Mag-log in2/2. Good night na dittttoooo <3 Enjoyyyy
FINALE 1:THIRD PERSON POV Mag-aalas kwatro ng madaling araw.Ang malamig na hangin mula sa central air conditioning unit ng master suite ay tahimik na bumubuga. Sa ibabaw ng malapad at king-sized na kama, nag-iba ang ritmo ng paghinga ni Leonrei Feruzzi.Kahit sa pinakamalalim na tulog, ang katawan ng isang Mafia Boss ay naka-program na maghanap ng pamilyar na init.Ang kaniyang matipuno at hubad na braso ay awtomatikong gumapang sa kabilang panig ng kama, inaasahang makakapa ang malambot at balingkinitang baywang ng kaniyang asawa.Ngunit sa halip na mainit na balat, ang sumalubong sa mga daliri niya ay isang malamig at magaspang na tela.Kumunot ang noo ni Leonrei.Ang kaniyang subconscious ay nagsimulang magpadala ng signal ng panganib sa kaniyang utak. Idiniin niya ang kaniyang palad.Hindi iyon si Roselei. Isa itong unan na nakabalot sa kumot.Sa isang iglap, bumukas ang kaniyang madidilim na mata.Nawala ang bakas ng antok. Ang kalmadong asawa ay biglang napalitan ng isang nag
“You think I forgot about yesterday, Roselei?” ang boses niya ay naging isang mapanganib na bulong. Ang tono ng isang halimaw na nagtitiis.Kumunot ang noo ko, pilit na binabawi ang katinuan ko mula sa pagkahilo sa kaniyang haplos. “A-Anong kahapon?!”“Not that,” mariing sabi niya. Ang kaniyang mga ngipin ay marahang kumagat sa earlobe ko, nagpadala ng panibagong panginginig sa aking gulugod. “The phone call. Valerius.”Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko napigilang mapahagikhik kahit pa halos matunaw na ako sa ginagawa ng mga kamay niya sa ilalim ng damit ko.“Pusang kinalbo, Leonrei Feruzzi! Hanggang ngayon ba naman nag-aalburuto pa rin iyang selos mo kay Snyder?! Nag-report lang naman yung tao! Siya na nga ang nagbabantay ng buong imperyo ng mga Diamante para sa atin eh!Tsaka diba, pinagbayaran ko na iyon kagabi?! Hindi ka parin ba satisfied?”Marahas siyang umungol, tila hindi nagustuhan ang pagtatanggol ko. Ang kaniyang mga daliri ay mas lalong humigpit sa aking baywang. Humarap
“Roger that, Daddy! Tito Zora will need an umbrella today! Hahaha! Bye Mama! Bye Baby Hotdog!”Kumaripas ng takbo palabas ng kwarto si Reyleigh, naiwang nakabukas ang dambuhalang pinto. Narinig ko pa ang pag-alingawngaw ng tawa niya sa pasilyo at ang sigaw ng mga gwardya sa labas.Naiiling na hinampas ko ang braso ni Leonrei. “Siraulo ka talagang tatay ka. Binribe mo pa ang bata para lang layuan tayo. Kawawa naman si Zora, baka nagkakape pa lang yun sa ibaba, paliliguan na ng anak mo.”Hinuli ni Leonrei ang kamay kong humampas sa kaniya at marahan itong hinalikan.“Zora gets paid triple his original salary. He can handle a little water,” katwiran ng asawa ko, ang mga mata ay unti-unting bumababa sa suot kong oversized nightshirt.Ang paningin niya ay nag-uumpisang mag-iba—mula sa pagiging inis na ama, tungo sa isang gutom na asawa.“And now… we have the whole morning to ourselves, Mrs. Feruzzi,” malagkit na bulong niya sabay hila sa baywang ko.Mabilis kong itinulak ang matigas niyang
ROSELEI.Kinabukasan.VROOOOOOM! VROOOOOOM! SKRRRRRT!“Beep! Beep! Tabi po, dadaan ang maangas na kotse! Vroooom!”Napangiwi ako habang nakapikit pa rin ang dalawang mata ko.Ang bigat ng talukap ko.Pakiramdam ko ay ninakawan ako ng lakas ng isang buong batalyon dahil sa pinagsamang pagod sa byahe pabalik ng Pilipinas, ang morning sickness ko dahil sa ikalawang baby namin, at ang puyat dahil sa… ehem… madamdaming pagsuyo ko kagabi sa asawa kong kumunot ang noo dahil sa tawag ni Snyder.Hays!At mukhang walang balak makisama ang tadhana sa pangarap kong matulog hanggang tanghali.BLAG!“Ouch! Sorry, Mister Hotdog! Traffic eh!”Unti-unti kong iminulat ang isang mata ko at siningkitan ang maliit na demonyitong nagwawala sa paanan ng aming king-sized bed.Diyos ko po.Nakasuot ang limang taong gulang kong anak ng kaniyang paboritong Iron Man na pajama, habang hawak ang isang pulang remote control.Sa ibaba, sa mismong mamahaling at makapal na carpet ng aming master bedroom, ay walang hab
