Share

MNAB - Kabanata VII: Bianca

Madilim ang paligid. Patay na ba ako? Makikita ko na ba ang mga kaibigan ko? Masasagot ko na ba ang tanong ng mga tao kung maganda ba ang langit? Teka, roon nga kaya ang punta ko? Ganoon ba ako kabuti para pagbuksan ako ng tarangkahan ng langit?

Sana... sana hindi pa! Pero paano... paano kung patay na nga ako? Ano ba ang pakiramdam noon? Ayaw ko! Sabi ko kay Alden babalikan ko pa sila ni Dan! Hindi pa ako handang mamatay!

"Bianca! Bianca!" Narinig kong pagtawag sa akin. Kanino ang boses na iyon? "Bianca! Bianca, gising!"

Pagkatapos ay liwanag. Nabigla ang katawan ko, at napamulat at napabangon ako mula sa pagkakayuko sa armchair ng upuan ko. "Huh? Ano'ng nangyari? Nasaan na ako?" tanong ko pa. Nakarinig ako ng pigil na pagtawa. Tiningnan ko ang paligid. Si Jomari, katabi ko.

"Mag qu-quiz na tayo!" sabi niya.

"Ha? Quiz?" Nataranta akong kumuha ng papel at ballpen, kasunod noon ang pagtawa niya.

"Joke lang! Mag-uuwian na, uy!"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status