Chapter 4 (Part 1)

"Shianna! Let's talk! Don't ignore me!"

Patuloy akong naglakad palayo habang hindi pinapansin si Mom na nagmamadaling sinusundan ako.

"Shianna!" Marahas akong napaharap sa kan'ya nang nagawa niyang hablutin ang braso ko. Malamig ko siyang tiningnan dahilan upang agad niyang mabitawan ang aking braso.

"What, Mom?" Sarkastiko akong ngumiti at humakbang papalapit sa kan'ya. Bahagyang nanlaki ang kan'yang mga mata at umatras. "Ano ang gusto mong pag-usapan natin? At may dapat pa ba tayong pag-usapan?"

Matagal akong tinitigan ni Mom at maya-maya ay pagak siyang natawa.

"Nagbago ka na..."

Huminga ako nang malalim at akmang magsasalita nang mapansin ang aking stepdad na tumatakbo papalapit sa amin. Blanko ko siyang tiningnan at agad siyang huminto sa pagtakbo.

"Honey." Hinihingal siyang lumapit kay Mom at nang hinarap niya ako ay seryoso na ang kan'yang mukha.

"I can't believe that you made your mom chase you. Gan'yan ka na ba kawalang-respeto, Shianna Viacera?"

"Wow." Napakurap ako at tinanaw ang mga nakikiusyosong guest sa malayo. Ang mga reporter ay nais lumapit ngunit hindi nila magawa dahil sa mga ilang guard na pumipigil sa kanila.

"Hindi ko alam na ako pala ang taong walang respeto rito, Dad," diniinan ko ang aking pagkakabigkas sa pagtawag ko sa kan'ya dahilan upang saglit siyang matigilan. Paniguradong tulad ko ay naalala niya rin ang kasalanang ginawa niya noong nabubuhay pa ang ama ko.

Bumuga ako ng hangin habang pilit na hinahabaan ang aking pasensya. Binalingan ko muli ang ilang guests at sa huli ay napabuntong-hininga na lamang.

"The main event will start soon." Tiningnan ko si Mom at mapaklang ngumiti. "Enjoy this party, Mom. Don't worry, alam kong na-miss mo ako. Isa kang... mabuting ina, hindi ba?" Saglit na dumilim ang aking mukha bago nagpasyang tuluyan silang talikuran.

"Shianna!" Patuloy akong naglakad palayo at hindi na muling pinansin ang pagtawag ng aking ina. At nang makalapit ako sa mga guest ay sakto ring nagsalita ang emcee ng party na ito.

"And now! The moment everyone is waiting for has finally started! Everyone, please give yourself a round of applause as we begin to welcome the families who attended the grand opening of Kalinga Charity!"

"Miss Shian, are you ready?" Lumapit sa akin si Cayer at pumuwesto sa aking tabi.

"I am always ready, Cayer." Sarkastiko akong ngumiti at saka pinanood ang mga taong nagpapalakpakan. Tumama sa akin ang flash ng mga camera dahilan upang malusaw ang aking ngiti. Nilingon ko ang press ngunit ibang tao ang nakaagaw ng aking atensyon. Saglit akong natigilan at agad na nag-iwas ng tingin.

Shit. Si Vincent.

"And as we begin! I will announce the persons who decided to participate the competition in the parents or head section. And again, to inform everyone, Kalinga Charity is a big project created by the heads of families and clans! And to give the children the love and care they were wishing for—the families involve decided to hold a competition."

"A competition, huh?" Humalukipkip ako at tumingin sa ibang mga direksyon upang hindi matawa.

This charity... hindi ito nabuo dahil lamang sa kabutihan ng mga mayayamang pamilya.

Nabuo ang charity na ito upang ipakita na maganda ang reputasyon ng bawat pamilya. Na maayos ang relasyon ng bawat isa... kahit na ang totoo ay hindi magkakasundo ang bawat isa.

"This competition is divided into many sections. For example, anyone who wants to become the head of Kalinga Charity shall compete in the parents section. Meanwhile, the others who just want a spot in the charity will compete in the other sections such as: aunt, uncle, cousin, siblings, and etcetera.

"However," pagpapatuloy ng emcee. "Every spot holds a big responsibility. If someone wins in the parents section and become the Kalinga Charity Head, he or she shall take care of the orphans responsibly."

"We understand that!" natatawang sigaw ng isang tipsy na lalaki at itinaas nito ang hawak na wine. "Why don't we directly go to the moment everyone is waiting for?"

