***This POV will explain what really happened behind Chris' POV***
Third Person POV
Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang.
Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin.
Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara.
Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus
Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin