It's been 2 days since nangyari ang tagpo namin ni Ali no'n. Dalawang araw na rin akong absent kaya ngayon ay naisipan ko nang pumasok. Hindi naman na masakit yung paa ko pero iniiwasan ko pa rin ang maglakad nang mabilis. Abot-abot ang sermon ko kina mama at papa no'ng nagkapilay ako, dagdag mo pa si kuya na kung makapag-react e parang naputulan ako ng paa. Saka gusto ko pa rin na makatulong sa booth at ma-experience yung ibang booth, except doon sa matching booth. Psh.
"'Yung paa mo ingatan mo. Sinasabi ko talaga sa 'yo." Duro ni kuya sa paa ko.
Seryoso niya iyong sinabi pero hindi ko maiwasang matawa.
"Yes, father." biro ko at saka siya kinawayan.
Inirapan pa niya ako bago pumasok sa kotseng hinuhulugan pa nita at umalis.
Sungit, palibhasa walang lovelife.
Nang papasok na ako sa gate ay may pamilyar na bulto akong nakita, bumibili ng taho. Naiiling na natawa ako nang maisip na lagi ko siyang nakikitang may bitbit na pagkain o bumibili.
Gaya ng suot ko, ang suot niya ay wala rin sa listahan ng booth na 'yon, Mahirap na at baka maulit.
Kumaway ako sa kaniya nang matapos siyang bumili pero hindi man lang siya ngumiti o tumango, diretso lang siyang naglakad sa puwesto kung saan ako nakatayo. Inaasahan kong hihinto at babatiin niya ako nang makadaan siya sa gilid ko pero pinasadahan lang niya ako ng malamig na tingin at saka nagdire-diretso papasok.
W-What was that? Akala ko ba okay na?
Napasapo ako ng noo, hindi porke ginawa niya sa 'kin ang mga iyon kahapon ibig sabihin ay ayos na kami. He's Ali, the snob of the year. Daig pa niya yung crush ni Claris sa pagbibigay ng mix signals.
Pilit kong sinasabayan ang lakad niya para kahit papaano ay makapag-usap kami. Imbis na mainis ako dahil trinatrato niya akong ganito matapos ng nangyari kahapon ay mas pinili kong huwag na lang iyon intindihin, maybe he's not in the mood.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa harapan baka kasi madulas o matisod na naman ako. I don't even know kung paano ako nakakasabay sa kaniya kahit papano.
Nang sa tingin ko ay sapat na ang distansiya namin, huminto ako at mabilis na hinawakan ang kamay niya.
"Saglit lang!"
Pinasadahan niya ng tingin ang kamay kong nakahawak sa kaniya, bakas sa mukha niya ang pagtanggi roon pero hindi niya binawi ang kamay niya dahilan para mapangiti ako sa loob-loob ko.
At nang masiguro kong hindi nga siya aalis ay tinakbo ko ang cotton candy stall para bumili ng dalawa.
Tiningnan pa muna ako no'ng tindera ng ilang segundo bago tingnan si Ali na nasa 'di kalayuan. Sa tingin ko ay kanina pa niya kami nakikita dahil alam niya kung sino ang kasama ko pati na kung nasaan kami.
She has a familiar exprssion in her face.
"Miss?" tawag pansin ko.
Agad niya iniwas ang tingin kay Ali at inasikaso ang binibili ko. Doon pa lang ay malalaman na kung bakit gano'n ang inaakto niya.
Inabot niya sakin ang dalawang cotton candy na may nanghuhusgang tingin. Hindi ko yon iniwasan ang nakipagtitigan din sa kaniya habang inaabot ang bayad. Nang maiabot ay inismiran niya ako at may sinabi na hindi ko narinig sa sobrang hina. Maybe she's wondering why am I with Ali. Why not? As long as he doesn't do anything that can harm me it's fine with me to be with him.
Abot tainga ang ngiti kong inabot sa kaniya ang isang cotton candy. "For you, para sa pagbenda mo sa paa ko at pagsama hanggang sa makauwi ako."
"You don't need to give me this," aniya at saka ito kinuha.
Mas lumaki ang ngiti ko, ayaw daw pero kinuha pa rin. Sa ngayon, isa pa lang ang nakikita kong weakness niya at iyon ay ang pagkain. Hindi ko alam kung may allergy 'to dahil parang lahat ng pagkain kaya niyang kainin.