"Mmm." Tumikhim ang emcee at bumaling sa hawak niyang card. "Well then. Let's start calling the families!"

"Cayer." Bahagya akong lumapit sa kan'ya upang makabulong. "Ang mga bata?" tukoy ko sa mga anak ko.

"Kasama nila ang iba pang mga bata." Pormal na tumindig si Cayer nang mapansin na nasa amin pa rin ang atensyon ng karamihan.

"Good." May dumaan sa aming waiter na may dalang mga wine kaya dumampot ako ng isa mula rito. Sumimsim ako sa wine at mapanuring pinagmasdan ang paligid.

"Parang may mali..." Bahagyang naningkit ang aking mga mata. "Ang mga guard... kaunti lamang ba talaga sila?"

"Napansin ko rin iyan, Miss Shian." Sumeryoso ang mukha ni Cayer at palihim na pinagmasdan ang mga tao. "Should we retreat?"

"Send the kids home."

Nagsimula na ang emcee sa pagtawag sa pangalan ng mga pamilyang kasali sa kompetisyon kaya naglakad na ako patungo sa unahan ng mga guest. Samantala, si Cayer naman ay kinuha ang aking wineglass at naglakad patungo sa ibang direksyon.

"From the family of Valderama, we have Owen who is included in the parents section. Everyone, please give him a round of applause!"

Naglakad patungo sa engrandeng pintuan ang isang morenong lalaki na nakasuot ng black suit and tie. Agad kong napansin ang kan'yang mapanuring mga mata nang aksidenteng mapatingin siya sa akin. He smirked and I immediately raised a brow.

What the hell?

Nagtawag pa muli ang emcee at ang mga taong nababanggit ay pumapasok sa isang engrandeng building habang may isang mapang-asar na ngiti sa mga labi. Kung sa iba ay isang normal na ngiti lamang ang mga ito... Puwes, sa aming matagal nang kilala ang isa't isa ay batid na kung anong ngiti ang iginagawad ng bawat taong nababanggit ng emcee.

"And now! From the Viacera Clan, we have—" Tiningnan ng emcee ang kan'yang hawak na card at agad na nalukot ang kan'yang mukha nang may mapansin dito.

"I-It's blank?" Tiningnan pa muli ng emcee ang kan'yang card ngunit nabigo lamang siyang makahanap ng isang pangalan.

"Uhm." Nag-angat siya ng tingin at akmang magbabanggit ng ibang pamilya nang magsimula akong maglakad patungo sa harapan ng lahat.

"Nakalimutan mo na yata ako, ginoo." Huminto ako sa paghakbang at matamis na ngumiti. "Tell me, hindi ba ako welcome sa lugar na ito?"

"Miss Shianna." Nadinig sa buong lugar ang malalim na paglunok ng emcee. At dahil doon, tuluyan nang nagsimula ang panibagong bulungan ng mga tao.

"Sasali siya sa competition?"

"That's absurd."

"Alam na ba ito ng angkan niya?"

"Probably not. Wala rin sila rito. I don't think na a-attend pa sila sa party."

"Seriously?!" Isang babae ang naglakas-loob na lapitan ako. Agad ko siyang nakilala dahil nagmula siya sa isang makapangyarihang pamilya. "Stop ruining the show, Shianna! Hindi ka welcome rito!"

"Chanel, long time no see. Na-miss mo ba ako?" Mapang-asar ko siyang nginitian dahilan upang manlaki ang kan'yang mga mata sa galit.

"Y-You!" Akmang sasampalin niya ako nang biglang may nagsalita. Sabay kaming napalingon sa lalaking kaswal na naglalakad habang napapaligiran ng maraming bodyguards. Kasama niya ang kan'yang dalawang kapatid na babae na nasa kan'yang magkabilang gilid. Blankong tumingin sa akin ang dalawa niyang kapatid habang kaswal na naglalakad. Ang kanilang suot na dark blue night gown ay halos sumayad sa lupa. Nakalugay ang mahabang buhok ng bunso habang ang nakakatandang kapatid naman nito ay malinis na nakapusod ang makintab at itim na buhok. Bakas ang pagiging istrikto sa mukha at mga mata nito. Ang kan'yang nude color lipstick ay bumagay sa kan'ya. Samantala, bumagay naman ang red lipstick sa babaeng nakalugay ang buhok.

