Share

A Wife For Revenge
A Wife For Revenge
Author: Daylan

Chapter 1

Araw ng kasal ko. Ikakasal ako sa lalaking minahal ko mula pagkabata kaya naman walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Naroon lahat sa loob ng simbahan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ako alapaap nang mga sandaling ito. Sabihin man ng ibang tao na OA ang reaksyon kong ito ay wala akong pakialam. Hindi naman nila alam ang mga pinagdaanan ko bago kami nauwi sa simbahan ng lalaking pakakasalan ko na walang iba kundi si Collin Dela Serna. Ang kapitbahay at minahal ko ng lihim simula pa pagkabata namin.

Suplado at aloof si Collin noon kaya hindi ko siya malapitan para makipag-kaibigan. Noong nagbinata siya at nagdalaga naman ako ay mas lalo lamang akong nawalan ng tsansa na makalapit sa kanya dahil maraming mga babae ang may gusto sa kanya sa school namin. Nanliliit ako sa sarili ko dahil kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay wala akong panama. Puro kasi magaganda, s***i, mestisa at matatalino pa. Eh ako, yaman lang ang meron. Maganda naman ako pero sa tingin ko ay mas maganda sa akin ang mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Pero nang magpakasal ang daddy niya at ang mommy ko three months ago ay doon kami nagsimulang nagkalapit ng loob hanggang sa niligawan niya ako. Pagkalipas lamang ng dalawang Linggong panliligaw sa akin ni Collin ay sinagot ko na siya agad. Bakit ko pa patatagalin ang panliligaw niya gayong mahal na mahal ko siya noon pa. Bakit pa ako magpapakipot, di ba? Saka mamaya magbago pa ang isip niya at hindi na niya ituloy ang panliligaw sa akin ay pagsisisihan ko pa.

Pagkalipas lamang ng dalawang Linggo bilang magkasintahan ay niyaya akong magpakasal ni Collin. Sa una'y nagulat ako siyempre. Hindi pa lang nagtatagal ang relasyon namin ay niyaya na niya agad akong magpakasal. Pero dahil mahal ko siya kaya agad akong pumayag na magpakasal sa kanya. Kaya heto at araw na ng kasal namin. 

"Nasaan na ba ang groom mo, Ann? Sampung minuto na siyang late. Bakit hanggang ngayon ay wala pa?" hindi napigilang tanong ng Tita Mildred ko, bunsong kapatid ng mommy ko. Umuwi pa ito mula sa France para lamang um-attend sa kasal ko.

"Matutuloy pa ba itong kasal mo, Ann? Baka naman nagsasayang lang kami ng oras dito tapos hindi pala sisipot ang mapapangasawa mo?" dagdag tanong naman ni Tita Azon, ang panganay na kapatid ng mommy ko. Sa dalawang kapatid ng mommy ko ay si Tita Azon ang pinakaiiwasan ko pati na rin ang mga anak niya. Mababa kasi ang tingin niya sa akin. Wala raw akong maipagmamalaki kundi puro ganda. Maganda lang daw kasi ako ngunit kulang daw sa utak. Palibhasa'y puro nasa top one ang mga anak nito kaya naman gano'n na lang kababa ang tingin niya sa akin. 

Mabait ang mommy ko kaya hindi nito pinapatulan ang nakatatandang kapatid. At sa tingin ko ay nagmana ako kay Mommy dahil nakakaya kong hindi patulan ang mga parunggit sa akin ng mga pinsan ko.

"Huwag po kayong mag-alala, Tita Mildred, Tita Azon. Sigurado po na darating si Collin. Baka na-traffic lamang po siya habang papunta rito," pagbibigay ko ng assurance sa mga tita ko. Tumango-tango si Tita Mildred samantalang napa-ismid si Tita Azon. Napailing na lamang ako sa iginawi niya. Sanay naman na kasi ako sa ugali niyang iyon.

"Baka naman nagbago na ang isip ni Collin at ayaw na niyang tumuloy sa pagpapakasal sa'yo," hindi rin padadaig sa pagiging negatibo ang panganay na anak ni Tita Azon na si Ate Pia. Matanda siya sa akin ng dalawang taon kaya in-ate ko siya.

"Nabagok ang ulo kaya biglang natauhan?" nakangising wika naman ng isa pang demonyitang anak ni Tita Azon na si Pam. Tinapunan niya ako ng nang-iinsultong ngiti.

"Stop it, Pia and Pam. Baka kayong dalawa ang hindi siputin ng mga lalaking pakakasalan ninyo dahil sa ugali ninyong iyan," galit na saway ni Tita Mildred sa mga pinsan ko. Biglang tumahimik naman ang dalawa matapos akong irapan.

Nagsimulang umugong ang bulong-bulungan sa loob ng simbahan nang makalipas ang limang minuto ay hindi pa rin dumating si Collin. Medyo nakaramdam na rin ako ng kaba. Hindi dahil nag-aalala ako na baka umatras na siya sa kasal namin kundi nag-aalala ako na baka may masamang nangyari na sa kanya. Hindi kasi ako naniniwala na magagawa akong hindi siputin ni Collin sa araw ng kasal namin.

"Huwag kang mag-alala at darating din ang anak ko, Ann. Hindi ka niya ipapahiya sa simbahan," pagbibigay assurance naman sa akin ni Tito Amado. Panay rin ang tingin nito sa suot na relo at mababanaag sa mukha ang pag-aalala sa anak.