Samantalang ako ay mahilig din sa pagkain pero limitado lang dahil allergic ako sa shrimp and lemon.
"Saan nga pala punta mo?" tanong ko habang kumakain. Nilalantakan na rin niya ang cotton candy na binigay ko, not minding those people who's looking at us.
"To my cousin."
May pinsan pala siya rito, ano kayang nararamdaman niya sa tuwing tinatawag ng kung ano ano ang pinsan niya. Masakit siguro para sa kaniya.
"Ako sa booth namin, tatlong araw na kasi akong hindi tumutulong baka wala akong grade. Sa tingin mo?"
Tinigil ko ang pagkain at tiningnan ang reaction niya.
"I don't know," kibit balikat na aniya.
Kung alam ko lang na mas pagtutuunan niya ng pansin yang cotton candy edi sana hindi ko na siya binili.
"Ba't ang lamig mo na naman ngayon? Nasaan na yung Ali kahapon?" may halong birong tanong ko.
He shrugged, "Wala, tulog."
Napatawa ako.
"Galing mo naman mag joke,"
"I'm not." Huminto siya at tumingin sakin, pinapakita na walang bakas ng pagbibiro ang mukha niya.
I frowned, "Eh ganiyan naman talaga itsura mo kaya hindi ka na mahihirapang gawin yan."
"Jam!"
Sasagot pa sana siya nang maudlot ito at mapatingin sa tumawag sa 'kin. Si Jared kasama si Kate na nakasimangot. Nakangiti ko pa rin silang sinalubong kahit na gusto kong kotongan si Jared sa pang-iistorbo.
"Wassup? Naistorbo ba namin kayo?" tanong niya pagkatapos makipag-air sa aming dalawa.
Feeling close, hindi naman niya 'to kilala.
"Hindi naman," ngiting ani ko pero umiirap sa loob ko.
"Good, tara sabay-sabay na tayong pumunta sa booth." Masayang hayag niya. Hindi pa nga kami nakakasagot ni Ali ay inakbayan na niya ito at ginaya sa direksiyon ng booth namin.
Agad akong umalma, "Hindi puwede si Ali may pupuntahan pa siya!"
Tuloy-tuloy lang silang naglakad ni Ali at parang walang narinig. Kainis, akala ko ba may pupuntahan 'yan? Eh kung makapaglakad parang barkada na sila ni Jared.
Inis akong napabuntong-hininga at binalingan ang katabi kong kanina pa nakasimangot.
"Nyare?"
Pinagkrus niya ang braso niya. "Later." She mouthed.
Pagdating sa booth ay agad na hinanap ng mata ko si Ali, hindi pinapansin ang sigawan at batuhan nila ng kung ano-ano.
"Ayos na ba ang paa mo?" hindi ko pinansin iyon at nagkunwaring walang narinig.
"Ay wow famous!" Claris exclaimed.
Nagpatuloy pa rin ako sa pagkukunwaring walang narinig. pagkatapos niya akong paasahin at utuin, kakausapin niya ako na parang wala lang. Ano siya, gold?
"Ayaw mo 'kong pansinin huh,"
Bigla niyang sinapo nang madiin ang magkabilang pisngi ko at iniharap sa kaniya. Sa sobrang higpit nito ay hindi ako makapagsalita kaya hinampas-hampas ko na lang ang kamay niya. Pilit ko ring nilalayo ang ulo ko pero masyadong madiin ang paghawak niya.
Yung ngipin ko!
"Hmph! Hmph!" Unti-Unting kumubra ang ngiti sa labi niya, tuwang-tuwa na nasa gano'n akong kalagayan.
Kung dati ay gustong-gusto ko siyang pumunta sa bahay, ngayon ay hindi na. Kahit sa gate ng subdivision namin!
"Cute cute naman ng Jam na 'yan. Kiss nga si besplen abunjing-bunjing ko." Ngumuso siya at dahan-dahan iyong inilapit sa 'kin.
Potek! wala bang nakakakita sa 'min dito?!
"Hoy, anong ginagawa ninyo!"
Hindi natuloy ni Claris ang balak niya dahil doon. Bumungad sa 'min ang nandidiring mukha ni Jestoni. Tiningnan ko siya ng parang naghihingi ng tulong pero unti-unti ring kumubra ang ngiti sa labi niya.
"Cute naman ni Jam," asar niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Akala ko tutulungan niya ako pero mukhang gagatong pa siya kay Claris. Diyos ko sana naman may dumating pa kahit si Ali man lang. Mas lalong sumama ang tingin ko nang nilabas ni Jestoni ang cellphone niya.
