Share

Chapter 20

Pupungas-pungas at halos dumikit sa sahig ang nguso ko sa sobrang pagkasimangot. Ginulo ko ang buhok kong wala pang suklay at saka tumingin sa mga kaibigan kong inosenteng nakatingin sa akin, na para bang hindi nila binulabog ang tulog ko.

"Bakit ganiyan ka makasimangot? Dapat nga magpasalamat ka dahil kung hindi kami pumunta rito, hindi ka rin maliligo," nakataas ang kilay ngunit pabirong ani Claris. Sunod na nagtawanan ang iba at sumang-ayon sa sinabi niya.

Mas lalong humaba ang nguso ko. Kainis! Nakaplano na ang araw ko at wala roon ang bigla nilang pagpunta rito at ayain akong manood ng movie!

Feeling ko sobrang drained ako kahit wala naman ako ginawa kundi ang mahiga. Ganito ba ang feeling na ma-reject?

Lumapit sa akin si Jared at inakbayan ako. "Don't be sad na, aaliwin ka na nga namin, eh,"

"Ikaw lang, tanga. Tutal mukha ka namang clown," asik ni Kate. Dwayne let out a chuckle.

"Clown kasi ako ang nagpapasaya sa 'yo?" ngiting aso ni Jared.

Palipat-lipat lang ang tingin ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status