Share

PSK - Kabanata III.I

Bandang alas nuebe ng gabi nang magkaroon ng misa para kay Jomari. May ilang mga kamag-anak niya ang nagsalita ng magagandang bagay tungkol sa kanya. Isa na roon si Jude.

"Siya yung madalas kong kasama... sa gimik, mga kalokohan, pagbabasa ng FHM... panonood ng porn... Hindi, joke lang. Hindi ako nanonood ng porn. Pinapakuwento ko lang kay Jomari kung anong meron doon sa video. Tapos, sa pag-akyat ng ligaw kay Bianca... "

Nagtinginan ang lahat sa akin nang banggitin ni Jude ang pangalan ko. Hinagod ng katabi ko sa kaliwa, isa sa mga tita nina Jomari at Jude, ang likuran ko.

"Everything will be ok, Bianca," sabi nito. Tumango ako. Sana nga ganoon kadali lahat.

Nagpatuloy ako sa pakikinig kay Jude.

"Itong pagkamatay niya... Hindi ko matanggap e! Tinatanong ko yung sarili ko... Ano ba ito? Panaginip ba ito? Ginu-good time ba ako ni Jom? Ano ba? May surprise ba in the end? Na nandito nga itong kabaong niya sa likuran ko. Nagdedeliver ako ng eulogy rito... Pero 'di ko alam kung eulogy nga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status