Share

Chapter 6.2

Author: amvernheart
last update Last Updated: 2021-12-12 23:58:04

Nang lumabas ng banyo si Amber ay tanging si Indigo na lang ang nadatnan niya sa loob ng silid. May kausap ito sa telepono ngunit kaagad rin itong nagpaalam sa kausap nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. 

Anang isip ng dalaga, mabuti na lang pala at naisip niyang sa loob na lang ng banyo magbihis. 

Pinili niyang isuot ang isang kulay dark blue na wrap around dress na hanggang tuhod ang haba. 

Awtomatikong lumingon sa kanya si Indigo. Nang magsimula siyang humakbang ay sinundan siya nito ng tingin ngunit hindi niya ito pinansin. Sa halip ay dumeretso siya sa harap ng vanity mirror at pinanood ang kanyang sariling repleksyon habang nagpupunas ng buhok.

Sandaling namayani ang katahimikan. 

Nang hindi na nakatiis ang lalaki ay tumikhim ito upang kunin ang kanyang atensiyon.

"Gamutin natin 'yang sugat mo, Amber."

"Hindi na kailangang gamutin 'to. Maliit na gasgas lang 'to." Malamig na turan niya.

Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Sa halip ay sinuklay nito ang buhok niyang hanggang siko ang haba.

"Kahit cold compress na lang para hindi na mamaga 'yong pisngi mo."

Naramdan niya ang paglapit nito. May dala itong cold compress bag na kanina pa niya inihanda.

Hinarap siya si Amber at pilit itinago ang kumukulo niyang dugo sa lalaki. 

"Akin na." Walang itong kangiti-ngiting inilahad ang kanyang kamay.

"Pwede bang ako na lang ang gumawa?"

"Kaya ko na, Indigo. May mga kamay naman ako." Wala nang nagawa ang lalaki nang hablutin nito ang hawak niya.

Napabuntong-hininga na lamang si Indigo nang muli itong tumalikod at humarap sa salamin.

Pinanood na lang niya ang babae habang marahang dinadampi ang cold compress sa kanyang pisngi.

"Ahm, about the wedding, what do you want? Church wedding, garden or beach wedding?"

"Kahit ano, basta huwag lang garden wedding."

Marahan siyang tumango kahit nakatalikod sa kanya ang babae.

"Ayoko ring makakakita ng bulaklak sa araw ng kasal."

Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha nito. Ang alam kasi niya ang gustong-gusto nito dati ng bulaklak. Alam niyang mahilig ito sa pag-aalaga ng halamang namumulaklak.

"I hate flowers," sunod nitong turan bago pa siya makapagtanong.

"What about the motif?"

"Ikaw na ang bahalang magdesisyon." Nahimigan niya sa tono nito ang iritasyon  gayunpaman ay pinilit pa rin niyang maging kalmante.

"Moss green and white, is it okay with you?" 

Sandali siya nitong binalingan ng tingin, hindi tuloy nakaligtas sa paningin niya ang pagtikwas ng kilay nito.

"Sinabi ko na ngang ikaw na ang bahala, di ba!"

"Okay. Moss green and white for the motif." Nanatili siyang mahinahon. "Sa mga abay, may gusto ka bang isama?"

Noon na siya hinarap ni Amber. Kitang-kita rin niya ang paglamlam ng mga mata nito.

"Si Missy ang gusto kong bridesmaid."

Ngunit maya-maya lang ay muling nawala ang emosyon nito sa kanyang mga mata

"Iyon lang ang gusto ko. Sa ibang details, ikaw na ang bahala. Huwag kang tanong ng tanong, nakakairita."

Nakaramdam siya ng paghapdi sa dibdib sa inasta nito. Malinaw na ngayon sa kanya, napipilitan lang itong pakasalan siya.

Bago pa niya maisatinig ang kanyang sentimiyento ay pinigil siya ng tatlong katok sa pintuan.

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto. Iniluwa no'n si Dindi.

"Sorry po sa istorbo. Pinapatawag po kayo ni Master Gabriel. Nakahanda na po ang hapunan."

"Susunod kami." Mahinahon niyang sagot sa katulong. Yumukod naman ito bago sila iwan.

Hindi naman naiwasan ni Amber ang mapakunot-noo dahil sa hindi pamilyar na pangalang narinig. Bagay na napansin naman ni Dark Indigo.

"It's my dad. He wants to discuss about the wedding."

Bumalatay naman ang pagkabahala sa mukha ng babae.

Ginagap ni Indigo ang kanyang kamay. Nabigla siya sa ginawa nito. Tinangka niyang bawiin ang kanyang kamay pero lalo namang humigpit ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki.

"Don't worry, napakabait ng Daddy ko. She knows about you and our son. He will be happy to finally meet you."

Tumikhim ang babae upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan.

"Baka matapobre 'yon, hah? Hindi ko bagay ang inaapi-api. Hindi pang Damsel in distress ang kagandahan ko."

Hindi napigil ni Indigo ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang labi. Aniya sa isip, gano'n magsalita ang Amber Velez na kilala niya.

"Mabait ang Daddy ko, Amber. At kung sakali mang gawin nila sa'yo 'yon, ipagtatanggol kita."

