Magkakrus ang dalawang braso ni kuya habang taas-babang nakatingin kay Ali. Kanina pa siya ganiyan, ewan ko ba kung bakit hindi siya nahihilo. Napatingin sa kaniya si Ali at maangas niya itong tinanguan kaya siniko ko si kuya.
"Kuya!" bulong ko.
Lumabas si mama mula sa kusina dala ang isang baso ng juice at palabok. Abot tainga ang ngiti nito at panay asikaso kay Ali. Sumunod na rin si Papa, seryoso lang ang mukha niya ngunit hindi gaya ng kay kuya na parang nanghahamon ng away.
"Bagong kaibigan ka ba ni Jammy?" malambing na tanong ni mama habang binibigay ang isang baso ng juice kay Ali.
Pasimple pa munang tumingin sa 'kin si Ali bago kunin at inumin. Sa tingin ko ay nahihiya siya kahit na walang reaksyon ang mukha niya. Tatlo ba naman ang nakatingin sa kaniya, e.
"Ah yes po. May usapan po kasi kami ni Jam ngayon kaya po sinundo ko siya." Tumingin siya sa akin at ginalaw-gilaw ang mata niya, may sinesenyas.
Agad akong umayos nang tayo at mas lumapit kila Mama. "Opo, sorry po hindi ko nasabi sa inyo medyo busy kasi sa school works hehe," pilit na ngiting sambit ko. Hindi naman siguro halatang nagpapalusot lang ako, ’no?
"Basta iuuwi mo ang anak ko bago magdilim at buo ah?" singit ni Papa. Malalim at seryoso ang boses niya, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang paglunok ni Ali.
"Opo."
Nagpaalam na kami ni Ali sa kanila, pinabaunan pa kami ni Mama ng palabok and guess what? Mas marami ang binigay niya kay Ali kaysa sa ’kin. Parang hindi pamilya.
"Pasalamat ka may lakad ako ngayon. Sa susunod tayo magtutuos." Maangas na sabi ni kuya at dinuro pa ang mata niya sa mata ni Ali gamit ang dalawang daliri.
Kinurot ko si kuya sa tagiliran at pinanlakihan ng mata.
"Kuya!" I hissed.
Inirapan lang ako ni Kuya at sumenyas na 'I'm watching you' Tss. Corny.
Nang makalabas kami ni Ali ay agad niya akonh sinamaan ng tingin. Napaamang ako. Anong ginawa ko? Bakit ganiyan siya makatingin?
"You said you're parents are already in work by 8 'o clock?" Nakapameywang na tanong niya. Nandoon pa rin ang tingin niyang animo'y tumatagos sa kaluluwa ko.
"Oo nga,"
"Then what's that?"
"S-Sorry, hindi ko naman alam na late sila papasok ngayon," nakangusong pagpapaumanhin ko. Ginawa ko na rin ang pagpapa-cute ko sa tuwing nagagalit sa akin si kuya: puppy eyes and pouted lips.
At parang wala lang iyon sa kaniya. Walang sabi-sabi siyang pumasok sa kotse niya. Samantalang ako ay nanatiling nakatayo rito. Nakakahiya naman kung papasok ako ng hindi niya ko pinapapasok. Ilang segundo pagkapasok niya ay bumukas ang bintana ng kotse sa side ko.
Dumungaw siya at binuksan ang pintuan ng kotse
"Come in." masungit na sabi niya.
Dali dali akong pumasok at nagsuot ng seatbelt, pagkatapos ay tumingin ako sa kanya na seryoso ag tingin sa harapan. Bumuntong hininga ako.
"Sorry na." Kinalabit ko siya at nag-puppy eyes, tinignan niya ako pero saglit lang at tumingin ulit sa harapan.
Ang hirap naman suyuin nito baka naman kailangan ko pa siyang bigyan ng pagkain bilang peace offering. Kalalaking tao tampururot at pikon pero kapag siya ang nangaasar ay tuwang tuwa.
"Where do you want to go?" tanong niya.
"Saka ko na sasabihin kapag hindi ka na galit,"
"Saan nga?"
"Sinabi ko na." Pinagkrus ko ang mga braso ko.
Bumuntong hininga siya. "Fine. Hindi na ko galit," pagsuko niya pero hindi ko pa rin sinabi dahil tunog napipilitan lang siya.
Nanatili akong tahimik kahit gustong gusto ko nang magsalita, kahit gustong-gusto ko nang sabihin kung saan ko gusto pumunta kaya lang masyadong choosy si Ali, ang galing mantiis.
