04 Guide

I HELPED LOLA Panya sat on her rocking chair that was settled in our patio.

“Aray... Aray ko–” ani lola habang iniinda ang sakit ng balakang niya.

Pagkaupo ay agad naman siyang ngumiti sa akin dahil nakaramdam ng relief. Kita ko tuloy ang bungi-bungi niyang mga ngipin.

“Salamat, apo.”

Kagagaling ko lang sa gym room at katatapos ko lang din mag-ehersisyo. Mommy encouraged me to go out with her, Chadleen, and Mignonette for a jog but I refused. Iwas ako sa pakikipagkaibigan o pakikisalamuha man lang sa iba ngayon. Para saan pa kung hindi rin naman kami magtatagal dito, ‘di ba? Nagsasayang lang ako ng energy at efforts.

Naupo na rin ako sa katabing upuan ni Lola Panya at inabot ang tinimpla kong orange juice sa ibabaw ng patio table namin saka ininom iyon gamit ang isang bamboo straw. Aside sa ayoko sa mga plastic, I sincerely care for the environment.

“Apo, bakit hindi ka makipagkaibigan sa mga kapitbahay natin?”

I put down my drink back on the table before answering Lola Panya. “No, thanks, la. I'm fine alone. Isa pa, I'm just wasting my time and energy making friends. We're going to leave this place soon, so why bother?”

“Ay, naku! Walang sayang doon, apo. Memories tawag doon. Habang bata ka pa, mag-ipon ka nang maraming ganoon para pagtanda mo at bungi-bungi ka na gaya ko, aba'y hindi ka magsisi kasi kahit saglit lang ay alam mo namang naging tunay kang masaya.”

Noong una ay napangiwi ako sa sinabi ni lola. Madaling sabihin, mahirap gawin. Kaso kalaunan ay natanto ko ring may punto naman siya kaso nga lang ayoko talagang sumubok. Natatakot akong masaktan ulit. Leaving your home and the people you've made connections with were so difficult to do.

“La...” tawag ko sa kanya na mukhang abala na sa kakasenti dahil nasa malayo na ang tingin niya habang pinapagalaw ang rocking chair niya.

“Ano ‘yon, apo?” tanong niya pagbaling sa akin.

“Matanda na po kayo, hindi po ba kayo napapagod sa paganito natin? Lagi na lang tayong lumilipat. Dapat nagpapahinga ka na po sa retirement home niyo kaso wala pa rin tayong permanenteng address.”

Ngumiti si Lola Panya at marahang tinapik-tinapik ang isang hita ko.

“Apo, kayo ang tahanan ko. Maging ligtas lang kayo, ayos na ako. Wala na akong hihilingin pa sa mundo.”

Malungkot na napatitig lang ako kay lola. Mayamaya pa ay napabuntong-hininga na lamang ako at sumandal sa may balikat niya. She cupped and gently tapped my cheek. I really love her and my whole family. Kahit anong inis at galit ko sa bawat pag-aalsabalutan namin ay napapawi rin naman agad ng mga ganitong paglalambing nila sa akin. Ang rupok ko masyado pagdating sa pamilya ko.

School days came again at ang natitirang patient cells na naka-reserve sa katawan ko to endure our setup ay mukhang balak pa atang ubusin ng iilang mga kaklase ko.

“Mahina ka ba sa Math? Kaya kong sagutin lahat ng mga Math assignment natin kung papayag kang manligaw ako,” pangako no'ng nerd na kaklase namin.

Napailing na lamang si Chadleen. Kanina niya pa inaawat iyong lalaki na hindi ko na kailangan ng tutor kasi nand'yan naman siya pero ayaw talagang tumigil no'ng isa.

I tried my very best to not give him any of my attention but his persistence was starting to annoy me to the core.

“Memoryado ko kahit iyong kahuli-hulihang number ng pi. It's 3.141592653–”

I didn't wait for him to finish enumerating all the numbers therein. I just pushed his chair away from me using my right foot. Good thing I was wearing my white cuffed dress shirt neatly tucked in my beige trousers then loafers. I also tied my hair into a low ponytail using a black silk hair ribbon. Wala lang, share ko lang.

