Share

Chapter 5.1

"Mama! Mama! Gising na!"

Naalimpungatan si Amber dahil sa magaang sampal sa kanyang pisngi. Nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay bumungad  sa kanya ang tatlong taong gulang na batang lalaki. Comb over fade ang istilo ng gupit nito. Manipis lang ang itim na itim na buhok ng bata. Makinis at maputi ang balat nito. Unang tingin pa lang ay mahuhulaan na agad kung saang angkan ito kabilang dahil sa kulay kayumanggi nitong mga mata.

Anang sarili, kaygaling rin ni Dark Indigo, isa siyang walastik sharp shooter.

Kung mayroon man siyang pinagpapasalamat sa nangyari, iyon ay ang pagdating ni Hyde sa buhay niya. 

Galit siya sa ginawang pananamantala sa kanya ngunit kailanman ay hindi siya nagtanim ng galit sa bata.

Para sa kanya ay isang biyaya ang pagdating ni Hyde. Ito ang kanyang lakas, ito ang pinakamahalagang bahagi ng buhay niya.

Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Inaantok pa rin ang kanyang diwa. 

"Tulog muna tayo baby tutal day off ko naman."

Naramdaman niya ang paghila ng bata sa kanyang kamay.

"But Mama, we need to pack our things! The bad guys are outside the house."

Tila sa isang iglap ay nagising ang dugo ni Amber dahil sa narinig. Awtomatiko siyang napabalikwas ng bangon.

"Anong sabi mo?" Hindi niya naitago ang panlalaki ng mga mata.

"The bad guys are outside the house. They are looking for you."

Kung gano'n! Nasundan na naman sila?

"Dali na baby! Kunin mo 'yong mga importanteng gamit mo."  Bumaba siya ng kama at kinuha ang isang back pack. Pumunta siya sa kabinet at basta na lang ipinasok sa loob ng bag ang mga nadampot niyang gamit.

"My things are already on my bag, Ma. Ang tagal mo po kasi magising eh." 

Nilingon niya ang anak bago niya isara ang back pack.

"Good boy. Nasa'n ang uncle Tado mo?" 

Bago makasagot ang bata ay bumukas ang pinto ng kwarto nilang mag-ina. Iniluwa no'n ang kanyang hinahanap. Pumasok mula roon si Tadeo Miguero. May dala rin itong back pack.

"Tado! Nasundan na naman tayo."

"Oo, Miss. Kailangan nating makalabas agad. Naka-ready na ba ang mga gamit niyo?" 

Bago pa siya makaimik ay nakita na nito ang isang traveling bag na pinaglagyan ni Hyde ng kanyang gamit. Mabilis na lumapit si Tadeo at kinuha nito ang bag.  

"Tara na, Miss! Sa likod tayo dadaan." Akmang susunod na sila kay Tado nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril. 

"Hyde!" Mabilis niyang niyakap ang tatlong taong gulang na bata.

Awtomatiko ring napunta ang tingin niya kay Tado kasabay ng pagguhit ng gitla sa kanyang noo. 

"Bakit may barilan?"

"Hindi ko rin alam, Miss. Ang tanging nakita ko lang ay ang pagdating nila."

Sa loob ng apat na taong pagtatago nila at paglipat-lipat ng lugar ay ngayon lang naranasan ni Amber ang ganito. Madalas niyang makitang may dalang baril ang mga tao ni Dark Indigo ngunit ngayon lang humantong sa barilan.

Halos tatlong beses sa isang taon kung lumipat sila ng bahay dahil palagi silang natutunton ng mga tauhan ni Dark Indigo. 

Labis naman niyang pinagpapasalamat dahil sa nakalipas na apat na taon ay hindi sila iniwan ni Tado. 

Milyon na siguro ang utang niya sa lalaki dahil kahit minsan ay hindi siya nagbayad kahit singkong duling.

Muli silang nakarinig ng palitan ng putok kaya lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa anak.

"Mama, natatakot po ako. "

"Huwag mong pansinin 'yon, baby. Napalakas lang ang volume ng TV ng kapitbahay."

"Huwag kayong lalabas, Miss. Mas safe kayo rito. Titignan ko lang kung anong nangyayari sa labas."

Bago pa siya makaimik ay binitawan na ni  Tado ang bag at mabilis ang hakbang na tinungo ang pinto ng silid.

Muli pa silang nakarinig ng putok ng baril kaya naman napakubli na lang sila sa sulok at lalo niyang  hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang anak.

Ilang sandali pang nagpatuloy ang putukan ng baril hanggang sa unti-unting nawala.

Nabalot ng katahimikan ang paligid. 

