Pagkatapos ng senaryong iyon ay feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Hindi ko rin naman naisip ang posibilidad na magkamag-anak sila pero kasi hindi naman halata. Pero noong ma-realize ko na wala namang nakakaalam na gano'n ang iniisip ko maliban kay Claris, nagkunwari akong hindi ko naisip ang bagay na 'yon.
It's ironic because after the meeting, we bond like we're long lost best friends. Sumali kami sa iba't ibang game booth, we also tried eating, kung ano ang madaanan namin at mukhang masarap ay game na game kami. Though hindi masyadong umiimik si Ali, feeling ko naman nag-eenjoy siya kasi hindi naman siya sasama sa 'min hanggang sa matapos kami kung hindi siya nag-eenjoy no?
It's been a week since that happen, simula no'n ay hindi ko na nakausap pa si Ali. Kapag hindi hectic ang schedule ko ay sinusundan ko siya at sinusubukang kausapin pero kahit paghinga niya ay hindi mabigay sa 'kin. The truth is I don't feel desperate at all. I want to see his smile again! at kung makakapag-usap uli kami, I want to ask him why is he avoiding me.
And this is my chance now. Nakatayo ako sa harapan niya aat halos mag-iisang minuto na kaming nagtititigan. Imbis na mailang, I find it satisfying. Sa itsura niya ngayon feeling ko kanina pa niya iniisip na ibalibag ako.
"Will you stop bugging me?" iritadong aniya.
I crossed my arms and raised my brows. "Why would I?" Panggagaya ko sa tono niya no'ng nakaraan.
Pumikit siya at huminga nang malalim, animo'y nagtitimpi.
"As you can see I'm eating. Please leave, I'm not comfortable."
"Edi sasabayan kitang kumain total mag-isa ka lang naman diba? Mas masarap kumain kapag may kasama." Inilapag ko sa lamesa ang pagkain ko. Looks like he didn't expect this.
Nang bumalik ang tingin niya sa mukha ko ay hindi ko alam kung anong pinaggagagawa ko. I winked at him.
His face suddenly became red. Gaya nang nangyari sa meeting no'ng nakaraan, yumuko siya na parang tinatago ang pamumula.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pilit kong inangat ang mukha niya at kinurot ang magkabilang pisngi niya.
Ang lambot.
"Squish squish," ngisi ko.
Lalo siyang namula at maya-maya pa ay puwersahan niya tinanggang ang kamay ko sa pisngi niya. Masakit, feeling ko magkakapasa 'to mamaya but it's okay. At least napisil ko ang pisngi niya.
"What do you think you're doing?!" His voice echoed in our place.
"I just want–"
"What? I told you to leave because I'm not f*ck*ng comfortable yet what did you do? You pinched my cheeks and it hurts like hell!" Putol niya sa sinasabi ko.
Napayuko ako sa sinabi niya, I don't want to see his face. Parang anumang oras ay ibabalibag niya na ako. Kung kanina ay namumula siya dahil sa kilig o hiya, ngayon ay sa galit na.
"As far as I remember I'm making you irritated. Right?" he asked.
Tumango ako, nanatiling nakayuko pa rin.
"Then why are you doing this? Is it because I gave you ice cream and put bandage on your feet?"
Hindi ako sumagot.
"Look. I only did that because I'm thanful that you helped me and sorry for my behavior. I didn't mean to be stalked by you."
"Hindi naman kita ini-stalk!"
"Yes, you are."
"Sabing hindi nga, e!"
"Then what do you call this? You're following me for almost a week. Saying nonsense things."
Dahil sa sinabi niyang nonsense ay napatayo na ako. Sinalubong ko ang tingin niya.
"That's not nonsense. I just want to be friends with you. Isn't that right?" Lumamlam ang pagkakatingin niya sa akin nang sabihin ko iyon.