"Seriously? Bullying someone in a charity event?" Nakapamulsang tumingin sa akin si Vincent at sunod ay tiningnan niya si Chanel. Ngunit bago niya inalis ang kan'yang mga mata sa akin ay hindi nakatakas sa aking paningin ang palihim niyang pagngiti.

Isang ngiti na nang-aasar. Isang ngiti na nagpapakita ng pagiging arogante.

"V-Vincent, don't meddle with us." Napalunok si Chanel at napaatras nang makitang mabagal na naglakad si Vincent papalapit sa amin. Sunod-sunod siyang napalunok at bahagyang kumunot ang aking noo nang mapansin ang mga butil ng pawis na namumuo sa kan'yang noo.

Lubha bang nakakatakot si Vincent?

"Hmmm." Huminto si Vincent sa harapan naming dalawa ni Chanel at pinilig niya ang kan'yang ulo upang sipatin ako. Halos magsalubong ang mga kilay ko kung hindi lamang naagaw ng tattoo sa kan'yang leeg ang aking atensyon.

"Fine! You're lucky, Shianna! Nandito si Vincent upang awatin ako. Kundi—sa hospital ang kababagsakan mo." Napakurap ako dahil sa huling sinabi ni Chanel at maang ko siya na pinanood na maglakad palayo.

Seriously? Sa hospital talaga ang kababagsakan ko?

Dapat na ba akong matakot?

"So you've come here just to ruin the show, Shianna." Napatingin muli ako kay Vincent at saktong tumama ang aking paningin sa kan'yang dragon na tattoo. Napansin niya ang aking pagtitig dahilan upang bahagyang tumaas ang kan'yang kilay.

"Done checking me?" He smirked and he offered his hand. "Then shall we enter the building?"

"The nerve," wala sa sariling usal ko at sarkastikong napangiti. Inabot ko ang kamay ni Vincent at agad ko siyang hinatak papalapit sa akin dahilan upang mapahakbang siya patungo sa akin. Inangat ko ang aking ulo upang makabulong sa kan'yang tainga. "Nakalimutan mo na ba ang nangyari noon? Or perhaps ay may amnesia ka?"

Narinig ko siyang mahinang natawa. "Apparently, I've decided to forget unimportant things." Lumayo siya sa akin at hindi na niya nagawang maitago ang naaaliw na ngiti sa kan'yang mga labi. Hinawakan niya ang aking balikat at siya naman ang bumulong sa aking tainga, "If you want, puwede nating ulitin ang nangyari noon upang maalala ko."

Jerk!

Agad na nag-init ang dugo ko at akmang itutulak ko siya palayo nang maalalang maraming tao ang nakatingin sa amin ngayon.

"Vincent..." Nanggigigil kong pinanood siyang lumayo. Huminga ako nang malalim. "Go burn in hell."

"I would love to kung kasama kita." Nilahad niya muli ang kan'yang kamay at wala akong nagawa kundi ang abutin ito. Kung wala lamang mga camera ngayon ay paniguradong nabalian na ng buto ang lalaking kaharap ko ngayon.

"I don't have a date tonight." Sabay kaming naglakad papasok sa malaking gusali habang kasunod namin ang mga kapatid ni Vincent at ang kan'yang bodyguards.

"Me too." Matamis akong ngumiti at nilingon siya. Diretso lamang siyang nakatingin sa loob ng venue ngunit may aliw pa ring nananatili sa kan'yang mga mata. Bahagyang nakaangat ang sulok ng kan'yang mga labi kaya batid kong aliw na aliw siya sa mga nangyayari.

"Then it means that we are using each other," dugtong ko at humiwalay sa kan'ya nang tuluyang makapasok sa building. Wala nang camera sa gusaling ito kaya ang lahat ay malaya upang ipakita ang tunay na mga kulay.

"Thank you for accompanying me, Vincent. I really enjoyed our moment... unlike the moment that we had four years ago."

Tuluyan nang ipinakita ni Vincent ang kan'yang pagkaaliw at halos takpan na niya ang kan'yang bibig upang itago ang kan'yang ngiti.

"Ibig-sabihin ba niyan ay hindi mo na-enjoy ang nangyari noong gabing—"

Oh, shit!

Nanlaki ang mga mata ko at kusang humakbang ang aking mga paa palayo upang hindi marinig ang sunod na sasabihin ni Vincent. I heard him laughed kaya nanggigigil na lamang akong napatiim-bagang.

