"Are you okay?" Untag sa kanya ni Gabriel Villacorda. Marahil ay napansin nitong, hindi mapakali ang kanyang mga kamay.
"Yes, Dad." Pinilit na lamang niyang ngitian ito.
Iginala ni Dark Indigo ang paningin sa loob upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kaba.
Hiling niya, sana ay magustuhan ng babae ang disenyo ng lugar. Kung sa kanya naman ay pasado sa panlasa niya ang ginawa ng event organizer.
Sa pinakagitnang bahagi ng lugar ay nakasabit ang malaking chandelier. May palamuti ring tela sa taas kung saan nakasabit ang mga kulay moss green na paper lanters. Sa ibang bahagi naman ay nakasabit ang tila natuhog na mga crystal beads at LED lights.
Maging ang mga upuan ng mga bisita ay nilagyan ng dekorasyon. May disenyong kulay puting artipisyal na balahibo sa sandalan ng mga upuan. Malalaki iyon na mas mahaba lang ng kaunti sa sandalan.
Malawak ang area pero limitado lamang ang guest. Mahigit singkwenta lang ang okupado sa isang daang upuan na inilaan sa mga bisita.
May mga potted plants sa loob na pandagdag disenyo pero gaya ng request ng dalaga ay walang kahit anumang presensya ng bulaklak. Maging ang arko sa loob ay gawa sa twigs na dinesenyuhan ng LED lights na may puti at berdeng ilaw.
Kitang-kita sa lugar ang theme na white at moss green. Ang mga abay ay pawang nakasuot ng kulay moss green. Maging ang mga bisita ay nakasuot ng something green. Samantalang ang siya naman ay nakasuot ng all white three piece suit.
"Relax, Hijo. Hindi ka tatakbuhan ng bride mo." Nakatawang tinapik siya ng kanyang ama sa balikat.
Pinilit na lamang niyang suklian ulit iyon ng ngiti. Aniya sa isip, kung alam lamang nito ay totoo ay tiyak na hindi nitong magagawang magbiro.
Dumagdag pa sa kaba niya na wala sa loob ang kanilang anak na si Hyde. Bago pa kasi sila makarating sa function hall ay nakatulog na ito kaya naman dinala na lamang ito ni Dindi kwartong tinuluyan nila.
Naprapraning tuloy siya na baka takasan siya ulit ni Amber.
Nagbuga ng hangin si Dark Indigo upang kalmahin ang kanyang sarili.
Nang unting-unting bumukas ay pinto ay hindi na niya napigilan ang pagsilay ng ngiti kahit tila nabibingi na siya sa malakas tibok ng kanyang puso.
Pumailanlang ang awiting pangkasal kasabay ng paghakbang ni Amber sa kanyang mga paa.
Tila isa itong modelo sa suot niyang trumpet wedding gown. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito. Backless ang istilo ng gown kaya naman lalong na-emphasized ang balingkinitan nitong pangangatawan. Gayunpaman ay sakto lang ang baba ng neckline nito kaya hindi ito naging malaswa sa paningin.
Gawa ang gown sa sheer lace na may disenyong white beads at gems na nagpa-elegante sa hitsura ng kasuotan.
Bumagay sa damit ang hawak niyang pearl boquet na dinesenyuhan ng white feathers na tila nagsilbing dahon ng mga perlas na pinagsama-sama upang makabuo ng katamtamang laki ng bilog.
Habang palapit sa kanya ang babae ay lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso.
Hindi niya inaasahang darating ang araw na ito.
Ang araw na pangarap lamang niya noon.Nang tuluyang makalapit sa kanya si Amber ay kitang-kita niya ang walang emosyon nitong mga mata. Walang itong kangiti-ngiti. Gayunpaamn ay hindi no'n nabawasan ang ligayang nadarama ni Indigo para sa espesyal na okasyong kasalukuyang nagaganap.
Hindi nagbago ang pormal na expression ng dalaga kahit nang hawakan niya ang mga kamay nito.
Tila naging mabilis ang takbo ng sumunod na pangyayari. Namalayan na lang ni Indigo na nasa bahagi na sila ng exchange of vows.
"Dark Indigo, do you solemnly promise before the Almighty God and all the people gathered here today that you will love Amber, respect her, comfort her and honor her all the days of your life?"
Ngumiti siya at binigyan ng sinserong tingin ang babaeng natatakpan ng puting belo ang mukha.
"With all my heart, I do."
Tila naman hindi iyon pinansin ng babae.
"Amber, do you solemnly promise before the Almighty God and all the people gathered here today that you will love Dark Indigo, respect him, comfort him and honor him all the days of your life?"
Sandaling namayani ang katahimikan.
Tila naman naramdaman ni Indigo ng kirot at kaba sa dibdib.
"Amber." Untag niya rito.
"I do." Walang kaemo-emosyong sagot nito.