"I want to see you smile again," mahinang sabi ko. Napakagat ako sa labi ko dahil ngayon lang ako tinamaan ng hiya.
"What?" hindi makapaniwalang aniya.
"Hindi ko alam pero parang ang lungkot mo. When I saw you smile that time I wanna see it again and I think I can help you. I want you to be happy. You're not bad gaya ng sinasabi nila." I look into his eyes again. Ang kaninang namumulang mukha niya ay wala na. Para na siyang maamong tuta ngayon.
"But I also understand that you're not comfortable. Sorry for bothering you."
Pagkatapos kong sabihin iyan ay kinuha ko ang pagkain kong nasa lamesa at dali-daling umalis. Hindi na ako nag-abalang tingnan ang reaction niya, paniguradong masaya na siya dahil wala nang mangungulit sa kaniya.
******
Pagkarating ko sa classroom ay halos lahat sila naroon na. Buong break time pala ang sagutan namin ni Ali, hindi man lang ako nakakain pati na rin siya.
Halos lahat sila ay nagtatakang nakatingin sa 'kin. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong dumi sa mukha.
"Ba't ang tamlay mo?" tanong ni Claris nang makaupo ko.
Iling lang ang sinagot ko. Hindi na rin siya nakasagot dahil dumating na ang Prof namin.
"May hindi ka sinasabi sa 'min ah. Akala mo ba hindi namin napapansin yung pagsunod mo kay FIL?" Kinurot ako ni Claris.
Kalalabas lang ng Prof namin at ito na naman sila, namemeste.
"I just want to be friends with him. Nagalit siya ang mukhang hindi na kami mag-uusap forever."
Sumulpot si Jared sa tabi ko. "I understand you. Mabait naman siya tho tahimik, but he seemed enjoy our company last week."
"Jam!"
Sabay kaming napatingin sa tumawag. Si Adrian, nakangiti habang may hawak. Natutop ko ang bibig ko dahil naalala ko na naman ang naisip ko sa kaniya.
"Oy!" bati ko.
"'Yung libro nga pala na hiniram ko sa 'yo last week." Inabot niya sa 'kin ang libro.
Nakangiti ko iyong tinanggap. "Akala ko wala ka nang balak ibalik, e," biro ko dahilan para matawa kami.
"Wala nga kaso ano e." Kamot-ulo niyang sabi at napatigil, pilit siyang natawa na parang may naalala.
"Kaso?"
"Ah wala wala. Wala yon hehe." Winagay way niya ang kamay niya habang pilit pa ring ngumingiti.
"Good Afternoon Class!"
Since dumating na ang Prof namin ngayon, lahat ay nagsiayos na nang upo at tumahimik. Binuklat ko ang libro ko para tingnan kung may sira o sulat ba. Mahirap na, ang tagal ko na ring iniingatan 'to.
Kinuha ko ang puting papel na nakaipit sa isang page ng libro. Wala namang ganito no'ng pinahiram ko 'to. Akmang tatalikod na ako para sensayasn si Adrian nang hindi sinasadyang mabasa ko ang nakasulat.
3 pm sharp sa Ice scoop. Let's meet
- A
Did he just say meet? Magkikita kami then sasabihin niya na pumapayag na siyang maging friend ko? OMG! Worth it ang pagiging sad girl ko today.
Nang makaalis na ang Prof namin for our last subject ay puro pagtataka ang nakita ko sa mukha ng mga kaibigan ko. Sorry mga beh, sad girl no more.
"Cla, mauuna pala ako lumabas today may kikitain ako hihi," masayang sambit ko.
Mas lalo siyang nagtaka doon at pustahan iniisip niya ngayon na ang weird ko.
"Sige, ingat sila sa 'yo." Napipilitan siyang tumango.
Dali-dali ko nang kinuha lahat ng gamit ko at walang sabi-sabing umalis. Si Claris na bahala magpaliwanag sa kanila.
