CHAPTER 3

Zoe Colette's POV

Tuluyan na ngang umandar itong kotse. Alam ko ito lang ang pagkakataon para masulyapan si kuya. Lumingon ako sa likod ko para makita si- what?

Bago ko pa tuluyang makita si kuya natakpan niya na ang mata ko gamit ang kanyang kamay.

"You dare to stare other people without my permission!" Bumaba ang kamay nito sa aking baba. Lumapit ang mukha nito sa akin.

"Woman, I helped you and your brother to survive the company of your parents. How do you plan to thank me?" Mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sakin.

Naramdaman ko tuloy ang hininga niya sa aking bibig. "Do you think having sex with me is enough? No, I'm not satisfied with that. Just saying thank you is not also enough."

Damn! This devil pervert!

"Then wha-" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng muling maglapat ang labi niya sa aking labi. Saglit lang yun. Lumayo rin naman siya ng bahagya.

Ngumiti ito, "Anyway, baby, you taste good. I want to kiss you so badly." Muli niya na naman akong hinalikan.

Is not ordinary kiss. Is a french kiss.

I push him, pero hindi ito natinag bagkus hinawakan niya lang nang mahigpit ang aking kamay gamit ang isa niyang kamay.

Hindi ako nagpatinag, gamit ang isa ko pang kamay tinulak ko ito palayo sa’kin. Sa pagkakataong ito nagtagumpay ako.

"I'll pay you back someday. Please just let mo go." Sa pagkakataong ito bababaan ko na ang pride ko.

Wala akong pakealam kung magbunga ang kababuyang ginawa niya sa’kin. Desidido akong lumayo sa kaniya.

Tumawa ito nang siyang ikinagulat ko. "Woman, you don't really understand, right? I love your scent. It's comforting me, also your body. Narinig mo naman siguro ang sinabi ko sa kapatid mo and I'm serious about that," wika niya.

He's doing this shit just because he likes my scent and my body? Seriously? This jerk! He's totally pervert.

"Don't worry, I will not forcing you to have sex with me again. I'll keep my promise. I will not hurt you anymore."

I'm surprised.

Nakatingin lang naman ito sa mga mata ko. At seryosong-seryoso ito. Hindi ko alam pero ‘yong the way kung paano niya i-delivered ang salitang ‘yon ay talagang... paniniwalaan mo.

Sa kabila ng malamig niyang tingin at hindi mo kakakitaan nang emosyon. Bakit pakiramdam ko tutuparin niya lahat ng sinabi niya?

"But you need to stay with me... FOREVER."

Hindi ako puwedeng maniwala lang sa mga sinasabi niya. Manatili sa piling niya ay isang kalokohan. Kung papayag ako sa gusto niya magiging impyerno lang ang buhay ko sa kaniya.

"If you don't believe me, then I will prove it." Binatawan niya na ang pagkakahawak sa sa’kin. At lumayo.

Matapos ang usapan na yun naging tahimik muli ang biyahe namin. Wala namang ginagawang kababalaghan itong si Atlas. Medyo naiilang lang ako kasi batid ko ang pagtitig niya. At kitang-kita ko ‘yon sa gilid ng aking mata sa tuwing titingin ako sa direksiyon ni Maisha. Huminto ang sinasakyan namin kung saan.

Tsss... nawala lang ako nang limang taon nakalimutan ko na agad ang mga lugar dito sa Pilipinas.

"Why are you laughing?" Nabalingan ko ito nang tingin. Nakasandal ang ulo nito sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ako.

Damn! Hindi ko alam na napangiti na pala ako dahil sa naisip.

"May naalala lang ako," mabilis kong tugon dito. Iniwas ko rin ang tingin ko.

Narinig ko itong bumuntong-hininga. "Sana ako‘yan." Bigla akong nasamid sa sinabi niya.

"Thank you Mr. Wood," paalam nito, "Goodbye, Colette." Hindi ko ito binigyan nang tingin.

"Goodbye, my old friend," malamig kong tugon dito.

Ayoko pa rin makita ang pagmumukha niya. Sobrang sakit lang kasi nang ginawa niya sa’kin.

Muli ulit nagpatuloy ang biyahe. Napasandal ako sa upuan. Iniisip ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Maisha sa’kin.

"Don't be mad at you're friend, baby." Ipinikit ko ang aking mata.

Ang lakas ng loob niyang sabihin sa’kin ‘yang. Dahil sa kan'ya kaya labis ang galit ko ngayon sa nag-iisang kaibigan ko.

"She's your only friend, right? She did nothing wrong with you, forgive her." Napadilat ako at napalingon sa kaniya.

"ANO BANG ALAM MO SAKIN? WAG KA NGANG UMASTA NA MAY ALAM KA SA’KIN! ALAM MO LANG NAMAN MAKIPAG-SEX SA LAHAT NG BABAE! BAKIT HINDI MO NA LANG GAWIN ULIT ‘YON AT HAYAAN MO AKONG UMALIS?" galit na galit kong wika dito.

Tumulo ulit ang luha sa aking mga mata.

"Atlas, you are nothing but a jerk!"