"Ako pa magsosorry ngayon, huh?" natatawang aniya.
Napatawa ako sa isip ko dahil sa sinabi niya. Tama! ako ang nagsosorry kanina at siya naman ang hindi namamansin tapos ngayon ay baliktad na ang nangyari. Mga babae talaga.
"Hindi na ko galit, saan mo gustong pumunta?" nasa normal na ang tono niya kaya agad ko siyang nilingon dahil sa tingin ko ay hindi na nga siya galit. Ang bilis din magbago ng mood nito, pinahirapan pa 'ko
"Akala ko ba mayroon na?"
"Malay ko bang may gusto ka pang puntahan," sarkastikong aniya.
"Wala na." Umiling ako.
Bigla siyang napatingin sa akin ngunit agad ring binalik ang tingin sa daan.
"Eh, ano yung kanina?" nanliit ang mga mata niya.
"Ah hehe. Izza praankk!" Tumawa ako nang pilit at winagayway ang kamay ko. Pagkatapos ay nahihiyang napakamot ng ulo dahil sa inasal ko. Medyo nakakahiya ako roon ah.
Ito na naman ang buntong hininga niya na parang hirap na hirap na i-handle ako.
"I guess, I need to get ready for your pranks huh?" Ali chuckled.
Hindi na ako sumagot pa at binaling na lang ang tingin sa labas ng bintana. Kailangan ko munang paalisin ang hiyang hindi ko naman alam kung saan nanggaling.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Hindi na ako pamilyar dito dahil medyo marami ng puno ang nakapaligid pero alam kong nasa syudad pa rin kami, may tiwala naman ako kay Ali kaya alam kong wala siyang gagawing masama sa akin saka marunong naman ako ng self defense.
Hindi ko inalis ang paningin ko sa labas dahil sobrang nakakarelax at ang gaganda nito. Hindi ko alam na mayroon pa lang ganito sa amin. Nagtigil lang ang pagmumuni muni ko nang huminto ang kotse.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto ni Ali dahil kaya ko naman. Napailing ko, sino naman ang nagsabi na pagbubuksan niya ako ng pinto? malala na talaga ako.
"Nasaan tayo?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya pero ngiti lang ang naisagot niya.
Sumunod lang ako sa kanya nang dire-diretso siyang pumasok sa loob. Madaming bulaklak sa paligid pero sa tingin ko ay hindi iyon flower shop dahil wala namang nakasulat sa labas. Siguro ay kakilala niya ang may ari ng garden na 'to.
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ng kaunti ang labi nang makita kung nasaan kami. Napakaganda!
Hindi kami nasa bundok pero kitang kita dito ang view. Marami ring bulaklak sa paligid at may dalawang puno na magkalapit. May duyan na nakasabit sa isang puno na sa tingin ko ay kasya ang tatlong tao. Patakbo akong lumapit dito at umupo.
Nakangiti kong binalingan si Ali na nakangiting nakatingin sa 'kin.
"Anong lugar 'to? bakit ang ganda? sure ka bang nasa syudad pa rin tayo?" sunod-sunod na tanong ko na ikinatawa niya lang.
Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa harap.
"Welcome to my comfort zone!." Ali exclaimed.
Napatawa ako dahil doon, ang cute niya at umalog nang kaunti ang pisngi niya.
"Lagi ka bang nandito?" tanong ko ng hindi inaalis ang tingin sa harap.
"Oo, tuwing pagkatapos ng exam o kaya kapag stress ako or bored," sagot niya.
Sa totoo lang ay ito ang unang beses na may nakasama akong lalaki na hindi related sa school. Malaki ang tiwala ko kay Ali at hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil mag iisang buwan ko na siyang kilala at muka naman siyang harmless. Dadalhin ba niya ako sa ganitong kagandang lugar kung may masama siyang balak.
"So may I ask?" nag-aalangan na tanong ko at lumingon na sa kanya para makita ang reaction niya.
"Sure," he agreed while preparing our food.
May dala na pala siyang macaroons at milk tea no'ng pumunta siya sa bahay. Muntik ko na siyang hampasin buti na lang nakapagpaliwanag siya agad.
"Ahm, bakit ka naging ganyan? I mean, medyo naging malaman. No offense ah," sa kagustuhan kong maging maingat sa pagtatanong ay nautal tuloy ako.
Sumandal siya sa duyan "Hmm, na stress ako tapos pagkain yung naging stress reliever ko ayun nasanay na kong kumain kaya kahit hindi ako stress ako kumakain pa rin ako," nakangiting aniya saka tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung namamalik mata lang ako pero may dumaan na lungkot sa mga mata niya na agad ding nawala. But, there is something in his eyes na hindi ko maipaliwanag kung ano, pinilig ko na lang ang ulo ko at ipinagsawalang bahala iyon. Baka pagod lang siya.