Heavens! He became so much worse! At paniguradong tuwang-tuwa siyang nakikita akong hindi natutuwa sa kan'yang mga kinikilos.

Halos sampalin ko na ang aking noo nang maalala ang ginawa ko noon. At ngayon ko lang mas napagtanto na lubhang nakakahiya ang ginawa ko noon! Pinangako ko na talaga sa sarili ko na kailanman ay hindi na ako maglalasing!

Kung ano-ano ang nagagawa ko kapag nasa impluwensya ako ng alak.

Dinig ko ang bulungan ng mga tao ngunit hindi ko na ito pinansin. Dumiretso ako sa isang bakanteng lamesa at dahil hindi pa rin ako makahuma sa nangyari ay hindi ko napansin ang babaeng tumabi sa akin. Ang kan'yang katawan ay nababalot ng itim na long sleeve night gown. Imposible ring makita nang malinaw ang kan'yang mukha dahil natatakpan ito ng isang itim na net na nakakabit sa kan'yang malaking hat. Agaw-pansin ang kan'yang pulang-pula na lipstick. Sa palagay ko ay imposibleng makita ang paa ng babae dahil mahaba ang suot niyang gown.

"It seems that everyone is enjoying the party." Bahagya akong napalingon sa kan'ya nang naglabas siya ng isang malaking pamaypay. At nagtaasan ang mga balahibo ko nang marinig siyang mahinhin na tumawa. Gamit ang pamaypay ay tinakpan niya ang kan'yang mga labi.

"How about you, Shianna?" Tuluyan na akong napatingin sa kan'ya habang siya ay diretso lamang na nakatingin sa stage. Hindi na siya muling nagsalita dahil may isang panibagong emcee ang umakyat sa stage. Napalingon ako sa mga bata nang makitang naglalakad sila patungong stage.

"Sino ka?" Nilingon ko ang babae ngunit gayon na lamang ang gulat ko nang makita siyang naglalakad palayo. Awtomatikong tumayo ako, at dahil nagsisimula na ang event—napunta sa akin ang atensyon ng mga tao. Idagdag pa na nasa akin na talaga ang kanilang mga atensyon.

"Miss Shianna?" takang pagtawag ng emcee. "May sasabihin ka po ba?"

Pasimpleng tiningnan ko ang mga guest na nasa paligid. Nahuli kong nakatingin sa akin si Mom habang nakataas ang isa niyang kilay. Katabi niya ang aking half-brother at ang kan'yang lalaki.

Kailanman ay hindi ko sila ituturing na isang legal na pamilya.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa aking upuan at pumayapa na rin ang lahat. Inabutan ng staffs ng mga microphone ang mga bata. Samantala, pinagmasdan ko ang buong lugar at doon ko napansin na mas naging kaunti ang guards na nasa loob ng venue. Sa totoo lamang ay kung wala ang guards ni Vincent ay tuluyan nang mahahalata kung gaano hindi ka-secured ang venue.

"M-Magandang gabi po!" Cute na ngumiti ang isang bata sa mga guest at ang mga huli naman ay ngumiti lamang. Bakas sa kanilang mga mata na wala silang gana sa gagawin ng mga bata. Palibhasa, nais lamang nilang makisalamuha sa mga anak-mayaman.

"Ako po si—Rexia! Masaya ako na makita kayong lahat!"

"Aww, ang cute naman!" sarkastikong saad ng isang matandang babae at sunod ay nagtawanan ang guests. Mas napangiti ang bata sa pag-aakalang sinserong napasaya niya ang mga tao.

"Ahm..." Ngumuso ang bata at maya-maya ay napaubo siya. Napaangat ako ng tingin sa second floor nang makita si Cayer na karga si Nash. Kumunot ang noo ko nang makitang wala si Ashy sa kan'yang tabi.

Nasaan ang anak ko?

At akala ko ba ay umuwi na sila?

'Mommy.' Nakita kong binuka ni Nash ang kan'yang bibig at tuluyan na akong naalarma nang makita ang takot sa kan'yang mukha. Samantala, si Cayer naman ay seryoso ang mukha. Ngunit dahil sa saglit na papalit-palit ng kan'yang ekspresyon ay napagtanto kong nag-aalala rin siya.

"Rexia... a-ayos ka lang ba? Are you sick?"

"Someone, call a doctor."

"Oh my God!"