Nagkatinginan at tawanan sila ni Claris na parang wala ng bukas, hindi man lang ininda ang bawat hampas ko.
"Wait lang, picture-an muna namin ang baby na 'yan," malambing na sambit niya.
Parang gusto ko na lang maiyak sa sobrang hiya, paniguradong kakalat na naman 'to sa buong section.
Pagkatapos nila akong picture-an ay tinanggal na ni Claris ang kamay sa pisngi ko. Masaya nila itong tiningnan samantalang ako ay hindi alam kung ano ang dapat na maramdaman. Feeling ko pinagkaisahan. Ganito pala siguro ang pakiramdam ni kuya kapag pinagkakaisahan namin siya nina Mama.
Sinamaan ko muna sila ng tingin bago tumalikod sa kanila. Saktong pagharap ko ay bumungad sa 'kin si Ali, nakatingin din sa 'kin.
"Guys, may bago na tayong pang-profile!" rinig kong sigaw ni Jessi.
Inis ko silang nilingon. "Mga bwesit kayo!"
Sa halip na matakot dahil mukha na akong galit dito ay tumawa pa sila. Nagkumpol-kumpol sila at kaniya-kaniyang papasa ng picture ko.
"What happened?" tanong ni Ali no'ng makalapit ako sa kaniya.
Umiling ako bilang sagot. Sana lang ay hindi niya nakita ang ginawa sa 'kin ni Claris pati na ang picture.
"Akala ko ba pupuntahan mo yung pinsan mo?"
He nodded. "Yeah, he's–"
"Hoy, magmimeeting daw!"
Hindi na natuloy ang sasabihin ni Ali nang sumingit na naman si Jared. Sa inis ay nilapitan ko siya at kinurot sa bewang.
"Ikaw, bakit mo iniwas 'yan mag-isa rito?" asik ko.
Gaya kanina, tinawanan lang niya ako at hindi na pinansin. Bakit ba puro na lang ako tinatawanan at hindi pinapansin ngayon?
Inaya ko s Ali sa kung saan kami magmimeeting. Pinag-usapan namin ang progress ng booth at ng benta. Sa tatlong araw na wala ako ay sakto lang naman ito pero kailangan pa ring pag-igihan para bumalik sa 'min ang puhunan namin at may tubo pa.
"Jamira, what's the name of your booth?" tanong ni Ali na katabi ko. Bulong lang iyon pero alam kong rinig ng ilan sa kabilang side ko. I answer him.
Hindi pa ro'n nagtatapos ang pagtatanong niya. Minsan ay magugulat ako dahil bigla na lang siyang lilingon at magtatanong. Bumubulong pa siya, e, rinig din naman ng iba. And I find him cute.
Sa bawat tanong pa niya ay binabanggit niya ang pangalan ko which is hindi ko alam kung sinasadya ba niya.
"Jamira, what's your course again?"
"Who's Jamira?" singit ni Claris na papalapit.
Dahil sa lakas ng boses niya ay narinig din ng iba.
"Isn't that her name?" nalilito at may halong gulat na pagkakasabi niya, pati na ang itsura niya.
Yumuko ako para itago ang pinipigilan kong tawa.
"Kaloka ka fafs!" Jessi exclaimed. "Hindi Jamira ang name niya. J-A-M-A-R-A." dagdag niya at ini-spell ang name ko.
Saglit pang natulala si Ali bago napayuko. Namumula na rin ang tainga at leeg niya. Dahil doon ay inulan siya ng tukso ng mga classmate ko dahilan para mas lalo siyang mamula. He must be shy.
Pilit pa siyang yumuyuko para hindi namin 'to makita pero halatang-halata naman dahil maputi siya. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin, animo'y humihingi ng tulong, nakanguso at nakakunot ang noo. Napatawa ako, ang sarap niyang ibulsa.
"Nyare?"
Natigil ang asaran nang dumating si Adrian, taka niyang inikot ang paningin sa 'min, marahil ay nagtataka kung bakit ang ingay namin. Hanggang sa huminto ang tingin niya kay Ali.
His eyes widened, "Insan!"
Samantalang si Ali ay hindi man lang nagulat parang alam na niyang nandito si Adrian.
Teka, Insan? Natulos ako sa kinauupuan ko at inaalala ang tinawag ni Adrian kay Ali.
