Share

PKM - Kabanata XVI

Dumilat ang mga mata kong maga sa pag-iyak. Ramdam ko ang kabigatan ng mga ito sanhi ng pagod. Sa aking pagdilat, nakita ko ang paligid na nababalot sa kadiliman.

"Nasaan ako?" ang tanong na unang pumasok sa isip ko.

Nilibot ko ng tingin ang paligid, pero kahit anong pagdilat ang gawin ng mga mata ko ay wala akong makita. Bulag na ba ako o sadyang madilim lang? Bukod sa masikip ang lugar na kinalalagyan ko ngayon, mainit dito at mabaho.

Huminga ako. Ah! Hindi ko kinaya ang paghinga! Ano ba yung amoy na iyon? Nakasusulasok! Tinakpan ko ang ilong ko ng aking mahina at nanlalatang mga kamay, pero tagos pa rin ang mabahong amoy. Amoy bulok! May katabi ba akong bangkay? Ganito nga ba ang amoy ng bulok na katawan? Hindi ko rin alam. Pero paano kung may katabi ako? Paano kung si Star pala ay nandito? Si Star... at ang ibang babaeng nasa pangitain ko... Paano kung nandito rin sila sa mala-impyernong lugar na ito?

Hinanap ng mga kamay ko ang pader na aalalay sa ak

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status