Napatayo ako nang makitang bumaba sila Cayer sa hagdanan na yari sa isang mamahaling kahoy. Napalingon ako sa stage nang makarinig ng isang tili rito. At sakto niyon ay nakita ko ang mga bata na sunod-sunod na nawalan ng malay. Huling natumba si Rexia na napaubo pa ng dugo.

"Ang mga bata!"

"Mommy! S-Si Ashy—nawawala!" Muli akong napalingon kay Nash nang marinig na humikbi siya. Saglit na nablanko ang aking utak nang marinig ang sinabi ng anak ko.

S-Si Ashy...

Ang anak ko.

H-Hindi.

"Mommy!" Biglang namatay ang lahat ng mga ilaw dahilan upang mabalot ng dilim ang buong paligid. Dinig ko ang tilian ng mga tao habang ako ay awtomatikong tumakbo patungo kila Nash kahit wala akong nakikita.

"A-Anak." Kinapa ko siya at tuluyan na siyang napaiyak. Kinarga ko siya at mahigpit niya akong niyakap.

"M-Mommy... I am afraid."

"Forgive me for my negligence, Miss Shian." Seryoso at kalmado na binuksan ni Cayer ang flashlight na lagi niyang dala. Inabot niya ito sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.

"Saan n'yo huling nakita si Ashy?"

"Sa library, M-Mommy." Mas napaiyak si Nash. "I j-just went to the bathroom to pee—p-pero pagbalik ko, wala na si Ashy."

Naglabas ng panibagong flashlight si Cayer at binuksan niya ito. Pinakarga ko sa kan'ya si Nash na umiiyak pa rin.

"Take him to a safe place," utos ko. "Hahanapin ko si Ashy."

"But it's dangerous!"

"So what?!" Halos sabunutan ko na ang aking sarili. Dinig sa buong lugar ang nag-pa-panic na mga tao na hindi alam kung ano ang mga gagawin.

"Anak ko ang nawawala, Cayer!" Nagtagis ang aking mga ngipin at sisigaw pa sana nang maalala si Nash. Pilit na bumuntong-hininga ako at nilapitan ang aking anak. Marahan kong hinawakan siya sa ulo at hinalikan ang kan'yang buhok. Mabuti na lamang at hindi kami napapansin ng mga tao dahil abala sila na isalba ang kanilang mga sarili.

"Mommy will be back. And I promise, kasama ko na si Ashy sa pagbalik ko."

"Mommy, please, t-take care." Humikbi si Nash at ngumiti lamang ako. Tinalikuran ko na sila ngunit bago ako tumakbo palayo ay tinanong ko si Cayer kung nasaan ang library at playground. At ang sinabi niya ay nasa fifth floor ang playground habang nasa second floor naman ang library. Inuna ko ang library at halos madapa pa ako sa hagdanan dahil sa heels na aking suot. Huminto ako sa pag-akyat at mabilis na inalis ang suot kong pang-yapak. Tinapon ko ito sa kung saan at muling umakyat patungong second floor. Hindi na ako nahirapang hanapin ang library dahil ang bawat kuwarto ay may label sa itaas ng pinto.

"ASHY?" Tinutok ko ang gamit kong flashlight ngunit wala sa library ang anak ko. Napahilamos ako ng mukha at lumabas ng kuwarto. Dumiretso ako sa dulo ng second floor dahil batid kong nandito ang hagdanan. Hanggang 25th floor ang building at ang style ng first at second floor ay parang bahay. Ang third floor patungo sa tuktok ng building ay naka-hotel style na.

Malakas kong sinipa ang pinto patungo sa hagdanan. May sumalubong pa sa akin na mga staff na hindi ko pinansin. Patakbong inakyat ko ang hagdanan patungong fifth floor at hinihingal na ako nang marating ito. Muli ay hinanap ko ang playground at nang saktong mahanap ko ito ay saktong lumabas ang isang babae na naka-all black outfit. Isang kasuotan na madalas na makikita sa isang spy.

"Hoy!" sigaw ko nang bigla siyang tumakbo. Hindi ko na nagawang tingnan ang loob ng playground dahil kusang kumilos ang aking katawan upang habulin siya.

"You, woman! Huwag ka talagang magpapahuli sa akin!" Mas binilisan ko ang aking pagtakbo at nilingon niya ako. Natatakpan ang kan'yang mukha kaya hindi ko siya magawang kilalanin.