Tumayo siya at humarap sa akin.
"Masarap?" Napatingin ako kay Ali na kanina pa pala nakatingin sa akin nang itanong niya iyon.
Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain.
"I'm glad na nagustuhan mo." sabi niya.
Huminto ako sa pagkain saka uminom ng milktea.
Tumingin ako sa kanya at sa pagkain niya, parang hindi nababawasan samantalang kanina pa siya kumakain.
"May isa pa akong tanong," bulol na sabi ko dahil sa punong pagkain na nasa bibig ko.
"No'ng binabawi ko yung strawberry milk ko, bakit mo nilapit lahat ng pagkain mo sa 'yo ah,"
Medyo nainis pa no'n ako dahil pakiramdaman ko ay patay gutom ang tingin niya sa akin pero habang inaalala ko iyon ngayon ay natatawa na lamang ako.
"Makatingin ka kasi sa akin ay parang gusto mong kainin yung mga pagkain ko o ako," paliwanag niya na may halong biro.
Nanlaki naman ng mga mata ko sa panghuling sinabi niya. Parang gusto kong ipukpok ang ulo ko dahil ibang kain ang naiisip ko.
Nagbalik lang ako sa ulirat nang pitikin niya ang noo ko. I pouted "Ano ba?!" mangiyak-ngiyak kong bigkas habang hinihimas-himas ang noo ko. Sa laki at bigat ng kamay niya ay sobrang sakit talaga nito.
"Yung isip mo!" asik niya.
Ngumisi ako "Bakit? ano bang iniisip ko?" pa-inosente kong tanong. Napatawa ako nang bigla siyang namula at nagiwas ng tingin.
"Ikaw ah," binigyan ko siya ng nakaasar na ngiti at tingin dahilan para lalo siyang mamula.
"Stop teasing me!" medyo iritang sabi niya. Imbis na tumigil ay lalo ko pa siyang inasar. Dapat nga ay ako ang inaasar niya ngayon dahil ako ang may maduming naisip kanina pero dahil sa pagpapainosente ko ay siya ngayon ang naasar.
Hindi ako tumigil sa pang-aasar sa kanya kahit na kumakain kami habang siya ay tahimik lang na kumakain pero nakakunot ang mga noo. Pikon.
Nang nalapit na kaming matapos ay tumigil na ako sa pangaasar baka mapuno ito at pauwiin na ako bigla mahirap pa naman sumakay ngayon. Tumayo siya at tumayo na rin ako nang tapos na kami. Nakasunod lang ako sa kanya palabas.
"Tara na, mag gagabi na." aya niya at tumalikod.
Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya nang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi. Akala ko ay sa sasakyan niya kami pupunta ngunit dinala niya ako sa isang puno. Nauna siyang umakyat at sinenyasan niya ako na sumunod sa kaniya.
Maya't maya siyang lumilingon at inaalalayan ako kung kailangan. Napaawang ang labi ko sa pagkamangha nang makita ang nasa loob. Tree house!
"Wow!" manghang ani ako.
Dahil sa pagka-excite ay hindi na ako nakapagpaalam, basta na lang ako pumasok at tiningnan ang loob.
"Puwede pa ba uli ako pumunta rito?!" I chirped.
"Of course, anytime,"
Dahil sa sobrang saya ay hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin si Ali. I feel him stiffened dahil sa ginawa ko, I chuckled in my mind.
"Thank you, bespren!"
Nag-stay pa kami roon ng ilang oras, hindi ko akalain na may mga pagkain din doon kaya kumain uli kami. Feeling ko tataba ako kung lagi kong kasama si Ali.
Gusto ko pa sanang mag-stay pa roon ng ilang oras pero hindi na puwede dahil gabi na. Ali assured me na puwede pa akong bumalik doon kung kailan ko gusto and mas better kung kasama ko siya.
"Thanks for today, Ali. Sobrang nag-enjoy talaga ako ako." Yumukod ako sa bintana para makita siya nang makababa ako sa kotse.
"That's good to hear. I hope you smile more often. It suits you,"
Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Ito talagang si Ali, uuwi na nga lang pakikiligin pa ako.
"Maggagabi na. Go home." Taboy niya sa akin.
Nakangiti akong sumaludo. "Aye Aye Captain!" Pagkatapos ay kumaway sa kaniya bago tumalikod, hindi nawawala ang ngiti. Papasok na sana ako sa gate nang tawagin niya ako.