"Alam ko po, Tito. Alam kong darating si Collin," nakangiting sagot ko sa kanya. Wala sa loob na napasulyap ako sa dalawang matatalik kong kaibigan. Ngumiti ako sa kanila para iparating sa kanila na okay lang ako. Nasa mukha kasi ng dalawa ang pag-aalala sa akin.

Sina Katrina at Jade ang dalawa kong matalik na mga kaibigan simula pa noong nasa elementarya pa lamang kami. Tutol sila sa biglaang pagpapakasal namin ni Collin. Ang sabi nila ay may hidden agenda raw ang binata kaya ako niyayang magpakasal agad. Baka raw gantihan lamang ako ni Collin. Hindi naman kasi lingid sa aming lahat na galit ito sa daddy nito at pati na rin sa mommy ko. Nagpakamatay kasi ang mama nito nang hiwalayan ito ng daddy ni Collin. Dahil do'n ay sinisi ng binata ang daddy nito at siyempre ang mommy ko. Ngunit noong ikinasal ang mommy ko at daddy nito ay um-attend naman ito at doon kami nagsimulang nagkalapit.

"Excuse me, Ms. Guiller. Sigurado ka bang darating ang groom mo? May isa pa kasi akong kasal na pupuntahan pagkatapos nito," hindi na nakatiis ang pari na hindi magtanong. Halos dalawampung minuto na kasing late ang kanyang groom.

Sa ginawang pagtatanong sa akin ng pari ay mas lalong umugong ang bulong-bulungan sa loob ng simbahan. Ang kanina'y matibay kong paniniwala na sisipot Collin sa kasal namin ay unti-unting rumupok. Hindi ko naiwasan ang pag-ulap ng aking mga mata.  Hindi mo ba talaga ako sisiputin sa araw ng kasal natin, Collin? Ginantihan mo nga lang ba talaga ako?

Lumunok ako para alisin ang tila kung anong bara sa aking lalamunan bago nagsalita. Mukhang hindi na talaga darating si Collin. Mas mabuting sabihin ko na lamang sa lahat para hindi na masayang ang oras ng mga taong um-attend sa kasal ko sanang ito.

"S-sa tingin ko'y h-hindi na p-po siya d-darating," hirap na hirap akong sambitin ang mga katagang iyon sa aking mga labi. Ang bigat ng pakiramdam ko nang mga sandaling ito. Gusto kong umatungal ng iyak pero pinigilan ko ang sarili ko na gawin iyon sa harapan ng mga bisita, ni Mommy at Tito Amado.

"Bakit kaya hindi sumipot sa kasal niya si Collin?"

"Nasayang lamang ang oras natin sa pagpunta rito."

"Makauwi na nga. Wala naman palang kasalang magaganap."

Ngayon ay hindi na lamang bulong-bulungan ang naririnig ko sa loob ng simbahan kundi talagang nag-uusap-usap na ang mga tao tungkol sa hindi pagsipot ni Collin sa kasal namin. Ang Mommy at Tito Amado ang nagsabi sa mga naroon sa loob ng simbahan na hindi na nga matutuloy ang kasal. Ang dalawa rin ang humingi ng despensa dahil nasayang lamang ang oras ng mga ito sa pagpunta roon tapos hindi pala matutuloy ang kasal. Hindi ko kasi magawang humarap sa mga taong nasa loob ng simbahan. Ayokong makita ang iba't ibang reaksyon sa kanilang mga mukha. Inis, simpatya, awa at ang mga nakangisi't tuwang-tuwa na hitsura nina Tita Mildred at ng dalawa kong pinsan.

Ang kanina'y puno ng mga tao na loob ng simbahan ngayon ay tanging ang mga kamag-anak, pamilya ko at ang dalawa kong matalik na kaibigan ang tanging natira sa loob. 

"Sabi ko na nga ba't hindi sisipot si Collin sa kasal mo, Ann," basag ni Pia sa katahimikanng paligid. 

"Shut up, Pia. Kung walang magandang salita na lalabas diyan sa bunganga mo ay mas mabuting itikom mo na lamang iyan," galit na sita ni Tita Mildred kay Pia. Natakot siguro ang pinsan ko kung kaya't bigla itong nanahimik.

"Sinayang n'yo lamang ang iginastos ko para sa kasal na ito na hindi naman pala natuloy," inis ang tinig na sabi naman ni Tita Azon. "Kung alam ko lang na hindi darating si Collin ay hindi na sana kami um-attend para hindi na kami nagsayang pa ng gastos."

"Tama na, Ate Azon! Puwede bang 'wag mo nang gatungan ang nararamdaman ng anak ko? Kung ang ginastos mo sa mga damit ninyo ang pinagpuputok ng butse mo ay 'wag kang mag-alala't babayaran ko ang mga ginastos mo manahimik ka lang," galit na wika ni Mommy sa kanyang natatandang kapatid. Sa unang pagkakataon ay nasaksihan kong nagalit ang mommy ko. Siguro iyon ang dahilan kung bakit biglang nanahimik si Tita Azon. Hindi nito inaasahan na marunong palang magalit ang napakabait nitong kapatid.

Nakikinig lamang ako sa usapan nila't hindi ko pa rin magawang humarap. Gusto kong umiyak ngunit hindi ko maintindihan kung bakit ayaw tumulo ang mga luha ko samantalang nasa mga mata ko na at kulang na lang ay pumatak. Napahawak ako sa d****b ko. Ang sakit, ang sakit ng puso ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nagawa akong indiyanin ni Colt sa araw ng kasal namin. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko sa aking mga pisngi ay ang malakas na sigaw mula sa bungad ng simbahan ng isa sa mga bisitang lalaki na um-attend sa kasal sana namin ni Colt.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status