Gayunman ay hindi inaalis ni Indigo ang masuyo niyang tingin sa kanya.
"Do you Dark Indigo, take Amber to be your wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to cherish with never ending love and faithfulness, 'till death do you part?"
"I do. I will always do." Binigyan niya ang dalaga ng sinserong tingin.
"Do you Amber, take Dark Indigo to be your husband, to have and to hold from this day forward, for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to cherish with neverending love and faithfulness, 'till death do you part?""I do." Kaagad naman itong sumagot ngunit tila mas malamig pa ito sa yelo.
Gumuhit ang munting ngiti sa labi ng Pastor.
"Indigo and Amber." Sandali itong bumaling sa kanilang dalawa. "You may now, share your personal vows with each other."
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ng babae upang makuha ang atensiyon nito.
"Amber, I know, hindi mo na natatandaan ang first meeting natin. I understand, you we're very young that time. You we're just fourteen."
Kitang-kita naman niya ang pagsasalubong ng kilay nito kahit may suot itong belo.
"It's like fairytale, I got into trouble, medyo nakakahiya lang dahil ikaw 'yong knight. Napakatapang mo noon. Natakot tuloy ako na pormahan ka kasi baka hindi ako pumasa sa'yo. Pero sa totoo lang, nanghinayang ako sa time na nasayang. Sayang dahil hindi tayo nagkaroon ng chance na makilala ang isa't-isa bago kayo lumipat ng tirahan. But from that day, I became an admirer of yours. Hinanap kita and I'm glad that I found you. At ngayong dumating ang araw na 'to na pangarap ko lang noon, hindi ko ito sasayangin. I will prove to you that I deserve you. I promise to fulfill my vows until forever. I love you so much."
"Indigo.." Anas nito. Kitang-kita niya ang paglambot ng expression nito.
Muling bumuka ang bibig nito ngunit hindi na naituloy ni Amber ang sasabihin niya nang umalingawngaw ang isang putok ng baril.
Naalarma ang mga guest sa loob.
Bago siya makahuma ay marahas na bumukas ang pinto ng function room.
Kitang-kita niya roon ang pagpasok ng lalaking matangkad. Matipuno rin ang pangangatawan nito. Nakasuot ito ng itim na polo na nakatupi ang manggas hanggang sa kanyang siko.
Kitang-kita rin niya nang muli nitong itaas ang baril at kalabitin ang gatilyo.
Sunod na umalingawngaw ang mala-kulog nitong boses.
"Stop this bullshit wedding!"
Hello, everyone! Bilang pasasalamat sa inyong pagtangkilik sa My Little Trophy, handog ko sa inyo ang special chapter na ito. Special dedication to Sally Aragon Llanillo, Victor Borja, Saima Bunka, Mar Formentera Ostria, Jamleedar Pautin Daromimbang, Ronel Derama, Nieves Gawat Juvy, Analiza Monterey, Fel, Pring Ogra at Flory Tamtam. ---------------------------------------- "Tatay Tado, saan po tayo pupunta? Baka po hanapin ako ng mama ko." Nakangusong niyugyog ni Hyde ang kamay ni Tadeo na hawak-hawak niya upang makuha ang atensiyon nito. Kaagad naman siyang nilingon nito ngunit hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad. "Sandali lang naman tayo eh." Tila balewalang turan nito. Lalo namang napanguso si Hyde. "Baka magalit ang mama ko." Ungot niya na muling niyugyog ang kamay ni Tadeo. Huminto naman ang lalaki sa paglalakad at saka hinarap ang bata. "Huwag kang mag-alala, sagot kita." Lalo namang humaba ang nguso ng tatlong taong gulang na si Hyde. "Eh saan po ba kasi tayo p
Iginala ni Ashton Blumentrint ang tingin sa loob ng mausoleo. Nasa five by five meters ang lawak nito. Gawa sa kulay itim na marmol ang sahig. Sa pinakadulo ay makikita ang isang nitso. Sa magkabilang gilid nito ay makikita ang rebulto ng dalawang anghel. Gawa sa salamin ang magkabilaang dingding nito dahilan upang makita ang namumukadkad na mga bulaklak na nasa labas. Nagsimulang humakbang palapit si Ashton patungo sa libingan. At habang papalapit siya ng papalapit ay tila tumitindi ang kirot sa puso na kanyang nadarama. "We missed you so much our beloved." Mabigat ang dibdib ni Ashton na ipinatong ang isang bungkos ng puting chrysanthemums sa lapida ng kanyang minamahal. "I'm so sorry." Mahinang usal niya, puno iyon ng sinseridad. Kaagad rin niyang naramdaman ang paghapdi ng kanyang mga mata. "I am very sorry, kasalanan ko ang lahat ng 'to." Tila naluluha niyang turan. Nagpakawala siya ng hangin upang gumaan ang bigat ng dibdib na kanyang nadarama. Sandali ring siyang tum
