Share

02 Guide

I COULDN'T COUNT how many times I have felt betrayed just for a day, just for today. Una ay ang katotohanang hindi pala kami normal kaya kami palipat-lipat ng tirahan. Pangalawa, ako lang sa aming lahat ang walang may alam no'n! Tapos ngayon ay dito pa talaga sa kwarto ko patutulugin at patutuluyin ni mommy si Deon!

“You are letting us stay in one room?!” I shouted even before my mom could exit through my bedroom door.

Napabuntong-hininga si mommy at pagod na binalingan ako. “Sweetie, you have to be responsible for him now because you two will have a child. Ganoon ang ginagawa nating mga Witchita sa mga partner natin sa tuwing nabubuntis sila. We take care of them.”

“Pero, mom!” pagmamaktol ko pa sabay padyak ng kanang paa ko sa sahig.

“I know you can't do anything here. Maselan ang kondisyon ni Deon kaya kailangan maging maingat kayo. You are also wearing your protection charms, your bracelet from your grandma. That will both restrain you from bodily temptations kahit na...” She looked at Deon. “Is she really your mate?”

Napatingin din ako kay Deon upang abangan ang reaksyon niya at malaman ang totoo. Marahan naman itong tumango.

“I can really tell by her scent, ma'am. Kaya... hinahanap-hanap ko rin po siya.”

He looked at me and smirked, halatang nang-aasar. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap sa kanya.

“Bueno, I will just prepare our dinner. I will ask Chadleen to hand Deon your Kuya Willard's spare clothes. I'm sure, magkakasya iyon sa kanya,” ani mommy bago kami tuluyang iniwan sa loob ng kwarto ko.

Mabigat ang loob at disappointed na disappointed akong bumagsak paupo sa gilid ng pink kong kama.

“At ikaw pa talaga ang may ganang magalit sa akin ngayon?” biglang banat ni Deon na komportableng nakaupo habang nakasandal sa headboard ng kama ko.

Agad ko siyang pinukol nang masasamang tingin. Ang kapal talaga ng mukha ng h*******k!

“Who in their sane mind would not be mad at someone who cheated on them? Dapat ba ‘yong kabit lang ‘yong laging sinisisi?”

In fact, Richelle already had her fair share of my anger. It's time na kay Deon ko naman iyon ibunton.

Umalis siya sa pagkakasandal sa headboard upang maupo nang maayos at nang may kalapitan sa akin.

“Pinagpustahan mo ako, Angie Lou!”

“Jinowa mo naman ‘yong cheap mong kababata habang tayo pa!” sigaw ko rin pabalik sa kanya.

Natigilan siya at mayamaya pa ay nag-iwas na sa akin ng tingin. “That was just for show. I was so mad when I found about the bet you've made with Ruby. I just wanted to get back at you. I just... wanted to get even.”

Nag-angat ulit siya ng tingin at matapang na may halong galit akong tiningnan.

“Pinaglaruan mo ako, Gelou. Pinaikot mo ako sa mga palad mo. Mi...” He pursed his lips and didn't continue what he wanted to say before looking away from me once again.

I sighed and looked away, too. How did everything turn out this way? Akala ko normal lang ako simula noon pa at ang tanging kakaiba lang sa amin ay ang panay na paglilipat namin ng mga tirahan. When did all of this start happening?

Oh, yes... on that particular day. On the evening of Santacruzan where I first saw him, where I first met Gideon Primo.

MASAMANG-MASAMA ANG LOOB ko habang hinihila ang pink kong maleta papasok ng bago naming bahay.

“Home sweetie home!” mommy happily announced.

I rolled my eyes and just pursed my lips. Ang hirap magsalita at umangal kasi kung titingnan ay ako lang naman ang nagrereklamo sa aming lahat kung bakit palipat-lipat kami ng bahay. Nakakainis na kahit si Kuya Willard na busy sa military ay hindi nagrereklamo sa palagiang pag-aalsabalutan namin. Nakakapagod na nakakapanggigil na! I kept leaving the companies I'm making every single time. Ang hirap-hirap pang makabuo ulit kasi sa susunod na buwan o taon o baka sa makalawa ay lumipat na naman kami.