Tapos na ba? Wala na ba ang mga tauhan ni Indigo?

Maya-maya lang ay  marahas na bumukas ang pinto ng kanilang silid.

Nang mapunta ang tingin niya roon ay bumungad sa kanya ang matangkad na lalaki. Undercut pa rin ang gupit nito pero wala na ang artipisyal na kulay. Tila nag-matured rin ang hitsura nito ngunit walang duda, kaykisig pa rin talaga ng lalaki. 

"Indigo." Hindi na niya napigilan ang pangingilid ng kanyang luha. Tila biglang bumalik ang takot na kanyang nadama noon.

Anang sarili, wala na! Game over na!

Dumating na ang araw na labis labis niyang kinatatakutan.

"I finally found you." Walang kaemo-emosyon ang kulay kayumanggi nitong mata habang nakatitig sa kanya.

Umiling-iling na lang si Amber kasabay ng patulo ng luha niya. 

"Stop your kind of game. Let's go home, now." 

"Pabayaan mo na lang kami, Indigo." Puno ng pagmamakaawa ang mga mata nito. "Hayaan mo na lang kaming mabuhay sa klase ng buhay na mayroon kami."

Nag-igting naman ang panga ng lalaki.

"Kung ayaw mong sumama. Isasama ko ang anak ko sa'kin." Inilang hakbang nito ang pagitan nila at marahas na inagaw ang bata sa kanya.

"Mama!"

"Parang awa mo na, Indigo. Huwag mong gawin sa'kin 'to." Lalo siyang napaiyak.

"Mama!" Iniabot ng bata ang kamay niya ngunit bago pa niya maabot iyon ay nailayo na siya ni Indigo.

Nilingon ng bata si Indigo. Kitang-kita ang pamumula ng mga mata nito dahil sa galit. 

"Let me go, pangit!"

Agad na napunta sa bata ang tingin ni Dark Indigo. Lumamlam ang mga mata nito.

"Sinong pangit, kiddo? Ako ba? Ako lang naman ang Daddy mo." Hindi naman siya tunog galit. Parang kaswal lang itong nakikipag-usap sa bata.

"Wala akong Daddy!" Kumawag-kawag ang kanyang anak. 

"Pwes ngayon, meron na."

Muli siyang tinapunan ng tingin ni Dark Indigo Villacorda. Nabura ang emosyon nito sa mata at nag-igting ang kanyang panga.

"Isasama ko ang anak natin, Amber. Na sa'yo na kung sasama ka o hindi."

"Ayoko sa'yo! Bad ka! I don't like you!" Pinagpapalo siya ni Hyde sa dibdib nito pero tila hindi naman iyon ininda ng lalaki.

"Mama!" Pumalahaw ng iyak ang bata nang magsimulang humakbang si Indigo paalis habang karga-karga ang bata.

"Hyde, baby." Tila kusang humakbang ang mga paa ni Amber pasunod sa kanyang mag-ama.

Nang makalabas sila ng bahay ay para siyang nawalan ng lakas sa nakita. Nakabulagta sa labas ang mga taong may tama ng mga baril. Kinilabutan siya nang makita niyang duguan ang mga ito. Naramdaman niya ang panginginig ng tuhod nang makilala niya ang ilan sa kanila, walang iba kundi ang ilan sa mga kapit-bahay nila.

Sa hitsura ng mga ito ay hindi maitatangging patay na ang mga ito.

Lalo tuloy tumindi ang galit na nadarama niya para kay Indigo Villacora.

Ngunit ang puot na kanyang nadarama ay napalitan  ng takot nang maalala niya si Hyde. Kaagad napunta ang kanyang tingin sa kanyang anak.

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag nang makitang tinakpan ni Indigo ang mata ng bata gamit ang kamay nito.

Iginala niya ang paningin at pilit hinanap kung nasa'n si Tado.

Hindi niya maiwasan ang mag-alala sa maaaring sinapit ng lalaki.

Nang makapasok siya sa loob ng Van ay kaagad iyong isinara ng tauhan ng lalaki. Noon na rin pinakawalan ni Indigo ang bata. Mabilis naman lumapit sa kanya ang anak at niyakap ito. 

"Let's talk about our son, Amber." Mahinahon na ang tinig nito. 

Hindi siya umimik. Nanatili lang siyang nakayakap sa anak habang hinahagod ang likod ng bata.

"He will have what he deserved. Walang bastardo sa pamilya namin. Ibibigay ko sa kanya ang apelyido ko." 

Hindi pa rin kumibo ang babae. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin. 

"Whether you like or not! We will get married."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status