sa paglilinis ng buong bahay nang dumating si Denise. Dalawang linggong hindi ko siya nakita pagkatapos ng kanyang kasal at naintindihan ko namang kailangan niya ng time kasama ang asawa.“Ehh..I miss you!” kahit pawis na pawis ay tumitiling niyakap niya ako.“I miss you too! Ang blooming mo.” Natatawang puna ko sa kanya at inakay siya paupo.“Eh, ganun talaga siguro kapag bagong kasal. Alam mo na – totoo pala talaga ang kasabihang
Simpleng kasal lang ang idinaos nina Denise at Knee Yoz dahil wala naman silang kamag-anak. Dalawa lang ang ninang at apat lang ang kanyang at groomsmen at bridesmaid kasama na kami ni Knee Yoz. Habang naglalakad ako sa gitna papunta sa dulo pakiramdam ko ay ako ang ikakasal kahit na hindi naman. Kung naging mabuti kaya ang tadhana sa akin may pagkakataon kayang makasama ko si Sander at ikasal kami ng ganito kahit simple lang? Kahit walang mga magulang at kaibigan?Naramdaman kong hinawakan ni Knee Yoz ang aking kamay na nakakapit sa kanyang braso kaya't nilingon ko siya.“Next time ikaw naman ang ikakasal.” Marahan pa siyang tumawa kaya't itinuon ko ang atensiyon sa harapan hanggang sa makarating kami sa dulo at naghiwalay na rin.Sunulyap ulit ako sa kanya nang makaupo ako at muli ring umiwas nang makitang nakangisi pa rin siya sa akin. Hindi ko itatangging si Sander pa rin talaga ang iniisip ko hanggang ngayon pero hindi ko rin maitatanggi naapekt
Tanghali na nang magising ako. Nararamdaman ko na ang singaw ng init sa aking katawan. Bigla akong nanibago nang mapagtantong wala na pala ako sa maliit na silid na aking inuupahan.Nagmadali kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagtanggal ng muta. Bahagya ko ring kinagat ang aking tuyot na labi. Sa halip na si Knee Yoz ang aking makita ay si Denise ang aking namataan sa kusina pagbukas ko ng pinto kaya't natigilan ako roon. Napalingon siya sa akin.“Oh, gising ka na?” puna niya habang abala sa kanyang ginagawa. “Nagpaluto si Knee Yoz. Dito na lang daw kami kakain ni Edward para sabay-sabay na tayong apat,” nakangiting saad pa niya.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagdiskitahan ang gulay na kanyang niluluto. “Bakit hindi mo ako ginising?”“Hayaan daw kitang matulog sabi ni Knee Yoz.” Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. “Pagod ka dahil sa nangyari kagabi kaya okay lang.”
Madaling araw nang magising ako dahil sa pagsikip ng aking hininga. Agad akong bumangon para sana uminom ng tubig ngunit agad akong napaubo dahil sa usok na bumungad sa akin.“Sunog!!!” Dali-dali akong tumayo nang marinig ang sigaw sa labas at binuksan ang bintana.“Tulong..may sunog!!” Nagkakagulo sa baba at nagsisigawan ang mga tao. Nakita ko ang iilan na nagtatakbuhan habang may kanya-kanyang buhat.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang umaapoy na ang bahay na kaharap ng aking tinutuluyan at unti-unti nang tumatawid papunta dito sa palapag na inuupahan ko.Tumulo ang aking luha habang hinahabol ang hininga dahil sa makapal na usok na bumabalot sa paligid. Ito na 'yon di ba? Ito na 'yong kamatayang matagal ko nang inaasam-asam. Mapait akong ngumiti. Kaya siguro hindi natuloy-tuloy ang pagpapakamatay ko noon dahil ito pala ang kamatayang nakatadhana para sa akin.Napatingin ako nang marinig ang kalampag sa aking pintuan na
Walang nagawa si Denise nang hinila ako ni Knee Yoz palabas. Agad itong pumara ng taxi at nauna akong pinapasok.“Knee Yoz ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy kami?” reklamo ni Denise sa kanya.“Enjoy? Magpakalasing? Ganun ba?”Sumilip ako mula rito sa loob at pinagmasdan ang reaksiyon ni Knee Yoz. Mahinahon siya ngunit alam kong galit siya. Pero hindi ko alam kung anong dahilan.Bago pa sumagot si Denise sa kanya ay hinila niya na rin ito papasok. Bahagya akong umusog para makaupo si Denise sa aking tabi.Pumasok na rin si Knee Yoz sa harapan. Bumaling ito sa likuran at tumingin kay Denise.“Hindi mo ba alam na talamak ngayon ang pagkawala ng mga babae? Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sayo?”“Tss,” usal ni Denise. Ilang segundo pa itong nakatingin sa aking kaibigan bago bumaling sa akin. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos na rin siya ng upo