She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-07-23
Oleh:  Ms. Rose Baru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
25Bab
172Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 1

“No!!! Hindi!!! Ayoko!!!” mariing sigaw ni Elizabeth habang nanginginig sa galit ang kanyang tinig. Napalakas ang kanyang tinig, sapat para umalingawngaw sa buong bahay nilang tila nagbabadya ng gulo.

“Bakit ba, anak? Bakit ba ang hirap mong pakiusapan?” tugon ng kanyang ina, si Claire, na hindi na maitago ang pagkadismaya. “Date lang naman ‘yon. Hindi naman ibig sabihin aasawahin mo na agad si Greg! Anak, sayang ang ganda mo kung hindi mo gagamitin. Pwede tayong makabangon sa pagkakalugmok kung matutulungan mo kami!”

Napatingin si Elizabeth sa kanyang ina na parang hindi niya kilala. “So ganun na lang? Gagamitin ko ang sarili ko para lang makabayad tayo sa utang? Ako? Ako ang isusugal niyong muli—pero hindi sa casino, kundi sa buhay ko mismo?”

Sumabat ang ama niyang si Raymond, mas matigas ang pananalita. “Anak, huwag kang makitid ang utak. Ang kailangan lang, makipagdate ka. Wala namang masama doon. Isa pa, matagal nang may gusto sa’yo si Greg. Hindi mo ba naiisip kung gaano kalaking tulong ang magagawa niya para makabangon tayo?”

Napailing si Elizabeth, halos mapaiyak na sa galit. “Tulong? Tulong? Paano naging tulong ‘yon kung kapalit ay ang dangal ko? Ma, Pa, may trabaho ako. Oo, hindi kalakihan, pero hindi naman ako palamunin. Bawat sweldo ko, sinusubukan kong magbigay sa inyo para mabawasan ang mga utang natin. Bakit parang hindi sapat lahat ng ginagawa ko?”

“Anak…” muling pakiusap ni Claire, ngunit pinutol siya agad ni Elizabeth.

“Ma! Pa! Hindi naman ako ang dahilan kung bakit tayo nabaon sa utang! Hindi ako ang dahilan kung bakit nalugi ang mga negosyo natin. Alam nating lahat kung sino ang may kasalanan! Kung hindi kayo nalulong sa sugal, hindi tayo aabot sa ganito!”

Nagkatahimikan. Bigla ang pagkalma ng paligid. Walang gustong magsalita. Hanggang sa...

PAAAAGGKKK!!!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ni Elizabeth. Mula ito kay Claire. Napaatras siya sa lakas ng tama. Napahawak siya sa kanyang mukha, at unti-unting pumatak ang luha niya, hindi dahil sa sakit ng sampal kundi dahil sa sakit ng katotohanang kayang-kaya siyang saktan ng sariling ina.

“Anak… sorry... hindi ko sinasadya,” mahinang sabi ni Claire habang nanginginig ang mga kamay. Nangingilid na rin ang kanyang luha ngunit hindi na iyon pinansin ni Elizabeth.

“Hindi sinasadya? Gano’n na lang?” umiiyak na sigaw ni Elizabeth. “Isang salita lang ang sinabi ko—ang katotohanan. At ito ang isusukli mo sa akin? Sampal?”

“Ayusin natin ‘to, anak. Hindi na mauulit. Napikon lang ako,” pakiusap muli ni Claire, ngunit si Elizabeth ay tila wala na sa mundong iyon. Hindi na siya nakikinig.

Naglakad siya paakyat ng hagdanan, mabilis, mabigat ang hakbang. Sa bawat hakbang ay parang nawawala ang tiwala niya sa sariling pamilya. Pagpasok ng kwarto, binagsak niya ang pinto at ikinandado. Napasandal siya sa likod ng pintuan at tuluyang napahagulgol.

“Tama na. Sobra na.” Bulong niya sa sarili habang nanginginig ang buong katawan.

Maya-maya, pinunasan niya ang mga luha. Tumayo siya at nagsimulang mag-empake. Hindi na siya magpapatuloy sa isang bahay na hindi na tahanan kundi kulungan.

Kinuha niya ang cellphone at agad na tinawagan ang kanyang matalik na kaibigan. “Hello, best? Si Elizabeth ‘to… Pwede ba akong pumunta dyan sa inyo sa probinsya? Kailangan ko lang talaga ng matatakbuhan.”

“Best? Of course! Miss na miss na kita. Share ko na lang location. Dito ka na muna, okay? Don’t worry, safe ka dito,” sagot ni Monique sa kabilang linya.

Matapos ang tawag, mabilis na tinapos ni Elizabeth ang pag-iimpake. Bawat damit na malagay niya sa bag ay parang isang hibla ng galit at sakit na nais niyang iwan. Hindi niya na kayang huminga sa bahay na puno ng manipis na pasensya, mabigat na problema, at sugat na paulit-ulit na binubuksan.

Nagmasid siya sa paligid bago lumabas ng kwarto. Taimtim ang bahay. Tahimik. Siguro’y nagkulong na rin sa kani-kanilang kwarto ang mga magulang niyang marahil ay dinapuan na rin ng konsensya—o baka hindi. Marahan siyang bumaba, tangan ang kanyang maleta. Dahan-dahang binuksan ang pinto at lumabas, parang isang bilanggong tumatakas sa kadiliman.

Pagkaupo sa driver's seat ng kanyang kotse, binulungan niya ang sarili. “This is it. I’m ready. Kailangan kong makalayo. Kailangan kong muling mabuhay.”

Paglabas ng kanilang gate, bahagyang lumiwanag ang kanyang mukha. Inapakan niya ang silinyador. Sa wakas, nakalaya rin siya sa pighating paulit-ulit ipinapasan sa kanya. Ang bawat kilometro palayo ay tila isang hakbang patungo sa kanyang kalayaan.

Pakanta-kanta pa siya habang nagmamaneho. Hindi man ganap na masaya, pero ang katahimikan ng kanyang paligid ay nagbibigay ng kapayapaang matagal na niyang hinahanap. Malapit na siya sa destinasyon—isang bayan na lang ang layo mula sa lugar ni Monique—nang biglang…

“PSSSSSHHHHKKKKKKKKK!!!”

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
25 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status