I then proceeded to rest my right elbow atop my armchair as I placed my chin on my palm while all at the same time, smirking at him. “You know what, we're parallel lines that will never ever intersect.”

Napaamang siya sa narinig mula sa akin. Buong akala niya siguro ay siya lang ang may alam sa Math ha. Well, aminado naman akong bobo nga ako pero hindi ako magpapatalo sa mga katulad niya lalo na kung ang cheap naman ng mga nalalaman nilang pick-up lines. Sorry na lang siya kasi A++ ako — A++itude. As the saying goes, “Daig ng ma-attitude ang matalino.”

Hmp, nakakagigil iyong itsura niya talaga, mukhang nerd na uhaw na uhaw na magka-jowa.

Narinig kong napahagikhik si Chadleen. Mayamaya pa ay natawa na rin iyong isa pang unggoy sa likuran ko bago tumayo at nilapitan iyong kaklase naming genius kuno sa Math.

“Matthew, balik ka na sa pwesto mo. Kung ayaw ng mga babae, hindi dapat natin sila pinipilit,” mahinahong sabi ni Deon rito.

Napabuntong-hininga si Matthew at bigong naglakad na lang pabalik sa pwesto niya. Napairap na lamang ako at halukipkip sabay hilig sa upuan ko nang si Deon naman ang pumalit sa iniwang pwesto no'ng nauna.

“Heartbreaker ka pala ha, Baleleng,” panunuya pa niya habang nakangisi.

“Alam mo nang hindi Baleleng ang pangalan ko kaya tigilan mo na katatawag sa akin niyan, please, please...”

Nagkibit-balikat naman siya. “I find it cute. Baleleng na ang endearment ko sa ‘yo simula ngayon.”

Argh! Nakakaasar kang hayop ka!

“Please lang kung ayaw mong pati ikaw ay masipa ko, lumayo-layo ka muna.”

He chuckled and moved his chair closer to mine. Napaungot naman ako sa inis at binuwag ang pagkakahalukipkip saka sinamaan siya ng tingin.

“Deon, nang-iinis ka ba talaga ha?!”

“Ang high blood mo naman. Parang gusto ko lang namang makipagkaibigan.”

“Makipagkaibigan, my foot! Ako pa talaga lolokohin mo. Sige na, bumalik ka na rin sa pwesto mo. Si Chadleen nakaupo r'yan. Che! Tsupi!” pangtataboy ko sa kanya.

Tatawa-tawa naman siyang tumayo habang bahagyang tinataas pa ang mga kamay niya, halatang nang-aasar talaga. “Oh, heto na. Heto na...”

Kinuha ni Chadleen ang backpack niya at naupo na sa upuan niya sa tabi ko.

“Ang hirap talaga kapag may pinsan kang maganda,” biro niya pa.

I looked at her annoyed but her sweet smile melted that into a chuckle. My cousin's too pure and sweet. Ang hirap mainis sa kanya gayong ganito siya kabait. Hay naku...

Inilapit ko na mismo ang upuan sa kanya saka pabiro siyang binangga sa balikat niya. “Maganda ka rin naman.”

Feeling ko talaga na isa sa mga purpose ko sa buhay ay i-boost ang confidence ng pinsan kong sobrang mahiyain. She has so much potentials and pleasing qualities. Ewan ko ba at bakit hindi niya makita-kita iyon.

Dahil nasa probinsya kami ay walang masyadong pampasaherong sasakyan. May panaka-nakang tricycle kaso kuripot iyong kasama ko, e, kaya nilalakad na lamang namin pauwi. Wala naman kasing kaso sa akin iyon. Brisk walking was also a form of exercise.

Bumagal ang parehong lakad namin ni Chadleen nang mapansin namin ang kumpulan ng mga tao sa malapit. Hindi ako interesado sa mga chismis kaso ay nakaagaw ng pansin ko ang mga pulis na naroroon. May police line pa sa pinangyarihan para walang lokal na residente ang makalapit.

