Share

Kabanata 24

Walang nagawa si Denise nang hinila ako ni Knee Yoz palabas. Agad itong pumara ng taxi at nauna akong pinapasok.

“Knee Yoz ano ba? Hindi mo ba nakikitang nag-eenjoy kami?” reklamo ni Denise sa kanya.

“Enjoy? Magpakalasing? Ganun ba?”

Sumilip ako mula rito sa loob at pinagmasdan ang reaksiyon ni Knee Yoz. Mahinahon siya ngunit alam kong galit siya. Pero hindi ko alam kung anong dahilan.

Bago pa sumagot si Denise sa kanya ay hinila niya na rin ito papasok. Bahagya akong umusog para makaupo si Denise sa aking tabi.

Pumasok na rin si Knee Yoz sa harapan. Bumaling ito sa likuran at tumingin kay Denise.

“Hindi mo ba alam na talamak ngayon ang pagkawala ng mga babae? Hindi mo ba naisip na may nag-aalala sayo?”

“Tss,” usal ni Denise. Ilang segundo pa itong nakatingin sa aking kaibigan bago bumaling sa akin. Nagulat pa ako sa kanyang ginawa ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos na rin siya ng upo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status