Share

Kabanata 26

Tanghali na nang magising ako. Nararamdaman ko na ang singaw ng init sa aking katawan. Bigla akong nanibago nang mapagtantong wala na pala ako sa maliit na silid na aking inuupahan.

Nagmadali kong sinuklay ang buhok gamit ang daliri at nagtanggal ng muta. Bahagya ko ring kinagat ang aking tuyot na labi. Sa halip na si Knee Yoz ang aking makita ay si Denise ang aking namataan sa kusina pagbukas ko ng pinto kaya't natigilan ako roon. Napalingon siya sa akin.

“Oh, gising ka na?” puna niya habang abala sa kanyang ginagawa. “Nagpaluto si Knee Yoz. Dito na lang daw kami kakain ni Edward para sabay-sabay na tayong apat,” nakangiting saad pa niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at pinagdiskitahan ang gulay na kanyang niluluto. “Bakit hindi mo ako ginising?”

“Hayaan daw kitang matulog sabi ni Knee Yoz.” Natigil ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. “Pagod ka dahil sa nangyari kagabi kaya okay lang.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status