"Jam,"
Lumingon ako sa kaniya nang tawagin niya ang pangalan ko. Nagtatanong akong tumingin. And for the third time, I saw his genuine smile.
"Thank you for accepting me."
After that, pinaandar na niya ang kotse niya at naiwan akong hindi makapaniwala sa nakita at narinig.
Kapag naaalala ko talaga ang pagpapasalamat sa akin ni Ali ay natutuwa na nalulungkot ako. I'm happy because he's thankful and grateful. Nalulungkot dahil mukhang ngayon lang niya naranasan ang gano'n. Nobody deserve to be treated like that. Naniniwala ako na regardless of your physical appearance, you deserve to be loved and appreciated. Katatapos lang ng klase namin at mag-isa na naman ako, ayaw ko pang umuwi dahil wala rin naman akong gagawin sa bahay. I want to invite Ali, but I'm shy. Charot.Tumayo ako at naglakad. Sa park na lang ako pupunta tutal ay marami namang pagkain doon, marami ring mga tao pwede ko silang panoorin.Napahinto ako sa paglalakad nang may mga kamay na tumakip sa mata ko. Medyo natakot na rin ako dahil baka mamaya ay holdapper na 'to pero imposible dahil wala namang nakatutok sa bewang ko na kutsilyo."Sino ka?!" sigaw ko."Hulaan mo," Pamilyar ah?Medyo nawala ang takot ko dahil mukang wala
Last night was so nakakatakot yung mukha pa lang ni kuya na parang mangangain ay nakakatakot na talaga ano pa kaya yung pag interrogate niya sa amin ni Kenneth. Kaya pala gano'n ang itsura ni kuya dahil hindi ko raw sinabi sa kanya na may manliligaw ako at balak ko pa raw ilihim sa kanya ang bagay na 'yon.Pero wala na kong magagawa dahil kilala na siya nila mama at papa. So, no more secret na.Natigil ako sa pagmumuni nang magsalita na si Sr."Okay, pakilabas yung dala niyo," anunsyo ni Sir.His face turned pale in instant. My brows furrowed, para siyang nakakita ng multo sa likod ko. Nagkatinginan kami ni Claris at syempre matik na 'yon na titingin kami sa likod.Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin at namutla rin. Sinong hindi mamumutla kapag nakita mo yung classmate mo na may dalang ahas?"AAHHHH!""Potek!""Oh my God!""Mama!"Nagtilian kaming mga babae pati ang ibang lalaki ay nakiki
Pagkarating sa park ay agad ko siyang hinanap. Pinuntahan ko ang mga lugar kung saan pwede siya tumambay at maghintay pero lahat ng iyon ay walang bakas ni anino niya.Baka naman ay kanina pa siya umuwi nang mabasa ang text ko? pero posible din na nandito pa siya, wala naman mawawala kung susubukan ko at saka malakas ang resistensya ko hindi ako magkakasakit dahil lang sa ulan.Napaupo na lang ako at niyakap ang aking tuhod. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng dibdib ko.Dahil ba umasa ako na hihintayin niya ko? o dahil naglaan ako ng oras para mapuntahan siya sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako at lugo-lugong naglakad papaalis sa park nang maramdaman kong wala nang pumapatak na ulan sa katawan ko at may naramdaman akong pamilyar ba presensya."ALI!" I exclaimed nang tumalikod ako.Tumakbo ako sa kaniya at agad siyang niyakap nang mahigpit. Thanks, God.Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kaniya. Akala ko wala
Totoo nga ang sabi ng karamihan na kapag may hindi magandang nangyari sa 'yo, mamaya o kinabukasan ay maganda naman. Parang 'yung sa amin ni Kenneth, I was pissed at him that time but when I saw Ali ang gaan na uli ng pakiramdam ko. And now, hindi na naman because guess what? Kasi may mga kaibigan akong parang kinulang sa buwan sa sobrang hyper at puro pang-aasar. Tuwang-tuwa at animo'y sinabuyan ng asin sa sobrang pagkakilig. Hindi ko maisingit 'yung dahilan kung bakit ako nainis kay Kenneth dahil busy sila sa pagkukwentuhan about sa aming dalawa. Kesyo huwag ko na raw patagalin dahil mukhang mabait naman daw at saka para may boyfriend na raw ako, makasabi parang hindi sila naging okay kay Kenneth no'ng nakaraan ah."Tumahimik nga muna kayo hindi pa ako tapos," saway ko. Natahimik silang lahat at nag-focus sa akin."Ano more kilig moments pa?" excited na tanong ni Melissa.Napairap ako, more kilig? Parang hindi naman nakakakilig 'yung