Mahigpit na hinawakan ni Ashton ang kamay ni Amber. "Please stay awake, Amber. Be strong for us." Lumuluhang dinampian ni Ashton ng halik ang likod ng kamay ng kanyang misis. "A-Ashton."Naghihina at hirap na hirap na saad ni Amber. " Ang m-mga ba-ta" "They are very safe, my beloved. Don't worry about them, okay?" Mahinang umungol si Amber bilang tugon. Lalo namang umusbong ang pag-aalala ni Ashton. "Drive even faster, Tadeo. Masyado nang maraming dugo ang nawala sa asawa ko." "Opo, master." Nang muling ibalik ni Ashton ang tingin sa kanyang misis nagtama ang kanilang mga mata. "A-Ashton." Kitang-kita ni Ashton Blumentrint ang panunubig ng mga mata nito. "Ma-hal k-kita, tanders. Ma-hal n-na m-ma-hal." Lalo namang naluha si Ashton gayunpaman ay pinilit pa rin niyang magsalita. "If you love me, fight, Amber. Malapit na tayo sa hospital kaya kapit ka lang, okay?" Hindi umumik ang kanyang misis, sa halip ay ipinikit nito ang kanyang mga mata. Kitang-kita ang paghihirap n
Nang bumaling si Amber sa kanyang mister ay nakita niyang sapo-sapo nito ang kanyang balikat. Lalong nag-alala si Amber nang makita niya ang pag-agos ng dugo mula roon. "Ashton!" Mangiyak-ngiyak siyang humawak sa balikat ng kanyang mister. "I'm alright, my beloved." Hinawakan naman ng isang kamay ni Ashton ang kamay ni Amber na nasa kanyang balikat at saka marahang pinisil iyon "Ang sweet." Mapaklang turan ni Dindi dahilan upang pareho silang mapatingin sa kanya. "Pero sayang dahil malapit nang magwakas ang kwento niyo. At sisiguraduhin kong magtatapos iyon sa trahedya!" Mariing saad nito habang matalim ang titig sa kanila. "Please don't do that, Dindi." Puno ng sinseridad na turan ni Ashton ngunit hindi naman siya pinakinggan ng babae. Sandaling dumako ang tingin nito kay Amber, unti-unti ring gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago nito ibalik ang tingin kay Ashton. "Buong akala ko noon, si Amber na ang magiging daan upang maisakatuparan ko ang paghihiganti ko. Buong ak
Pinagpawisan ng malapot si Amber. Matapos niyang marinig ang usapan sa cellphone nina Dindi at ang kanyang mister ay wala siyang sinayang na sandali. Mabilis niyang tinungo ang pintuan ng sala. Ngunit gano'n na lamang ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang hindi niya mapihit ang doorknob. "Saan ka pupunta, Lady? Gabi na po para lumabas ka pa." Tila tumigil ang ikot ng kanyang mundo sa narinig. Gayunpaman ay pilit niyang kinalma ang kanyang sarili bago niya hinarap ang katulong. Pinilit niyang ngumiti upang huwag itong makahalata. "Gusto ko sanang magpahangin." Hindi naman umimik si Dindi. Nanatili lamang itong nakatitig sa kanya. "Buryong-buryo na kasi ako sa loob eh. Gusto ko sana magpahangin at mag-star gazing." Pinilit lawakan ni Amber ang kanyang ngiti ngunit nanatili namang seryoso ang mukha ng babae. "Sana tinawag mo ako, Lady." Hindi naman nabura ang pekeng ngiti sa labi ni Amber kahit tila sasabog na ang puso niya sa lakas ng kabog nito. "Akala ko kasi tulog ka n
Walang sinayang na sandali si Ashton Blumentrint. Kahit tila naghihina siya sa natuklasan ay pinilit niyang magpakatatag. Aniya, walang mangyayari kung hindi siya kumilos. Kaagad niyang inayos ang camera na gagamitin niya sa kanyang live video sa iba't-ibang social media sites. Sa kabilang panig, napaayos naman ng upo si Dindi sa kanyang nakita sa screen ng kanyang cellphone. Blumentrint Villacorda is live. Makikita sa video ang nakaupong si Ashton sa kanyang swivel chair. Bagama't limitadong parte lamang ng lugar ang makikita sa video ay makukuhalang nasa loob siya ng study roon o opisina. Makikita ang magulo nitong buhok at nangingitim na ilalim ng mata, tanda na wala itong matinong tulog. "Hello, everyone. I know that most of you knows me. Pero magpapakilala pa rin ako. I am Ashton Blumetrint Villacorda, ang bunsong anak ni Flacido Villacorda. I am also the owner of ABV Empire. I know, I have my name in the business industry but today I wanna stoop down and sincerely give my ap