“Mom, huwag kang magsalita nang tapos. Baka bukas niyan ay lumipat na naman tayo,” pabulong na komento ko.

Mommy just smiled at me apologetically. Ang sabi nila ay dito na raw kasi nadestino si daddy na isa namang engineer. Gano'n ba talaga kapag engineer? Kailangan talaga dalhin ang buong kamag-anakan kung ipapadestino sa ibang lugar?

“May Santacruzan pala mamayang gabi...” hayag naman ng pinsan kong si Chadleen habang may kung anong tinatanaw sa labas ng gate.

I turned my attention to where she was looking. Napansin kong may hanay ng mga karo roon na dinidekorasyunan ng iilang mga lokal na residente ng lugar.

“Gusto niyo bang mamasyal mamaya?” alok ni mommy sa amin.

Chadleen looked at me smilingly. “Couz, punta tayo?”

“Sama po ako! Sama po ako!” ani Mignonette habang tumatalon-talon pa, hindi halatang masyado siyang excited.

Mignonette loved travelling a lot kaya tuwang-tuwa siya sa tuwing lumilipat kami. Paano ba naman kasi ay bata pa siya at hindi pa gaanong naiintindihan ang pagod na dala nito at lungkot sa tuwing kinakailangan ko nang magpaalam sa mga taong naging malapit na sa akin.

In order to ease my subtle heartbreak, I agreed with Chadleen's idea so I can direct my attention to something else. Pupunta kami sa simbahan at manonood ng Santacruzan kasama si Mignonette. Mommy and Lola Panya will be joining us too. Maiiwan naman sa bahay ang mga lalaking miyembro ng pamilya namin — sina daddy at Tito Khalil.

Pagkatapos naming mag-ayos ng mga gamit at pahapyaw na maglinis ng bahay ay nagbihis na rin kami para dumalo at saksihan ang nasabing selebrasyon.

I pucked my lips after putting on my favorite shade of lipstick and smiled at myself in the mirror. Nakangiti ako pero hindi ako masaya. This kept happening every now and then, so how on earth would I be genuinely happy?

Ayaw ni mommy na pinapakialaman namin ang kulay ng mga buhok namin. I dyed my hair brown to rebel, pero w* epek pa rin. Perhaps, it w*sn't enough... and I admit, no one would surely get mad at such lame idea. She w*s disappointed but not legit mad. Minsan ay tinataw*nan na lang ako ni Lola Panya kasi hindi ko naman talaga magaw*ng magrebelde nang tunay sa mga magulang ko kahit anong mangyari. She said that I w*s still too good to rebel.

Napairap na lamang ako sa salamin at tinali na pa-half ponytail ang buhok ko gamit ang isang kulay light blue na silk na laso. I stood up and turned around to check on my outfit. My light blue tweed co-ords composed of a pencil skirt and cropped camisole topped with its blazer with little pearls detailings didn't match the atmosphere of this province. I smirked more. I don't want to match it either.

I have this belief that when you're different, you're not odd, you're unique and cut above the rest.

I slid my feet inside my white stilettos and got out of my bedroom then walked into the living room where they were all waiting for me.

“Let's go, pips!”

Simple lang iyong mga suot nila kaya gulat na gulat sila nang masilayan ang aking angking ganda. The innocent and sweet-looking Chadleen just swore an oversized white sweater over her black collared shirt then jeans.

Napairap ako. Tinuruan at binilhan ko naman siya ng mga magaganda at branded na damit pero iyon at iyon talaga ang pinipili niya.

“Sweetie, can you wear something simpler? Nasa probinsya tayo, and the people here love to keep it humble. Your outfit is just too flashy,” mommy reminded me softly.

I held her hand and smiled at her. My smile was so sweet I know it turned out fake.

“Mom, that's exactly the point why I am wearing this. I don't want their love. They can hate me all they want, but I don't care. Aalis din naman tayo dito any moment by now. Sila dapat ‘yong maging patient sa presence ko, hindi ako.”

Napabuntong-hininga na lamang si mommy sa akin. Yes, I'm really like this because I can protect myself and heart from breaking this way. It doesn't work all the time, but I can say that it's somehow effective.