Dumiretso siya sa hagdanan at dito ay naghabulan kami. Humugot ako ng malalim na paghinga at buong lakas na in-skip ang iilang baitang ng hagdanan.

"I'll kill you!" Pumasok siya sa seventh floor at halos mapatili ako nang nakita kong may ibinato siya. Ngunit dahil lubhang mabilis ang aking pagtakbo ay hindi ko magawang huminto.

"Give me my child, you bitch!" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglabas ng usok ang kan'yang ibinato. Napasigaw ako sa panggigigil at ubod-lakas na ibinato ko sa kan'ya ang aking hawak na flashlight. Bago tuluyang dumilim ang paligid ay nakita ko pang diretsong tumama ito sa kan'yang ulo. Narinig kong d*****g siya at patuloy kaming naghabulan kahit wala na akong tanglaw.

"This is emergency! This mission shall be aborted." Narinig kong saad ng babae habang hinihingal na tumatakbo. "I am calling for a backup!"

"WALANG TATAKAS, H1NAYUPAK KA!" Dinampot ko ang aking nahawakan at ibinato ito sa kan'ya. May nadampot muli ako at akmang ibabato ito sa kan'ya nang biglang lumiwanag ang paligid. Saglit akong napapikit dahil sa pagkasilaw at nang dumilat ako ay nakita ko ang babae na kaharap ang isang elevator na bumukas.

"Hoy! SANDALI!" Nagmamadaling hinabol ko siya ngunit nakapasok na siya ng elevator. At nang huminto ako ay papasara na ito. Gamit ng natitirang siwang ng pinto nito ay tiningnan ko ang babae. At halos mayanig ang mundo ko nang makitang inalis niya ang kan'yang takip sa mukha.

H-Hindi...

Imposible!

"Long time no see, Miss Shianna." Ngumiti si Ms. Ybañez at nagkatitigan kami. At bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator ay itinuro niya ang kan'yang itaas.

Ang anak ko—nasa tuktok siya ng building!

Dumiretso ako sa pangalawang elevator at binuksan ito. Biglang nanghina ang aking mga tuhod kaya pasalampak na pumasok ako rito.

Ashy... H-Hindi ko kakayanin kung mapapahamak ka.

Hindi... Hindi ako papayag na masaktan ka!

Bumukas ang elevator kahit nasa 23rd floor pa lamang ako. Sinubukan kong isara ang elevator ngunit hindi ito gumana. Napalunok ako at tiningnan ang nasa labas. Muli akong napalunok nang makita ang patay-sindi na mga ilaw.

Huwag n'yo sabihing nasa isa akong horror movie ngayon.

Bahala na!

Lakas-loob na lumabas ako sa elevator at tumakbo patungo sa dulo ng floor. At halos mapatili pa ako sa takot nang mapansin ang mga ilaw na sunod-sunod na namamatay matapos ko silang lagpasan.

Marahas kong binuksan ang pinto patungong hagdanan at napatili na talaga ako nang muling dumilim ang buong paligid. Wala na namang ilaw!

Nanginginig kong hinawakan ang handle ng hagdanan at tinakbo ito patungong tuktok ng building. May narinig akong kumalabog kaya muli akong napatili.

Para sa anak ko—kakayanin ko ang lahat!

"ASHY!" Hinihingal kong binuksan ang pinto patungong rooftop at sumalubong sa akin ang isang marahas na hangin. Agad akong napaangat ng tingin nang makita ang isang helicopter na unti-unting umaangat sa ere. Nagtama ang paningin namin ni Ms. Ybañez na kaswal na nakasandal sa upuan. Nginisihan niya ako at tuluyan nang lumipad ang helicopter palayo. Wala akong inaksayang oras at agad na hinanap si Ashy. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nakatayo siya malapit sa gilid ng rooftop. Hawak niya ang isang kamay ng isang bata at ang natitirang mga bata ay nasa kanilang likuran. Silang lahat ay nakatanaw sa langit, pinagmamasdan ang papalayong sasakyang panghimpapawid.

"Ashy!" Lumapit ako sa kan'ya at mabagal niya akong binalingan. At halos matigilan ako nang makita ang kan'yang blankong mukha.

"Mommy." Mabagal siyang kumurap. "It's dangerous here."

Tuluyan na akong natigilan nang marinig ang sinabi ni Ashy. Pinigilan kong mapaluha at nilapitan siya. Binitiwan niya ang isang bata at hinarap ako.