"Pinsan mo siya?!" gulat kong tanong.
"Yeah, why?" magkasabay na sambit nila.
Napasapo ako sa aking noo. Oh God, mali ang naisip ko.
Pagkatapos ng senaryong iyon ay feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Hindi ko rin naman naisip ang posibilidad na magkamag-anak sila pero kasi hindi naman halata. Pero noong ma-realize ko na wala namang nakakaalam na gano'n ang iniisip ko maliban kay Claris, nagkunwari akong hindi ko naisip ang bagay na 'yon.It's ironic because after the meeting, we bond like we're long lost best friends. Sumali kami sa iba't ibang game booth, we also tried eating, kung ano ang madaanan namin at mukhang masarap ay game na game kami. Though hindi masyadong umiimik si Ali, feeling ko naman nag-eenjoy siya kasi hindi naman siya sasama sa 'min hanggang sa matapos kami kung hindi siya nag-eenjoy no?It's been a week since that happen, simula no'n ay hindi ko na nakausap pa si Ali. Kapag hindi hectic ang schedule ko ay sinusundan ko siya at sinusubukang kausapin pero kahit paghinga niya ay hindi mabigay sa 'kin. The truth is I don't feel d
"Ah basta naiinis ako sa kanila," maktol ko habang kumakain ng chips at nakadikit sa tenga ko ang phone."Kanino ka ba kasi naiinis? kanina ka pa paulit ulit." Napatawa ako sa isip ko nang marinig ang tono ng boses ni Ali parang gusto na niya kong tirisin dahil hindi niya ako maintindihan.He's being grumpy again, pero sanay naman na ako. Hindi siya si Ali kung hindi siya grumpy."Sa binabasa kong libro, kasi ang chu-choosy nila mahal naman ang isa't isa tapos ang daming excuse hindi na lang manligaw at sumugal daig pa nila yung 12 years old na naghahanap ng true love sa Facebook" tuloy-tuloy na sabi ko."What?! You're talking too fast. I can't understand." Kahit hindi ko pa siya nakikita ay naiimagine ko na nakakunot ang noo niya ngayon."Sabi ko, ang ganda ko," pagbibiro ko.Kahit na naiinis siya ay patuloy ko pa rin siyang inaasar. Hindi ko na napigilan an
Magkakrus ang dalawang braso ni kuya habang taas-babang nakatingin kay Ali. Kanina pa siya ganiyan, ewan ko ba kung bakit hindi siya nahihilo. Napatingin sa kaniya si Ali at maangas niya itong tinanguan kaya siniko ko si kuya."Kuya!" bulong ko.Lumabas si mama mula sa kusina dala ang isang baso ng juice at palabok. Abot tainga ang ngiti nito at panay asikaso kay Ali. Sumunod na rin si Papa, seryoso lang ang mukha niya ngunit hindi gaya ng kay kuya na parang nanghahamon ng away."Bagong kaibigan ka ba ni Jammy?" malambing na tanong ni mama habang binibigay ang isang baso ng juice kay Ali.Pasimple pa munang tumingin sa 'kin si Ali bago kunin at inumin. Sa tingin ko ay nahihiya siya kahit na walang reaksyon ang mukha niya. Tatlo ba naman ang nakatingin sa kaniya, e."Ah yes po. May usapan po kasi kami ni Jam ngayon kaya po sinundo ko siya." Tumingin siya sa akin at ginalaw-gilaw a
Kapag naaalala ko talaga ang pagpapasalamat sa akin ni Ali ay natutuwa na nalulungkot ako. I'm happy because he's thankful and grateful. Nalulungkot dahil mukhang ngayon lang niya naranasan ang gano'n. Nobody deserve to be treated like that. Naniniwala ako na regardless of your physical appearance, you deserve to be loved and appreciated. Katatapos lang ng klase namin at mag-isa na naman ako, ayaw ko pang umuwi dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. I want to invite Ali, but I'm shy. Charot.Tumayo ako at naglakad. Sa park na lang ako pupunta tutal ay marami namang pagkain doon, marami ring mga tao pwede ko silang panoorin.Napahinto ako sa paglalakad nang may mga kamay na tumakip sa mata ko. Medyo natakot na rin ako dahil baka mamaya ay holdapper na 'to pero imposible dahil wala namang nakatutok sa bewang ko na kutsilyo."Sino ka?!" sigaw ko."Hulaan mo," Pamilyar ah?Medyo nawala ang takot ko dahil mukang wala
