Share

CHAPTER 15

Zoe Colette's POV

"Having a sex for someone in that age, dude, tingin mo nakakatuwang hobby 'yang ginagawa mo?!" Sa pagkakataong ito medyo galit na ang tono ng boses ko.

Tumawa ito, "Tita Colette, hindi ba sinabi ni Daddy sayo na bawal lumabas ng alas-dose ng madaling araw. Bakit po kayo na sa labas?" halata sa ngiti nito ang pagkainis na nararamdaman. "Hindi niyo po ba alam na ganitong oras nagpaparaos si Daddy? Malalagot kayo kapag nakita niya kayong pagala-gala sa bahay ng ganitong oras." Wika niya ulit.

Natawa ako, "Kung gano'n bakit ka na sa labas? Gusto mong makita ang ginagawa ng iyong ama?" Muli itong nagulat sa tanong ko.

"Pake mo? Stop acting like you are my mom! You are simply kaladkaring babae na nadampot ni Daddy sa labas!" Galit na wika niya sakin. "Isa pa Tita, hindi na bago samin ang ganito. Daddy, always do the same shit in our maids. Kaya puro dalaga lahat ng katulong rito dahil ginagawa niyang pamparaos ang mga ito."

Hinawakan ko siya sa kanyang damit. "So? Gusto mo ding gayahin?!" Galit kong tanong dito."Kapag hindi mo tinigilan ang ganyang libangan. Sisiguraduhin ko sayo mawawalan ka ng kaligayahan." Bantang wika ko dito.

Mukhang alam niya naman ang tinutukoy ko kaya mabilis itong napahawak sakanyang p*********i.

"Wag mo kong subukan, Mike Wood, sisiguraduhin kong mangyayari iyan!" Banta kong muli sa kanya. Bago siya binitawan. Natataranta itong bumalik sa kanyang kwarto.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad pabalik ng kwarto.

Tangina! Mas lalong nagiinit ang ulo ko hindi dahil sa mga nakita ko, kundi dahil alam ng mga anak ni Atlas ang nangyayari tuwing madaling araw dito sa bahay nila. At mukhang hindi ito alam ng mukong na 'yon.

Ang gagong 'yon gagawin lahat mairaos lang ang kanyang kamanyakan. Bukod doon mukhang walang taste sa babae ang gagong 'yon kahit kasi katulong pinapatos.

Yawa! Ang sarap pa ng kain namin doon ginagawa na pala 'yong kama. Putek!

Takte! Talaga 'yong Atlas na 'yon hindi niya na lang ipinasok sa kwarto 'yong babae at doon tirahin. Kailangan talaga doon niya titirahin sa lamesa kung saan kami KUMAKAIN. Hindi ba siya nandidiri doon? Pisti! Yawa!

Dahil sa sobrang inis ko padabog kong naisara ang pinto. Napapikit ako ng gumalaw si Miles sa higaan. Daha-dahan kong minulat ang paningin at nakahinga ng maluwang nang hindi ito nagising sa aking ginawa. Nilapag ko sa ibabaw ng cabinet ang flashlight at bumalik sa pagkakahiga.

Kinuha ko ang cellphone na nasa ibabaw ng dibuhista katabi ng kama para tingnan ang oras. Magaala-una na ng madaling araw. Napabuntong hininga ako, sa kabila kasi nang galit may pagsisisi din akong nararamdaman. Dapat pala sinilip ko muna ang oras bago ako bumaba, pinilit ang sariling katawan na bumalik at tingnan ang oras ngunit hindi ko ginagawa.

Nagbigay sana ako ng kahit kunting panahon na silipin ang lintik na oras diba?! Pisti!

Ngayon punong-puno tuloy ako ng pagsisisi sa mga nakita. Dumagdag pa doon 'yong panganay na anak ni Atlas na mukhang susunod sa yapak ng kanyang ama at hindi ito maganda dahil ginagawa niya na iyong libangan. Yawa!

Mukhang hindi alam ni Atlas ang ginagawa ng kanyang panganay na anak. At mukhang wala din siyang balak alamin pa 'yon kasi maaabala ang kaligayahan niya at mukhang hindi niya hahayaan na mangyari 'yon. Mas mahalaga ata kaligayahan niya kesa sa kinabukasan ng mga anak. Jusko!

...

Kanina pa ako nagpaikot-ikot dito sa higaan at kinukuha ang tulog ko pero kahit anong gawin hindi ako dinadapuan ng antok, kahit nga ipikit itong mga mata hindi ko magawa. Nagsisink-in kasi sa utak ko ang tagpo na tinitira ni Atlas 'yong babae kaya hindi ko magawang ipikit ng matagal ang aking mga mata. Feeling ko babangungutin ako dahil doon, isa pa ayoko pang mamatay. Jusko!

