Share

MNAB - Kabanata III: Eve

Nanaginip ako. Nakatayo kami nina Laila at Janine sa isang tulay. Yari sa bato ang tulay; magaspang ito at bitak-bitak. Nagbahagi si Laila ng impormasyon tungkol sa tulay, na isandaang taon na itong nakatayo rito. Makasaysayan daw ang tulay sabi niya. Hindi raw iyon basta-basta magigiba, parang pagkakaibigan namin.

Dumungaw ako sa ibaba; gumaya sila. Nakita kong malinaw ang tubig. Ganoon din ang sinabi nila. Sabi ni Janine gusto niyang maligo. Naka-e-engganyo kasing maligo, lalo na kung malinaw ang tubig. Nagulat na lang kami nang bigla siyang tumalon sa tulay! Napasigaw kami ni Laila!

Tumingin kami pareho ni Laila sa ibaba ng tulay. Hindi namin nakita si Janine sa ibabaw ng tubig. Nakaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko. Nalunod na kaya siya? Patay na kaya siya? Sinigaw namin ang pangalan niya; tinawag namin siya, pero hindi siya sumagot.

Maya-maya, lumitaw si Jani

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status