Share

PSK - Kabanata III

Isang panyo... Isang panyong kulay rosas at may bulaklaking disenyo. Nabigla ako nang iabot iyon sa akin ng lalaki. Ilang segundo rin akong nakatingin dito bago ko napagdesisyunang kunin ito dahil napagtanto kong sa akin pala ang panyo.

"A... Y-y-your welcome," naging tugon ko nang kunin ko iyon.

Mariin akong nakatingin sa estranghero sa harap ko. "Sino ba ito?" ang nasa isip ko.

"That helped me... a lot," sabi niya at doon ko napag-isip-isip kung sino nga ba siya.

Siya... Siya siguro yung lalaking naroon sa roof top kahapon.

"Buti naman kung ganoon," tugon ko sabay ngiti.

"Nakakahiya! Nakita mo pa akong umiiyak kahapon," sabi niyang tila nahihiya, and at the same time ay natatawa.

So siya pala talaga yung lalaki sa roof top. Kaso, bakit naman siya mahihiya? Wala naman sigurong masama kung umiyak ang isang tao lalo na sa panahon ng pagdadalamhati, 'di ba? Sa ganitong sitwasyon, mas makatutulong ang pag-iyak kaysa sa pagtawa, pag-ngiti o pagpapakitang masaya ka kahit hindi.

"Normal nam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status