“Anong mayro'n?” I asked. Umiling naman ang pinsan ko.

“Wala rin akong ideya, couz.”

“Lapitan kaya natin?” sabi ko at akmang aalis na nang hawakan niya ako sa braso para pigilan.

“Huwag na. Nakakatakot. Baka serial killer ‘yan tapos matipuhan ka...”

Napahalakhak naman ako sa sinabi. “Ang advance mo masyadong mag-isip kaya napapangunahan ka ng kaba, e.”

“Pero, couz, huwag na talaga.”

“Sisilipin lang natin para makwento natin kina mommy at nang hindi na masyadong maglalabas ng bahay si Mignonette.”

Napapayag ko rin naman si Chadleen na lumapit kami roon kahit saglit lang. The scene was indeed grotesque to behold. Lalaki iyon na duguan at dilat na dilat ang mga mata pero ang mas kahindik-hindik doon ay ang ulo niyang nakahiwalay sa katawan niya. Nakinig naman ako sa ilang bulong-bulungan sa kung anong posibleng nangyari at sa kung sino ang may pakana no'n.

“Aswang kaya may gawa niyan?”

“Grabe... pinutol talaga iyong ulo.”

“Hindi kaya kulto may pakana nito?”

“Kabilugan ng buwan kagabi, ‘di ba?”

“Diyos ko!”

Ayaw tumingin ni Chadleen doon dahil nasusuka siya na naiiyak sa awa at takot sa sinapit no'ng biktima.

I took my phone out of my black Chanel flap bag to snap a photo of the incident. Papakita ko ito kina mommy para makaalis na kami agad dito. I'm starting to dislike this place. It's beginning to get both scary and annoying in here.

After taking a few pictures, I started recording. I want to record including the rumors about the possible reasons or events that led to this. Napatigil ako sa pagkuha ng video nang mahuli ng kamera ng cellphone ko ang isang pamilyar na lalaki. It was Gideon, standing at a distance. Iyong babaeng malapit sa kanya ay agad na sumubsob sa dibdib niya pagkatapos makita ang bangkay. Deon frowned until his expression softened and turned sorrowful.

I stopped recording and put my phone down. Kakilala kaya nila iyong biktima? Magjowa ba silang dalawa? Aba'y kung gano'n, ang landi naman pala niyang hinayupak siya!

“Chad, let's go home.”

✧ ✧ ✧ ✧ ✧ ✧ ✧ ✧

DEON, WALA NA si Pablo... Sinong may gawa sa kanya nito? Bakit?” tanong ni Richelle habang umiiyak sa dibdib ng kanyang kababata matapos masaksihan ang kalunos-lunos na sinapit ng kanilang kasapi at kauri.

The two were tasked to look for him. Nag-aalala na kasi ang pamilya nito dahil isang linggo na itong hindi umuuwi o nagpapakita man lang. They cannot even communicate with him through cellular phones nor through vision. Hindi nila inaasahang sa ganitong sitwasyon at lagay pala nila maabutan si Pablo.

Marahang hinaplos ni Deon ang ulo ng kanyang umiiyak na kababata upang patahanin at pakalmahin ito.

“Hindi ko alam, Ri. Hindi ko alam...” umiling-iling at malungkot na tugon ni Gideon.

Sinapo ni Deon ang mga pisngi nito bago niya ito binigyan ng klase ng ngiting nagsasabing magiging maayos lang ang lahat. He was heartbroken too, but he wanted to show her that she can depend on him for strength and support in times like this.

“Umuwi muna tayo. Sigurado akong alam na nina papa ito. Tulungan natin sila para malaman ang totoong nangyari kay Pablo,” he told her. Tumango-tango naman si Richelle bilang tugon.