"Bakit kaya hindi na lang tayo mauna? Kanina pa tayo rito pero hanggang ngayon wala pa rin 'yong hinihintay natin," iritadong sabi ni Kenneth, nasa malayo ang tingin niya ngunit nakakunot ang noo senyales na hindi niya nagugustuhan ang ginagawa namin dito. Nakita ko pa ang palihim na pag-irap ni Claris dahil sa sinabing iyon ni Kenneth."Hindi puwede, iisa lang naman tayo ng school mas maganda nang sabay-sabay tayo," sagot ko."Kanina pa kasi tayo rito," katwiran niya.Pinagkrus ko na lang ang dalawang braso ko at hindi na siya sinagot. Napakamainipin niya, e, hindi pa nga kami lumalampas ng sampung minuto rito. Plus nakaupo kami at hindi naaarawan. Nasa tapat kami ng building nila Ali. Ngayon ang Anniversary ng parents ko, I invited him. Nahihiya pa nga siya no'ng una pero noong sinabi kong sabay kaming uuwi sa bahay ay pumayag na siya. Kilala naman niya sila Claris pero nabanggit niya sa akin na medyo hindi siya comfortable
"Nagulat din talaga ako no'ng sinabi ni pres 'yon like bhie SSC president siya. I think hindi magandang impluwensya iyon sa mga kapwa niya student," ani Kate na umani nang pag sang-ayon sa amin. We're currently having a snack before we go home. Libre naman ni Dwayne kaya hindi na kami nagreklamo. Like hello? Libre na 'to, sino bang aangal sa libre?"Sa harap pa talaga natin and ng family ni Jam. Maraming puwedeng mangyari hindi lang kay Ali," segunda ni Mika.Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang kanina sa room, tungkol kay Kenneth na agad ang tinanong nila ni hindi man lang ako o si Ali kinamusta. Mga chismakers talaga. Take note, hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari after nilang umalis. Sigurado rin naman akong hindi sasabihin iyon ni Ali dahil napakatahimik nito. Gaya ngayon, he's here beside me and wala siyang ibang ginawa kundi lagyan ng pagkain ang plato ko. Sa kaniya ako tataba nito, e. "Pero ang hot mo no'ng pina
Nakahiga at subo ang isang lollipop sa bibig ko habang nakatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko maalis sa isipan ko ang confrontation ni Ali, I badly want to know the truth. Halos nakailang isip na nga ako ng scenario kung paano iyon napagdaanan ni Ali pero iba pa rin kapag siya mismo ang magkukwento. Ayoko naman siyang tanungin dahil hindi pa kami nagkakausap uli pagkatapos ng gabing iyon. Dalawang araw na akong absent, hindi rin ako pinilit ni mama na pumasok kahit na hindi ko masabi sa kaniya ang dahilan kung bakit ayaw ko. Noong pumasok kasi ako the next day na nag-usap kami ni Ali ay lutang lang ang isip ko buong araw. Halos lahat ng Professor ko ay napagsabihan ako. Kaya naisip ko na kung hindi rin lang ako makakapa-focus, mabuti pang um-absent muna ako, pero siyempre hindi puwedeng magtagal ito. Sa totoo lang bukas ay plano ko nang pumasok at kung magkaroon ng lakas ng loob ay kakausapin ko na rin si Ali. Ang alam din ng mga kaibigan ko kung bakit ak
Hindi maalis ang aking kamay sa ulo ko, paulit-ulit ko itong sinasabunutan para kahit papaano ay magising ako. Hindi ko kasi makalimutan ang realization ko, hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako. Dalawang oras lang ang tulog ko at sa mga oras na gising ako ay tanging si Ali lang nasa isip ko. Kung paano ba ako nahulog sa kaniya, kung ano ang nakita ko pero wala akong maisip na maayos na sagot. Kapag naman naaalala ko ang pagkanta niya sa akin ay impit akong napapatili. Baliw na nga talaga ako. And here I am, ngumingiti na namn. Noong sinubukan ko ring alalahanin ang buong pagkanta niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. I guess may pampatulog na ako. Dahil nakayuko akong naglalakad, naramdaman ko na lang ang pagtama ng kung anong matigas na bagay sa akin. That made me woke my senses up. Gulat akong napatingin sa harap ko at bumungad sa akin ang nakaupong babae sa lapag. Walang pagdadalawang isip ko siyang tinulungang makatayo at gano'n na