Inikot-ikot ko ang paningin ko nang makapasok ako sa Ice scoop. Kaunti lang naman ang customer, karamihan sa kanila ay bata at may kasamang guardian kaya hindi ako mahihirapang makita si Ali dahil paniguradong mag-isa lang siya.
Lumapit ako sa may counter para makita kung may tao ba roon. Hindi nga ako nagkamali dahil no'ng makalapit ako ay saktong nakita ako ni Ali. Nakangiting kumakain na para bang hindi siya nagalit sa 'kin kanina.
Nakaupo at nakatitig lang ako sa kanya habang hinihintay ang order ko, paminsan minsan ay nagiiwas ako ng tingin dahil tumitingin din siya.
Kumakain man siya ay halata ko pa rin na naiilang siya sa 'kin kahit na tinatago niya. Nakatitig ako sa kanya habang kumakain siya, pinapanood kung gaano siya ka cute habang kumakain. Nakatutok ang atensyon sa pagkain, umaalog na pisngi tuwing ngumunguya. Ang cute!
"Don't stare at me." Huminto siya sandali sa pagkain at tumingin sa akin na agad ring iniwas.
Umayos ako ng upo at tumingin sa ibang direction, parang bigla akong tinubuan ng hiya. Tumikhim ako at naiilang na nahihiyang tumingin ulit sa kanya.
How can I stop staring at him kung ganyan siya ka cute? Ilang beses ko na siyang natitigan pero iba 'to, kumakain siya. Usually kasi ay may dala lang siyang pagkain kapag nakikita ko e.
"Ahm so why do you want to be friends with me again?" He asked, there's a playful ton in his voice.
"Sinabi ko na sa 'yo kanina. I won't repeat it again."
"Uhuh," He teased.
"Oo nga! Ikaw ang bully mo ah. Hindi pa tayo friends niyan. No'ng nagkakilala kami ng best friend ko sobrang bait niya sa 'kin kaya dapat gano'n ka rin." biro ko.
Natawa siya roon kaya natawa na rin ako. Kinuwento ko sa kaniya kung paano kami nagkakilala ni Claris at kung ano ang status ng friendship namin ngayon. Nakikinig siya nang mabuti, tumatango minsan at tumatawa.
Until we find ourselves asking with each other, hindi nawawala ang tawanan doon at pakiramdam ko sobrang comfortable na kami sa isa't isa. Parang hindi na siya yung Ali na sinasabi at nakilala ko at yung nagalit sa akin kanina. Sobrang soft niya.
Hanggang sa tumambay kami sa labas para ubusin ang chuckie na binili namin ay hindi nawala ang kuwentuhan namin, parang hindi kami nauubusan ng topic.
Nang maubos na ang inumin naming dalawa ay automatic kaming nag ngitian. So satisfying.
"So friends?" I smiled as I put my hand in front of him, inviting him for a handshake.
"Friends." Nakangiti ring aniya at saka tinanggap ang kamay ko.
Ang ngiti niya ay gaya nang nakita ko no'ng nakaraan. Genuine.