They went home to their secluded yet bounty village headed by Gideon's father. Pagdating nila ng kanilang village ay agad na tinulungan ni Deon na tumayo iyong batang nadapa mula sa habol-habulan nito ng mga kaibigan nito. The little boy cried when he saw the blood on his wounded knee. Deon squatted and tried to check on the little boy's wound and see what he can do from there. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang bata kaya nag-angat siya ng tingin dito upang ngitian ito nang sa ganoon ay gumaan na ang loob nito at tumahan.

“Tahan na. Gagamutin ni kuya ‘to para mawala na ‘yong dug–”

“Gideon, anong ginagawa mo?”

“Ginagamot ko lang po siya, pa,” he politely retorted.

Leon, his father, hardened his expression as he continued looking at him and the kid.

“Hindi gawain ng isang lalaki iyan. Gawain ng mga babae ang panggagamot at pag-aalaga ng mga bata. Leave it to them,” malamig na utos nito.

Tinikom ni Deon ang bibig at hindi na lamang nagsalita pa laban sa ideyang iyon ng kanyang ama. All of them knew how highly-patriarchal the system in their pack was. They were raised and taught with that kind of doctrine in mind. Deon had to hide his caring and warm nature because being soft was always deemed too feminine. Ang lalaki ay dapat matapang, hindi nakikitang nagluluto sa kusina, naglilinis, at nag-aalaga ng mga bata. They have to be hard, brave, and bold.

Agad na lumapit naman ang ina ng bata at humingi ng paumanhin sa kasalukuyang Alpha ng kanilang pack, ang tatay ni Deon. Ang ama naman ni Richelle na si Igor ang Beta. All of them were werewolves hiding and living among humans.

The woman also thanked Deon for tending to her son's wounds. Gusto niya sanang ngitian ito subalit nariyan ang kanyang ama at nanonood.

“Nahanap na po namin ni Deon si Pablo,” Richelle informed Leon to divert their attention to another matter.

“Sumama kayo sa akin,” anito at nauna nang maglakad sa kanila.

The two followed the Alpha to their meeting hall and towards a corner which he made into his makeshift office.

“Pa,” bati ni Richelle sa amang si Igor.

“Natagpuan niyo na ba si Pablo?”

“Opo...”

“Nasaan na siya?”

Malungkot na nagkatinginan naman sina Deon at Richelle. She sighed before directing her attention towards her father.

“Wala na po si Pablo. Natagpuan po siya sa may bayan... magkahiwalay po ang ulo at katawan...” Richelle bit her lower lip to stop her sobs from coming out.

Nagulat naman si Igor at agad na binalingan si Leon nang makabawi. “Alam mo na ba ito?”

“Magpapadala na ako ng mga kasapi natin para kunin ang bangkay niya.”

“Ang mga bampira ba ang may pakana nito?” tanong ni Igor sa mataas na boses.

He couldn't contain his emotion because of that saddening news. Nakikinig naman sina Deon at Richelle, nagbabakasaling may maitulong sila sa kanilang kasapi.

“Imposibleng matunton nila tayo, Igor. Imposible ring baliin nila ang sinumpaang pangako nilang hindi na gagalawin ang pack natin. May kasunduan tayo sa harap ng Abseiles Spirit. Mapaparusahan sila kapag lumabag sila roon,” Leon explained.

Abseiles o Beast Republic ay kung saan sila nagmula. Ang lugar kung saan nagsasama-sama at naninirahan ang lahat ng mga nilalang na hindi mortal at hindi pangkaraniwan o sa madaling sabi ay mga beast.

Deon and Richelle didn't know about that because the both of them were born in the mortal world. Naguguluhan man ang dalawa ay minabuti na lamang nilang manahimik. No one should interrupt when the higher-ups or the Alpha or the Beta was talking. Isa iyon sa mga batas ng pack nila.

“Kung gano'n sino?!”

“Iyan ang hindi ko masasagot. Pero ipinangako kong bibigyan natin ng hustisya si Pablo. Magbabayad nang malaki ang kung sinumang pumaslang sa kanya,” madiing wika ni Leon.

•|• Illinoisdewriter •|•

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status