Binuksan ko ang cellphone ko para tingnan kung anong oras na. Saktong ala singko na ng umaga. Tumayo na ako para pumunta sa banyo at makapagayos ng sarili.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili pinuntahan ko si Miles at hinalikan ito sa kaniyang noo. Binuhat ko ito at bahagyang inangat sa higaan, malalaglag na kasi ito. Kinuha ko 'yong unan at nilagay sa kanyang gilid habang 'yong unan naman ni Atlas nilagay ko sa kabilang gilid niya. Habang 'yong sobra nilagay ko naman sa kanyang paanan. Mahirap na baka malaglag. Kinuha ko ang cellphone ko at bumaba na.

Hindi ko na alam ang gagawin stress na stress na ako sa mga nangyayari at sa mga nakalipas na araw hindi din ako nakakakain ng maayos. Habang maaga pa kailangan makahanap ako ng mapaglilibangan ko para hindi ako lalong mai-stress sa mga nangyayari sa buhay ko. Syempre hindi ko naman hahayaan na mangyari 'yon. Hindi ko hahayaan na kainin ako ng stress.

Jusko! Masisira ang kagandahan ko.

Galit na mukha ni Atlas ang bumungad sakin ng makababa ako. Magkasalubong ang kilay nitong binalingan ako ng tingin. Syempre hindi ako nagpatalo sa tingin niya tinapunan ko rin ito ng matatalim na tingin. Akala niya ba takot pa rin ako sa kanya? Sorry siya wala ata akong tulog dahil sa kaniya. Bwesit siya!

"Bunso, ang aga mo naman atang magising?" Manghang wika ni Kuya Chase. "May problema ba?" Sunod na tanong niya.

"Kanina ko pa kasi gustong uminom ng tubig at hindi lang naman ako nakainom. At dahil sa lintik na uhaw na ito hindi ako nakatulog!" Galit kong sagot ngunit yung tingin ko hindi pa din inaalis kay Atlas.

Syempre isa pang kinakagalit ko e, itong uhaw ko na hanggang ngayon hindi pa din naaalis dahil sa lintik na manyakis na 'to. Dahil sa kanya hindi ako nakainom ng tubig. Lintik siya!

"Pati pa naman ikaw badtrip din? Wag mo naman sabayan ang galit ni Boss." Ibinaling ko ang tingin kay Kuya Chase.

"Hayst!" Bantang sasapakin siya ngunit mabilis itong lumayo sakin.

Tsk! Ano naman ang kinakagalit niya? Siya na nga itong hindi ako pinatulog, siya pa ang may lakas loob na magalit! Bakit naudlot ba ang ginagawa niya? Pinagpatuloy niya naman ang pagtira doon sa babae diba?! Saglit nga lang siyang tumigil sa pagpapasaya doon sa babae tapos pinagpatuloy niya na ulit at sa harap ko pa talaga. Bwesit siya!

Binalewala niya nga lang ang presensiya ko tapos nagagalit siya? Bakit tinigil niya ba agad? Tsk! Hinayaan ko na nga lang siyang magpasarap doon para naman mairaos niya ng maayos 'yon. Hindi ko siya pinigilan. Kaya wala siyang karapatang bigyan ako ng ganyang tingin dahil hindi ko sila INISTORBO.

"HOYY, COLETTE?" Muli akong bumalik sa diwa ng sigawan ako ni Kuya Chase. "ANONG PROBLEMA?" Muli niyang sigaw.

Binatukan ko siya ng pagkalakas-lakas. "Kuya, hindi ako bingi!" Galit kong wika.

Muli kong ibinaling ang tingin kay Atlas na nanlilisk pa din ang mga matang nakatingin sakin. Inirapan ko ito bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang dining area.

Naabutan ko si Manang Faye na hinahanda ang lahat ng mga panahog para sa pagluluto. Pumunta naman ako sa repridyeretor para kumuha ng tubig.

Pasimple kong ginala ang paningin sa paligid para hanapin yung dalagang tinira ni Atlas kanina dito sa dining area ngunit bigo ang aking mata na makita ang anino niya.

Bakit kaya wala 'yong babaeng 'yon dito?

Nam Sae

Good morning guys, pasensiya na sa mga typo wrong eedit ko na lang once na matapos ko na itong libro, para naman makapag update na ako araw-araw, di kasi ako makapag-update need ko po siyang eedit e, kaya nakapagdesisyon akong eedit na lang 'yong mga typo wrong ko once na tapos ko na ito.

| 1
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Julianne Gonzalos
Ms. A bakit naka lock nayung chap 16?
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status