Halos mabali na ang leeg ng mga taong madadaanan namin katitingin sa amin, lalo na sa akin. Kahit pagdating namin sa simbahan ay sa akin natuon ang atensyon ng karamihan at hindi na sa mga reynang papasok. It was kind of uncomfortable because I felt like I was disrespecting the queens, but I have to stand firm with my decision and act as the least affected by their stares. It's not my fault that I shine better with my choice of outfit.

Ilang beses ko na ring narinig ang pagbuntong-hininga ni mommy sa gilid ko, nangungunsumisyon sa mga tinging ipinupukol sa akin. Nabaling lang sa may entrance ang atensyon nang halos lahat nang sunod at huling pumasok ang Reyna Elena. Nang tumingin din ako roon ay natanto kong hindi iyon dahil sa Reyna Elena, kundi dahil pala sa konsorte niyang agaw-pansin. May iilan pang nagtitilian at natitigilan sa kanya. Kahit iyong Reyna Elena ay halatang pasimpleng kinikilig din. He was handsome, I gave him that, but I don't just fall for the face. Proven and tested ko na ‘yang attitude ko na ‘yan. There should be something more imposing to a man than his pretty face. Ayokong puro mukha, gusto ko nang may substance.

I immediately looked away and directed my eyes in front of the altar where they were heading. Pinagmasdan ko na lang nang maigi ang rebulto ng Panginoon.

Lord, baka naman pwedeng bigyan niyo na Po kami ng permanenteng tahanan... I really want to have a place I can truly call my home.

Inalalayan ng konsorte niya ang Reyna Elena sa pag-upo. Nang siya naman ang maupo ay agad niyang binalingan ang direksyon ko nang may bahagyang kunot sa noo niya. Anong problema nito?

Napatingin tuloy ako sa likuran ko at napansing wala namang ibang tao roon kundi ako. Pagbaling kong muli sa kanya ay ganoon pa rin ang ayos niya, parang tanga. Kinunutan ko rin siya ng noo para quits kaming dalawa. Surprise subtly registered in his features, but he was quick to cover it before looking away.

Pagkatapos ng selebrasyon at sa labas ng simbahan ay may newly-found ka-chismis-an na si mommy. Ang saya-saya niya talaga kapag gano'n... sanaol. Sina Lola Panya at Chadleen naman ay nasa loob pa rin at nagdadasal.

“Ate Gelou, buy po tayong scramble, please...” Mignonette pleaded while looking up at me with her puppy eyes and hands clasped together.

I sighed and nodded. I couldn't resist her when she's this cute. Tuwang-tuwa naman niya akong hinila papunta sa cart nang may nagtitinda no'n.

I never tried ice scramble before. Pihikan ako pagdating sa pagkain pero dahil ang cute ng kapatid ko tonight at ayoko siyang malungkot ay bumili na rin ako.

“Masarap ba?” I asked her.

Humihigop pa siya kaya nakangiting tumango-tango na lamang siya sa akin.

Napatingin kaming pareho ni Mignonette nang marinig namin ang batang magkapatid na nag-aaway sa kabilang cart na may mga cotton candy.

“Ubos na sa ‘yo!” ani no'ng mas matangkad at mas matandang bata roon sa maliit na kasama niya sabay iwas nang dala niyang cotton candy dito.

“Gusto ko pa, kuya. Penge...” Sinubukan ulit noong maliit na abutin iyong cotton candy ng kuya niya para manghingi pero patuloy lang iniwas no'ng isa ang hawak.

“Sige na, kuya. Konti lang...”

“Tapos ka na sabi, e! Ang kulit naman! Akin na nga ‘to!” sigaw no'ng isa at tuluyan nang tinulak ang kapatid niya para magtigil na ito dala na rin siguro ng inis niya rito.

I was about to rush to them to stop them. Papangaralan ko na sanang hindi dapat nag-aaway ang magkapatid kaso ay may dumating na para saluhin iyong maliit na batang muntikan nang matumba. Napakurap ako dala nang pagtataka sa kung papaanong napunta siya roon nang ganoon kabilis gayong nasa labasan lang siya ng simbahan nakatayo kanina pa. I know, because the last time I withdrew my eyes off him, I saw him standing there while talking to the other consort and while watching me.