Last night was so nakakatakot yung mukha pa lang ni kuya na parang mangangain ay nakakatakot na talaga ano pa kaya yung pag interrogate niya sa amin ni Kenneth. Kaya pala gano'n ang itsura ni kuya dahil hindi ko raw sinabi sa kanya na may manliligaw ako at balak ko pa raw ilihim sa kanya ang bagay na 'yon.Pero wala na kong magagawa dahil kilala na siya nila mama at papa. So, no more secret na.Natigil ako sa pagmumuni nang magsalita na si Sr."Okay, pakilabas yung dala niyo," anunsyo ni Sir.His face turned pale in instant. My brows furrowed, para siyang nakakita ng multo sa likod ko. Nagkatinginan kami ni Claris at syempre matik na 'yon na titingin kami sa likod.Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin at namutla rin. Sinong hindi mamumutla kapag nakita mo yung classmate mo na may dalang ahas?"AAHHHH!""Potek!""Oh my God!""Mama!"Nagtilian kaming mga babae pati ang ibang lalaki ay nakiki
Pagkarating sa park ay agad ko siyang hinanap. Pinuntahan ko ang mga lugar kung saan pwede siya tumambay at maghintay pero lahat ng iyon ay walang bakas ni anino niya.Baka naman ay kanina pa siya umuwi nang mabasa ang text ko? pero posible din na nandito pa siya, wala naman mawawala kung susubukan ko at saka malakas ang resistensya ko hindi ako magkakasakit dahil lang sa ulan.Napaupo na lang ako at niyakap ang aking tuhod. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng dibdib ko.Dahil ba umasa ako na hihintayin niya ko? o dahil naglaan ako ng oras para mapuntahan siya sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako at lugo-lugong naglakad papaalis sa park nang maramdaman kong wala nang pumapatak na ulan sa katawan ko at may naramdaman akong pamilyar ba presensya."ALI!" I exclaimed nang tumalikod ako.Tumakbo ako sa kaniya at agad siyang niyakap nang mahigpit. Thanks, God.Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kaniya. Akala ko wala
Totoo nga ang sabi ng karamihan na kapag may hindi magandang nangyari sa 'yo, mamaya o kinabukasan ay maganda naman. Parang 'yung sa amin ni Kenneth, I was pissed at him that time but when I saw Ali ang gaan na uli ng pakiramdam ko. And now, hindi na naman because guess what? Kasi may mga kaibigan akong parang kinulang sa buwan sa sobrang hyper at puro pang-aasar. Tuwang-tuwa at animo'y sinabuyan ng asin sa sobrang pagkakilig. Hindi ko maisingit 'yung dahilan kung bakit ako nainis kay Kenneth dahil busy sila sa pagkukwentuhan about sa aming dalawa. Kesyo huwag ko na raw patagalin dahil mukhang mabait naman daw at saka para may boyfriend na raw ako, makasabi parang hindi sila naging okay kay Kenneth no'ng nakaraan ah."Tumahimik nga muna kayo hindi pa ako tapos," saway ko. Natahimik silang lahat at nag-focus sa akin."Ano more kilig moments pa?" excited na tanong ni Melissa.Napairap ako, more kilig? Parang hindi naman nakakakilig 'yung
"Bakit kaya hindi na lang tayo mauna? Kanina pa tayo rito pero hanggang ngayon wala pa rin 'yong hinihintay natin," iritadong sabi ni Kenneth, nasa malayo ang tingin niya ngunit nakakunot ang noo senyales na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa namin dito. Nakita ko pa ang palihim na pag-irap ni Claris dahil sa sinabing iyon ni Kenneth."Hindi puwede, iisa lang naman tayo ng school mas maganda nang sabay-sabay tayo," sagot ko."Kanina pa kasi tayo rito," katwiran niya.Pinagkrus ko na lang ang dalawang braso ko at hindi na siya sinagot. Napakamainipin niya, e, hindi pa nga kami lumalampas ng sampung minuto rito. Plus nakaupo kami at hindi naaarawan. Nasa tapat kami ng building nila Ali. Ngayon ang Anniversary ng parents ko, I invited him. Nahihiya pa nga siya no'ng una pero noong sinabi kong sabay kaming uuwi sa bahay ay pumayag na siya. Kilala naman niya sila Claris pero nabanggit niya sa akin na medyo hindi siya comfortable