Matagal kaming natahimik hanggang sa muli siyang nagsalita. At doon ay tuluyan na siyang napaluha.

"M-Mommy."

"Don't worry. Mommy's here." Akmang kakargahin ko siya nang biglang may pasigaw na nagsalita.

"Shianna!" Sumulpot si Mom na sapo ang d****b dahil siya ay hinihingal. Tumigil ang aking mga kamay sa ere at nagkatinginan kami ni Ashy. Napatiim-bagang ako at binalingan ang batang babaeng kasama niya. Kinarga ko ito habang si Ashy ay inosenteng nakatingin sa akin. Pinigilan niyang mapaluha habang nakatingin sa akin.

Sunod-sunod na sumulpot ang mga guest. May kasama na rin silang media na nakaabang sa mga nangyayari. Saglit akong napatingin sa batang karga ko dahil nawalan ito ng malay.

"Are the children fine?" kunwaring nag-aalalang tanong ng isa. Tinakpan niya pa ang kan'yang bibig upang magmukha siyang kapani-paniwala.

"Drop the act, woman." Malamig ko siyang tiningnan habang ang mga camera ng mga reporter ay sa akin na nakatutok. Mabagal akong naglakad papalapit sa kanila at mapait na ngumiti.

"Alam nating lahat na wala kayong pakialam sa mga bata kaya nangyari ang lahat ng ito. Nakita n'yo na, 'di ba? Nag-pa-party kayo habang ang mga bata ay nakabukod sa inyo. Wala rin silang mga bantay. Tingin ko nga rin ay hindi pa sila kumakain dahil walang nag-aasikaso sa kanila," tukoy ko sa isa sa mga batang narinig kong humikbi habang sinasabi na gutom na siya.

"That's not true!" Napalunok ang isang babae at pilit na nagtapang-tapangan. Napatingin siya sa camera at napatiim-bagang.

"Not true? Then tell me kung saan napunta ang mga bantay rito. Kulang ba kayo sa budget o sadyang wala kayong pakialam?"

"Ang mga guwardiya ba ang tinutukoy mo, Miss Shianna?" singit ng isang reporter. "Kung hindi ako nagkakamali ay nakita ko silang binabantayan ang mga mamahaling kotse ng guests."

Nagsinghapan ang mga tao at guilty na nagkatinginan. Samantala, si Mom na alam kong hindi guilty ay napabuntong-hininga na lamang.

"See? So stop acting like you care—"

"Shut up!" sigaw ng isang babae at nilapitan ako. Marahas niyang hinawakan ang braso ko. "So what, huh? At least hindi kami tulad mo na bigla-biglang sumulpot—"

"What the hell is happening here?"

Lahat ay natigilan nang dumagundong ang boses na kilalang-kilala ko.

Nandito na ang angkan ko.

"Ang Viacera," bulungan ng mga tao at umatras upang bigyan daan ang Viacera Clan na halatang hindi natutuwa sa naabutang pangyayari. Lihim akong nakahinga nang maluwag nang makitang hindi nila kasama ang great-grandfather at ang grandfather ko.

"Oh! Shianna? You're back!" Kumaway sa akin si Livi na isa sa mga pinsan ko. Kasama niya ang mga tita at tito ko na salubong ang mga kilay. Samantala, ang mga pinsan ko ay kaswal na nakatayo habang sinusuri ang paligid. Ang mga babae ay mataray at istrikto na nakahalukipkip habang ang mga lalaki ay walang emosyon na pinapanood ang nangyayari. Ang ilan ay halatang nasisiyahan sa gulo na nasaksihan. Mahal talaga nila ang thrill, huh?

"Oh?" Naglakad si Cassie papalapit sa amin ng babae. Tiningnan niya ang huli at pinaningkitan ito ng mga mata. "Wow." She clicked her tongue. "Kung ako sa'yo, girl, bibitiwan ko na si Shianna dahil ayokong dumiretso sa hukay. Alam mo bang nasa dugo namin ang pagiging malakas? Kung hindi lamang kami lubhang mayaman ay paniguradong mga master na kami ng martial arts." Mahina siyang natawa at humalukipkip. Matagal niyang tinitigan ang babae at nang mapansing wala itong balak na bitiwan ako ay nagsalubong ang kan'yang mga kilay.

"Cassandra!" Narinig kong saway ni Tita Midel nang makitang nilapitan ni Cassie ang babae. Ang ilan sa mga pinsan ko ay sumipol lamang.