“Hindi kayo dapat nagkakasakitan. Hindi tama ‘yan. Magkapatid kayo, ‘di ba?” he asked.

This was the first time I heard him speak. Ang rahan niyang magsalita. Siguro ay dahil mga bata ang kausap niya. Tinulungan niyang tumayo nang maayos ang batang maliit na umiiyak na. Umiyak na rin iyong kuya no'ng batang maliit. He squatted in front and in between them. He carried the little one tapos tumayo ulit siya at nilapit sa may gilid niya ang kuya nito saka marahang hinaplos ang ulo nito.

“Sige na, tahan na. Bibilhan ko na lang ulit kayo isa-isa nang bago para hindi na kayo mag-away.”

“T-Talaga po?” tanong no'ng maliit habang sumisinghot-singhot pa.

He smiled softly at him, and I don't know why but something pinched my heart at the scene.

“Oo naman. Kaya huwag na kayong mag-aaway ha.”

Binilhan nga niya nang panibago ang dalawang bata. Pinanood ko sila hanggang sa mapatingin ako kay Mignonette nang hawakan niya ang kamay ko.

“Tapos ka na?”

Tumango naman siya at ngumiti sa akin. “Thank you po, ate. Love you po!”

Napangiti ako at hinalikan sa matambok niyang pisngi ang bunso kong kapatid. Mahal na mahal ko si Mignonette. Isa siya sa mga dahilan kung bakit gusto kong makahanap na kami ng tahanang paglalagian namin panghabambuhay. I want her to live a normal life. Iyon bang hindi na niya kailangan pang malungkot sa tuwing iiwanan niya ang mga kaibigan niya at mahirapan sa paghahanap na naman ng mga panibago.

“Punta na tayo kina mommy?”

Tumango-tango naman siya. Umayos ako nang tayo at tinapunan muli ng tingin ang direksyon no'ng mga bata at gano'n na lamang ang gulat ko nang magpang-abot ang mga mata namin noong konsorte. He was looking at me seriously. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Nagagandahan ba siya sa akin o kung ayaw ba niya sa mga katulad ko? Either way, I don't want others to feel like they're more superior than me. Ayokong maramdaman nilang mas mahina ako sa kanila that's why they can easily prey on me.

Tinarayan ko ang aurang ibinibigay ko sa kanya at tinaasan pa siya ng isang kilay. He immediately pursed his lips when I caught a ghost of smile escaped from there for a split second.

Hinawakan ko ang kamay ng bunso kong kapatid at inaya na siyang umalis doon. “Let's go, Non.”

“Gideon Primo,” biglang hayag no'ng konsorte kaya kunot-noo ko siyang nilingon ulit.

“What?”

“I'm Gideon Primo.”

“So?” naguguluhang usal ko naman.

“I gave you my name. You should give me yours as well.”

Napatitig ako sa kanya hanggang mayamaya pa ay hindi ko na talaga napigilan pa ang sariling mapahalakhak. Seriously?

“Inuutusuan mo ba ako?”

Hindi agad siya nakasagot. His expression turned confused and torn. Para bang nagulat siya na ganoon ang isasagot ko sa halip na ang pangalan ko kaya hindi niya na mawari ang sunod niyang sasabihin. Ngayon pa lang ay ayoko na sa kanya. 

“Baleleng. My name's Baleleng,” pagsisinungaling ko nang hindi pa rin siya makabawi.

Ramdam kong napaangat ng tingin si Mignonette sa akin kaya pinisil ko ang kamay niya. My sister's smart, so she immediately got what I meant — not to interfere.

Ngumiti naman ang lalaki at tumango. It was the kind of smile that was certainly sly. “Baleleng...”

Naglakad siya palapit sa amin. I really don't know why but I felt like he was trying to intimidate me. Pero sorry na lang siya, I'm not one to easily back down. I smirked and arched my brow again, equalling his domineering presence. I won't give him the satisfaction na mas lamang siya sa akin sa aspetong iyon.

“Yes?”

Why do men always love to ascertain their spot on the top of the food chain? Does preying on others really feel that satisfying for their egos?

“Nice name and nice try,” aniya bago kami nilampasan.

•|• Illinoisdewriter •|•

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vanessa
ganda nang daloy nang kwento...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status