"Ah basta naiinis ako sa kanila," maktol ko habang kumakain ng chips at nakadikit sa tenga ko ang phone."Kanino ka ba kasi naiinis? kanina ka pa paulit ulit." Napatawa ako sa isip ko nang marinig ang tono ng boses ni Ali parang gusto na niya kong tirisin dahil hindi niya ako maintindihan.He's being grumpy again, pero sanay naman na ako. Hindi siya si Ali kung hindi siya grumpy."Sa binabasa kong libro, kasi ang chu-choosy nila mahal naman ang isa't isa tapos ang daming excuse hindi na lang manligaw at sumugal daig pa nila yung 12 years old na naghahanap ng true love sa Facebook" tuloy-tuloy na sabi ko."What?! You're talking too fast. I can't understand." Kahit hindi ko pa siya nakikita ay naiimagine ko na nakakunot ang noo niya ngayon."Sabi ko, ang ganda ko," pagbibiro ko.Kahit na naiinis siya ay patuloy ko pa rin siyang inaasar. Hindi ko na napigilan an
Magkakrus ang dalawang braso ni kuya habang taas-babang nakatingin kay Ali. Kanina pa siya ganiyan, ewan ko ba kung bakit hindi siya nahihilo. Napatingin sa kaniya si Ali at maangas niya itong tinanguan kaya siniko ko si kuya."Kuya!" bulong ko.Lumabas si mama mula sa kusina dala ang isang baso ng juice at palabok. Abot tainga ang ngiti nito at panay asikaso kay Ali. Sumunod na rin si Papa, seryoso lang ang mukha niya ngunit hindi gaya ng kay kuya na parang nanghahamon ng away."Bagong kaibigan ka ba ni Jammy?" malambing na tanong ni mama habang binibigay ang isang baso ng juice kay Ali.Pasimple pa munang tumingin sa 'kin si Ali bago kunin at inumin. Sa tingin ko ay nahihiya siya kahit na walang reaksyon ang mukha niya. Tatlo ba naman ang nakatingin sa kaniya, e."Ah yes po. May usapan po kasi kami ni Jam ngayon kaya po sinundo ko siya." Tumingin siya sa akin at ginalaw-gilaw a
Kapag naaalala ko talaga ang pagpapasalamat sa akin ni Ali ay natutuwa na nalulungkot ako. I'm happy because he's thankful and grateful. Nalulungkot dahil mukhang ngayon lang niya naranasan ang gano'n. Nobody deserve to be treated like that. Naniniwala ako na regardless of your physical appearance, you deserve to be loved and appreciated. Katatapos lang ng klase namin at mag-isa na naman ako, ayaw ko pang umuwi dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. I want to invite Ali, but I'm shy. Charot.Tumayo ako at naglakad. Sa park na lang ako pupunta tutal ay marami namang pagkain doon, marami ring mga tao pwede ko silang panoorin.Napahinto ako sa paglalakad nang may mga kamay na tumakip sa mata ko. Medyo natakot na rin ako dahil baka mamaya ay holdapper na 'to pero imposible dahil wala namang nakatutok sa bewang ko na kutsilyo."Sino ka?!" sigaw ko."Hulaan mo," Pamilyar ah?Medyo nawala ang takot ko dahil mukang wala
Last night was so nakakatakot yung mukha pa lang ni kuya na parang mangangain ay nakakatakot na talaga ano pa kaya yung pag interrogate niya sa amin ni Kenneth. Kaya pala gano'n ang itsura ni kuya dahil hindi ko raw sinabi sa kanya na may manliligaw ako at balak ko pa raw ilihim sa kanya ang bagay na 'yon.Pero wala na kong magagawa dahil kilala na siya nila mama at papa. So, no more secret na.Natigil ako sa pagmumuni nang magsalita na si Sr."Okay, pakilabas yung dala niyo," anunsyo ni Sir.His face turned pale in instant. My brows furrowed, para siyang nakakita ng multo sa likod ko. Nagkatinginan kami ni Claris at syempre matik na 'yon na titingin kami sa likod.Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin at namutla rin. Sinong hindi mamumutla kapag nakita mo yung classmate mo na may dalang ahas?"AAHHHH!""Potek!""Oh my God!""Mama!"Nagtilian kaming mga babae pati ang ibang lalaki ay nakiki