Tumawa ito. "Still beautiful even you're crying." Wala nang pag-asa ang gagong 'to. Mukhang hindi na saktan sa mga sinabi ko. Wala talaga siyang balak pakawalan ako at kita ko ‘yon sa malamig na tingin niya. Muli na namang dumampi ang malambot niyang kamay sa aking mukha. "Say what you want baby, but I will not let you go... because. you. are. mine." malamig ngunit may diin nitong wika.

"Hindi mo ko pagmamay-ari, Atlas! Tigilan mo ang kabaliwan mo! Hayaan mo na lang akong umalis. Gaya nang ginagawa mo sa mga babaeng pinagsawaan mo. Itaboy mo rin ako!"

"Woman, stop being dramatic, we're here. Wipe your tears. Ayokong makita ka nilang umiiyak ," malamig na wika nito bago bumaba ng kotse.

Hindi na ako sumagot pa at pinili na lamang na bumaba sa kanyang sasakyan. Hinawakan niya ang aking kamay na siyang ikinagulat ko. Sabay kaming naglakad papasok doon sa loob. Gulat na gulat ako sa isang pamilyar na bulto sa kanyang sala.

"Kuya?" Naguguluhan kong tawag. Ngunit mas nabaling ang atensiyon ko sa batang lumapit kay Atlas.

Anak niya ba ang batang yan?

"Chico." Bahagyang yumuko si Atlas para mabuhat ‘yong batang lalaki na lumapit sa kaniya.

Ang demonyong si Atlas nakikitaan ko ngayon nang sigla at kasiyahan na kanina ay wala.

"Madam, hindi po sa nangengealam ako pero mali po kayo nang iniisip tungkol kay boss," bulong nito.

Wala sa sariling ibinaling ko sa kaniya ang paningin ko na ngayon ay nakangiti sakin. Muli ko ulit ibinalik ang tingin ko sa mag-ama. Punong-puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang nakatingin sa kanyang anak na ngayon ay karga-karga niya.

Mali ba ako nang iniisip tungkol sa demonyong 'to?

Napaupo ako, napapikit at napahawak sa aking ulo. Naguguluhan sa mga nangyayari. At dumagdag pa si Kuya Chase doon.

Anong ginagawa niya rito sa bahay ni Atlas?

May humawak sa aking kamay at hindi ko alam kung sino ‘yon. Ayoko nang imulat ang aking mga mata. Ang gusto ko ngayon magpahinga.

"Mommy, are you okay?" Awtomatikong na pamulat ako dahil sa narinig.

Did he call me mommy?

Nakatayo ito sa harapan ko, habang yung inosenteng tingin nito ay hindi inaalis sa akin. 

"Mommy?" muling kumawala ang malambing na boses nito na siyang nagpangiti sa’kin. Ngumiti ito at niyakap ako.

Napaubo ako dahil sa mahigpit na pagkakayakap niya. Niluwagan niya naman iyon ng marinig.

Buti pa itong bata nakakaramdam, samantalang ‘yong ama niya hindi.

Binuhat ko ito, bahagya siyang lumayo sakin. Ang malalambot nitong kamay gaya ng kanyang ama ay nasa magkabilang pisngi ko ngayon. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

"I love you and I miss you mommy," malambing na sambit niya pagtapos akong halikan. Napangiti ako dahil sa ginawa ng batang 'to.

Buti pa itong bata napapagaan ang pakiramdam ko.

"Bakit gising ka pa hmmm? Hinihintay mo ba si Mommy na dumating?" malambing na tanong ko rito.

Nakangiting tumango ito sa’kin. "Pero mommy wala kana ba sakit? Hindi mo na ba kami iiwan ulit?" May pag-aalala ngunit malungkot na tanong nito.

Shit! Anong sasabihin ko sa batang 'to?

Una sa lahat hindi ko naman talaga siya anak. Pangalawa, hindi ko naman masabi sa kaniya na hindi ako ang kanyang ina. Bakit ba kasi ako ang tinatawag niyang mommy? Pangatlo, ayoko naman saktan ang damdamin ng batang 'to.

Ngumiti ako dito. "Magaling na si Mommy, kaya huwag ng mag-alala ang baby ko hmmm? Hindi na aalis si mommy, lagi na akong na sa tabi mo, pangako." Muli niya akong niyakap.

Tiningnan ko si Atlas na pinapanood lang kami. Binigyan ko ito ng tingin at gamit 'yon sinabi ko sa kanya ang gusto kong iparating. We need to talk.

 Mukhang naintindihan niya naman ‘yon kasi tumango ito sa’kin.

"Mike, Mia, andito na ang daddy niyo," sigaw ni kuya.

May isang lalaki at babae na pababa ngayon sa hagdanan at nagmamadaling lumapit kay Atlas at niyakap din ito.

"Madam, kukunin ko na po si Young Master, oras na po kasi nang pagtulog niya." Natuon ang atensiyon ko sa isang maid at hindi ko lang naman namalayan ang paglapit niya.

"Goodnight, mommy," malambing na wika nito.

Nginitian ko ito. "Goodnight, baby." hinalikan ko ito sa kanyang pisngi bago ko ibinagay sa kanyang yaya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status