"Hoy." Napatili ang babae nang bigla siyang hinatak ni Cassie palayo sa akin. Agad na napangiti ang aking pinsan nang makitang nanginginig sa takot ang babae. "Sinabi ko na sa'yo, bitiwan mo si Shianna. Kami lang... ang may karapatan na hawakan siya. Wala kang karapatan dahil wala ka pa sa kalingkingan ng kapangyarihan namin." Humigpit ang kan'yang pagkakahawak sa palapulsuhan ng babae at napaiyak na sa takot ang huli. "Kilalanin mo ang kinakalaban mo, babae."

"P-Patawad!" Humagulhol ang babae kaya binitiwan na siya ni Cassie. Hinarap ako ng aking pinsan at bumaling siya sa batang hawak ko. Nilahad niya ang kan'yang mga braso at binigay ko sa kan'ya ang bata. Maingat niya itong binuhat at marahan itong tiningnan.

"Ano ang nangyari?" Tumaas ang kan'yang kilay. "Ah... Nevermind." Tinalikuran niya ako at bumalik sa kinatatayuan ng aking angkan. Pinasunod ko sa kanila ang mga bata kabilang na si Ashy upang makasama sila sa kanilang pag-alis. Matapos mawala ang Viacera Clan ay saktong dumating si Vincent na halatang bahagyang naaaliw sa nangyayari.

Isa pa itong demonyo na ito.

Kasunod niya si Cayer na kasama si Nash. Huminga ako nang malalim at nilapitan si Vincent. Marahas kong hinablot ang kan'yang kamay at bago ko siya hinila palayo ay hinarap ko si Cayer.

"Follow me. But first, pick her," tuloy ko kay Ashy. Tumango siya kaya hinila ko na si Vincent palayo. Sumakay kami sa isang elevator at nang magsara ito ay marahas ko siyang isinandal sa wall ng lift.

"Sabihin mo sa akin, Vincent." Sinalubong niya ang aking galit na titig gamit ang kan'yang malamig na mga mata. Halos manlamig ako sa biglang pagbabago ng kan'yang emosyon.

"Ano ang nangyari after kong tumakas? To be precise, ano ang nangyari kay Ms. Ybañez? Ang dati mong secretary?"

"She's dead." Napasinghap ako nang hinawakan ni Vincent ang magkabila kong braso. "She helped you escape from me. Tingin mo ba ay hahayaan ko lamang siya na mabuhay?"

"Sabihin mo sa akin ang totoo! Alam kong buhay pa siya!"

"If you still think that she's alive, then the thing isn't the same for me. Kilala mo ako, Shianna." Napatitig ako sa kan'yang madilim na mga mata. "Wala akong pinapatawad na traydor."

Saglit akong natahimik at maya-maya ay nag-iwas ng tingin. "You're cruel."

"I am and will always be." He smiled darkly and he leaned closer. Halos mapasinghap ako nang maramdaman ang pagtama ng kan'yang mainit na mga labi sa aking tainga. "At handa akong maging mas marahas pagdating sa'yo."

Isang nakakabinging katahimikan ang pumainlang. Unti-unting namuo ang mga butil ng pawis sa aking noo. Unti-unting nanghihina ang aking mga tuhod habang tumatagal na magkalapit kami ni Vincent. Mabuti na lamang at bumukas ang elevator. Lumabas agad si Vincent habang ako ay nanghihinang napasandal sa wall ng lift. Mabigat ang aking paghinga nang makalabas ng elevator. Sumalubong sa akin si Cayer na buhat-buhat si Ashy na nakatingin sa akin. Si Nash ay lumapit sa akin at hinawakan ang damit ko.

"M-Mommy," marahang usal ni Ashy at sinubukan niya akong abutin. Lumamlam ang aking mga mata at pinanood si Cayer na lapitan ako. Kinuha ko sa kan'ya si Ashy at kinarga ang aking anak. Hinawakan ko naman si Nash sa kan'yang maliit na kamay at sabay kaming naglakad palayo. Huminto ako sa paglalakad at galit na nilingon si Cayer. Pormal ang kan'yang mukha ngunit alam kong lihim na niyang sinisisi ang kan'yang sarili.

Tumalim ang pagtitig ko sa kan'ya. "Let's talk once we go home." Napatiim-bagang ako at tuluyan nang naglakad palayo habang kasama ang aking mga anak.

This night... hindi ko ito makakalimutan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status