Pagkarating sa park ay agad ko siyang hinanap. Pinuntahan ko ang mga lugar kung saan pwede siya tumambay at maghintay pero lahat ng iyon ay walang bakas ni anino niya.Baka naman ay kanina pa siya umuwi nang mabasa ang text ko? pero posible din na nandito pa siya, wala naman mawawala kung susubukan ko at saka malakas ang resistensya ko hindi ako magkakasakit dahil lang sa ulan.Napaupo na lang ako at niyakap ang aking tuhod. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng dibdib ko.Dahil ba umasa ako na hihintayin niya ko? o dahil naglaan ako ng oras para mapuntahan siya sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako at lugo-lugong naglakad papaalis sa park nang maramdaman kong wala nang pumapatak na ulan sa katawan ko at may naramdaman akong pamilyar ba presensya."ALI!" I exclaimed nang tumalikod ako.Tumakbo ako sa kaniya at agad siyang niyakap nang mahigpit. Thanks, God.Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kaniya. Akala ko wala
Totoo nga ang sabi ng karamihan na kapag may hindi magandang nangyari sa 'yo, mamaya o kinabukasan ay maganda naman. Parang 'yung sa amin ni Kenneth, I was pissed at him that time but when I saw Ali ang gaan na uli ng pakiramdam ko. And now, hindi na naman because guess what? Kasi may mga kaibigan akong parang kinulang sa buwan sa sobrang hyper at puro pang-aasar. Tuwang-tuwa at animo'y sinabuyan ng asin sa sobrang pagkakilig. Hindi ko maisingit 'yung dahilan kung bakit ako nainis kay Kenneth dahil busy sila sa pagkukwentuhan about sa aming dalawa. Kesyo huwag ko na raw patagalin dahil mukhang mabait naman daw at saka para may boyfriend na raw ako, makasabi parang hindi sila naging okay kay Kenneth no'ng nakaraan ah."Tumahimik nga muna kayo hindi pa ako tapos," saway ko. Natahimik silang lahat at nag-focus sa akin."Ano more kilig moments pa?" excited na tanong ni Melissa.Napairap ako, more kilig? Parang hindi naman nakakakilig 'yung
"Bakit kaya hindi na lang tayo mauna? Kanina pa tayo rito pero hanggang ngayon wala pa rin 'yong hinihintay natin," iritadong sabi ni Kenneth, nasa malayo ang tingin niya ngunit nakakunot ang noo senyales na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa namin dito. Nakita ko pa ang palihim na pag-irap ni Claris dahil sa sinabing iyon ni Kenneth."Hindi puwede, iisa lang naman tayo ng school mas maganda nang sabay-sabay tayo," sagot ko."Kanina pa kasi tayo rito," katwiran niya.Pinagkrus ko na lang ang dalawang braso ko at hindi na siya sinagot. Napakamainipin niya, e, hindi pa nga kami lumalampas ng sampung minuto rito. Plus nakaupo kami at hindi naaarawan. Nasa tapat kami ng building nila Ali. Ngayon ang Anniversary ng parents ko, I invited him. Nahihiya pa nga siya no'ng una pero noong sinabi kong sabay kaming uuwi sa bahay ay pumayag na siya. Kilala naman niya sila Claris pero nabanggit niya sa akin na medyo hindi siya comfortable
"Nagulat din talaga ako no'ng sinabi ni pres 'yon like bhie SSC president siya. I think hindi magandang impluwensya iyon sa mga kapwa niya student," ani Kate na umani nang pag sang-ayon sa amin. We're currently having a snack before we go home. Libre naman ni Dwayne kaya hindi na kami nagreklamo. Like hello? Libre na 'to, sino bang aangal sa libre?"Sa harap pa talaga natin and ng family ni Jam. Maraming puwedeng mangyari hindi lang kay Ali," segunda ni Mika.Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang kanina sa room, tungkol kay Kenneth na agad ang tinanong nila ni hindi man lang ako o si Ali kinamusta. Mga chismakers talaga. Take note, hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari after nilang umalis. Sigurado rin naman akong hindi sasabihin iyon ni Ali dahil napakatahimik nito. Gaya ngayon, he's here beside me and wala siyang ibang ginawa kundi lagyan ng pagkain ang plato ko. Sa kaniya ako tataba nito, e. "Pero ang hot mo no'ng pina