"Tsk! Kay landi mong nilalang." Nag-ikot ito ng mata. "Eh ang mommy mo?"

Bumalatay naman ang lungkot sa mga mata ni Indigo.

"She's already in heaven. Namatay siya sa panganganak sa kapatid ko."

Tila naman natigilan si Amber sa narinig.

"Pasensya na, natanong ko pa." Nag-iwas ito ng tingin upang maitago ang nadama niyang awa para sa lalaki.

"It's okay."

 

Nang hindi na umimik ang babae ay marahan niya itong hinila palabas ng silid.

"C'mon, dad is waiting for us."

Napatianod na lang si Amber. Aniya sa sarili, pansamantala na muna niyang isasantabi ang galit sa lalaki. 

Hinayaan niyang hawak nito ang kanyang nanlalamig na kamay hanggang sa makarating sila sa dining area.

Hindi pa man nila tanaw ang mesa ay bumungad na sa kanila ang malutong  na halakhak ng isang lalaki.

Kitang-kita naman ni Amber ang pagguhit ng ngiti sa labi ni Indigo.

Nang tuluyan silang makarating sa mesa ay bumungad sa kanila ang isang lalaking marahil ay nasa late fifties na ang edad. Kita na ang ilang puti sa buhok nito. Gayunman ay hindi pa rin maikakaila ang kakisigan nito dahil sa aristokrado nitong ilong. Malawak ang ngiti nito, nagniningning ang mga mata nito habang nakatuon ang atensiyon nito kay Hyde na may hawak-hawak na hotdog. Halatang bagong paligo ang bata dahil basa pa ang buhok nito. Mukhang bago rin ang suot nitong kulay light blue na damit pantulog.

"Dad." 

Kaagad naman itong lumingon sa direksyon na kinatatayuan nila.

"Son." Ngumiti ito nang makita si Indigo. Maya-maya lang ay napunta ang tingin nito sa kanyang kasama.  "Ito na ba ang future daughter in law ko?" 

"Yes, dad." Marahang tumango si Dark Indigo.

"She's Amber, dad." Bumaling ito sa babae pagkatapos. "Amber, he's my father, Gabriel Villacorda."

" Nice to finally meet you, Hija."  Magiliw ang tono ng Ginoo. Malawak ang ngiti nito at hindi nawala ang kinang sa mga mata nito. "Noon ka ba bukam-bibig nitong anak ko. And now, I understand why, you are naturally gorgeous."

"Thank you po."

"No, thank you." Bumaling ito sa batang abala sa pagkain. "I never thought that being a grandfather is not that bad. Hyde is such an adorable kid."

Tipid na ngiti na lang ang naisukli niya kay Gabriel Villacorda sa tinuran nito. Wala siyang maapuhap na salita, buong akala niya ay mamaliitin siya ng pamilya ni Indigo dahil sa estado nito sa buhay.

"Oh, please take your seat. Lumalamig na ang pagkain."

Ipinaghila siya ni Indigo ng upuan. Nang umupo ang lalaki sa katabi niyang upuan ay umupo na rin siya.

Tuluyan nang nawala ang pagkailang niya nang makita niya kung paano asikasuhin ng matandang Villacorda ang kanyang anak na si Hyde. Ang bata naman ay tila palagay na ang loob nito sa kanya. 

"Dad, gusto kong gawin kung anong tama para sa mag-ina ko." Kaagad namang lumingon si Grabriel Villacorda sa kanyang panganay. "Dad, I want to marry, Amber."

Tumango-tango naman ang Ginoo.

"Everything about the wedding is already planned. My people are already working for it."

"I should tell my amigos about it." 

"About that, dad. I want a limited guest. Families and close friends are enough. I want the wedding to be private and intimate."

Pinagsalikop ng matanda ang kanyang mga kamay at sumeryoso ang mukha nito.

"Hindi naman yata ako papayag na simple lang ang kasal ng panganay ko."

"Don't worry, Dad, we can do that on our second wedding. Gusto ko lang talagang madaliin ang kasal para maibigay ko na ang apelyido ko sa anak ko."

Sandaling tinapunan ng Ginoo ang apo nito.

"Alright. But how about  your grandfather?"

"Malabo pong makapunta si Grandfa, dad dahil sa health condition niya." 

"That's what I'm thinking, Hijo."

"Pwede siguro kaming magpakasal ulit sa Spain para kay Grandfa, dad. I already told him about it. Naiintindihan naman po niya ako."

"Alright. If that's the case then it's settled. So, kailan ninyo gustong magpakasal?"

Nilingon siya ni Indigo bago ito magsalita. Alam na niyang mangyayari ang kasal sa pinakamadaling panahon ngunit hindi nito inasahan  ang kanyang naging sagot.

"The wedding will be tomorrow, Dad."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Little Trophy    Special Chapter- The untold meeting of Ashton and Hyde

    Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p

  • My Little Trophy    Epilogue

    Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum

  • My Little Trophy    Chapter 48.3

    Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n

  • My Little Trophy    Chapter 48.2

    Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak

  • My Little Trophy    Chapter 48.1

    Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n

  • My Little Trophy    Chapter 47.2

    Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status