“Princess Roselei. Feruzzi,” umalingawngaw ang malamig, baritono, at napakapormal na boses ni Snyder Valerius mula sa kabilang linya. Direct call mula sa Kastilyo.“Snyder! Kamusta ka na diyan?” masaya kong bati.Narinig ko ang mahinang paghinga ni Snyder sa kabilang linya—malamig at plantsadong-plantsado tulad ng kaniyang pamilyar na personalidad.“I am fine, Princess. I am calling to deliver the official report regarding the underworld operations,” panimula ni Snyder. “As of 0300 hours today, the Lutos Syndicate has been completely neutralized and wiped off the grid. Their remaining territories have been fully assimilated under the Diamante name.”Napatingin ako kay Leonrei. Tumango lang nang seryoso ang asawa ko.“All localized threats have been eliminated,” patuloy ni Snyder. “The Supremo has officially stepped down and is currently occupying himself with managing his legal business. He sends his regards and demands that you send him videos of Reyleigh every Sunday.”“Naku, ang mat
Bumungad si Leonrei Feruzzi.Ang kinatatakutang CEO ng King Hotdog Corp. at ang Supremo-level Mafia Boss na nangingibabaw sa buong underworld.Pero ngayon? Ang kaniyang pormal na suit jacket ay n*******d na at nakasabit sa kaniyang braso. Ang manggas ng kaniyang mamahaling puting polo ay nakatupi hanggang siko, na naglalantad sa kaniyang matitigas na muscle at mga ugat sa braso.At ang pinakamatindi... may suot siyang pink floral apron sa ibabaw ng kaniyang pormal na slacks!May hawak siyang tray na may umuusok na platito ng pagkain at isang baso ng mainit na gatas.Napagalit-tawa ako habang nakatingin sa kaniya. “Pusang kinalbo, Mister Hotdog! Anong nakain mo at nag-suot ka ng apron ng mga cook natin sa ibaba? Mukha kang bouncer ng bar na napilitang maging housemate sa Bahay ni Kuya!”Umirap si Leonrei—isang simpleng galaw na mas lalong nagpalabas ng kaniyang napakagwapong mukha kahit may maliit pang marka ng lumang sugat sa kaniyang panga.“Shut up, little vendor,” malamig niyang sab
ROSELEI RIVAMONTE’S POV“Maniiiii”“Mani! Bili na kayo ng mani! May adobo, may sili, may matamis!” sigaw ko sa hangin kahit wala namang masyadong dumadaan.Masakit ang ulo ko, pagod ang katawan, at amoy alak ang hininga ko.Pero heto ako ngayon, naglalakad pa rin sa madilim at malamig na kalsada ng
APAT NA TAON ANG LUMIPAS.LEONREI FERUZZI’S POV“Daddy, no! I don’t want that! It looks like plastic!”Napabuntong-hininga ako habang hinihilot ang sentido ko. Nasa loob kami ng custom-made na bulletproof black Maybach, binabagtas ang trapikong kalsada ng Maynila.Sa labas, ako ang kinatatakutang p
“M-Ma... nasaan ang baby?” bungad ko.Tumayo ang foster mother ko. Wala man lang reaksyon sa mukha. May kinuha siyang isang maliit na kumot na may bahid ng dugo, at inabot iyon sa akin. Walang galaw. Walang tunog.“P-Patay na,” malamig na sabi niya. “Mahina raw ang baga. Binalot na namin para maipa
ROSELEI RIVAMONTE’S POVMasakit.Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang unti-unting magising ang diwa ko.Parang binugbog ang buong katawan ko. Dumilat ako at sinalubong ang manipis na sinag ng araw mula sa basag na bintana ng abandonadong kwarto.Gumalaw ako at naramdaman ko ang isang mabigat na b







