LOGINThis story shows they divorced but not unloved. It hurt's to stay, It hurt's to leave. We chose the hurt that healed.
View MoreAng pagbabalik-tanaw na iyon ay tila dagdag na bigat sa konsensya ni Rafael na eksakto sa inaasahan niya. Dumilim ang mga mata ni Rafael habang pinag-iisipan ang kanyang mga nagawa. Tama siya napabayaan niya na si Viviane. Masyado niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Isabela.Paano niya nagagawang ipag walang bahala ang taong nag-alay ng sariling buhay upang iligtas siya noon pa man? Utang niya ang kanyang buhay kay Viviane. Hindi dapat hayaang mas maging mahalaga ang iba pang babaeng naging liwanag at kaligtasan niya noon.Ngunit sa kabila ng lahat ng pasya at paninindigan, hindi maalis sa kanyang isipan ang mukha ni Isabela. Hindi niya maunawaan kung bakit sa bawat pagkakataong naiisip niya ito, nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Unti-unti, may puwang sa kanyang pusong binubuksan para sa babaeng iyon, at labag man sa kanyang kagustuhan, hindi niya ito mapigilan.Sa huli, tanging malalim na paghinga at walang pasubaling paghingi ng tawad ang kanyang nagawa. “Patawad, Viviane…
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng kanyang tito. Naging seryoso at bakas ang pangamba sa kanyang mukha. Viviane, hindi biro ang hinihingi mo. Paggawa ito ng pekeng dokumentong medikal. Kapag nabunyag ang katotohanan, hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi pati na rin ako. Haharap tayo sa legal na kahihinatnan."Naintindihan ni Viviane ang pag-aalinlangan nito. Mabilis na lumingon-lingon sa paligid upang masigurong walang nakikinig, saka dahan-dahang kumuha ng isa pang makapal na sobre mula sa kanyang bag. Inilapag niya ito nang mahinahon sa mesa at itinulak palapit sa kanya."Tito," bulong niya nang may diin, "alam kong hindi ito madali, may mga hakbang na akong ginawa upang masigurong hindi ito mabubunyag. At higit sa lahat... hindi ko hahayaang madamay kayo sa anumang panganib. Manatili lamang kayo sa gilid, at lahat ng responsibilidad ay sa akin."Tinitigan ni Viviane ang matanda, alam niyang ang nilalaman ng bagong sobre ay sapat na upang alisin ang anumang pag-aalinlangan nit
Bahagyang nabigla si Rafael. Wala ng lakas ang kanyang mga kamay, at naramdaman niya ang bilis na tibok kanyang dibdib. Sa bawat salitang inaamin ni Rafael kay Isabela kitang-kita ang hindin agad na mapaniwalang mukha ni Rafael, malinaw na hindi na ito tinatanggap kahit anong sabihin pa niya. Napangiti siya nang mapait, baligtad na nga ang lahat. Dati siya ang hinahabol, at ngayon siya naman ang hindi makabitaw, habang ang taong minsang nagmahal sa kanya ay tila wala nang pakialam.Sa loob ng sandaling iyon, biglang sumama ang pakiramdam ni Isabela. Umakyat ang pagkahilo at hapdi sa kanyang lalamunan. Hindi na niya napigilan at mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo, isinara nang malakas ang pinto, at sumandal sa lababo. Wala naman siyang mailabas na suka, halos wala pa siyang nakakain nang hilahin siya palabas ng restawran. Wala nang laman ang tiyan niya, at alam niyang ang sanggol sa kanyang sinapupunan ang dahilan ng lahat ng ito.Ipinatong niya ang kamay sa kanyang puson, bahagya
Napangisi si Isabela. "Akala mo ba pinakasalan kita dahil sa titulong iyan? Kung iyon lang ang habol ko, matagal na akong sumuko noong una pa lang. Ano ba naman ang halaga ng pagiging 'Mrs. Lim' kung wala namang respeto at pagmamahal sa loob ng bahay?"Pinagtagpi-tagpi ni Rafael ang kanyang mga daliri, isang kilos na laging ginagawa niya kapag nag-iisip nang malalim at kapag naghahanap ng tamang salita. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito negosyong pinag-uusapan. Puso at tadhana ng dalawang tao ang nakasalalay."Hindi mo naiintindihan," dahan-dahang sabi niya. "Ang pag-alis mo ay hindi lang basta pag-alis ng isang tao. Bilang asawa ng pinuno ng pamilyang Lim, ang iyong pag-alis ay magdadala ng kaguluhan sa kumpanya, sa pamilya, sa lahat ng bagay na itinayo namin. Hindi ito simpleng desisyon lang, Isabela. May kapalit ito na hindi mo maaaring balewalain.""Alam mo naman kung gaano kalawak ang negosyo ng pamilyang Lim hindi lang sa Lungsod, kundi sa buong bansa at maging sa ibang bans






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews